Aljur Abrenica at Kris Bernal - The Last Prince
Sa January 11, 2010 na ang pilot ng primetime show nina Aljur Abrenica at Kris Bernal na The Last Prince, isang fantaserye sa direction ni Mac Alejandre. First primetime ito ng magka-loveteam na sila ang mga bida at magdadala, kaya kabado ang dalawa.
“Mas excited ako kesa pressured,” sabi ni Aljur. “Excited dahil kakaiba ang role namin ni Kris, doble ang hirap namin sa taping para mas mapaganda, pinagkakagastusan ng GMA 7, bigatin ang mga kasama naming artista at nagpagawa pa ng sariling palasyo sa may Tanay para maayos at dere-deretso ang taping namin,” dagdag na pahayag ni Aljur.
Role ni Almiro na isang chickboy ang ginagampanan ni Aljur sa The Last Prince at natawa ito sa biro ng press na hindi siya mahihirapang umarte dahil babaero siya in real life. Iwas-pusoy nga raw siya sa mga babae lalo na ’yung mas mga bata sa kanya mula nang akusahan siyang nag-take advantage sa isang menor de edad.
Malapit na ang presscon ng bagong soap nina Aljur at Kris at siguradong isa sa mga itatanong sa young actor ay ang nasulat ni Vero Samio sa diyaryong ito na pang-fans lang ang sweetness nila ng ka-loveteam. Tingnan natin kung paano niya ito sasagutin!
[via]

Labels: Pinoy TV Series

0 Comments:
Post a Comment
<< Back to Kapuso Home