<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, July 03, 2009

Carla Abellana Flattered sa pagkukumpara kay Marian

Walang hindi magsasabi na na kay Carla Abellana ang lahat ng qualities para maging isang sikat na artista. Maganda, may appeal, may talento, edukada, at ayon kay direk Maryo J. delos Reyes na siyang nagdidirek ng kanyang unang serye sa GMA 7 na Rosalinda ay “nakakapag-deliver.”

Dagdag pa ng direktor na lahat ng ipagawa niya ay nagagawa ng baguhang aktres. “Kapag nagtagal-tagal pa siyang artista ay gagaling pa siya. Nasa molde na siya ng isang aktres,” sabi ni direk.

Pero ang pamilya ni Carla, kasama na ang kanyang amang si Rey “PJ” Abellana na hanggang ngayon ay aktibo pa ring aktor ay nagtataka kung bakit siya napasok bilang artista. Never nilang kinonsider ang showbiz.

“Sinasamantala ko lamang ang isang napaka-gandang pagkakataon. Napakalaki namang blessing ito ni Lord na hindi ko maaaring pakawalan,” sabi ni Carla na kaga-graduate lamang sa kolehiyo nung Marso at madaling nakakita ng trabaho, pero pinag-resign ng GMA 7 nang makita at magpasyang i-build up siyang artista.

Handa na ba siyang tanggapin maging ang pagsasabong sa kanila ni Marian Rivera na siyang nangyayari na ngayon?

“Flattered ako na makumpara sa kanya, nakata­taba ng puso dahil nakapag-set na siya ng kanyang standard. Ang ginagawa ko na lang ay enjoy-in ang trabaho ko. Nag-workshop na ako kay direk Joel Lamangan at nag-workshop na rin ako kasama ang cast.

“Enjoy ako na maging si Rosalinda. Marami kaming similarities. Pareho kaming simple at sobrang magmahal sa pamilya,” sabi ni Carla.

Gumaganap bilang kapareha ni Carla si Geoff Eigenmann bilang Fernando Jose Altamirano. Bukod sa talentong minana niya sa kanyang mga popular na magulang, paiibigin ni Geoff ang mga manonood ng TV sa kanyang kagwapuhan.

Bumabalik naman sa pag-arte si Katrina Halili bilang Fedra, kontrabida ni Rosalinda. Kasama rin sina Roderick Paulate, sa kanyang kauna-unahang teleserye sa GMA 7, Sheryl Cruz, Ariel Rivera, Gary Estrada, Glydel Mercado, Jessa Zaragoza, Yul Servo, Sherilyn Reyes, Ryza Cenon, Mike Tan, Mart Escudero, Sheena Halili, Marco Alcaraz, Marky Lopez, Carlene Aguilar, Ayen Munji-Laurel, Gian Magdangal at Krystal Reyes.

Dalawang direktor, sina Maryo J. at Gil Tejada, Jr. ang magtutulong para mapaganda ang love story ng isang simpleng florist at isang napakagwapo at mayamang abogado na kinababaliwan ng mga babae.

Palabas na ang Rosalinda sa Lunes, July 6 sa GMA Telebabad.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites