<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, December 23, 2009

Krista ipinagtanggol ni Manny Pacquiao

Para kay Manny Pacquiao, gimik lamang para pag-usapan ang Wapakman na entry niya sa MMFFP na showing na sa Dec. 25, kaya ini-link daw sila ni Krista Ranillo.

Pakiusap ni Pambansang Kamao, tantanan na siya ng intriga. Pero sadyang ma-lapit sa WBO Welterweight champion ang intriga lalo na kapag may pelikulang ginawa.

Remember nang magsama sa pelikula sina Manny at Ara Mina ay ini-link din ang sister ni Cristine Reyes sa Pambansang Kamao?

Ang naturang isyu ay kinainisan ni Ara at nagpasya si Ara na ayaw nang makita at muling makasama sa anumang project si Pacman.

Nagpasalamat nga si Ara kay Krista dahil natabunan na ang isyu sa kanila at napunta sa anak ni Mat Ranillo ang tsismis kay Pacman.

Sa isyung Pacman at Krista, hindi na natutuwa si Manny at nakiusap na tantanan na ang naturang tsismis.

“Actually, nanawagan ako na sana tama na,” bu-ngad ni Pacman. “Sana ti-gilan na nila si Krista, kasi kawawa naman ‘yung tao. Kawawa naman ang pamil-ya nila. Napakabait na tao ‘yun. Laging madasalin at pati pamilya niya ay madasalin din.

“Magkaibigan kaming dalawa. Sana tigilan na ang isyu kasi tapos na naman ang shooting ng Wapakman, so, dapat lang tigilan na,” patuloy pa ni Pacman.

Pero kahit anong pagtanggi ni Manny sa isyu sa kanila ni Krista ay marami pa rin ang naniniwala na nagkaroon ng relasyon ang dalawa lalo nang sabihin ng misis niyang si Jinkee, on national TV, na pinatatawad na raw nito sina Manny at Krista.

Anyway, kahit anong intriga ang ibato kay Manny ay hindi nito nakakaligtaan tanungin at alamin ang kaganapan sa sitcom niyang Show Me Da Manny na napapanood every Sunday sa GMA-7.

Kahit hindi ito naka-pagte-taping ay sinisiguro naman ng Pambansang Kamao na walang magiging problema sa sitcom.

Lalo na ngayong pagpasok ng taon 2010 ay magi-ging busy naman siya sa pag-eensayo laban kay Mayweather sa MGM Las Vegas on March 13 next year.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites