<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, October 20, 2009

Richard Gutierrez nahubaran sa ‘Patient X’ mall tour

Sa Entertainment Plaza ng SM North Edsa ginanap ang mall tour ng cast ng Patient X last Sunday at sa rami ng tao, muntik mahubad ang suot na jacket ni Richard Gutierrez.

Mainit na tinanggap ng fans ang tambalan nila ni Cristine Reyes at nagpapasalamat ang actor na successful ang kanilang mall tour at dinudumog sila kahit saan magpunta.

“Lalo akong na-i-energize ’pag nakikita ang maraming fans at kung paano nila kami tinatanggap, lalo na ako. Ang sarap ng feeling na marami pa rin ang naniniwala at nagtitiwala sa ’yo at sana’y tuluy-tuloy ang support nila hanggang maipalabas ang movie,” sabi ni Chard.

Inamin ng aktor na mami-miss niya si Cristine ’pag naipalabas ang movie nila dahil makulit at masayahin ang aktres at matagal uli bago sila magka-trabaho.

Pero, sisiguraduhin daw niyang mananatili silang friends at constant ang communication.

Kinakabahan at excited si Richard sa October 28 showing ng movie, pero kampante siyang masisiyahan ang makakapanood dahil talagang ginastusan at pinaghirapan.

Kahapon umalis si Direk Yam Laranas for Bangkok dahil ’dun gagawin ang mixing ng Patient X at lalagyan ng 5.1 Dolby sensurround para mas ma-enjoy ang pelikula.

Wish ni Richard na panoorin at ma-appreciate ng tao ang movie and so far, maganda ang feedback sa trailer.

Ikinatuwa rin nitong malaman na marami sa mga kaibigan niya ang nag-i-sponsor ng VIP premiere night pati ang ’di nakakaintindi ng Tagalog, gustong manood.

Gagawa pa ba siya ng horror movie after Patient X?

“Definitely! Hopefully next year, nag-usap na kami ni Direk Yam and he’s already developing another concept. Pati pala Valentine movie ko next year, kino-conceptualize na rin, pero wala pang final project,” balita ni Richard.

[via]

Labels:

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

nice yung tmbalan nila chard at cristine sana magka pelikula pa sila..magnda ang patient x ..kaso bitin...nga lang ang ganda ni cristine reyes grbe idol na idol kita more projects ..to come

4:58 PM  
Anonymous janica lumba said...

sana may part ung patient x..

5:00 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites