<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, August 19, 2009

GMA7, nagpa-Misa para sa ‘Darna’

SA location sa Barangay Tungko, San Jose del Monte, Bulacan ginawa ang thanksgiving mass para sa successful pilot week ng Darna, na dinaluhan ng buong staff, crew at cast sa pangunguna nina Marian Rivera at Direk Dominic Zapata.

Dumalo sa Mass, na officiated ni Fr. Dennis Espejo, sina Lilybeth Rasonable, AVP for Drama at supervising producer, at Redgie Magno, senior program manager ng series.

Masayang-masaya si Marian sa mataas na ratings at magandang feedback sa Darna at inulit na namang team effort ito at hindi lang siya ang dapat i-congratulate.

Kagabi ang unang labas niya as Darna, ano ang feeling sa una niyang paglipad?

“Excited ako, ang sarap ng feeling. Malaki ang pasasalamat ko na nag-training ako dahil ayos ang landing ko. Hindi na rin ako conscious ’pag naka-costume, na-overcome ko ’yon sa launching nang maramdaman kong hindi na ako nahihiya. Sa pictorial, nahiya pa ako.”

Tsika pa ni Marian, dahil kumportable na siya sa costume, naglalakad siyang naka-costume at nagru-robe lang ’pag ipinaaalala sa kanyang magru-robe siya. Ito rin ang paalala ng rumored boyfriend na si Dingdong Dantes sa kanya, na mukhang nakalimutan ng dalaga.

Kagabi rin pala ang presscon ng sitcom nila ni Manny Pacquiao na Show Me Da Manny, na pilot sa August 23, at bukas, presscon ng Tarot, na showing sa Aug. 26. Susunod dito ang birthday party ni Marian na bigay ng Regal Entertainment.

“Kabaligtaran ng Darna ang sitcom, sobrang tapang, sobrang kalog at walang kinatatakutan. Horror naman ang Tarot at talagang matatakot ka. Masaya ako na iba’t ibang project ang nagagawa ko,” ani Marian.

[via]

Labels:

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Darna is number one here in United States =]

3:18 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites