<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, November 18, 2009

That's Entertainment ibabalik sa TV

LAST Monday night ay naghandog si German Moreno ng “Thank You” party sa press na ginanap sa Teatrino Theater sa Prominade, Greenhills.

Bongga ang party dahil maraming putahe ang inihanda ni Master Showman at host ng variety show ng GMA-7 na Walang Tulugan.

Ayon kay Kuya Germs, nagpapasalamat siya dahil nasa top 5 program sa abroad, lalo na sa North America, ang kanyang Walang Tulugan.

Dahil sa pagiging popular ng Walang Tulugan sa abroad, madalas ipadala si Kuya Germs ng GMA-7 para magdala ng mga artista sa iba’t ibang panig ng Amerika at bilang promo na rin sa Pinoy TV.

Dahil na rin sa kasikatan ng Walang Tulugan sa Amerika, maraming nag-iimbita kay Kuya Germs para mag-show sa abroad at msitulang na-revive ang hosting career ni Kuya Germs.

Happy din si Kuya Germs sa dalawang natanggap na acting awards. Una sa Star Awards for Movies at ikalawa sa FAMAS, bilang Best Supporting Actor para sa pelikulang Paupahan na idinirek ni Joven Tan.

At ang pinakamagandang balita na nagpasaya sa kanya ay ang sinabi ng GMA-7 management na ibabalik sa telebisyon ang kanyang That’s Entertainment. Hindi pa alam ni Kuya Germs kung kailan ito pero ma-lapit na raw.

May mga na-discover siya sa Walang Tulugan na lumalabas na rin sa shows ng GMA-7 tulad ni Jhake Vargas, ang bagets na magaling na kumanta at tumugtog ng gitara. Nakilala nang husto si Jhake sa Stairway to Heaven bilang batang Tristan (TJ Trinidad), na lihim na nagmamahal kay Jodi (Rhian Ramos).

Lumabas na rin si Jhake sa Joaquin Bordado at Gagambino at big break sa kanya ang maging brother ni Kris Bernal sa soap na Dapat Ka Bang Mahalin?, ang first hit soap ng love-team nina Kris at Aljur Abrenica.

Ngayong January, bida na si Jhake sa teenager primetime soap na First Luv at makakasama ang mga batang lumabas sa Stairway To Heaven. Bago mag-Ene-ro ay featured din sila sa Christmas special ng Dear Friend.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites