<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://draft.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, September 24, 2009

Kissing scene kay Kris iniyakan ng nanay ni Aljur

Ikinagulat ni Kris Bernal nang makarating sa kanya na umiyak ang mother ni Aljur Abrenica nang mapanood ang kissing scene nila sa Nandito Ako... Nagmamahal Sa ‘Yo na idinirek ni Maryo J. delos Reyes under Regal Films.

Baligtad kasi ang nangyari. Sa halip na mother ni Kris ang mapaiyak sa naturang kissing scene ay ‘yung mother pa ng lalaki ang napaiyak. Nasabi tuloy ni Kris na bunso si Aljur at mahal na mahal ng kanyang parents at baka raw nag-aalala ang mga ito na tulu-yan nang mabaling ang attention ng pinakamamahal na anak sa kanya.

Anyway, sa presscon ng movie na showing na sa Sept. 30 ay inamin ni Kris na tumagal nang 10 minutes ang kissing scene nila ni Aljur.

“Kung napaiyak ang mother ni Aljur sa halikan namin ni Aljur. Ano pa kaya kung mapapanood nila ang iba pang halikan namin ng anak nila,” bungad ni Kris. “May kissing scene kami na tumagal na sampung minuto. Iba’t ibang anggulo ang shot ni Direk Maryo J pero nakadikit pa rin ang aming mga labi.”

Hindi ba naman sila nag-init habang kinukunan ang kanilang halikan?

Tawa ang sagot ang Kris at walang malisya sinabi na nag-init daw siya at ganoon din daw si Aljur.

Aminado rin si Kris na mahal niya si Aljur pero natatakot pa rin daw siyang sagutin na ito dahil baka maulit ang dinanas sa na-ging non-showbiz BF.

“Natatakot na akong magmahal. Kasi sobra ta-laga akong magmahal. Nakakalimutan ko ang lahat kapag ako ay nagmahal. Sa kanya na lang ako nakasentro at napapabayaan ko na ang iba ko pang dapat gawin,” ani Kris.

Aminado rin si Kris na selosa siya at natatakot siya na masyadong lapitan ng mga babae si Aljur at ito ang maging dahilan ng kanilang pag-aaway.

Inamin naman ni Aljur sa harap ni Kris: “Yan ang akala mo. Seloso rin ako pero ‘di ko lang ipinakikita. Kung darating ang panahon na may makitang lalaki si Kris na siyang magpapaligaya talaga sa kanya ay ipauubaya ko na lang ang aking pagmamahal.”

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites