<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, July 27, 2009

Richard Gutierrez, matagal nang tumutulong sa pag-aaral ng anak ni Nomar

NAGKAROON ng farewell at victory party para sa movie press ang Zorro nu’ng Sabado sa 17th floor ng GMA 7, pero hindi ang tagumpay ng Zorro ang halos pinag-usapan doon.
Ang hinintay ng lahat ay ang sagot ni Richard Gutierrez tungkol sa kasong isinampa sa kanya ni Lorayne Pardo, ang asawa ng namayapa niyang production assistant na si Nomar.

Ramdam namin ang sama ng loob ni Richard sa pagdedemanda sa kanya ni Lorayne dahil hindi niya kagustuhan ang aksidente na naging dahilan ng pagkasawi ni Nomar.

Nakikita pa namin ang pilat sa may kilay ni Richard. Habang buhay na raw niyang dala-dala ang trauma ng aksidenteng iyun, pero lumala ang sakit niyon sa pagdedemanda sa kanya ng asawa ni Nomar.

“Kung tutuusin nga po, itong marka sa ulo ko, itong reminder ko sa aksidente… one inch away lang ito sa sugat ko, puwede na akong mamatay.

“It was an accident. Wala pong may gusto na mangyari ito, kahit ako po,” pahayag ng young actor na nakikita naming apektado sa mga nangyayari.

Gustong linawin ni Richard na nu’ng nabubuhay pa si Nomar ay tinutulungan na niya ito sa pagpapaaral sa panganay na anak nito.

Nalaman daw kasi ni Nomar na tumutulong si Richard sa World Vision na mapag-aral ang mga kapuspalad kaya inalok daw nito ang panganay na anak na tinupad naman ng aktor.
Hindi raw ito alam ni Tita Annabelle Rama at ngayon lang nito nalaman na malaki na ang naitulong ni Richard.

“Naalala ko na sinasabi ni Nomar na ang gusto lang naman daw niya mangyari ay mapagtapos nang pag-aaral ang mga anak niya,” dagdag ng aktor.

Pagkalabas ni Richard ng ospital, kaagad na pumunta ito sa burol ni Nomar at inalok daw nito si Lorayne na pag-aaralin niya ang mga anak nito.

Bibigyan daw niya ito ng educational plan, pero hindi raw tinanggap ni Lorayne.
Ngayon ay lumitaw na ang impormasyong hinihingi raw pala ni Lorayne ay P4M cash na sabi ni Tita Annabelle, parang bina-black mail na sila.

Mensahe ni Richard kay Lorayne, “Unang-una, nalulungkot ako dahil humantong tayo sa sitwasyong ganito. Alam mong mahal namin si Nomar.

“Pare-pareho tayong nawalan, at alam mo ring tumutulong ako sa pamilya ninyo. Bago pa nawala si Nomar, tumutulong na ako sa inyo.

“Alam mo rin ‘yung tulong na gusto kong iparating nu’ng nawala si Nomar ngunit ayaw n’yong tanggapin ‘yung tulong na gusto ko.

“Ang gusto n’yo, P4M, at hindi naman yata tama ‘yun.

“Kung tutuusin, gusto ko pa ring tuparin ‘yung tulong na paaralin ang mga bata pero ngayong idinemanda n’yo ako, gusto n’yo akong makulong dahil sa aksidenteng ito, nasasaktan ako.

“Hintayin na lang natin kung ano ‘yung mangyayari sa korte.”
***
Nakausap namin si Atty. Maranan (abogado ni Richard) para hingan ng sagot sa sinasabi ni Lorayne na ang isa sa mga batayan nito na pagdemanda kay Richard ay nakita nito ang ticket ng pagkahuli kay Richard noon dahil sa kasong reckless driving.

“Unang-una, I’d really like to see kung ano iyung ticket na sinasabi niya dahil this is the first time we knew it.

“Ngayon, hindi namin alam kung genuine ang ticket na iyun. We’d like to see it.
“Second, nakapagtataka rin dahil this ticket is suppposedly for Richard, nasa wallet ni Nomar.

“Thirdly, lahat ng tao na nagda-drive, at one point or another, nahuli ng pulis o natikitan. It’s hard to say much about that ticket considering we don’t know the circumstances of that particular incident.

“Apparently, it is not a ticket in relation to the accident na nangyari nu’ng May 22, “ sagot ni Atty. Maranan.

Haharapin daw nila ang kasong ito at naniniwala silang mabi-vindicate si Richard dito dahil wala raw itong kasalanan dito.

Malinaw raw na aksidente ang nangyari na muntik na ring ikamatay ni Richard.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites