<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, August 06, 2009

Marian Rivera 'di magpapahalik kay Mark Anthony

To date, maituturing na pinaka-impressive na produksiyon ng GMA7 ang Darna. Bukod sa napakarami ng artistang kasama na ayon sa isang executive ng Siete ay pangalawa siguro sa That’s Entertainment sa rami.

Oo nga pero si Marian Rivera lamang ang maituturing na major character, sila ni Narda, sa kuwento tungkol sa isang bato na maaaring magmula ang katapusan ng daigdig kung mapapasakamay sa puwersa ng kasamaan, pero marami pa ring ibang characters na magbibigay ng kulay sa kanyang buhay, mga mabubuti at masasamang tao na tutulong at pipigil sa kanya para iligtas ang sangkatauhan.

Bagaman at isa nang klasiko ang kasaysayan ni Darna, kumuha pa ang GMA 7 ng mga magagaling na manunulat para bigyan ng makabagong kuwento ang lumilipad na bayani. Pero kahit moderno ang panibagong kuwento, pangangalagaan pa rin ang mayamang tradisyon ng Pinay superhero.

* * *

Pinaka-bago sigurong villain sa Darna si Liberty, kasa­ma sa isang grupo ng sindikato, walang super powers pero mahusay sa taekwondo.

Ginagampanan siya ni Krissa Mae Arrieta, 2007’s Miss USA Philippines California, isinilang at lu­maki sa Amerika mula sa isang amang Amerikano at inang Pilipina pero, lumaki sa tradisyong Pilipino, ma­tatas magsalita ng Tagalog at magalang sa mga naka­tatanda.

Si Lhar Santiago ng GMA 7 ang nakakita sa kanya sa US at kinumbinse siyang pumunta ng Pili­pi­nas at sumubok sa local showbiz. Hindi lamang siya maganda, bukod sa taekwondo, magaling din siya sa Latin ballroom dancing, jazz, ballet, tap at hiphop. Tumutugtog din siya ng piano at dating nakiki­pag­laban sa tennis. Nag-leave of absence siya sa kanyang iskwela sa UC San Diego pero, mababalikan niya ang kanyang pag-aaral anytime na gustuhin niya.

Una siyang nakita sa Gobingo. Itinuturing niyang malaking break ‘yung pagkakakuha sa kanya para makasama sa Darna na kung saan magagamit niya ang kaalaman niya sa taekwondo.

* * *

Sinabi naman ni Marian Rivera na wala silang kissing scene ni Mark Anthony Fernandez sa serye. Kay Iwa Moto magkakaroon ng ganitong eksena ang aktor bagaman at kay Narda ito iibig. Babalikan pa nga niya ang kababata sa ampunan na kung saan sila ay magkasamang lumaki.

Hinahangaan niya si Mark dahil marunong itong rumespeto sa kanya bilang leading man.

Nanghihinayang si Marian dahil sa sobrang kaa­balahan niya ay hindi na siya nakakapag-gym. Kai­langang-kailangan pa naman niya ito para mamintina ang maganda niyang pangangatawan na siguradong hahangaan ng lahat ng manonood ng Darna. Wala siyang excess fat, maliit ang kanyang waist at fit ang costume niya.

[via]

Labels:

7 Comments:

Anonymous Anonymous said...

im sure kunwari lagn alang kissing scene di kikita ang show nyo kelangan me halikan ineng...at mahilig k nmn s ganong d b babaeng hinugot ...puro laplapan kadiri..

3:13 PM  
Anonymous zyberjean13 said...

tama ka jan nakakadiri talaga c marian,bastusin ang dating nya,,,hoy marian para sabihin ko sayo,wala kang panama kay angel locsin,,,,,,,,,,,,,,,yoko sau plastic kana MALANDI ka pa.....inagaw mo c dingdong k karylle,,madami namang lalake eh!!!!!!saka trying hard ka talaga,AS IN,,,,,,,bastusin ang dating mo sa tv...para kang babaeng kaladkarin......sa lahat ng project mo..!!!!!!lalo na sa babaeng hinugot sa aking tadyang!!!!!masyadong bastusin ang mga kissing scence mo kay dingdong....ikaw naman dindong,nagpaakit ka sa isang kire.....magsisisi ka rin balang araw sa pag iwan mo kay karylle,,tandaan mo yan!!!!!magsama kaung dalawa ni marian..bagay kaung ipagsama,parehong bastusin....!!!!!!!!!!

5:47 PM  
Anonymous Anonymous said...

oo bastusin tlga..feeling kse sikat n tlga nalunod n b s isang baso ng tubig kya akala mo kung sino n mag asta...mang aagaw nmn at namimili ng kasma s show ha..pinaalis si katrina dhil s tingin nya jinx s darna ...babaeng palengkera sna wag masyado mataas ang lipad masakit ang bumagsak...ay bagsak n pla

12:53 AM  
Anonymous Anonymous said...

sa lahat po ng nagco-comment, maging masaya nalang tayo sa mga achievements ng mga artista ng g.m.a seven,wag natin silang husgahan dahil di natin sila kilala ng personal... kung ayaw nyo sa isang artista, ignore nyo nalang pero wag nyong pagsalitaan ng di maganda......peace!!!

11:06 AM  
Anonymous Anonymous said...

how can you judged people if you dont even know them...at no one deserves to be treated that way...tao po din mga yan....and no is perfect..just be happy dahil nabibigyan nila ng happiness ang mga tao...and just an fyi lang po...edukado po siyang tao....

3:29 AM  
Anonymous Anonymous said...

mga panget kau....
ingit lang kau kay
marian....

12:39 AM  
Anonymous Anonymous said...

hasus eh bkit pa ba binabasa ang article, kung ayaw nman pla sa taong nilalaman nito ? ka'ipokrotahan dba ? o insecure lng tlga?

9:23 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites