<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, December 26, 2009

Panday nanguna sa takilya

As of yesterday afternoon, pinipilahan sa SM Cinemas ang Ang Panday ni Sen. Bong Revilla, Jr. patricularly SM Mall of Asia nang makausap ko ang isang takilyera.

Ayon nga kay Mr. Joey Abacan ng GMA Films: “Ang Panday is a far number ONE! Maraming salamat sa lahat ng tumangkilik!”

Ang Mano Po 6 ng Regal Films starring Sharon Cuneta ay pinipilahan din partikular na sa sosyal na sinehan na Powerplant. Wala namang halos nanonood ng pelikula ni Manny Pacquiao, ayon sa isang source ng Show My sa nasabing high-end cinema.

Sa Shang Cineplex, patok din ang Mano Po 6 at I Love You… Goodbye.

Hindi naman palabas sa Greenhills Theaters ang Mano Po 6 and Nobody Nobody… But Juan. Nasa movie guide sa mga diyaryo na limang pelikula lang ang palabas dito – Ang Dar­ling Kong Aswang, I Love You… Goodbye, Ang Panday, Wapakman, at Shake Rattle & Roll XI. May nakausap akong isang taga-Greenhills Cinema. Ang rason pala, hindi nila nabunot ang nasabing pelikula ni Mega.

Sa Greenhills Theaters, pinilahan simula first screening ang I Love You… Goodbye nina Angelica Panganiban, Derek Ramsay, and Gabby Concepcion ng Star Cinema.

Sa Sta. Lucia East Grand Mall, naunang pinilahan ang I Love You…Goodbye at Ang Darling Kong Aswang nina Vic Sotto at Cristine Reyes. Habang sa Eastwood Cinemas, pinipilahan ang I Love You… Goodbye and Mano Po 6. Habang hindi naman daw masyadong tinatao ang Wapakman sa mga nasabing sinehan sa Eastwood.

Pero ang advantage ng Ang Panday, sa malalaking sinehan sa SM ito pinipilahan hanggang sa sinusulat ito kahapon.

Nakakalito naman ang published movie guide ng ibang sinehan dahil ang mga pelikulang Avatar at New Moon pa ang nakalagay. ’Pag tinawagan mo naman, festival movies ang palabas sa kanila.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites