<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, November 10, 2009

Geoff Eigenmann at Carla Abellana ala pa ring relasyon

Friends pa rin ang status ng relasyon nina Geoff Eigenmann at Carla Abellana.

Mismong si Geoff na ang nagsabi na hindi pa rin lumalampas sa pagiging magkaibigan ang kanilang relasyon.

Matatapos na ang Rosalinda kaya akala ng iba, sila na lalo na nga’t nakipaghiwalay si Carla sa boyfriend niyang basketball player after five years.

Pero hindi naman dini-deny ni Geoff na super close sila lalo na nga’t halos everyday silang magkasama sa taping ng Rosalinda na hindi pa man natatapos ay meron na agad silang bagong programa sa GMA 7, ang SRO Cinemaserye Presents Carinderia Queen.

“’Mas lalong madalas pa kaming magkikita,” sabi ni Geoff. Though masaya man siya sa bagong show nila, pero bilang na ang araw ng Rosalinda kaya sad siya.

Kahit sana ang nanay niyang si Ms. Gina Ala­jar ay botong-boto kay Carla na maging girlfriend niya pero yun nga, pareho pa silang naka-focus sa kanilang mga trabaho at sinabi nga ni Carla na hindi pa siya ready sa panibagong relasyon after ng limang taon na pakikipag-relasyon sa basketbolista.

Anyway, metrosexual who is too slick and vain ang role ni Geoff sa Carinderia Queen habang isang saddy, unrefined yet charmingly sweet lady si Carla.

Kung medyo serious sila sa Rosalinda dahil sa rami ng mga drama, very light ang kuwento ng Carinderia Queen.

“At least dito, hindi kami magdadrama,” sabi ni Geoff.

Isa si Geoff sa mga naghahabol sa carinderia queen na sinasabi nilang ’pag sumali sa beauty contest ay walang katalu-talo.

Kasama nila dito ang nanay ni Geoff na si Gina Alajar at tatay ni Carla na si PJ Abellana (na matagal nawala sa eksena).

Magsisimula itong mapanood sa Nov. 12 right after Shining Inheritance sa GMA 7.

Si Mac Alejandre ang nagdirek.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites