<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, September 09, 2009

Rufa Mae Quinto, galit pa rin kay DJ Mo

KAHIT nagbigay na ng public apology si Mo Twister kay Rufa Mae Quinto, mukhang hindi pa rin ito tinatanggap ng sexy comedienne.

Kahapon, sa radio program ng katotong Ogie Diaz, imbudung-imbudo (imbiyernang-imbiyerna) pa rin si Rufa Mae kay DJ Mo.

Matatandaang nagalit si Rufa Mae kay DJ Mo (for the nth time) dahil sa inilagay ng huli sa Twitter account niya na engaged na ang sexy comedienne kay Congressman Mikey Arroyo.

Dahil sa galit ni Rufa Mae, hindi ito sumipot sa Showbiz Central kung saan ay pareho silang co-hosts ni DJ Mo.

That Sunday afternoon, nag-apologize on air ang TV host-DJ saying na Internet joke lang ang kanyang ginawa.

Pero mukhang this time, galit na talaga si P-Chi (palayaw ni Rufa Mae). Ayon sa panayam ni Ogie, wala na siyang ire-react sa kaso-sorry ni Mo dahil pauli-ulit na lang ito sa paggawa ng kasalanan sa kanya.

Ayon kay Rufa Mae, lagi na lang ganito si DJ Mo sa kanya, gagawan siya ng issue pagkatapos ay magso-sorry, pero uulitin na naman after a while.

Mataray pang pahayag ng sexy comedienne, bakit hindi na lang ang anak nitong may sakit ang pagtuunan ng pansin ni Mo kesa gawan siya ng issue?

Matatandaan ding si DJ Mo ang nagpasimula ng isyung may relasyon si Rufa Mae kay Dr. Hayden Kho, na ikinagalit din noon ng sexy comedienne.

Sa tanong kung babalik pa ito sa Showbiz Central, ani P-Chi, pinag-iisipan niya pa ito at parang ayaw na raw niyang bumalik pa dahil kay DJ Mo although nilinaw naman niya na mahal niya ang iba pang kasamahan sa nasabing talk show.

[via]

Labels:

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Tama lng na d pinatawad ni Ruffa Mae c dj mo..
kC PUROMG KAPLASTIKAN LNG NI dj mo un..So magiging kplastikan lng din ni Ruffa kng pinatwad nya un!!!

1:11 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites