<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, December 24, 2009

Mahal ko talaga ang mga babae - Dennis Trillo

“Sobrang maraming nangyari, pero maganda ang bawi,” sagot ni Dennis Trillo sa tanong kung paano niya idi-describe ang year 2009 niya. Para tuluy-tuloy ang magandang takbo ng career sa 2010, titiyakin niyang mula January hanggang December, wala siyang palpak na gagawin na makakasira sa kanyang career.

“Pangako ko rin sa sarili ko na mas i-improve ko pa ang aking trabaho para mas marami pang projects ang dumating. Mag-iingat na rin ako pagdating sa pag-ibig dahil ayoko na ng magulo,” dagdag na pahayag ni Dennis.

Siya ba ang klase ng tao na madaling ma-in-love?

“Mapagmahal talaga akong tao at mahal ko talaga ang mga babae,” sagot ni Dennis.

Natawa si Dennis sa payo ng press na sisiguraduhing may closure at maayos ang pakikipag-break niya sa last GF bago siya manligaw sa iba para walang gulo gaya nang isyu between Heart Evangelista at Cristine Reyes na nag-ugat dahil sa kanya.

Samantala, masaya si Dennis sa sinabi ni Sharon Cuneta na gusto siyang makasama uli nito sa pelikula dahil nagalingan sa kanya sa Mano Po 6. Ang feeling nito, na-upgrade ang pagka-actor niya after working with the Megastar.

Nadagdagan pa ang pagka-high ni Dennis dahil ka-aktingan din niya si Regine Velasquez sa Darna dahil isa siya sa makakalaban ng karakter nitong si Electra. Ang gaan daw katrabaho ni Songbird at hindi sila nahirapan sa kanilang mga eksena.

This Christmas Day, pahinga muna sa isyung ‘babae’ si Dennis dahil ang pamilya at anak ang kasama. Looking forward siya sa ilang araw na makaka-bonding ang anak na si Calix.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites