<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, February 28, 2009

Kris Bernal inaway si Aljur Abrenica

INAMIN ni Kris Bernal sa presscon ng Dapat Ka Bang Mahalin na nagkaroon sila ng tampuhan ni Aljur Abrenica noong simula ng taping nila for Luna Mystika noon.

Kasi hindi niya maramdaman kung mahal ba siya o interesado sa kanya si Aljur dahil ang dami-daming babaing nali-link dito, kasama na ang kapwa StarStruck nila na si Rich Asuncion.

“Naramdaman ko na lang na talagang mahal niya ako nang bigla si-yang umiyak at sinabi niya sa akin ang totoong nararamdaman niya sa akin nung nag-taping kami ng wedding scene namin sa Dapat...” kuwento ni Kris.

Inamin ni Kris na na-ging boyfriend naman talaga niya si Aljur noong kasalukuyang nasa StarStruck pa sila pareho.

But after StarStruck ay si Mart Escudero ang nakarelasyon niya dahil sila nga ang pine-pair ng GMA-7 noon. Pero nag-break din sila ni Mart at napunta naman ito kay Jennica Garcia.

Hopefully raw nga-yon ay sila na ulit ni Aljur dahil muli itong nanliligaw sa kanya. Nagpapa-salamat din siya sa GMA dahil pinagkatiwalaan silang dalawa ni Aljur na magbida na sa sarili nilang teleserye.

[via]

Labels:


Continue Reading...

KC Concepcion at Richard Gutierrez titira sa isang condo

Hindi na nagkikita sina KC Concepcion at Richard Gutierrez dahil parehong busy, sa victory dinner ng GMA Films at Regal Entertainment sa box-office success ng When I Met U na lang uli sila nagkita. Parehong umaasa ang dalawa na muli silang magtatambal, pero depende raw ito sa kanya-kanyang managers.

Hindi nila nakalimutang magpasalamat kay direk Joel Lamangan na director nang nasabing pelikula.

Sa ngayon, sa taping ng Lovers In Paris ang atensyon ni KC at si Richard ay sa taping ng Zorro busy. ‘Katuwa si KC dahil bago magkuwento sa serye nila ni Piolo Pascual ay lumayo muna bilang respeto sa actor.

One week na silang nagti-taping ni Piolo sa Pampanga at sa March naman ang taping nila sa Paris, pero mauuna siyang umalis dahil pupunta siya sa Italy para dumalo sa International Women’s Day dahil siya ang representative ng ‘Pinas.

Bago magtapos ang taon, lilipat na si KC sa unit niya sa isang condo sa The Fort at dahil dito rin nakatira si Richard, posible silang magkita after their respective works. Excited nang lumipat ang dalaga’t naka-box na ang iba niyang gamit, pero hindi napilit sabihin kung magkano ang bili niya sa unit na sariling pera niya ang ibinili, pati mga gamit na iaakyat dito.

May blessings ng family niya ang kanyang pagsosolo at tinapos ang two years na pangakong mag-istay muna siya kasama ang family bago lumipat.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Friday, February 27, 2009

Rams Chaves launches album

MAGKAKAROON ng unang album na ilu-launch sa SOP si Rams Chaves kesa sa winner ng Pinoy Idol na si Gretchen Espina.

Kasi, ayon kay Rams, may sarili siyang mga composition na nagustuhan ng executives ng GMA Records na siyang nag-produce ng album.

Ipinakita na sa amin ang album ni Rams nang makausap namin siya sa Artista Center office recently.

Ang album ay self-titled, Ram Chaves Band, Sutil. Kasamang kanta sa album ang Tuloy ang Laban, Kol Center, Romeo & Juliet, Go, Hiwaga, Kulay ng Anghel ang Langit, Paradise, Basura, Buhat Ngayon, Worthless at Paalam.

Kasalukuyang tinatapos na ang MTV ng carrying single ng album. Ang direktor ng MTV ay ang kanyang mga kaibigan na nagtulung-tulong para matapos agad ito.

Ani Rams: “Natapos ko agad ang aking album dahil ako ang kompositor. Hindi na kailangan pang mag-hire ng susulat at mag-aareglo ng kanta.”

Samantala, sabi ng isang taga-Artist Center na nakausap namin, ang winner ng Pinoy Idol na si Gretchen ay sumasailalim sa masusing training bilang artist. Sunud-sunod na workshops ang pinagdadaanan ni Gretchen. Ilu-launch siya sa SOP sa mga susunod na buwan.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Geoff Eigenmann replaces JC de Vera

Napakaswerte ng anak ni Gina Alajar na si Geoff Eigenmann, pinalitan niya si JC de Vera sa napaka-kontrobersyal na role na tinanggihan nito sa isang teleserye na maaring magbigay sa kanya ng pinakamalaki niyang break bilang artista.

Bagaman at hindi na maituturing na baguhan si Geoff sapagka’t may ilang panahon na rin siyang umaarte sa bakuran ng ABS CBN, first time niya sa Kapuso.

Hinahawakan ang career niya ngayon ng manager din ni Dingdong Dantes.

[via]

Labels:


Continue Reading...

How Robin became Totoy Bato

Perhaps no other actor takes his craft as seriously as Robin Padilla, almost to a fault.

“Before he started shooting Blackout in which he plays an edgy role,” recalled his manager Betchay Vidanes, “Binoy insisted on staying on the location...and abandoned house in Cubao, Quezon City... to get the feel of the milieu.”

For (Carlo J. Caparas’) Joaquin Bordado, his last GMA action-series in which he plays the title role (a man whose tattoos would come to life to help him fight goons, played by former Sen. Ramon Revilla Sr. in the movie version), Robin did Pilates to look lean and practised yoga to de-stress himself.

“One morning,” continued Betchay, “I visited him at home and I was surprised to find him standing on his head. It turned out that he was copying yoga poses from a book.”

He went even farther for Totoy Bato (also by Carlo J. Caparas), his new GMA starrer (with Regine Velasquez and Manny Pacquiao among his co-stars) which started airing last Monday. Robin is cast as a prize fighter, the same role played by FPJ in the movie version.

As early as middle of last year while finishing his scenes in the horror movie Sundo (unreleased), Robin asked his staff to look for a copy of the FPJ movie not to duplicate FPJ’s portrayal but to study how he could give the role a new twist. Also, he watched movies about street-fighting and mixed martial arts.

“I have to look like a fighter,” said Robin. “For Joaquin Bordado, talagang nag-diet ako.”

For Totoy Bato, he did the opposite.

“Kain naman ako nang kain,” laughed Robin, “but I chose what to put in my mouth. I ate mostly boiled camote, banana and corn.

The result: From his 140-lb. Joaquin Bordado look, Robin expanded to his current 184-lb. Totoy Bato build.

For the rigorous training, Robin enlisted the help of Edcel Ngina, member of the Wushu and Muay Thai national teams, 2005 Wushu gold medalist in the Pre-Asian Indoor Games and coach of the Muay Thai Philippine Team.

His workout buddies included Jerome Lumagas, SEA Games gold medalist in Wushu and Sanshu; Jerome Calica, SEA Games gold medalist in Wushu; George Ludasan, World Wushu Championship gold medalist; Jason Balabal, member of the Philippine Wrestling Team; Perlito Siador, member of the Wrestling and Muay Thai Philippine Team; and Muay Thai fughters Jessie Matias, Edgar Paasa, Daniel Boyucan and Jason Siador.

Robin and his buddies even went to Baguio to continue the training.

“Their daily schedule was back-breaking,” said Betchay. “Binoy would wake up at 4 a.m., and pray before preparing for a hard day. By 4:30, he was in his tracksuit ready for the jog around the village where the Padillas have a house. The jog lasted until 6:30 a.m.”

Sometimes, he jogged around the Baguio Country Club and Camp John Hay, and climbed up and down the hundred steps. From 7:30 to 10 a.m., he lifted weights, and took snacks after that. After a break from 11 a.m. to 2 p.m., he was at the gym from 3 to 7 p.m. to lift heavy weights and do Muay Thai, Arnis de Mano, wrestling and mixed martial arts. After dinner, by 8:30, Robin was asleep. The same routine followed the next day.

“I got bruises in my legs,” said Robin. “Nagkapaltos-paltos ang mga paa ko dahil naging mas mabigat ang timbang ko. Up to now, the bruises are not healed.”

Through it all, Robin insisted that he did his own laundry.

“Ayokong magpalaba. That’s part of my training.”

The training was capped by a trek to Mt. Pulag in the Cordilleras (from Jan. 18 to 21), 2,992 feet above sea level, for a pictorial with Jun de Leon.

“I started the climb on the night of Jan. 18 and I reached the peak at 6:30 a.m. the next day.”

And that’s how Robin Padilla became Totoy Bato, which was well worth it because the TV action-drama got a high rating on its premiere last Monday and continues to do so.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, February 26, 2009

Annabelle Rama, may pasabog!

May event mamayang gabi ang GMA Films at inaasahan ang pagdating nina KC Concepcion at Richard Gutierrez. Siguradong aabangan kung darating si Annabelle Rama, pero kung darating man siya, baka hindi magsasalita sa isyu sa kanila ni Ms. Wilma Galvante dahil may inihahanda itong presscon at ‘du’n niya sasabihin at sasagutin ang lahat.

Annabelle Tells All ang title ng presscon at sa title pa lang, alam mo nang walang isyung hindi sasagutin si Annabelle. Interesado ang press malaman kung ano ang sagot niya sa bagong sulat na ipinadala ng lawyer ng GMA Network sa kontrata ni Heart Evangelista at kung maaapektuhan ba ng conflict nila ni Ms. Wilma Galvante ang ibang talents niyang nasa GMA-7 ngayon.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Magulang ni Heart nag-sorry sa GMA 7

Pagkatapos lumabas ang panibagong sulat ng GMA 7 para kay Heart Evangelista at sa kanyang manager na si Tita Annabelle Rama na addressed to Rivera Santos & Maranan Law Offices, nakipag-meeting kahapon ang magulang ni Heart kay GMA Network Chairman, President and CEO Atty. Felipe L. Gozon. Nangyari ang meeting kahapong 2:00 p.m. sa office ni Atty. Gozon.

“Heart’s parents, Mr. and Mrs. Rey Ongpauco first apologized for the mess that is happening now between Heart and the network. Mr. Rey Ongpauco also stands as her primary manager,” ayon sa e-mail na natanggap ko.

Sinabi rin umano nina Mr. and Mrs. Ongpauco na kagagaling lang nila ng abroad at bagama’t natanggap nila ang unang legal letter na ipinadala sa kanila ng GMA Network, wala raw silang alam sa legal letter na ipinadala sa GMA Network ng Rivera Santos & Maranan Law Offices.

Ipinaliwanag daw ni Atty. Gozon that the network is in the business of producing shows and hiring talents to perform in these shows. “Furthermore, GMA Network abides by their contracts and it carefully assigns shows to its talents. Concerns regarding roles, delineation of characters, story executions and the like should carefully be discussed among the parties involved,” ayon pa sa natanggap naming e-mail.

Sumusunod din umano ang GMA Network sa rules and regulations ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at never silang nag-produced ng programang may bold scenes at indecent language. “The character that Heart was supposedly assigned to portray in Muling Buksan ang Puso does not include bold scenes and vulgar language which would adversely damage and prejudice her public image and reputation.

“Moreover, personal concerns from talents should always be discussed and adjustments are made accordingly and without prejudice to the creative execution of the story. He also added that the network is willing to compromise but not to the point of violating these contracts, with both parties mutually benefiting from the concession,” ayon pa sa statement ng GMA 7.

Nagpahayag din si Mr. Ongpauco kay Atty. Gozon na willing si Heart na magtrabaho sa kanila dahil acting talaga raw ang passion ng kanilang anak.

Pero dahil nagsimula na ang pre-production ng supposedly ay pagtatambalan nila ni Dennis Trillo na Muling Buksan Ang Puso, napunta na sa iba ang role sana ni Heart.

Maghihintay daw muna ang aktres ng panibagong assignment na malapit na ring simulan ng pre-production.

Wala pang finality, pero the network is eyeing on Ngayon at Kailanman para kaya Heart.

Natapos umano ang meeting na parehong happy ang both parties and with a stronger commitment to each other.

Teka ano na ang papel ni Tita Annabelle na tumatayong manager ni Heart?

Panibagong issue ito?

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, February 25, 2009

Rich Asuncion muntik mag-back out sa Bb. Pilipinas

MUNTIK na palang magback-out si Rich Asuncion sa Bb. Pilipinas 2009.

May conflict daw ang pagsali niya sa beauty contest sa kanyang showbiz commitment.

Kungdi raw naayos agad ay puwede siyang mademanda

Bago pa naman lumala ang problema ni Rich, ina-yos nang mabuti ng GMA Artist Center ang problema ng dalaga na galing sa Batch 4 ng StarStruck at regular member ng SOP tuwing Sunday.

Sayang naman ang preparasyon ni Rich bago sumabak sa Bb. Pilipinas kung hindi siya makakasali.

Unang-una, tinapos muna ni Rich ang problema niya sa Dear Friend episode niya.

Tinapos din niya ang lahat ng taping niya bago sumali sa beauty pageant.

Gayundin sa isang soap na kasama rin siya na ginawan ng paraan para makunan ang lahat ng kanyang eksena.

Inaayos din ng Artist Center ang problema sa isang showbiz commitment niya na puwede siyang mademanda.

Sa March 7 na ang coronation night ng Bb. Pilipinas sa Araneta Coliseum to be hosted by Paolo Bediones.

Balita sa amin ng production ng Bb. Pilipinas, aba-ngan si Rich dahil magpapakitang gilas ang dalaga sa talent portion ng magaganap sa Huwebes sa labas ng Araneta Coliseum para mapanood ng lahat ng tao.

Malaki ang paniwala ng Artist Center na may tsansa ni Rich sa Bb. Pilipinas.

Punung-puno ng talents ang dalaga na magaling kumanta’t sumayaw.

Bukod pa sa magaling ding umarte.

Kasalukuyan pang nag-aaral sa UP si Rich.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Geoff Eigenmann, balik GMA

Hindi na kami nagtaka nang nabalitaan namin na balik-GMA si Geoff Eigenmann para sa gagawing 8-part mini-series ng Obra starring Marvin Agustin.

Unang-una na, wala ka-sing project ngayon si Geoff sa ABS-CBN.

‘Yung bago sana niyang teleserye dito na Moon River, kung saan katambal niya si Maja Salvador ay na-shelved muna.

Kaya naiintindihan na-min kung sakaling inisip ng manager niyang si Perry (na manager din ni Dingdong Dantes) na ibalik na siya sa Siyete.

Nanghihinayang naman kami kay Geoff.

Kasi kung kailan naman siya sumexy at nagpapayat nang husto ay saka naman siya nawalan ng projects sa Kapamilya network.

Huli namin siyang napanood sa Lobo nina Angel Locsin at Piolo Pascual, kung saan rumampa pa si-yang naka-bikini trunks lang.

Ayaw naming isipin na lipas na ang pagiging bida niya sa TV at pelikula.

But then, he could also make a good character actor.

After all, kilalang mga character actors ang kanyang mga magulang na sina Michael de Mesa at Gina Alajar.

Palagay namin ay magi-ging isang malaking asset sa GMA si Geoff ngayong Kapuso na siya ulit!

[via]

Labels:


Continue Reading...

Rufa Mae, Pops at Ruffa hataw sa Mikaela

Nagbukas ang Philosophy by Mikaela Advanced Aesthetic Center sa pamamagitan ng aggressive advertising and promotional campaign kasama ang kanilang tatlong celebrity endorsers na sina Rufa Mae Quinto, Pops Fernandez at Ruffa Gutierrez.

Ang PBMAAC ay pag-aari na ni Mikaela Bilbao na hands on din sa pagpapatakbo ng center at kilala sa field ng physical aesthetics and well being. Si Rufa Mae ang endorser ng Philosophy’s skin whitening services. Samantalang si Pops naman ay inire-represent ang non-invasive slimming service. Habang si Ruffa ang endorser ng Philisophy’s salon services make-up na nangangalaga mula sa haircare at styling ng buhok.

Ang PBMAAC ay matatagpuan sa Penthouse Level, 832 Arnaiz Ave., Makati at sa Ground Floor, Forbestown Center, Rizal Drive, Bonifacio Global City. Magbubukas din ng branch sa Sgt. Esguerra, QC ngayong buwan ng Marso at sa Alabang naman sa buwan ng Mayo. Tumawag lamang sa 892-1574.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, February 24, 2009

Rhian at JC tinanggihan ang Rosalinda

Nasulat namin kahapon ang plano raw ni Anna­belle Rama na magpa-presscon para kay JC de Vera para linawin ang mga isyung sangkot ang actor at kasama tiyak ang status ng kontrata nito sa GMA-7 sa pag-uusapan.

Kung matutuloy ang presscon, sana linawin din nina JC at Annabelle kung totoo ang tsikang unang in-offer sa actor at kay Rhian Ramos ang Rosalinda at follow-up sana ng Lalola, pero hindi natuloy dahil napunta ang actress sa Zorro.

Sunod daw na in-offer kay JC ay maging leading man ni Carla Abellana sa Rosalinda pa rin, pero hindi pa rin natuloy ang actor. For sure, may paliwanag si Annabelle kung bakit hindi niya tinanggap ang project for JC kahit sabihing sure hit ito gaya ng Marimar.

Ngayon pa lang, marami na ang nanghihinayang sa hindi pagkatuloy ng JC-Carla na tiyak may chemistry din.

Balita namin, kundi makakita ang Ch. 7 ng right actor para maka-pareha ng newcomer, hihintayin na lang maging libre ang isa sa contract star nilang marami rin ang fans at inaabangan ang bawat soap at in-demand leading man.

[via]

Labels: ,


Continue Reading...

Monday, February 23, 2009

Aljur Abrenica kabado kay Ara

Dalawang shows ang ibinigay kay Ara Mina sa pagbabalik niya sa GMA-7 at baka sa Bubble Gang bumalik na rin ito’t miss na niya ang gag show at mga kasama.

May special role si Ara sa Totoy Bato bilang asawa ni Robin Padilla, pero kay Manny Pacquiao pa rin siya pilit inili-link. Ito’y kahit may boyfriend na siya na kung kanyang i-describe ay “very intelligent, very young, very supportive and understanding.”

Two months na ang relasyon nila, pero hindi pa rin binabanggit ni Ara ang name ng BF na si Raymond Ilusurio-Yap.

Nakita namin ang picture ng guy sa cellphone ng isang reporter na padala ng friend niya from Hongkong na kinunan sina Ara at BF nang magbakasyon du’n.

Kasama rin si Ara sa TV remake ng Dapat Ka Bang Mahalin? at binuking nito na kinakabahan ang young actor na si Aljur Abrenica sa kissing scene nila. Nangako naman siyang aalagaan at iga-guide ito.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, February 22, 2009

Marian, laging nakapulupot kay Dingdong

Bagong cast ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang si Alvin Fortuna na alaga ni Lito de Guzman. Sa mini-presscon na ipinatawag ng manager para sa kanya last Friday, kinumusta namin sa kanya ang mga co-stars niyang bida ng serye na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Kaswal na kaswal ang sagot ni Alvin.

“Ay, malambing sila sa isa’t isa. Sila na ba? Ayun, lagi silang magkayakap. Malambing. Halimbawa, nagkukuwentuhan, lalapit si Marian kay Dingdong, tapos magha-hug sila.”

So, naiinggit siya?

“Oo, ang sweet-sweet kasi nila,” sagot pa ng aktor.

So, kung pagbabasehan ang kuwento ni Alvin, kumpirmado ngang sina Dingdong at Marian na dahil bakit naman sila magpi-PDA (public display of affection) sa set kung wala silang relasyon.

Anyway, guest lang si Alvin sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang at ginagampanan niya ang role na isang pulis.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Isabel nasaktan nang yayain ng kasal ni Paolo si Lian

MUKHANG naka-move on na nga ang isa sa may pinakamagagandang mukha sa showbiz at star ng Gagambino na si Isabel Oli.

“I can say I`m getting there na. Pero, ako kasi kapag nakipag-relasyon, sobrang se rious ako. “Pero I`m really happy right now. Happy that I`m single again and I can do anything na hindi ko magawa noong kami pa ni Paolo.”

Inamin din ni Isabel na until now ay hindi pa muling nagkukrus ang landas nila ng ex-boyfriend na si Paolo Contis.

Medyo nasaktan daw si Isabel nang mabalitaan niyang inalok ni Paolo ang current girlfriend nitong si Lian Paz ng kasal. Si Isabel kasi ay niyaya rin daw ni Paolo ng kasal noong sila pa, at dapat, magaganap ito ngayong taon kung hindi sila nag-break.

“Niyaya rin niya ako noon ng kasal. At kung hindi kami nag-break naka-schedule sana ang wedding namin this year,” wika ni Isabel.

[via]

Labels:


Continue Reading...

La Diva, ipinagmamalaki ng GMA Artist Center

Isa sa ipinagmamalaking talents ng GMA Artist Center ay ang La Diva na binubuo nina Aicelle Santos, Jonalyn Viray at Maricris Garcia. Inaabangan lagi ang number nila sa S.O.P. at marami silang fans sa subscribers ng GMA Pinoy V, kaya may show sila sa Virgil Auditorium sa Los Angeles sometime in April.

Walang balak mag-solo sinuman sa tatlo dahil mas masaya silang nagpi-perform na trio at hindi rin uso sa kanila ang inggitan. Sa halip, nagtutulungan at nag-susuportahan sila.

Ang GMA-7 at staff ng S.O.P. ang nagka-ideya na gawin silang trio at sila rin ang nagbigay ng pangalang La Diva.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, February 21, 2009

Marian Rivera, tanggap and reaksyon ng fans

Record-breaking ang live chat nina Dingdong Dantes at Marian Rivera noong February 19, 2-4 p.m., at umabot sa 4,465 ang count questions kay Marian at 2,443 naman kay Dingdong.

Majority sa tanong, tungkol sa relasyon nila’t sa Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang.

Natuwa sina Marian at Dingdong dahil kahit may mga hindi gusto ang character nila sa soap, marami pa rin ang natutuwa sa istorya at sa role na kanilang ginagampanan.

“Naiintindihan ko ang reaction ng fans, pero maiintindihan din nila sa mga susunod na episode kung bakit ganu’n si Proserfina. Ang importante, nagagawa namin nang tama ang trabaho namin at ‘Proserfina’ ang tawag sa akin ngayon ng tao,” wika ni Marian.

“Hintayin nila ang transformation ng character ni Homer, magiging exciting na siya. Mas titindi rin ang conflict nila ni Rado (Paolo Contis),” pangako naman ni Dingdong.

Samantala, kumot na magagamit ni Marian sa taping ang Valentine’s Day gift ni Dingdong, hindi mahal at simple lang ang regalo niya, pero pinag-isipan.

Ayaw naman sabihin ng actress kung ano ang ibinigay niya kay Dingdong.

Nag-dinner din sila kasama ang cast ng ABHSAT.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Survivor Philippines 2 audition schedules

THE search for Survivor Philippines 2 has started . Applicants must be 18 years old and above, must be physically and mentally fit and have the stamina to stay in a place not familiar to them for 39 days .

Auditions will be on Feb. 26 and 27 at CSI City Mall in Lucban, Dagupan, SM Baguio (March 3 and 4), LCC Mall ( Naga City ) (March 9 and 10, SM Iloilo (March 12 and 13), SM Cebu (March 15 and 16), SM Davao , March 18 and 19 SM Lipa, Batangas, (March 23 and 24), SM North EDSA (March 27 and 28) at SM Mall of ASIA (March 29 and 30.

With the new search, GMA will find someone to fill the need of new talents. It looks like past winners, even of other reality searches, didn’t make the grade. Hope they could make better judgment this time.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Manny Pacquiao pinakyaw ang bigtime politicians sa binyag ni Queen Elizabeth

BILANG paghahanda na sa kanyang buhay-pulitika ang mga hakbang ngayon ni Manny Pacquiao.

Ang karamihang Ninong at Ninang na kinuha ni Pacman para sa binyag ng kanyang bunsong anak ay pawang po-liticians. Bukod sa taping ng Pinoy Records at Totoy Bato, busy si Manny sa preparasyon ng binyag ng kanyang bunsong anak na si Queen Elizabeth. Balitang pinili nina Manny at Jinkee ang mga pulitiko na galing sa administrasyon at meron din namang mula sa oposis-yon.

Magaganap ang binyagan sa Feb.22 (Sunday) sa General Santos City sa isang simbahang Katoliko roon. Ilan sa ma-lalaking pangalan ay si-na VP Noli de Castro, Sen. Manny Villar, Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Chiz Escudero, Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla, Asec Cha-vit Singsong, etc.

Sa mga kababaihan, kabilang sina Sen. Loren Legarda, Wilma Galvan-te, Redgie Magno, Annette Gozon ng GMA-7. Magiging kumare rin ni Pacman si Annabelle Ra-ma.

Ngayong Saturday ay tampok sina Manny at Chris Tiu sa programang Pinoy Records. Laging top-rater ang show ng da-lawa dahil sa kakaibang achievements ng mga Pinoy na ipinapakita sa pro-grama. Tampok sina SexBomb Aira at Weng sa Pacman Challenged. Magpapakita rito ng incredible stunts ang dalawang sexy stars.

Tampok ang isang grupo ng Pinoy dancers na nagwagi sa dance competition sa Hong Kong para sa Bidang Pinoy.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Friday, February 20, 2009

Arnold Clavio, ipu-pull-out sa ‘Emergency’

HANGGANG March this year na lang ang Emergency ni Arnold Clavio sa GMA-7.

Ang balita namin, ipapahinga muna ang show na nagpapakita ng iba’t ibang insidente ng kalamidad at sakuna pero malamang na ibalik sa ere sa susunod na taon.

Walang dapat ipag-alala ang followers ni ’Igan Arnold dahil ang dinig namin, hindi ito totally madi-displace at ilalagay sa Case Unclosed.

Bukod dito, siyempre ay nariyan pa rin ang early morning show niyang Unang Hirit at late-night newscast na Saksi.

[via]

Labels:


Continue Reading...

La Diva show in Los Angeles

Si Jonalyn Viray ang pinakabata sa La Diva, pero siya ang may lovelife at pinaka-daring manamit at walang takot magpakita ng cleavage. Talo niya sina Aicelle Santos at Maricris Garcia dahil sa walang boyfriend na nagbigay ng regalo noong Valentine’s Day.

Magkakasundo ang tatlo, palibhasa’y laging magkasama sa rehearsal for SOP, sa mga show at pati sa gimik. Minsan, kasama nila ang members ng You Got Male, pero walang malisya ang pagsasama nila dahil ‘di nila type sina Jan Nieto, Bryan Termulo, Harry Santos at Gian Magdangal dahil alam nilang hindi rin sila type ng mga ito.

Nakatakdang gumawa ng album ang La Diva at may show din sila sa Virgil Auditorium sa Los Angeles sometimes in April sa request ng subscribers ng GMA Pinoy TV.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Ramiele Malubay, no career sa Pinas?

Pinauuwi na raw si Ramiele Malubay sa Amerika ng kanyang mga magulang. Dismayado raw ang mga magulang ni Ramiele dahil walang nangyari sa kanyang singing career dito sa Pilipinas.

The who si Ramiele? Siya ang Pilipina na naging finalist sa American Idol. Umuwi siya sa Pilipinas para subukan ang kanyang kapalaran pero mukhang babalik siya ng luhaan sa US of A.

Kasamang dumating ni Ramiele sa Pilipinas ang kanyang boyfriend na type din na mag-artista. Wala rin nangyari sa ambisyon ng boyfriend ni Ramiele dahil hindi pala outstanding ang kanyang face as in hindi siya pang-showbiz.

Actually, mas mahuhusay kumanta kesa kay Ramiele sina Jonalyn Viray, Aicelle Santos at Maricris Garcia ng La Diva.

Walang ka-effort-effort na nasapawan ng La Diva si Ramiele nang magkaroon sila ng production number sa SOP noong December 2008.

Pang-American Idol ang mga boses ng La Diva pero hindi sila makakapasa sa audition dahil hindi naman sila mga American citizen ‘noh!

[via]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, February 19, 2009

Richard at KC, naghihiraman ng mamahaling relos

HINDI nagkita last Valentine’s Day sina Richard Gutierrez at KC Concepcion dahil may taping ng Zorro sa Bataan ang actor.

Pinadalhan na lang nito ng flowers ang kapareha sa box-office hit movie na When I Met U na noo’y may workshop sa ABS-CBN.

Samantala, second week na ng nabanggit na pelikula. Thankful sina KC at Richard, ang Regal at GMA Films, sa mga nanood. Wala pang one week, almost P100 million na ang gross nito at patuloy na pinapanood.

Isa rin kami sa curious makita ang super expensive Hublot wristwatch ni Richard na ayon sa research ng fans nila ni KC ay katumbas ng three cars ang presyo.

Platinum ang case nito at water resistant at ipinahihiram niya kay KC.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, February 18, 2009

Rufa Mae Quinto afraid of Lani Mercado?

IS it true that Lani Mercado requested that Rufa Mae Quinto, who was once linked to her husband Sen. Ramon Bong Revilla, Jr., be assigned another role in the new GMA-7 series, "Zorro"? Originally, they were meant to play sisters, but this will no longer be so. We're not surprised if Lani would feel afraid that they might be uncomfortable with each other on the set.

"In fairness to Lani, it's not her fault na hindi na sila matutuloy to play sisters," says someone connected with the production. "Si Rufa Mae ang hindi puwede as she's leaving for a series of shows in the States. E, we are already starting to tape their scenes together and we can no longer wait for her dahil about one month daw siyang mawawala, so papalitan na lang siya ng iba."

Could it be that it's Rufa Mae herself who requested this to avoid intrigues and prevent tongues from wagging? We heard that she said she'd still want to be part of the show and asked that they just assign her another role that she can do when she's back in town.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Family Feud nasulot ni Goma kay Marvin

Aminado si Marvin Agustin na dream niya talaga ang maging isang TV host at ibinulgar niya ang pago-audition niya noon para sa Family Feud na unfortunately ay napunta kay Richard Gomez.

Pero wala namang regrets si Marvin dahil nakita naman niya that Richard proved to be the perfect host for the show.

Anyway, binigyan naman siya ng ibang show ng GMA to host, ang Outrageous & Courageous na mapapanood na simula Feb. 24 bilang kapalit ng Full Force Nature ni Richard Gutierrez sa Bilib Ka Ba Nights ng GMA.

Mapapanood dito ang funny and fantastic feats of bravery, mga amazing dare-devilish stunts, most unusual rituals and festivals mula sa iba’t ibang parte ng mundo.

Makakasama ni Marvin dito ang high-class puppet na si Paps.

Ayon kay Marvin ang pinaka-outrageous na ginawa niya sa kanyang buhay ay ang lumipad pa papuntang Singapore para ma-kipag-date lang at bumalik na kaagad sa Pilipinas a few hours later.

Aba, super-galante naman ni Marvin pero ayaw niyang i-reveal kung si Krissa Mae ba ang dinate niya ng isang araw sa Singapore.

Ang inamin lang niya ay magkasama silang dalawa ni Krissa Mae noong nakaraang Pasko at Bagong Taon sa bahay niya mismo.

Si Marvin din pala (at hindi na si Jennylyn Mercado na naging busy na sa Paano Ba Ang Mangarap) ang susunod na ipi-feature sa Obra.

Gagawin na ring isang mini-series ang Obra for eight weeks para lang sa kanya.

Bongga!

[via]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, February 17, 2009

KC Concepcion, Richard perfect sa panlasa ng masa

TUNAY namang perfect loveteam sina Richard Gutierrez at KC Concepcion.

Hindi lang perfect loveteam kundi talagang match na match ang dalawa.

Wala tayong maipipintas dahil talaga namang na-pakaganda nilang tingnan bilang pareha.

Napakaguwapo ni Ri-chard at super-ganda naman si KC. Class na class ang kanilang tambalan, pati sa height nila, magkabagay sila.

Si Chard, talagang pang-matinee idol at si KC nama’y pambida at pang-leading lady talaga.

Noon ngang premiere night ng kanilang pangalawang tambalan na prinodyus ng Regal Entertainment at GMA Films, ang When I Met You na idinirek ni Joel Lamangan sa SM Megamall ay dinumog ng fans sina KC at Richard.

Mabuti na lang at nakaantabay sa dalawa ang mara-ming alalay nila kaya nasawata ang pag-mob sa kanila ng fans.

Sabi nga ni Annabelle Rama noong nasa lobby pa sila ng sinehan habang hi-nihintay ang pagdating ng mga sikat na pareha paulit-ulit niyang binanggit na bo-tong-boto siya kay KC para sa anak niyang si Richard.

“Alam naman ‘yan ni Sharon na boto ako sa anak niya, ano? Walang masama na pumili ng mamanugangin, ano? Kung puwede nga lang ipakasal ko na sina KC at Richard ay gagawin ko para tuluyan ko nang maging manugang si KC. Bukod kasi sa mabait na bata ay napakaganda pa ni KC, bagay na bagay siya kay Richard! Iba ang karisma ng tambalan nila, talagang perfect chemistry ang dalawa,”ani Annabelle.

Buong pamilya ng Gutierrez family ay aprub kay KC.

Kahit si Ruffa na elder sister ni Richard ay nagkomento ng: “Honestly, si KC lang ang perfect lady for my brother. Iba ang dating sa akin ni KC, kamukha ko rin siyang maganda kaya siguro type ko siya para sa kapatid ko. Saka magka-vibes na kami. Hindi na kami naiilang kapag magkasama kami sa mga kasosyalang pang-showbiz.”

Kahit ang ama ni KC na si Gabby Concepcion ay walang masabi sa kabaitan ni Richard.

Iba raw itong makisama at very proud siya na ma-ging kapareha nito ang kanyang lovely daughter.

“Kaya nga son-in-law ang tawag ko kay Richard dahil talagang botong-boto ako sa kanya para kay KC. Gusto ko s’yang maging manugang. Pero dahil nga-yon pa lang nagsisimula ang career ng anak ko, dapat muna niyang unahin ang kanyang pag-aartista para mas umangat pa siya. In so short a time na pama-malagi niya sa showbiz, naging instant star siya! Masaya ako para sa aking anak. Very proud ako sa kanya dahil inuna niyang tapusin ang pag-aaral bago sumalang sa pagso-showbiz,” ani Gabby.

“Dito nga sa second movie niya, ang When I Met U, masayang-masaya ako dahil nasolo ko ang anak ko. Nasa States yata si Sharon kasama ang pa-milya niya para magbakasyon kung kaya hindi siya naka-attend sa premiere night ni KC. Pero, alam ni Sharon na ako ang susuporta kay KC habang wala siya. Natutuwa naman ako’t kahit papano’y hindi na kami nagkakailangan ngayon ni Mega. May kani-kanyang pamilya na rin kami kaya okey na sa amin ang lahat ngayon,” says Gabby.

When I Met U” is absolutely perfect for the Valentine season.

Maganda ang pagkagawa ni Direk Joel Lamangan at siguradong papasa ito sa panlasa ng mga manonood.

Bukod kina KC at Richard, kasama rin sa cast ng When I Met You sina Cheery Pie Picache, Tirso Cruz, Iya Villania, Ms.Perla Bautista, Raquel Villavicencio, at marami pang iba.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Manny Pacquiao magdadrama sa bagong serye

Hindi nakapunta si Manny Pacquiao sa presscon ng Totoy Bato dahil marami siyang inaasikaso sa General Santos City.

Matagal na mawawala si Manny dahil pupunta uli siya sa Amerika para paghandaan ang kanyang laban sa Las Vegas sa May 2009.

Bago mag-goodbye Philippines, tatapusin ni Manny ang lahat ng mga eksena niya sa Totoy Bato. Hindi mahirap tandaan ang name ng karakter ni Manny sa bagong TV show ni Robin Padilla sa GMA 7. Why? Pacman ang pangalan ng boxer na gagampanan niya.

Magdadrama si Manny sa Totoy Bato. Ibang-iba raw ang kanyang role kaya dapat abangan ang serye nila ni Robin. Nagkasama na noon sina Manny at Robin sa isang TV show ng ABS-CBN pero hindi ito masyadong gumawa ng ingay.

* * *

Matagal pa ang laban ni Manny pero pinaghahandaan na ito ng mga pulitiko. May mga kilala ako na pulitiko na nakakundisyon na ang isip na pupunta sila sa Las Vegas sa May para panoorin ang boxing match nina Manny at Ricky Hatton.

Isasama ni Manny sa Amerika ang kanyang mga magulang. Ipinapaayos na ni Manny ang passport at visa ng kanyang tanging ina at tanging ama.

First time na pupunta sa Amerika ang mga magulang ni Manny. Gusto nila siyempreng mapanood ang laban ng kanilang anak sa Las Vegas.

Lalong gaganahan si Manny na pagbutihin ang training. Siyempre, hindi siya papayag na matalo ni Hatton, lalo na kung nanonood ang kanyang mga magulang.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Monday, February 16, 2009

GMA 7 disappointed with new Dingdong-Marian show?

IS GMA-7 somehow disappointed that the third Dingdong Dantes-Marian Rivera series, "Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang" is not rating as high as their former shows, "Marimar" and "Dyesebel," that hit 40 percent plus?

"Not exactly naman disappointed," says the show's production head Redgynn Alba. "Mataas din naman at 34 percent ang pilot telecast nito, but coming from the 40 percent of 'Marimar' and 'Dyesebel,' siyempre sasabihing mababa nga. But that's just to be expected kasi more mature ang material ng 'Babae', unlike before na kuha pati mga batang viewers. Isa pa, masyadong offbeat ang character dito ni Marian as Proserfina at hindi siya basta inaapi. May mystery talaga sa story not immediately evident in the first few episodes. We know it will be a slow burn but it will surely gain more viewers kapag ipinakita na ang flashbacks sa buhay ni Proserfina as the story gets more involving. May pinanggalingan kasi why she's behaving that way at papunta pa lang doon ang story."

So what's Proserfina's secret? "It will be revealed that she was once a member of a syndicate at ang dami niyang hirap na pinagdaanan doon so she's trying her best to escape kaya nga napadpad siya sa bahay ni Dingdong. Actually, very sympathetic ang character niya and the viewer will feel for her kapag na-explore na nila nang husto ang mundo ni Proserfina. Basta huwag silang bibitaw kasi paganda nang paganda ang story niya as the days pass by."

This week, the show gets more intriguing when Dingdong Dantes as Homer takes Proserfina to a club and she sees Rado (Paolo Contis) there. Rado is the key to her dark and mysterious past. Heleen (Angelu de Leon), Homer's two-timing girlfriend, also discovers who Proserfina really is.

[via]

Labels:


Continue Reading...

‘Masamang ugali’ ni Marian mabago kaya ni Lolit Solis?

MAY kasabihan sa Ingles: You can never teach an old dog a new trick.

Puwedeng-puwede itong i-apply sa nangyari ngayon kay Marian Rivera.

Ugali na kasi talaga niya ang pagiging mataray, suplada at pagiging extra sensitive. Ilang kapatid na nga sa panulat ang naging victim ng “attitude prob-lem” na ito ni Marian.

Ngayon ay kinuha nila ang service ni Lolit Solis para pabanguhin ang kan-yang pangalang naging antipatika sa karamihan sa mga tao sa industriya.

Sinimulan na nga nila ito nu’ng Pasko sa pama-magitan ng pagpapa-raffle ng malalaking appliances sa ilang grupo ng mga manu-nulat. Sinubukan na ring ilapit ni Manay Lolit nga-yon sa ilang press people si Marian.

Pero, may nagbago ba? Eh, bakit marami na naman ang nage-email sa amin na naka-experience lately ng katarayan ni Marian sa set?

Isa sa mga respetadong personality si Manay Lolit sa industriya, pero ewan lang namin kung mababago niya ang ugali ni Marian na matagal na niyang dala-dala.

Si Marian na nga ang nag-sabi noon na Caviteña siya. Kaya likas sa kanya ang pagiging prangka at mata-pang. Pero, sana naman, gamitin niya ito sa magan-dang paraan at nasa lugar na pagtataray.

Sana rin nga, mabago ni Manay Lolit ang masamang ugali ni Marian.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, February 15, 2009

Heart Evangelista ayaw maka-love team si Dennis Trillo

PAGKATAPOS makipag-break ni Heart Evangelista kay Francisco Delgado last January, isinara muna niya ang puso sa tawag ng pag-ibig.

Career muna ang aatu-pagin ng dalaga. Sorry na lang kay Dennis Trillo na balitang gustong lumigaw kay Heart dahil ‘di siya papansinin nito.

Speaking of Francisco. Ayon sa bida ng Luna Mystika, bata pa siya ay crush na niya ito although malayo ang agwat ng kanilang age. Kaya nang nag-break sila ni Jericho Rosales at lumigaw sa kanya ito, ’di na nagdalawang isip si Heart na sagutin si Francisco.

Ani Heart: ‘Di nag-work ang relasyon namin. Kaya pagkatapos ng pitong buwan, nag-break kami.”

‘Di naman naapektuhan si Heart ng hiwalayan nila ni Francisco.

“Madali lang naman kami.‘Di tulad ng nakaraan , matagal kami ni Echo,” wika pa ni Heart.

Inamin ni Heart na iniyakan niya noon nang husto si Jericho. Naka-move on na siya at ngayo’y balik-showbiz siya.

By the way, hindi ti-nanggap ni Heart ang bagong project na ibinibigay ng GMA-7. Isang afternoon soap ito kung saan kapartner sana niya si Dennis Trillo na may titulong Muling Buksan ang Puso, movie noong 1985 nina Vilma Santos at Dindo Fernando.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, February 14, 2009

Rufa Mae Quinto namaga ang mata dahil kay Jon Avila

Ang pagpapakulay ng buhok at hair extension ang inirason ni Rufa Mae Quinto sa late na pagdating sa presscon ng Philosophy by Mikaela. Hindi naniwala ang mga reporters na malapit sa kinauupuan nito at kita ang pamumula at pamumugto ng kanyang mga mata. Nang tanungin kung umiyak siya, sumenyas si Rufa Mae na ’wag na lang maingay.

Sa solo interview sa kanya, may kalabuan ang sagot nito sa tanong ng press kung bakit siya umiyak at kung sino ang nagpaiyak sa kanya? Hindi raw si Jon Avila ang nagpaiyak sa kanya at bakit daw niya iiyakan ang binata.

Inamin nitong nami-miss niya ang binata dahil last week pa sila nag-date. Pinuna ni Dondon Sermino ang pag-i-English niya at parang galing sa pakikipag-usap sa isang Inglesero. Ang sagot, choice niyang umiyak at private moment daw niya ’yon.

Hindi napanood ni Rufa Mae ang sinasabing pagpapaalam daw ni Jon kay Erik Santos, bagay na hindi rin maintindihan ng dalaga kung bakit. Nanliligaw ba ito sa kanya?

“Kung nanliligaw siya? Hindi ko alam at hindi ko maintindihan. Hindi ko na rin siya tinanong kung bakit siya nagpaalam kay Erik. He wants to be single and I respect that ’cause I want to be single also and I’m used to being single and alone,” sagot ni Rufa Mae.

Lalong nalungkot si Rufa Mae dahil aalis siya sa February 18 at sa March 10 na ang balik, matagal niyang ’di makikita si Jon na ’di niya alam kung love siya o hindi. Pagbalik niya, doon pa lang siya magti-taping for Zorro.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Bing Loyzaga and Janno Gibbs updates

HOW does Bing Loyzaga feel playing a role originally played by Armida Siguion Reyna in the film version of "Paano Ba ang Mangarap"? Isn't she too young at 37 to play the role of Mark Herras and Hero Angeles' mom. Donya Francia, in the show?

"Okay lang for me to play mother roles kasi ang eldest kong si Alyssa graduating na in college," she says. "It's an honor and a privilege for me to play a role first played by Tita Midz. I feel so lucky nga na I get to work with both channels. After I did 'Marimar with Marian Rivera sa GMA, lipat naman ako sa ABS for "My Girl' with Kim Chiu. At mababait ang roles ko dun, huh. Now balik ako sa pagkokontrabida as Jennylyn Mercado's mapang-aping mother in law in "Paano Ba ang Mangarap'. Ang problema lang nito, maraming eksenang maha-high blood ako kay Jennylyn. E, may hypertension na ang lola nyo kaya nga under medication na ko to control my blood pressure. So kailangan, pag nagtataray ako, doon sa role ko lang at hindi ko madala in real life."

Was it her husband Janno who caused her alta presyon? "No naman. In fairness to him, he helps me nga para hindi ako magka-high blood. Naapektuhan ako noon ng mag-50-50 ang dad ko (Caloy Loyzaga) sa Australia at nasundan ng aksidente ng mommy ko na nadulas and hit her head. Dahil nga sa alta presyon, I stopped smoking na at di na ko masyado sa meat. Thankful din akong si Direk Joel Lamangan kasi maaga siyang magsimula ng taping kaya maaga rin kami natatapos. No puyatan."

So which does she prefer portraying: being good or being bad? "Napansin ko lang, pag maldita ang role, in public, nai-intimidate ang mga tao sa'kin. Pero kapag mabait, aba, nagpapa-picture sila with me. Ngayong aapihin ko si Jennylyn, siguro mababaliw na naman sila sa katarayan ko."

Would she say Janno has really reformed? "Oo naman. Tumino na siya since we got back together and he tries his best para hindi ako ma-stress. Ewan ko lang kung hanggang kailan, huh. Ako rin naman, I've learned to trust him. Unlike before, na tanong ako ng tanong sa kanya. I realized mate-tension lang ako sa ganun so hindi ko na rin siya masyadong pinakikialaman sa mga ginagawa niya para mas relaxed ako."

[via]

Labels:


Continue Reading...

Heart Evangelista loveless ngayong Valentine’s Day

TIPONG hindi nasalo ni Heart Evangelista ang lahat ng suwerte mula sa langit.

Suwerte siya sa soap niyang Luna Mystika dahil no.1 pa ring soap ito ng GMA-7 sa evening primetime.

Pero, malas naman ya-ta siya sa lovelife. Kasi, recently lang ay nakipag-split siya sa boyfriend niyang si Francisco Delgado.

Pero, kahit na loveless na naman si Heart, inspired pa rin siya sa kanyang career ngayon, kaya nana-natiling mataas sa ratings game ang programa ni-yang Luna Mystika na matagal pa nating mapapanood sa telebisyon.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Friday, February 13, 2009

Marian Rivera cellphone is lost

Iyak daw nang iyak kahapon si Marian Rivera sa taping ng Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang sa Tagaytay.

Sino ba naman ang hindi iiyak kung nawawala ang cellphone mo?

Sinusulat ang kolum na ito (4 p.m.) ay apat na oras nang hindi nahahagilap ang cellphone ni Marian.

Eh, lahat ng tao sa set, nag-participate nang maghanap, dahil ang sinumang makaka-produce ng cellphone ng aktres, merong pabuya.

P100,000!

[via]

Labels:


Continue Reading...

Isabel Oli still close to Paolo Contis' family

IS Isabel Oli bitter about how her nearly three-year relationship with Paolo Contis ended? “Hindi naman ako bitter,” she says. “As of now, I was able to let go na. Kasi, kahit papaano, I learned something from the experience. I must admit I enjoyed it while it lasted. Hindi naman puro masakit ang nangyari sa’min ni Paolo as we also had good moments together. Maaring hindi naging maganda ang ending at walang formal closure, but one thing I got from it is that it definitely made me stronger.”

So is she now ready to get into a new relationship? It’s said she’s about to play beautiful music with a cager. “No, the cager is just a friend. Honestly, I enjoy being unattached now at kung sakali ngang may bago na akong boyfriend, sasabihin ko naman. I’ll be proud of him. E, kaso nga, wala naman talaga.”

What can she say that Paolo’s mom is very vocal in declaring she prefers her over Lian Paz, Paolo’s current? “Siyempre, nakakatuwa. We became close ng family niya so may communication pa rin kami ngayon, especially with his sister-in-law na nakaka-text ko hanggang ngayon. May usapan nga kaming manonood ng Tagalog movie, e. So we’ll date this Valentine season. Baka manood kami ng ‘When I Met U’ kapag wala akong trabaho.”

Has she seen Paolo again since their breakup? “Nakakatawa nga kasi we belong to the same network, pero hindi kami nagkikita. Pero wala namang kaso sa’kin yun. Siguro it’s not just the right time yet. But if ever we’d bump into each other, I wouldn’t hesitate to greet him and say hello. He’s not naman a stranger.”

What if Paolo is with Lian? “I’d probably say also hi to her, kahit hindi kami magkakilala. Hindi naman kasalanan kung na-in love si Paolo sa kanya. HIndi naman siya ‘yung reason we broke up. Wala namang may kamalian sa nangyari. Nangyari lang siguro talaga na na-in love sila sa isa’t isa and I guess that cannot be helped. We have all to move on kasi tapos na ‘yung sa’min, at para wala naring masabi ang mga tao.”

[via]

Labels:


Continue Reading...

Jennylyn Mercado at Mark Herras, balik-tambalan

Marami sa mga fans nina Jennylyn Mercado at Mark Herras ang natutuwa sa pagbabalik-tambalan ng dalawa sa pamamagitan ng Sinenobela na Paano Ba ang Mangarap? na unang tinampukan sa pelikula nina Vilma Santos at Christopher de Leon.

Sa kanilang balik-tambalan, maraming mga pag­ba­bago sa buhay ng dalawa. Naugnay si Jennylyn kay Patrick Garcia at nagkaroon sila ng anak, si Alex Jazz. Naugnay din si Mark sa EB Babe na si Lian Paz at kay Rhian Ramos pero ngayon ay loveless ang binata.

Inamin din ni Jen na malaki na rin ang ipinagbago ni Mark.

Nag-mature na umano at hindi na maharot tulad ng dati ang aktor at kumportable umano siyang katra­baho dahil bukod sa naging boyfriend niya ito noon, marami na silang project na pinagsamahan.

Wala na ring hesitation si Jennylyn kung magka­roon man sila ng mga intimate scenes ng dating nobyo sa kanilang bagong TV series.

[via]

Labels:


Continue Reading...

moymoypalaboy now with SonyBMG

The two brothers known as moymoypalaboy with just a cellphone camera made videos of themselves lip-synching catchy tunes and posted them on YouTube.

And what do you know? They suddenly became an Internet sensation with their videos receiving millions of hits not just in the Philippines but all over the world. So popular that GMA 7’s Bubble Gang included them in the cast.

Now, they can now add recording artist on their list of achievements as Sony Music Entertainment recently signed up the wacky duo.

This early, their first single Lumayo Ka Man Sa Laklak (a parody on Rodel Naval’s Lumayo Ka Man Sa Akin and Teeth’s Laklak) off their upcoming debut album Uploaded, is already making waves on radio.

Present during the contract signing were moymoypalaboy and their manager Mitch de Guia-Razote and SonyBMG Philippines managing director Rudy Tee (third from left).

[via]

Labels:


Continue Reading...

JC de Vera, a Kapamilya soon?

In the past few years, JC de Vera has established himself as one of the most promising new talents in a series of TV dramas on GMA which has discovered and groomed him. He showed his versatility in the four-episode Obra in which he played four different, challenging roles and easily acquitted himself.

His last soap was Lalola as the leading man of Rhian Ramos.

His contract with GMA is expiring next month.

A Funfare DPA said that Kapuso JC is turning Kapamilya soon. Heard that his first assignment with ABS-CBN will be a soap with Judy Ann Santos, to be followed by another one with Shaina Magdayao.

‘There’s no stopping his manager, Annabelle Rama,’ said the Funfare DPA.

Funfare called Annabelle for her comment but she remained mum. Pregnant silence?

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, February 11, 2009

Marian Rivera's dad unaware of her status

THE minute Marian Rivera flashes her sweet smile, changes that she is “suplada” or “plastikada” are suddenly erased. She completely overwhelmed us over lunch at Via Mare last weekend.

To begin with, she is the most visible face on television and print as endorser of more than 20 products. And Marian said she uses all of them. Even Matador? we asked. “For social reasons, I sip brandy which is good for one’s health dahil nakabubuti ito sa ating blood circulation,” she replied.

With the huge income Marian is getting from these endorsements, she need not work so hard and tape three times a week for a teleserye. She is currently seen in "Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang," a Carlo J. Caparas creation adapted for television by GMA7.

“Kung hindi naman po sa mga teleseryeng aking ginawa eh hindi ko mararating ang kinalalagyan ko ngayon. At kung hindi nag-rate ang mga ito ay walang magkakamaling kumuha sa akin to endorse these products. Everything I achieved now ay resulta ng hardwork at sacrifices,” she explains.

Did you expect that you will be as hot and popular as you are today?

“Honestly, hindi po. Ang tanging pangarap ko noon ay maging isang commercial model. Nang pasukin ko ang showbusiness ay hindi ko inambisyon ang sumikat nang husto. Happy ako na makita ang sarili na umaarte at napapanood. Happy ako ngayon to know na maraming tao akong napapaligaya sa panonood nila ng teleseryeng nilalabasan namin ni Dingdong (Dantes). When I look back, naging mother ako sa Super Twins at sa Muli kaya hindi na ako umasa pang mabibigyan ng lead or major role at title roler pa.”

What new challenges does your new teleserye, "Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang" bring? Which among the teleseryes you have appeared in is the most difficult?

“Lahat naman ay may kanya-kanyang challenges. Nahirapan ako physically sa Dyesebel dahil sa may suot akong buntot. Nang makagamayan ko na eh di na ako nahirapan. I had fun doing Marimar because I love to dance. As Proserfina in my new teleserye ay kinailangan kong mag-action at maging kalog. I am also a mysterious woman here, a street-smart, naughty and feisty.”

One should always bear in mind that Marian's character is a sexy one which she exudes in real life. Her oozing sex appeal will change the dull, boring life of the wealthy and handsome Homer, played by Dingdong. The opening scene of "Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang" showed Dingdong’s anatomy while taking a shower. Wait till you see Marian in similar state of undress in the forthcoming episodes.

Carlo J. Caparas known for being very vocal when it comes to wrong choices of stars to portray his famous characters was not surprised that Proserfina was entrusted into the hands of Marian. He was heard to remark, “Bakit, meron pa bang iba?”

We learned that Marian is the only child born to her Spanish dad and Pinay mom. Both her father and mother have their respective families now. She maintains an open communication to both of them.

Her father who resides in Spain has no idea on how popular Marian is in the Philippines. “Ang alam lamang niya eh lumalabas ako sa telebisyon,” she remarks.

Marian finished Psychology at De la Salle University, something which could be useful to her in analyzing people especially those who pass judgment on her.

Marian doesn't believe in the prediction that 2009 will see her downfall. “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Ito ang pinapaniwalaan ko. Katunayan, nag-renew pa nga ang mga produktong aking pino-promote. I am just a human being at umaalma ako kung sa tingin ko ay below the belt ang paninirang ginagawa sa akin. They picture me as an ultimate pasaway. I honestly don't consider myself as one. Trait po ng mga Cavitena in general ang kataasan ng tono ng boses kapag nagsasalita. Parang suplada at humahanap ng kaaway. Iyong karakter na ginagampanan ko sa "Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang" ay parang isang Cavitena kaya feel na feel ko. Napakasarap pong paglaruan.,” she admits.

Meanwhile, Marian and Dingdong left for Guam last weekend to appear as special guests in the Valentine show topbilled by Regine Velasquez and Ogie Alcasid. It was a request both cannot turn down it would allow the two hottest stars to recharge.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Joseph Bitangcol pinapak ng mga bading

OY, in fairness, si Joseph Bitangcol pala ay malakas pa rin ang hatak sa tao, despite the fact na siya ay hindi gaano kabisihan ngayon.

Napatunayan namin ’yan nu’ng halos hindi magkamayaw ang audience nu’ng sumulpot si Joseph at ang nakakalokah pa nito, lalong nagtilian nu’ng nag-sando na lang ang lolo n’yo.

Hiyang-hiya nga kami sa kanyang madir na si Mommy Lydia, dahil hanggang sa backstage, tila natsansingan at pinaghahalikan pa ng ilang bading itong si Joseph, pero nakangiti pa rin siya.

Humingi na kami ng sorry kay Mommy Lydia sa nangyari, dahil siyempre, nalambing na nga namin nang libre silang mag-ina, eh, ganu’n pa ang nangyari, ’di ba?

Pero cool lang si Mommy. Wala raw problema ’yon, dahil ang mas nakakalokah raw, eh, kung walang pumansin sa anak niya.

Oo nga naman.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Mga pelikula ni Sharon, mabenta sa GMA 7

Umalis kaagad ako kahapon sa presscon ng Paano Ba ang Mangarap dahil nalito ako sa dami ng mga tao.

Eh ang laki-laki ng venue ng presscon. Halos hindi ko na marinig ang mga sinasabi ng mga artista dahil nage- echo ang kanilang mga boses.

In fairness to me, ako ang pinakamaagang du­­ma­ting sa presscon. Alas-dose ang imbi­tasyon pero 11 a.m. pa lang, nandoon na ako.

Nauna pa akong dumating kina Mark Herras at Jennylyn Mercado. Na-sight ko agad si Hero Angeles na parang makapal yata ang make-up.

Masuwerte si Hero dahil nabigyan ng second chance ang kanyang career. Malaki ang dapat niyang ipagpa­salamat sa kanyang manager na si German Moreno.

Negang-nega noon ang image ni Hero dahil sa isyu na pasaway siya at ang kanyang kapatid. Mabuti na lang, nakilala niya si Kuya Germs na nagpursigi na maibalik siya sa showbiz. Siguro naman, hindi sisirain ni Hero ang trust sa kanya ni Kuya Germs or else...

* * *

Balik-tambalan nina Mark at Jennylyn ang Paano Ba ang Mangarap. Kahit may anak na si Jennylyn, suportado pa rin ng mga fans ang kanilang loveteam.

Inaabangan na nga ng mga fans ang pagsisimula sa Lunes ng Paano Ba ang Mangarap. Kung mataas ang rating ng show, tanggap na tanggap pa rin ng fans ang loveteam nina Mark at Jennylyn.

Umaasa ang mga tagahanga na magkakabalikan pa ang kanilang mga idolo itsurang parang sirang pla­ka si Mark sa pagsasabi na hanggang best of friends na lang ang relasyon nila ng kanyang ex-girlfriend.

Hindi pinalitan ng GMA 7 ang theme song ng Pa­ano Ba ang Mangarap. Ito pa rin ang theme song pero si Jennylyn at hindi na si Basil Valdez ang singer.

‘Yun lang!

* * *

Maraming naka-line up na projects ang GMA 7. Mga TV remakes ng mga pelikula na pinilahan noon sa takilya. Nandiyan ang Pacifica Falayfay, Machete, Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa, Dapat Ka Bang Mahalin at marami pang iba.

Pinag-uusapan kahapon sa presscon ng Paano Ba ang Mangarap na dapat magkaroon ng TV remake ang Bilangin ang Bituin sa Langit at Till We Meet Again nina Nora Aunor at Tirso Cruz III.

Pang-TV ang mga nasabing pelikula nina Nora at Tirso dahil nag-umpisa ang kuwento noong mga bagets pa sila hanggang tumanda.

Napuna kasi ng mga reporters na puro mga pelikula ni Sharon Cuneta ang isinasalin sa TV. Gan­yan kasikat at kabenta sa takilya ang mga pelikula noon ni Sharon.

Ewan ko lang kung happy siya kapag nag­­kaka­roon ng TV remake ang kanyang mga pelikula na itinu­turing na ngayong mga classic.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, February 10, 2009

Rhian Ramos nahirang na leading lady sa Zorro

Rhian Ramos nahirang na leading lady sa Zorro ni Richard Gutierrez

HINDI naman yata makatarungan na paratangan na malakas ang GMAAC star na si Rhian Ramos sa pamunuan ng GMA-7 ka-ya ito ang napiling leading lady ni Richard Gut-tierrez sa inaabangang soap ng Kapuso Network ang Zorro.

GMA-7 management mismo ang kumuha sa serbisyo ni Rhian dahil deserving naman siya na maging ka-loveteam ulit ni Richard, dahil naging maganda naman ang resulta ng pagtatambal nila noon sa Captain Barbell na consistent top-rater sa primetime soap ng Kapuso.

Bukod pa sa mataas din ang rating ng katatapos lang niyang soap na Lalola, kaya naman hindi questionable sakali mang si Rhian ang mapili bilang leading lady ni Richard kasama sina Mi-chelle Madrigal at Bianca King.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Monday, February 09, 2009

Marian Rivera, nag-effort para mapalapit sa press

THE report that her current series, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, on GMA-7 failed to equal the ratings of her first two teleseryes (Marimar and Dyesebel), when it premiered last week, didn’t seem to bother Marian Rivera.

At least, she didn’t show it when she met members of entertainment media, as she made efforts to make amends with them.

Samantala nang u-nang ipinalabas ang Mari-mar ay 52.6% ang rating nito at ang Dyesebel ay 44.6%. Ang Babaeng … reportedly earned a mere 32.9%. Yes, in Mega Manila.

Which is okay na rin, kung tutuusin, if it were not, perhaps, a Marian Rivera-Dingdong Dantes starrer.

In any case, sa “peace pact” na namagitan between Marian and the entertainment press, halatang there was an effort talaga on Marian’s part to make everything as casual as possible.

Mabuti na lang at nandu’n si Lolit Solis (na siyang tumatayog publicist niya (courtesy ng GMA-7) na matiyagang umaalalay sa kanya.

It was Lolit who invited the entertainment press, batch by batch. Kasama kami sa batch ni Ernie Pecho, na siyang pinaka-vocal sa kanyang pagkainis kay Marian. Tinawag niya itong plastikada at Tupperware.

And Ernie had every reason, too. Naging biktima siya ng katarayan at pagiging pasaway ni Marian. And he has enough proof. Bukod pa sa mga testigo niya.

Marian took calmly and humbly when Ernie poured all his hinanakit kay Marian. She profusely apologized to him.

There was no question that on that particular occasion, na-win over muli ni Marian si Ernie, who is, no doubt, earning mileage and mileage of publicity, courtesy of Marian.

[via]

Labels:


Continue Reading...

All About Eve starts taping

Nagsimula nang mag-taping si Sunshine Dizon para sa All About Eve, pero si Iza Calzado sa February 16, pa magti-taping. Hindi pa nito alam kung kailan ang exact airing nila at abangan na lang daw. Gaya ni Sunshine, ayaw panoorin ni Iza ang Korean novela at orig version ng AAE para sariling version ng character ni Nicole ang kanyang gawin.

Wish din ni Iza na sa San Francisco, California sila mag-location, pero okey din sa kanya kung sa Singapore o sa ibang Asian countries sila mag-taping.

May kissing scene si Iza kina Alfred Vargas at Mark Anthony Fernandez, pero sa nabasa niyang script, isa lang ang kissing scene nila ni Alfred. Hindi na rin bago sa kanya ang kissing scene with Mark dahil nagawa na nila ito sa Impostora.

Bagay kay Iza ang short hair na style ni Celeste Tuviera. Nilinaw nitong hindi dahil sa break-up nila ni Jerry Garcia kaya siya nagpagupit, kundi para maiba ang hairstyle niya dahil matagal nang mahaba ang buhok niya.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, February 08, 2009

JC Tiuseco declares crush on Heart

ONE of the most promising new stars on GMA-7 is JC Tiuseco, first winner of “Survivor Philippines.”

His full name is John Carlo, born 23 years ago on April 16. He’s graduating this March from San Sebastian College with a degree in management. Standing 5’11" and weighing 145 lbs., we believe that JC’s edge is he’s very telegenic and has the unmistakable star quality in him. You can find out for yourself by watching him in “Unang Hirit” where he has his own segment on Monday, Wednesday and Friday.

JC bested 17 other castaways in Ko Tarutao Island in Thailand where they lived for 39 days. “It was really tough as 45,000 people took the auditions all over the country. We had to pass several interviews plus psychological tests. May swimming test din so I took swimming lessons just for that. Sa medical test, it was diagnosed that I have heart problem called mitral valve prolapse.

Nothing to worry about but I still had to get certification from a cardiologist that I’m really fit. I lost 20 lbs. during the show dahil wala kaming makain. All in all, we had to hurdle 26 challenges. The most dangerous was at the start when we jumped from a boat in the middle of the sea and had to swim about a kilometer to get to the island. It’s really scary, also the immunity challenge where we ate scorpions and tarantulas. “

What did he do with the P3 million prize he won? “I got it intact as GMA-7 paid the taxes. I gave P1.5 million to my parents and deposited the rest in a bank.”

The youngest of three kids (his elder siblings are Carlo and Vivian), his parents James Tiuseco and Rosemarie Barrera are both in business. He spent grade school at Chiang Kai Sek in Binondo, high school at Sunny Hill, QC, and became a member of San Sebastian basketball team. He’s a perfect role model for the youth as he’s an athlete who doesn’t drink, smoke or do drugs. He doesn’t even eat junk food as it’s fattening.

It’s common knowledge that his crush is Heart Evangelista. Have they met? “Yes. She has a new show on Q 11, ‘Fashionista,’ and I was her first guest. When she asked me, Sino’ng crush mo? I said, ikaw. And she said, you’re just saying that dahil kaharap mo ko. My dream is to appear in a regular drama show with her.”

What does he like in Heart? “Yung pagiging chinita niya. Also, she’s so well groomed at ang kinis-kinis niya. After I met her in person, lalo ko siya naging crush.”

But doesn’t he have a non-showbiz girlfriend? “Cool off kami ngayon. One month na. We’re both so busy halos hindi kami nagkikita. Isa pa, work is my priority now. On February 12, I’m being launched by Penshoppe. On February 17, I’ll be introduced by GMA in ‘Just U and Me, A Date with JC,’ and on February 18, I’ll be launched naman sa Fanatext so fans can text me.”

He wants to be prepared when he goes into acting. “I’m now taking up acting workshops in UP. Ayoko namang humarap sa camera without knowing anything.”

Is he ready to face showbiz intrigues? “I think so. Nakayanan ko ngang maging ultimate survivor, so I think I’ll also survive showbiz with the help of my manager, Jonas Gaffud of Mercator Model Management with whom I started as a model two years ago.”

[via]

Labels:


Continue Reading...

Lovi Poe may X-Rated movie?

LOVI Poe is busy sa kanyang 20th birthday ngayong Sunday.

Bukod sa birthday celebration sa SOP, magiging abala rin siya sa pagbabasa ng libro kasama ang mga bata sa Street Children of Child Hope Asia .

Bukod dito, mag-kakaroon ng premiere ngayong Linggo ng gabi ang pelikula niyang Walang Hanggang Paalam sa Robinson’s Galleria. Kasama niya sa movie sina Joem Bascon at ang Japanese actor na si Jackie Woo.

* * *
NAMARKAHAN ng Rated-X ang Walang Hanggang Paalam dahil sa malalaswa raw na love scenes dito.

May homosexual love scenes kasi rito ang dalawang sikat na aktor. Bukod pa sa love scene nina Lovi at Jackie Woo.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, February 07, 2009

Mel & Joey's pre-Valentine special

Tomorrow night, GMA 7’s Mel & Joey presents a special pre-Valentine episode. Hosts Mel Tiangco and Joey de Leon will interview KC Concepcion and Richard Gutierrez. Will the stars of When I Met You finally reveal the real score between them?

Discover the Yummy Bunny Pastries of sweethearts China Cojuangco and Gino Gonzales on Nego Sikat and the pick up lines and seduction methods of a group of dating gurus in a boot camp on Ligawan 101.

On Babala, the disease Mononucleosis will be featured. It is contracted from lips to lips kissing that transmits infected saliva. Two different marriage proposals and letter-senders who e-mailed or wrote the show for the segment You’ve Got Mail, You Got Me will be featured. The topic is the craziest thing you did for your wife/husband. The winning couple gets free makeover, dinner, gifts and hotel accommodation.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Richard Gutierrez is King of Hearts

VALENTINE Box-office King. That’s what they call Richard Gutierrez. And rightly so for the past four years the actor starred in as many Valentine hits. They are “Let the Love Begins,” “I’ll Always Love You,” and “The Promise” (all opposite Angel Locsin) and “My Best Friend’s Girl Friend,” (with Marian Rivera).

This Valentine he has another offering, “When I Met U,” with KC Concepcion as love interest. Which makes Richard Gutierrez King of Hearts, after all, Valentine is the month of hearts, of love and romance.

“When I Met U” is the reunion of Richard and KC after last year’s “For The First Time.” The second time around is lovelier and sweeter … and funnier. After all, “When I Met U” is a romantic comedy, directed by Joel Lamangan and produced by GMA Films and Regal Entertainment.

Partly shot in the island paradise that is Coron, at the tip of Palawan , “When I Met U” tells the story of two people of contrasting backgrounds and clashing personalities fated to be together in trying, if at times humurous, circumstances. They try to look the other way, denying the attraction and affection felt for each other, but love finds a way of making them closer.

Richard cuts a dashing figure, complementing KC’s loveliness. Together, sparks fly on and offcam. They’ve got what they call chemistry, electricity, rapport. A regal-looking pair, indeed.

Now closer and more comfortable with each other, Richard and KC give more credible performances. Yes, lovelier, sweeter … and funnier the second time around.

Educator Romarico M. Barrientos writes:

”Who doesn’t know King Richard of tinseltown? Once a chubby, chubby little angel like his twin brother Raymond, Richard grew into one of Philippine Cinema’s golden boys �" for sheer talent, industry, and mature attitude.”

Richard Gutierrez is King of Hearts.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Friday, February 06, 2009

Richard, KC to solve biggest conflict

AS the day of hearts fast approaches, Valentine Box Office King Richard Gutierrez is eager to show the public that his newest Valentine offering, "When I Met U," is easily the best of all the Valentine flicks he did. Not only because he's paired with special girl KC Concepcion but also because Regal-GMA Films made sure no stone was left unturned to make it a glossy crowdpleaser, shooting it in the most scenic places in Club Paradise, Palawan and in Subic. The film's original soundtrack is now also out in the market and Richard sings a duet with KC for the film's theme song originally sung by the APO.

"Ganadung-ganado ako to record the song with KC kasi sabay kami sa studio and she helped me interpret the song," he says. "Parang siya ang naging coach ko dito kaya lumakas ang loob ko."

Those who've seen them singing the song while promoting their film in various mall shows can't help but swoon with their tandem. "Talagang kinikilig ang fans habang kumakanta sila," says Bubbles Paraiso, who plays their mutual friend in the movie. "Kasama ako sa mall shows and everywhere we go, talagang thousands upon thousands of people show up to see them. Mahal na mahal nila sina Richard at KC. In one mall, sa SM Muntinlupa, they had to close it na kasi sobrang puno na 'yung area where the show was held para maiwasan ang stampede."

The film's director, Joel Lamangan, says he has megged a lot of showbiz love teams before but that of Richard and KC is really something. "Pareho silang very goodlooking at pareho ring magaling umarte. Walang ka-effort-effort. The rapport is just magical, may electricity ang chemistry nila. In the story, Richard is engaged to Iya Villania, a rich girl who sent him to school to be a pilot. KC naman is engaged to Alfred Vargas, a rich guy her mom Cherry Pie Picache prefers to be her husband kasi tinutulungan ang family nila. When they fall in love after being stranded in an island in Palawan, it becomes too difficult to break up with their respective partners kasi may utang na loob sila rito. 'Yun ang isa sa biggest conflicts nila in the story."

Richard says working with KC in "When I Met U" is sheer joy. Well, after all, love is said to be lovelier and sweeter the second time around. Richard is confident that this film will confirm his status as the King of Hearts. As educator Romarico Barrientos declares: "Richard is king of tinseltown. Once a chubby little angel like his twin brother Raymond, Richard grew to become local cinema's golden boy due to sheer talent, diligence and very mature work attitude."

[via]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, February 05, 2009

Heart is Dennis’ next target

DENNIS Trillo just renewed his exclusive contract with GMA-7 for another two years. Dennis was part of ABS-CBN Star Circle Batch 10 along with Alfred Vargas and Nadine Samonte in 2001. They all later moved to GMA to be a Kapuso. "My first show with GMA was 'Kahit Kailan,' followed by 'Click,' " Dennis says. "Since then, I did several other shows for them: 'Mulawin,' 'Love to Love,' 'Darna,' 'Etheria,' 'Majika,' 'Super Twins,' 'Zaido,' afternoon soaps like 'Dangal' and 'Agos' in 'Now and Forever', 'Kung Mahawi Man ang Ulap' and 'Magdusa Ka,' and now, 'Gagambino' which is ending this month. Nasa 'SOP' din ako and I'm a semi-regular in 'Bubble Gang,' so happy talaga ako sa GMA."

In the movies, Dennis won both the best actor and best supporting actor awards in various award derbies for his portrayal of the gay lover of a Japanese officer in "Aishite Imasu." He was nominated as best actor in the 12 Asian TV Awards for another gay role in 'Unico Hijo', a lenten special. His last movie was the hit horror flick "Kulam" with Judy Ann Santos. He's now all set to do another horror film, this time with Marian Rivera, with whom he already did another scary flick, "Pamahiin." Another film project is "My Other Man," to be megged by Maryo de los Reyes. "I'll have two leading ladies pero hinahanap pa kung sino ang babagay."

Did he ask for a raise upon renewal of his contract? "My manager, Popoy Caritativo, did. Pero hindi naman napakataas ng hiningi namin."

Was he bothered that "Gagambino" was beaten in the ratings by ABS-CBN's "Tayong Dalawa"? "Siyempre, kinabahan kami. But we welcome such competition for us to do better. Nakabawi rin naman agad kami."

What was the biggest intrigue that came his way since he joined showbiz? "Siyempre, ‘yung about Carlene (Aguilar) and our son. I really felt so down then and nearly lost hope, but I learned dapat maging matatag ka, learn from your mistakes. I was determined to get up again and I'm glad the public gave me another chance."

How does he feel when people say he's only third to Richard Gutierrez and Dingdong Dantes at GMA? "When I went into acting, I never dreamt of being a big superstar. Kasi mas mahirap i-maintain ‘yun. I just want to have good projects at di ako mawalan ng trabaho, lalo na sa drama kasi ang drama, laging nandiyan."

Right after "Gagambino," he'll do the remake of a drama flick, "Muling Buksan ang Puso," which starred Vilma Santos and the late Dindo Fernando. This time, he'll be paired with Heart Evangelista who he has declared to be his crush. What will he do now that Heart is free after breaking up with her non-showbiz beau? Will he open her heart again when they start working in "Muling Buksan ang Puso"?

"Sa totoo lang, natatameme ako when I'm with her in person. Parang di ko alam ang gagawin ko. But I'm looking forward to working with her at sana , mag-bonding muna kami para comfortable na kami at hindi naiilang sa isa't isa when we start taping."

What does he like in Heart? "Mabait siya. I can see sa 'SOP' the way she deals with everyone, pantay-pantay. And also, she's the one who starts the conversation para ma-relax ka sa kanya."

JC Tiuseco and Jayce Flores of "Survivor" are both vocal in saying they also have a crush on Heart. "Well, sorry na lang pero ako ang makakasama ni Heart sa next drama show niya."

[via]

Labels: ,


Continue Reading...

Wednesday, February 04, 2009

Good start for "Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tad­yang"

Naka-jackpot ang GMA sa kanilang bagong programang Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tad­yang na nagsimula nang mapanood nung Lunes, Peb. 2. For once, na-impress ako kay Marian Rivera dahil ibang klaseng acting naman ang ipinakita niya rito, kikay, nakakatawa, bagay sa kanya. Ewan ko kung sa orihinal na istorya o pelikula ay nakakatawa rin ang role ng unang gumanap ng Proserfina na si Vivian Velez.

Maganda rin ang role ni Eugene Domingo, sila ni Alyssa Alano, bilang mga maid ni Dingdong ang nagpu-provide ng mga comic scenes.

Ang role ni Dingdong Dantes ay isang mayaman, parang si Sergio Santibañez sa Marimar. Sigurado akong susu­bay­bayan siya para ma­laman kung ano at sino talaga siya sa serye.

Gandang-ganda ako sa theme song ng serye na kinompos ni Ogie Alcasid at kina­kanta ng La Diva.

Ang ganda talaga bagaman at sa series ay mayroon ding lala­king kumakanta nito na kasing ganda rin ng sa La Diva.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Monday, February 02, 2009

Rhian Ramos denies romance with Mark Herras

RHIAN Ramos couldn’t believe it when she was told that Mark Herras admitted in a recent interview that they had a special friendship for four months. In fairness to Mark, he never said they were on, he just said they had a special bond. We were there when he was interviewed and some writers probably misinterpreted it and thought he said they went steady.

This is what Mark said: "Naging close kami, something that didn't happen when we were paired on TV in 'My Only Love.' It was when we did 'Italy' on location in Europe that we became close. Pero hindi natuloy. Kasi she was paired na with JC De Vera in 'La Lola' at ayokong makasira sa love team nila. Alam nyo naman sa mundo ng showbiz, di ba? Noong ka-love team ko si Jennylyn (Mercado), ganun din, bawal kaming ma-link sa iba, so I understand the situation at kusa na akong nag-withdraw. Bigla na lang kaming nawalan ng communication."

"Hindi nanligaw sa'kin si Mark," says Rhian at the farewell party of "La Lola". "He never asked me to be his girlfriend. But I'm not mad at him if he really said we became on. He really became a very close friend at one point in my life. He was hurting from a recent relationship that ended and he shared his feelings with me. Kaya nga I'll never agree na maging on with him at baka love on the rebound lang ang mangyari sa kanya. But any girl will be happy to have him kasi he has a good sense of humor and is very professional."

About JC De Vera, Rhian says they're also very close but, just like in the case of Mark, they're not officially on. "Lumalabas nga kami and those who see us quickly conclude na on na kami. E, dito naman, makita lang kayong magkasama, kayo na, di ba? At pilit kayong paaaminin. If we're really committed to each other, I'd admit it. But we're not. Yes, I enjoyed working with him and now that we've finished taping 'La Lola,' I definitely will miss him. Pero as of now, may communication pa rin naman kami and we hope GMA-7 will pair us again in the near future."

The final week of "La Lola" is full of surprises. Eddie Garcia as Don Aguirre, who everyone thought is dead after he got assassinated, turns out to be very much alive. It turns out he paid his hired killer a much higher fee so he was spared. Now, he's determined to find out who's the mastermind in the plot to kill him. Griselda (Jackie Lou Blanco) and Gaston (Marvin Agustin) blame each other. Sabrina (Angelika de la Cruz) will run amok to get back at Facundo (JC) and cops will arrest her. Gaston abducts Lola (Rhian) and takes her hostage. Facundo tries to save her but someone gets shot. Will Lola choose to become Lalo (Wendell Ramos) once again or will she opt to remain as a woman? Find out in the exciting finale of "La Lola."

[via]

Labels:


Continue Reading...

Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang - videos

Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang stars Dingdong Dantes and Marian Rivera. Trailer videos are now released.


More videos after the jump.





Thanks to starmometer.

Labels:


Continue Reading...

Sunday, February 01, 2009

Eat Bulaga Dayaan - Huling Huli?

Eat Bulaga Dayaan - Huling Huli? What do you think?

Another video after the jump.>
Eat Bulaga Dayaan - Huling Huli Part 2

Labels:


Continue Reading...

Paolo Contis nabubuwisit 'pag hindi nakikita si Lian

Aminado si Paolo Contis na nininerbyos siya sa kanyang hosting job sa My Dad is Better Than Your Dad na mapapanood ngayong Linggo sa GMA 7.

“Para akong nangangapa sa dilim dahil isang challenge sa akin na mag-host ng ganito kalaking show. Maganda ang layunin ng show dahil magba-bonding ang buong pamilya,” sabi ni Paolo.

Nagbiro pa nga ang aktor na nagpapasalamat siya sa mga tumangging mag-host ng show na si Vic Sotto.

Tinanong din namin si Paolo kung ano ang kaibahan ng pakikipagrelasyon niya ngayon kay Lian Paz sa mga ibang naging girlfriend niya.

“Weird nga dahil naging madalian lang ang relasyon namin — mga ilang linggo lang. Pagkatapos niyang makipag-break sa boyfriend na si Jeff Tan, ako naman ang nakipaghiwalay kay Isabel (Oli). Nabubuwisit ako kapag hindi ko siya nakikita. Sasabihin ko sa kanya na umuwi na ng bahay nila para madalaw at makita ko na siya,” dagdag pa ng aktor.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Angelu de Leon balik GMA

Balik-GMA-7 si Angelu de Leon sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang after three years. Masaya’t excited siya lalo’t natupad ang dream niyang makapareha si Dingdong Dantes.

Ipinagdasal daw niyang mapasama siya sa bagong soap nina Dingdong at Marian Rivera at pinaghandaan niya ang role ni Helen. Binago niya ang hairdo at nagpapayat para ibang Angelu ang mapanood ng tao sa soap na magpa-pilot na bukas.

Kontrabida ang role rito ni Angelu at alam niyang sobra siyang kamumuhian ng fans nina Marian at Dingdong.

“Puwede akong magkaroon ng death threats sa gagawin ko kay Marian. Hindi ako puwedeng rumampa dahil maraming fans ang magagalit sa akin. But I’m prepared, friends kami nina Marian at Dingdong at happy ako to be working with Channel 7 again,” sabi ni Angelu.

Ikinuwento ni Angelu na nagtawanan sila ni Dingdong sa kissing scene nila dahil nang tingnan niya ito, nakita niya ang dating ayos ng buhok nito na hati sa gitna at feeling daw niya, she’s too old for the actor, pero one year lang ang age gap nila.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Patagong relasyon nila ni Rhian Ramos inamin ni Mark Herras

‘DI na naitago pa ng GMA Artist Center na si Mark Herras ang eksaktong petsa at buwan ng naudlot nilang relasyon ng Lalola star na si Rhian Ramos.

Tsika ni Mark na walang apat na buwan daw at weeks lang ang itinakbo ng kanilang patagong relasyon nang kulitin namin kamaka-ilan .

“Walang four months ‘yon. Siguro weeks lang. Pero dahil na rin sa naging iba ‘yong ka-loveteam niya, kaya nawalan na kami ng communication, wika ni Mark. “Bukod pa sa ayaw kong manira ng loveteam ng may loveteam kaya ako na rin ‘yong kusang umiwas, ayaw ko kasing ma-pagbintangang kontrabida sa kanila ni JC. “

Nagsimula raw ang romansa sa kanila ni Rhian nang gawin nila ang GMA Films na Italy.

Dito raw na-develop ang closeness nilang dalawa. Pero hindi naman daw nag-bloom dahil na rin sa pareho silang super-busy ni Rhian.

Sa ngayon daw ay namimiss na rin niyang magkaroon ng karelasyon especially ngayong malapit na ang Valentine’s Day. Pero naniniwala raw siya sa hula sa kanya sa SIS na malabo pa rin siyang magkaroon ng seryosong karelasyon ngayon, kaya naman daw mas gusto niyang mag-isa na lang muna at mag-concentrate sa trabaho.

Kaya naman tutok muna si Mark sa muling pagta-tambal nila ni Jennylyn Mercado sa afternoon soap ng GMA-7 na Papano Ba ang Mangarap kung saan mas mature at mas daring na Mark ang mapapanood.

[via]

Labels:


Continue Reading...



Technology Blogs - Blog Top Sites