<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, September 15, 2009

Heart Evangelista di na kayang balikan si Jericho

Nakakapag-kuwento na si Heart Evangelista ng tungkol sa nangyari sa kanila ni Jericho Rosales. Kung noon, panay ang pakiusap niya na ‘wag na lang pag-usapan ang mga nangyari sa kanila, ngayon super open na siya sa pagtsika tungkol sa biglaang natapos nilang relasyon ng aktor noon.

“Mahal namin ang isa’t isa pero alam mo yun, hindi na puwede. Pag magkasama kami, magugunaw ang mundo,” sabi ng aktres na halos dalawang linggo pa lang naooperahan dahil sa appendicitis.

Kaya kahit aminado siyang mahal niya pa rin talaga ang dating boyfriend kung saan niya ipinagpalit pansamantala ang kanyang pamilya at career, ngayon kahit anong mangyari, wala na siyang planong makipag-relasyon uli sa aktor na Kapamilya.

In fact nang maopera siya, nagpasabi ang aktor kung puwedeng dumalaw. Pero hindi na siya pumayag. “What for. Ayoko na,” matigas na pahayag ni Heart sa isang tsikahan over merienda.

Yun ay kahit mahal pa niya at mahal pa siya at compatible sila. “Pero alam mo yun. It’s not meant to be, hindi talaga eh,” dagdag niya.

At kahit pagiging magkaibigan, ayaw na niya sa aktor dahil naka-move on na siya at ayaw na niyang balikan kung anuman ang nangyari sa kanila noon.

“Our world is so different. He is not the same person before,” sabi niya. Huli silang nagkausap ng aktor months ago nang magdesisyon silang mag-usap at magkaliwanagan matapos ang biglaang paghihiwalay noon na ikinagulat ng marami dahil hindi nila inasahan na sa hiwalayan mapupunta ang relasyon nila.

Ang American actress (na hindi ko maalala ang pangalan) na naka-partner ng actor sa isang project ang naging cause ng biglang pag-ayaw ni Heart kay Echo at hindi ang Malaysian actress na si Carmen Soo na itinuturong salarin noon dahil may ginawang project ang dalawa.

So, hoping against hope na ang balikang Heart at Echo. Period.

After ng nasabing hiwalayan, nakarelasyon niya ang isang guy na galing sa mayamang angkan, si FD. Pero hindi nagtagal. For the first time, kinuwento niya na arogante at walang respeto sa kanyang magulang ang nasabing nakarelasyon kaya naghiwalay sila. “I broke up with him,” matigas na sabi ni Heart tungkol sa nasabing lalaki na noong karelasyon pa niya’y pinagtsitsismisan na hindi sila bagay dahil hindi raw ito kaguwapuhan.

Maging ang pamilya niya raw ay ayaw sa nasabing guy dahil wala nga itong respeto.

Ngayon, meron siyang regular na dini-date. Si Ian Lee, first boyfriend niya na family friend nila.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites