<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, August 20, 2009

Marian Rivera palakad-lakad na walang robe

Tuwang-tuwa si Marian Rivera sa successful pilot week ng Darna na pumalo sa 40 plus na ratings, lalo na’t mahirap nang maka-35 percent ang rating ng mga shows ngayon, tapos sila bibigyan ng 40 percent plus at tataas pa ito sa mga susunod na araw dahil nagsimula na siyang mag-transform.

Komportable na si Marian na naka-Darna costume at ’di na siya nako-conscious maglakad sa set kahit walang suot na robe. Naalala lang daw niyang mag-robe ’pag sinasabi sa kanya. Hindi ba ito rin ang paalala ni Dingdong Dantes sa kanya, na laging magsusuot ng robe ’pag ’di siya nagti-take? Hala! Nakalimutan yata ni Marian.

Tsinika ni Marian kung saan gawa ang batong nilululon niya ’pag nagta-transform siya, pero sikreto iyon at bawal isulat. Hindi rin siya takot ’pag nasa harness siya’t iniisip na lang na nasa roller coaster siya.

Samantala, hindi bibisita si Marian sa taping ni Dingdong ng Stairway to Heaven bilang respeto sa kapareha nitong si Rhian Ramos. Hindi rin naman dumadalaw sa set ng Darna ang aktor except noong birthday niya nang sunduin siya para sila’y mag-dinner.

’Kaaliw ang sagot ni Marian sa tsismis na Porsche ang birthday gift niya kay Dingdong. Sabi ng aktres: “Ano ako, sugar mommy niya? Heller! Mas maraming pera yun kesa sa akin.”

Bigla palang nawala si Marian sa presscon ng Show Me Da Manny na mapapanood na sa August 23. Dumiretso pala ito sa Roadrunner para mag-dubbing ng Tarot dahil showing na ang movie nila ni Dennis Trillo sa August 26.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites