<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, October 15, 2009

Kay Marian talaga, Rhian walang pag-asa kay Dingdong

Mismong si Dingdong na ang nagbigay ng assurance na hanggang Stairway lang ang sa kanila ni Rhian.

Kahit ang naunang sinabi ni Rhian na niregaluhan siya ng aktor ng kanyang favorite oatmeal chocolate cake nung kanyang birthday ay kinorek nito (Dingdong) sa isang instant tsikahan sa taping nila kahapon sa SM The Block.

“Galing sa aming lahat (meaning sa staff ang cake),” pagtutuwid ni Cholo (name ni Dingdong sa Stairway). Binigay ko after ng lunch namin sa taping,” dagdag niya. Alam naman daw ng lahat ng tao sa taping na favorite ng young actress ang nasabing cake.

Eh anong personal gift niya kay Rhian. “Wala,” mabilis na sagot uli ni Dingdong.

Naging saksi rin ang aktor sa pag-uusap nina Rhian at ng girlfriend niyang si Marian. “I can attest to that. Nagbatian sila,” pagpapatunay ng aktor bilang pangontra sa maraming naglalabasang panay ang isnaban ng dalawa sa tuwing magkakaroon ng chance encounter.

Besides wala naman daw sinasabi sa kanya si Marian tungkol sa nasabing issue. As in hindi ito affected.

At kahit si Rhian, ayon kay Dingdong, “she’s very cool about it. Saka I don’t see any reason para mag-react sila,” sabi ng aktor.

Nang biruin ang aktor na kung siya ay parang walang kilig factor sa pagli-link sa ka­nila ng partner niya sa Stairway… ang obserbasyon ng iba kay Rhian, kinikilig ito sa kanya. “May ganun ba, parang hindi ko nakikita,” sagot agad nito.

Eh paano kung pag kaharap siya, hindi halata, pero after the taping, parang may kiligness sa part ni Rhian sundot ni Gorgy R., hindi na nag-react pa ang aktor.

“Ok ang working relationship namin (ni Rhian), masaya kami sa taping. Nasa mga light moments na kami. Hindi na masyadong mabibigat ang mga eksena” katuwiran pa nito.

Eh paano kung meron silang mga intimate moments ng young actress, si Marian pa rin ba ang iniisip niya?

“Hindi mo puwedeng isipin yun. Kailangan naka-focus ka sa trabaho,” mabilis niyang sagot.

Eh nang may magtanong kung may communication or nag-uusap man lang ba sila ng ex niyang si Karylle, big no ang sagot niya.

May negosyo silang magkasosyo, paano ‘yun?

Hindi naman daw porke may negosyo sila ay kailangan na nilang mag-usap.

Investors lang silang dalawa at may mas malaking share ang ibang investor na namamahala sa operation nito ayon kay Dingdong.

Samantala, mapapanood ngayong gabi sa Stairway to Heaven : Jenna (Rhian) resigns from Cholo’s (Dingdong) company. Hindi na ito papasok.

Matutuwa si Eunice (Glaiza de Castro) na nag-resign na si Jenna. Akala niya wala ng problema.

Pero darating si Cholo sa bahay, telling her na bumalik na siya sa office.

Hihingin ni Eunice ang address ni Jodi from Badet (Karen delos Reyes), gusto niyang sugurin ang babae.

Magkakasuntukan sina Cholo at Tristan (TJ Trinidad). Cholo challenges Tristan na kung wala itong tinatago bakit nito pinagre-resign si Jenna sa trabaho.

May surprise party naman sa sa office for Cholo.

Pero mawawala si Cholo sa mood nang malaman na hindi pa rin pumapasok si Jenna.

Inis din si Eunice dahil hindi man lang na-appreciate ang efforts niya.

Jovan goes to Cholo. Hihingin niya na makita ulit si Jenna, dahil ang pakiramdam niya parang nabuhay ulit ang anak niya.

Dadalhin ni Jovan si Jenna sa bahay. Magkakaharap na sina Maita, Zoila, Eunice at Jodi!

[via]

Labels:

3 Comments:

Anonymous Anonymous said...

ala n mabalita ke marian at dingdong kya pati mga ganitong news pinapatulan n para isulat tsk tsk wla n kse nalalaos n ..tigilan n wag n paingayin o pag awayin dahil si rhian e nanahimik lang nman

1:23 AM  
Anonymous Anonymous said...

hilom dha!!!

8:51 AM  
Anonymous Anonymous said...

pwede ba stop linking Marian Rivera to this lame Rhian Ramos na obvious namang ginagamit sina DongYan para lang sumikat.. ilang beses na syang naging leading lady pero wala pa rin syang napapatunayan..

2:59 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites