<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, September 05, 2009

Iza Calzado naging mabusisi nang lumipat ng bagong bahay

Kakaiba ang role ni Iza Calzado sa Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie bilang isa sa mga teroristang kikidnap sa Duchess of Wellington. Dusa man dahil kainitan ng araw kinunan ang kanyang mga eksena, nag-enjoy pa rin siyang mapasama sa pelikulang magpapatawa sa moviegoers ‘pag pinanood simula September 23.

Sa Sept. 23 din ang showing ng The Echo na sabi ni Iza, una nang ipinalabas sa Korea at Russia. Umaasa na lang ang actress na parehong panonoorin ang dalawang pelikula’t magka-iba naman ang tema.

Samantala, nakalipat na sa nabiling bahay si Iza sa isang subdivision sa Quezon City na for safety reasons, hindi na niya sinasabi ang location. Sa bagong bahay na siya nag-birthday at dito na rin magpa-Pasko. First Christmas niya sa nabiling bahay, kaya tuwang-tuwa ito.

“I have a bigger place, but bigger problem din naman. Napansin ko rin na dati, hindi ako mabusisi, ngayon O.C. na ako at lahat napapansin,” kuwento ni Iza.

Si Iza rin pala ang leading lady ni Sen. Bong Revilla sa Panday na entry ng Imus Productions at GMA Films sa Metro Manila Film Festival. Malapit na rin siyang mapanood sa afternoon drama ng GMA-7, ang TV remake ng Kaya Kong Abutin Ang Langit.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites