<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, October 16, 2009

Richard at Cristine nabuko, nag-unwind sa Subic

Hindi makapaniwala sina Richard Gutierrez at Cristine Reyes na malala­man ko ang date nila sa isang beach resort sa Subic noong Miyerkules.

Para que pa na naging reporter ako kung hindi ko mabubuking ang kanilang date na nagsimula ng after lunch at nagtagal hanggang 10:00 p.m.

Ang sabi ni Richard, nag-relax lang sila ng leading lady niya sa Patient X pero marami ang puwedeng mangyari sa halos sampung oras na pagsasama nila.

Siyempre, umiral ang malisya ng mga reporter, lalupa’t walang boyfriend si Cristine.

Ang feeling nila, unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Cristine kay Richard. Sino ba naman ang babae na hindi magkakaroon ng crush kay Richard?

Sinungaling ang babae na magsasabi na hindi nila type maging dyowa si Richard!

* * *

Naniniwala ako na itinakda ng tadhana na magkasama sa pelikula sina Richard at Cristine.

Si Heart Evangelista ang talagang leading lady ni Richard sa Patient X pero ano ang nangyari?

Ipinalit si Cristine kay Heart dahil inoperahan ito at hindi puwedeng hintayin ang kanyang availability porke may playdate na ang pelikula. So, si Cristine ang instant replacement.

Sa dinami-rami ng artistang babae na magiging biktima ng baha, bakit si Cristine pa?

Hindi nagpabaya si Richard sa kanyang kapareha. Hindi siya nakatiis, gumawa ng paraan si Richard na ma-save si Cristine.

Naging big news sa Pilipinas at sa buong mundo ang daring at death-defying rescue niya kay Cristine at nakatulong ito para lalong pag-usapan ang kanilang unang movie team-up.

May mga nagkalat ng tsismis na gimik para sa Patient X ang ginawa ni Richard .

Hindi naman ibubuwis ni Richard ang buhay niya para lang makagimik no!

Luka-luka ang mag-iisip nang ganoon as in wala silang bait sa sarili.

* * *

Wala si Yam Laranas sa presscon kahapon ng Patient X.

May previous appointment si Yam kaya hindi ito nakasipot sa presscon.

Nag-promise ang GMA Films na dadalo si Yam sa premiere night ng Patient X sa SM Manila Cinema sa October 25.

Magpapainterbyu raw si Yam bago mag-start ang red carpet premiere ng pelikula.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites