<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, November 05, 2009

Dennis Trillo matagal nang kursunada si Heart

MATAGAL na palang crush ni Dennis Trillo si Heart Evangelista kaya naman sa first shooting day nila sa Mano Po 6: My Mother’s Love ay halata ang excitement ng binata.

Halatang gigil na gigil si Dennis sa kinunang kissing scene noong araw na ’yon sa isang hotel.

“Noon pa man ay nagagandahan na ako kay Heart,” sabi ni Dennis. “Thankful ako na may pinagsamahan na kaming project. I hope this could be the start of something beautiful. Single naman kami pareho.”

Inaasahang magiging mas maganda pa ang tinginan nina Heart at Dennis dahil magkasama sa pinakabagong Mano Po movie — ang Mano Po 6: My Mother’s Love, na pinagbibidihan ng megastar na si Sharon Cuneta at ididirek ni Joel Lamangan.

Ayon sa ilang insiders, ilang maiinit pang tagpo ang isu-shoot ng dalawa.

Nang tanungin kung magkakaroon sila ng love scene, mahiwagang “secret” lang ang nasagot nito, pero maraming kissing scenes daw ang makukunan.

Gagampanan ni Heart ang papel ng suwail na anak ni Sharon (Melinda) na si Stephanie, na lumaking malayo sa kanyang ina. Samantala, si Dennis naman ang gaganap na boyfriend ni Stephanie na si Daniel.

Bukod sa mga lampungan ng dalawa, kaabang-abang din ang mga eksena nina Heart at Dennis kasama si Mega.

“Excited kaming makatrabaho si Miss Sharon,” dagdag pa ni Heart. “Nu’ng binabasa pa lang namin ’yung script, alam na namin na marami kaming magiging highlight with the megastar kaya talagang pinag-aralan namin ’yung role.”

Bukod kina Sharon, Heart at Dennis, makakasama rin sa Mano Po 6: My Mother’s Love sina Christopher de Leon, Zsa Zsa Padilla, Boots Anson-Roa, Ciara Sotto, Ryan Eigenmann at Kris Aquino sa isang espesyal na role bilang best friend ni Sharon.

Mula sa panulat ni Roy Iglesias, ang Mano Po 6: My Mother’s Love ay official entry ng Regal Entertainment sa 2009 Metro Manila Film Festival.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites