<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, September 29, 2009

Richard Gutierrez dedma sa isyung gumigimik lang

Ini-report sa Showbiz Central last Sunday ang mga artistang naapektuhan ng bagyong Ondoy at kabilang dito ang mag-inang Jean at Jenica Garcia na binaha ang bahay.

Kuwento sa amin ng manager nilang si Manny Valera, lumusong ang mag-ina kahit hanggang dibdib pa ang tubig sa first floor ng bahay nila sa takot na lumaki pa ang tubig at umabot hanggang sa second floor ng bahay nila.

Sa bahay ni Jennylyn Mercado pumunta ang mag-ina, pinakain at binigyan sila ng pampalit na damit hanggang sunduin ng mom ni Jean kung saan sila nakatira ngayon.

Apektado rin sa baha sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel na sa Pasig nakatira. Naalala naming gandang-ganda kami sa bahay nila nang ma-feature ito sa Yes!.

Na-feature rin sa show ang pagliligtas ni Richard Gutierrez kay Cristine Reyes sa bubong ng bahay nito sa Provident Village, Marikina City. Deadma ang actor sa akusasyong gumimik siya para sa nalalapit na showing ng Patient X, ang importante, nasagip niya ang kapareha sa nabanggit na pelikula.

Hindi kami sure kung na-report, pero binaha rin daw ang bahay ni Bearwin Meily sa isang subdivision sa Cainta. Marami pa sa mga celebrities ang binaha at sana, nasa maayos na lagay na sila ngayon.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites