<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, November 19, 2009

Kuya Germs inungkat ang mga tampo sa GMA-7

Nagpa-thanksgiving party si German Moreno sa mga taong laging sumusuporta sa kanya noon at hanggang ngayon.

Nagmistulang December in November ang okasyon dahil nagpa-raffle ng appliances at cash si Kuya Germs. Inaliw din niya ang mga press at iginagalang na personalities tulad nina Madam Precy, owner ng Teatrino at bagong itatayong Music Museum sa Greenhills; Joel Cruz, big boss ng Aficionado at Celebrity Duets 3 champion, at maraming iba sa performance ng ilang singers.

Enjoy ang kapatid natin sa panulat lalo na nang kumanta ang Mabuhay Singers na kahit may mga edad na ay hindi pa rin nagbabago ang magandang tinig.

Of course, present ang mga alaga ni Kuya Germs na napapanood sa Walang Tulugan every Saturday sa GMA-7. Umakyat ng stage si Kuya Germs para magpasalamat sa lahat ng dumalo at nagulat kami nang sabihin ang mga tampo na matagal na niyang kinikimkim.

Ayon pa kay Kuya Germs, naging tapat daw siyang Kapuso at hindi nagawang umalis kahit may alok sa ibang network dahil ganoon daw niya kamahal ang GMA-7. Pero dahil lang sa isang tao na ngayon ay tsugi na sa GMA-7, nawala lahat ang shows niya sa GMA-7.

“Marami ang nagtatanong at humihikayat sa akin na ibalik ko raw ang That`s Entertainment dahil dito galing ang mga sikat na artistang tulad nina Lea Salonga, Vina Morales, Billy Crawford, Ara Mina, Piolo Pascual, Isko Moreno, Sharon Cuneta, Gretchen Barretto, Lani Mercado, Mariz at maraming iba pa.

“Ibabalik ko ang That`s Entertainment, hindi ko lang masabi kung kailan at kung anong network. Abangan na lang natin kung kailan at sana nandiyan pa rin sila na sumusuporta sa akin,” pahayag ni Kuya Germs.

Marami pang sinabi si Kuya Germs at nakiusap na huwag nang isulat dahil wala naman siyang sama ng loob sa network.

[via]

Labels:

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

sobrang ang laki ng tiyan ni kuya germ. nakakatakot parang butete na ang itsura nya ngaun.

pero bagay naman kapag nakasuot sya ng coat.

8:53 PM  
Anonymous Anonymous said...

baka me bulate.

malaking bulate.

12:41 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites