<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, March 31, 2009

Shane Ortiz inisnab ni Ramielle Malubay

Si Shane Ortiz ay isang baguhang singer na gustong gumawa ng pangalan dito sa Pilipinas. Sa Amerika siya isinilang pero sinamahan ng kanyang mga magulang na parehong taga-Nueva Ecija na pumunta ng Pilipinas para ibahagi ang talentong ipinagkaloob sa kanya ng Diyos.

Nauna niyang plinanong sumali sa American Idol since US citizen naman siya pero nataon ang audition nito sa kanyang mga exams sa eskwela kung kaya hindi siya napasali. Nasa unang taon pa lang siya sa kolehiyo sa Amerika. Babalikan din niya ito at ipinangakong tatapusin pagbabalik niya mula sa pagbabakasakali na makilalang singer dito sa bansa ng kanyang mga magulang at itinuturing na rin niyang sa kanya.

My album na nagawa si Shane sa Aeon Records at ipinamamahagi locally ng PolyEasy Records. Ito ang How Am I, Shane Ortiz na naglalaman ng walong original songs (Sensya Na, Dreamin’ of You, First Love, Maalala Mo Rin Ako, Anong Petsa Na, Sana, mga komposisyon ni Guian Carlo Zabala) at dalawang revivals (Mr. Disco, isang komposisiyon ni Norman Caraan na isinaayos muli ng Brown Republic, at How Am I Supposed to Live Without You na pinasikat nina Michael Bolton at Laura Brannigan).

Labingsiyam na taong gulang lamang si Shane at bunso sa dalawang magkapatid. Lalaki ang una at may edad na 32. Pangarap niyang makagawa ng pangalan dito sa local entertainment bilang isang singer at artista rin.

May isa siyang kwento tungkol sa isang kababayang Pinoy na naging finalist ng American Idol, si Ramielle Malubay. Hangang-hanga siya rito at nang una niya itong makita sa Florida airport ay talagang nag-effort siyang malapitan ito para makapagpakuha ng larawan na kasama ito. Pero sa halip na pagbigyan siya ay hinatak pa nito ang kasamang boyfriend papalayo sa kanya.

“I didn’t feel bad about it. Baka may problema siya ng oras na iyon,” katwiran niya.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Marian Rivera magso-solo sa horror film

Madi-disappoint ang naghihintay ng Shake, Rattle & Roll series tuwing Metro Manila Film Festival kung totoong ipapahinga muna ng Regal ang pelikula this year. Papalitan ito ng Nieves na kung inyong natatandaan, isa sa three episodes ng Shake, Rattle & Roll 10 na bida si Marian Rivera at nag-click sa mga moviegoers dahil bumagay sa actress ang role ng isang kikay na engkanto slayer.

Sabagay, mala-Shake… rin naman ang Nieves na gagawing two episodes daw na parehong si Marian ang bida. Sana, i-retain nila sa isang episode na si Pekto pa rin ang kapareha ng actress para maiba.

Samantala, ilang linggo pa tatakbo ang Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, pero excited na ang mga fans ni Marian sa next project nito sa GMA 7 na pambata. Naghuhulaan na ang mga tagahanga niya kung ano ito at kung sino ang kanyang makakapareha.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Rufa Mae Quinto, neighbor ni Willie Revillame

Who will soon be neighbors sa Corinthian Hills, Quezon City?

Well, sina Willie Revillame at Rufa Mae Quinto.

Malapit daw sa bahay ni Willie ang bahay na ipinatatayo ni Rufa sa nabanggit na subdivision. But according to people close to Rufa, in two years pa siya makakalipat sa bagong bahay.

Naipagbili na nga niya ang bahay niya sa Acropolis Subdivision to fellow GMA- 7 talent, Iza Calzado, kaya raw “squatter” si Rufa sa five-bedroom house na nilakhan sa Cubao.

Naipa-renovate na niya ito at doon nakatira ang ilan niyang kapatid, kasama ang kanilang 84-year-old Lola Luchi. The property was bought in 1969.

Kararating lang ni Rufa from a trip to the U.S., Canada and Dubai, where she joined fellow GMA artists for several commitments.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Monday, March 30, 2009

Robin Padilla wants Marian Rivera for next project

WHAT can Marian Rivera say about Robin Padilla's statement that after his "Totoy Bato," he'd request GMA7 management to be paired with her in his next project?

"It'll be an honor," she says. "Siempre, Robin Padilla 'yan. Also, wala akong karapatang tumanggi sa sinumang gustong ipareha sa'kin ng management. Ewan ko lang kung papayag si Dingdong (Dantes)."

"Oo naman," says Dingdong. "Even if I were him, si Marian din talaga ang pipiliin ko."

Won't he get jealous since Robin is a ladies’ man?

"No, trabaho lang, and I trust Marian. Kami naman ni Marian, pinaghahandaan na namin ang time na ipapareha kami sa iba."

As of now, they're both happy with the good feedback they're getting for "Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang." "Lahat nagsa-sabing mas gumaganda ang takbo ng story lalo na noong magkasama na kami sa isang safehouse as Homer and Proserfina," says Marian. "Our characters have also evolved. Noong una, si Proserfina ang palaban. Ngayon naman, si Homer na. De kalidad talaga ang show kaya thankful kami sa creative team ng GMA at nagagawa nilang puno ng drama at action ang bawat episode.

"Clear na sa viewers kung bakit naging matigas at matapang ang mister-yosang si Proserfina. Marami siyang mapait na pinagdaanan dahil lumaki silang walang ina, namatay ang bunso nilang kapatid, dating lider ng sindikato ang tatay nila, naging addict ang kapatid niyang si Ulysses (Mart Escudero) at ngayon naman ay inaapi-api siya nina Rado (Paolo Contis) at Shiela (Francine Prieto). Kung dati, Marimar at Dyesebel ang tawag sa akin ng tao when they see me in public, ngayon, ang tawag na nila sa'kin is Proserfina."

[via]

Labels: ,


Continue Reading...

Primetime block show tsutsugihin na agad

Aminado ang isang supporting cast member ng isang teleserye na disappointed sila sa ratings, considering na malakas ang mga “poste” nito based on their previous projects together.

Of the TV series na pinagsamahan ng mga bida roon, ang pilot episode nito registered the lowest. Nagkataon pang malakas ang katapat nito, kung kaya’t alikabok ang ipinakakain dito. No wonder, lumihis na raw sa criminal na daloy ng kuwento ang plot kung saan bait-baitan na ang bidang babae.

Well, network knows best. Hindi naman kasi itinanggi ng kanilang mother station that the current series would be the two bidas’ last project together. And given its dismal ratings, mukha ngang bibigyan na lang siya ng kanya-kanyang proyekto.

Meanwhile, isa pa ring programa within the same primetime block ng istasyong ‘yun ay mukhang nanganganib nang matsugie sooner than later. Bagama’t maayos naman daw ang kuwento, hindi raw nito tinutumbok ang young adult market o mga bata which make up a greater slice of the audience pie.

Wala ba kayong napapansin sa mga title ng dalawang programang ito? They’re Bible-related.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, March 29, 2009

Pambubuking ni Aljur kay Kris ; Parang Maria Clara kung humalik

Inamin ni Aljur Abrenica na nasanay na rin siyang makipaghalikan dahilan sa mga eksena niya sa panghapong teleseryeng Dapat Ka Bang Mahalin? ng GMA 7 na nagtatampok sa tambalan nila ni Kris Bernal, kasama si Ara Mina bilang seducer niya.

When asked kung ano ang feeling niya sa pagkakaro’n ng maraming kissing scenes ’di lamang kay Ara kundi maging kay Kris, sinabi ni Aljur na, “Natuto na rin ako na magaling humalik dahil kay Ara.”

Pero nang tanungin naman siya kung sino kina Ara at Kris ang mas magaling humalik sinabi niyang “Mas magaling si Ara, si Kris parang Maria Clara ang dating. Pero kahit sinong Pinoy ang tanungin mo, mas type nilang mahalikan ang isang Maria Clara.”

Para sa kanyang trabaho, payag ding makipaghalikan sa kapwa niya lalaki si Aljur kapag hinihingi ng kanyang role.

“Pero mas gusto kong makasama sa ganitong eksena ang mga kaibigan ko, tulad nina Mark Herras, Mike Tan at iba pang close friends ko. Para hindi na mahirap ang adjustment. Pero kung talagang hinihingi ng pagkakataon, kahit sinong artistang lalaki pwede na,” sabi ng aktor.

Dinumog nga pala siya ng mga fans nang makita sa opisina ng Travelpros, Inc. sa 5th floor ng Megamall B nung Biyernes ng hapon. Kinuha kasing official endorser si Aljur ng Travelpros, Inc.’s Beauty Holidays Plus, isang incentive based card membership program na ang lahat ng kliyente ng kumpanya ay makapag-iipon ng puntos sa bawat transaksyong gagawin nila at makukuha ang mga katumbas na puntos nito sa produkto, services, discounts na ibinibigay ng mga ka-partner ng Travelpros, Inc. tulad ng Ricky Reyes Salons at Golden Sunset Resort sa Calatagan, Batangas.

Maaaring gamitin ng mga humahawak ng Beauty Holidays Plus card simula ngayong summer. Sa Mayo 28, 16th anniversary ng Travelpros, Inc. at maaaring manalo ang mga cardholders ng overnight accommodations, libreng air ticket at iba pang mahahalagang premyo.

“Ako rin kukuha ng membership card. Bagay ito sa akin at sa trabaho ko, at dahil mahilig akong mag-travel,” sabi ni Aljur na bilang endorser ay talagang kakailanganing bumiyahe para sa promosyon ng kumpanya.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, March 28, 2009

Kris Bernal: Dapat mahalin si Aljur

DOES Kris Bernal believe Aljur Abrenica's claim that he never was on with Rich Asuncion? "Yes, kung 'yun ba’ng sinabi niya na hindi sila nag-on, di 'yun ang paniniwalaan ko," she says.

But is he really wooing her now seriously? "I don't know. I can't say kung ligaw 'yun. He comes to our taping with food for me. Biglang dumarating sa bahay ko para dumalaw. Laging may gift sa'kin kahit there's no occasion. He gave me a Charriol bracelet. Pero wala naman siyang sinasabing nililigawan niya ako. Parang nagpaparamdam lang."

She has had many kissing scenes with Aljur in their hit afternoon soap, "Dapat Ka Bang Mahalin". "Grabe ang nerbiyos ko the first time and after the take, napaiyak ako. E, kailangan kasi we play a young married couple. Now, mas sanay na ako. Pero since then, nako-conscious na ako kapag tinitingnan ako ni Aljur."

What's her gift to Aljur on his birthday last March 24? "I bought him a pair of Oakley shades. Kasi when we go to a mall, lagi siyang tumitingin noon. Kaya lang, kuripot siya sa sarili niya kaya ako na lang ang bumili para sa kanya."

Isn't that expensive? "He also gave me an expensive bracelet as a gift noong birthday ko last January. Tiningnan ko ang price, P31,000 pala. O, di ba, galante siya sa akin?"

So because of that, does she believe "dapat ba niyang mahalin" si Aljur? "He's really worth loving naman. He's such a gentleman. Maganda ang ugali niya, malambing, sweet and humble. Alam ko maraming may gusto sa kanya at maraming naiinggit sa'kin kasi kami ang ginawang magka-love team. Kaya nga natatakot akong sagutin siya kasi alam kong marami akong karibal sa kanya, hindi lang babae kundi pati gays."

Aljur won as most promising male star but it's KC Concepcion who won as most promising female star. How does she feel about this? "Okay lang. Sino ba naman ako kumpara kay KC, di ba? But I'm happy for Aljur. Deserving naman siya."

She has many crying scenes in her role as Myrna in "Dapat Ka Bang Mahalin". Can she identify with Myrna? "Oh yes. Pareho kaming pag na-in love, sobra. Napa-praning din ako like her. Grabe rin ang mga sampal na inabot ko roon from Mr. Juan Rodrigo who plays my dad. Totoo talaga ang mga sampal pero okay lang para mas ma-feel ko ang character ko. Happy naman akong siya ang gumaganap na ama ko dahil napanood ko na siya before as father of Judy Ann Santos and Claudine Barretto. So it's an honor na maging ama ko rin siya on TV."

[via]

Labels:


Continue Reading...

Friday, March 27, 2009

Ogie Alcasid denies live-in issue with Regine

MARIING itinanggi ni singer-composer Ogie Alcasid na nagsasama na sila ng girlfriend na si Regine Velasquez sa iisang bahay tulad ng lumabas na balita.

“Siyempre minsan pumupunta naman ako doon,” paglilinaw ni Ogie sa isang interview last Wednesday.

Inamin ni Ogie na madalas niyang dalawin si Regine sa magarbong glass house nito.

“I’m always there. I will not deny that. Para namang napaka-plastic ko naman. But I have my own place,” dagdag pa niya.

Ibinalita rin ni Ogie na nakatakda siyang magtungo sa Australia sa May 2 until 6 para makapiling ang kanyang mga anak.

“Namimiss ko na yung mga anak ko eh. And it’s been four months,” kuwento nito.

Hindi naman daw nagrereklamo si Regine kapag umaalis siya ng bansa para bisitahin ang mga anak.

“Gusto pa nga niya, eh, mas madalas ko pa silang bisitahin,” ayon sa magaling na singer.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, March 26, 2009

Katrina Halili kanin ang pinagtripan

Aminado si Katrina Halili na tumaba nga siya. Ang rason: “trip ko lang kumain ng walang limitations. Before kasi hindi ako ku­ma­kain ng rice. Tapos biglang kumain ako ng kanin. Ini-enjoy ko lang,” pag-amin ng sexy actress.

Ten kilos ang nadagdag na timbang sa kanya na nahalata sa kanyang katawan. “Pero nagbabawas na ako,” pahabol niya.

“Pag masaya ka kasi, kumakain ka eh. Pero ngayon, hindi na ako kumakain ng rice. Or kung kakain man ako ng rice, in the morning lang. Saka butil lang, isang kutsara,” kuwento ng sexy actress na natatawa.

“May gym equipments na rin ako sa bahay para madaling pumayat. Bumili rin ako ng bike. Nagbaba-bike ako sa amin,” say pa ni Katrina na so far ay tagumpay naman siya. Nabawasan na ang timbang niya na hindi nagpapa-lipo sa clinic ni Dra. Vicki Belo.

‘Yung tungkol naman sa kanila ni Kris Lawrence, pinanindigan niya na wala silang naging relasyon ng Film-Am singer. “Hindi ko ‘yun matatawag na relationship. Inaamin ko naging inspirasyon namin ang isa’t isa. Nagdadamayan kami at andiyan siya for me. Pero nag-decide kami na pareho na lang muna kaming mag-focus sa career namin,” katuwiran niya.

Eh sino ang mas minahal niya kina Dr. Hayden Kho at Kris? “Sarili ko,” mabilis niyang sagot.

Pero may communication pa sila ni Kris hanggang ngayon.

Sa kaso ni Dr. Hayden, closed na ang issue at nangingiti na lang siya pag tinatanong tungkol sa doctor na naging boyfriend niya ng patago.

Wala pa siyang solo program ngayon sa GMA 7 pero nasa Dear Friend siya at showing pa ang pelikula niyang Sundo starring Robin Padilla for GMA Films. Very short lang ang role niya sa Sundo.

Busy din si Katrina sa pictorial ng kanyang coffee table na nasimulan na nilang gawin. “Nahiligan ko kasing magpa-pictorial. Iba-iba ang concept, pero iisa ang ginamit kong make up artist at stylist. Inaayos ko pa pero kailangan ko munang tapusin ang pictorial.”

Eh bakit siya ang sinisisi na hindi kumita ang One Night Only? “Nandito ako para may patunayan sa madla. Ayoko naman na ganun ang pagkakilala nila sa akin,” katuwiran niya sa mga paninisi sa kanya.

Kahit kaliwa’t kanan naman ang intriga, parang wala namang negative effect. Kaka-launch lang niya as Bench endorser at kinuha siya ng Flawless na kasama sa nagmamay-ari si Dra.Vicki Belo. “Wala naman kasi akong formal contract sa Belo. Saka sa Flawless naman ako talaga dati nagpupunta,” katu­wi­ran niya sa biglang pagkawala niya sa Belo bilang endorser matapos ang kontrobersiya sa kanila nina Hayden at Dra. Belo.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Dennis Trillo updates

Last Sunday pansamantala ni Dennis Trillo sa SOP this Sunday dahil ooperahan ang tuhod nito sa first week ng April sa St. Luke’s Medical Center.

Nagkaroon ng ACL o Acute Cruciate Ligament ang tuhod ng actor dala ng injury habang gumagawa ng stunts sa Gagambino.

May napunit sa likod ng tuhod ni Dennis na para gumaling ay kailangang buksan at lagyan ng metal.

Nagpaalam na rin siya sa Bubble Gang at tinapos ang shooting ng indie film na Astig.

Tapos na rin ang taping nila ni Marian Rivera ng Lenten special ng APT Entertainment na Sugat ng Kahapon directed by Mac Alejandre at kasama sina Gardo Versoza at Perla Bautista.

Two weeks ’di puwedeng maglakad si Dennis after his operation at magti-therapy pa siya, aabot ng isang buwan bago siya gumaling.

Tamang-tama naman dahil maghu-Holy Week, kaya wala siyang schedule na maaapektuhan.

Sa kanyang pagbabalik, puwede nang simulan ng actor ang taping ng bago niyang primetime show sa GMA-7 na tila may pagbabago.

Samantala, mapapanood ang Sugat ng Kahapon sa April 11, 7-9 p.m., sa Channel 7.

Pang-apat na pagbibida na ito ni Dennis sa Lenten special dahil una niyang ginawa ang Angel Villa (2004), Sa Kamay ng Diyos (2005) at Unico Hijo (2007).

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, March 25, 2009

‘Zorro’ Richard’s last telefantasya?

RICHARD Gutierrez was grilled by the hosts of “Showbiz Central” last Sunday in the Intriga Crossffire portion. The whole show served as a big promo for two new GMA7 shows, “Zorro” and “SRO Cinemaserye.” We just wish they had more intriguing questions for Richard. For instance, the first question asked by Pia Guanio was not at all credible: Who are you most likely to fall in love with among your leading ladies in ‘Zorro’: Rhian Ramos, Michelle Madrigal or Bianca King? Richard: “Lahat sila, ka-close ko ngayon. But in terms of experiences, si Rhian ang mas kilala ko na nang husto.”

There’s an obvious attempt to link Rhian with Richard for ‘Zorro,’ but this will appear forced since Rhian is still being rumored with her “La Lola” co-star, JC de Vera, and it’s still fresh in the public mind that Richard was being linked to KC Concepcion when they were promoting “When I Met U.”

Next question: After the auditions for ‘Zorro’ were held, how did you feel nang puro contract stars din ng GMA ang nakuhang leading ladies mo? “I’d like to thank all those who took the audition, but I think the whole creative team saw na sina Rhian, Bianca and Michelle really fit the characters meant for them perfectly. We’re all happy about the choices of leading ladies and I’m proud of them.”

If Antonio Banderas would watch the local version of ’Zorro,’ what are its elements that would wow him? “I think he’d be happy with the way we molded the characters, making the adaptation of ‘Zorro’ very Pinoy for our own viewers. Hindi namin basta kinopya lang ‘yung Hollywood version nila.” With ‘Zorro’ being the most expensive GMA project, are you now also the highest-paid male star on TV? “I don’t know.” Is this really your last telefantasya and you’d make a mature drama next time? “There’s no final decision yet. As of now, basta nandito muna sa ‘Zorro’ ang 100-percent focus ko. But I’m open to doing a mature drama show.”

[via]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, March 24, 2009

Marian Rivera pinalitan ni Karylle bilang Blue Water Spa endorser

Nabalitang hindi na ni-renew ng Blue Water Spa ang kontrata ni Marian Rivera bilang endorser nito at kinuha si Karylle bilang kapalit niya. Ang hindi pagdalo ng actress sa mga events ng spa ang isa raw sa mga rason kung bakit kumuha ng ibang female endorser na makakasama ni Piolo Pascual at si Karylle iyon.

Noong isang araw, may nakita kaming press release sa dyaryo na opening ng bagong branch ng spa at sina Marian at Piolo ang nag-cut ng ribbon. Ano ba ang totoo? In pa ba o out na ang actress na endorser nito?

Nang makausap si Marian kamakailan, ang alam nito’y endorser pa rin siya ng spa, pero hindi na si Piolo ang makakasama kundi ang Japanese-Brazilian model na si Akihiro Sato. Hindi raw niya alam kung nabago ang usapan ng management at manager niyang si Popoy Caritativo at sa press lang niya nalamang kinuha si Karylle na endorser ng spa. Busy ang actress sa taping ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang na lalong guma­ganda ang story.

Gaya sa episode mamaya, magsusum­bong si Shiela (Fran­cine Prieto) kay Rado (Paolo Contis) na may relasyon sina Proser­fina (Marian) at Homer (Dingdong Dantes). Malalaman naman ni Heleen (Angelu de Leon) na buntis siya at gustong akuin ni Homer ang dinadala.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Robin Padilla nabaitan kay Manny Pacquiao

Mabuti at sa GMA 7 pa rin mapapanood ang laban ni Manny Pacquiao kay Ricky Hatton dahil kung natuloy lumipat sa ABS-CBN si Manny, mag­ka­karoon ng major revision sa script ng Totoy Bato.

Nakuwento ni Robin Padilla sa premiere night ng Sundo na kukunan ang laban nina Pacquiao at Hatton at ipalalabas sa Totoy Bato dahil kasama yun sa istorya.

Ibinalita rin ni Robin na inimbita siya ni Manny at ilang cast ng action series na manood ng laban nito sa May 2 sa Las Vegas at kung matutuloy siya, first time niya itong mapapanood na nakikipaglaban at sa Amerika pa.

Sa mga nainis kay Manny sa paiba-iba nitong desisyon, si Robin na ang nagsasabing mabait ang boxing champ na una niyang nakilala sa Elorde Gym. Kahit daw nasa­saktan ito sa Totoy Bato, hindi nagre­rek­lamo at naghihintay kunan ang mga eksena.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Ang Pag-ibig Ko by Keanne Andeza

The voice behind Ang Pag-ibig Ko, the theme song of the Richard Gutierrez GMA starrer Code Name: Asero, finally has a face and he’s none other than Keanne Andeza, 22, who has just released his eponymous debut album.

Better late than never.

“I’m not showbiz,” Keane told Funfare, meaning he’s shy. “But I’ve always loved to sing. Music makes my world go round.”

The son of Mateo and Corazon Andeza, who own and manage the Royal Building Maintenance & Services (RBMS), Keane (full name: Christian Matthew Andeza) started singing at age six during parties at home, belting out songs by Matt Monro, Motown artists and other oldies-but-goodies he learned from his parents’ record collection.

“I was like Charlie Green, a kid singing big-guys’ songs,” smiled Keane who finished grade school at St. Vincent, high school at the (now defunct) Our Lady of Grace Montessori School and college (B.S. Information & Management) at De La Salle-College of St. Benilde, plus a special Management course from UP. “I tried hard to shy away from the limelight, so I concentrated on my studies.”

At 19, unable to resist the “call” any longer, Keane started singing professionally, initially with a band with which he stayed for six months. In 2006, he emerged champion at a pop contest in La Salle with his stirring rendition of the Barry Manilow song Weekend in New England. He also joined the Pinoy Idol search. Among his musical influences are Michael Bublé, Jamie Cullum, Adele and Amy Winehouse.

His debut album consists of six originals by Vehnee Saturno (his mentor and the album producer) and four covers, two of them his parents’ favorites, Smoke Gets in Your Eyes and Portrait of My Love.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, March 22, 2009

Kris Bernal, nag-init kay Aljur Abrenica

Malaki ang pasasalamat nina Kris Bernal at Aljur Abrenica na tinangkilik ng viewers ang launching project nilang Dapat Ka Bang Mahalin? dahil mula nang mag-pilot ito hanggang ngayon, maintain ang 20+ ratings nito. Sweet ang dalawa nang ma-interview namin, laging magkadikit, kaya muli naming tinanong kung sila na?

“Nagpaparamdam siya. Sa taping, dinadalhan ako ng food at dinadalaw niya ako sa bahay. Madalas niya akong i-surprise at mahilig magbigay ng kung anu-ano.”

Ayaw mag-comment ni Kris sa isyu kina Aljur at Rich Asuncion at ayaw daw niyang sa kanya manggaling. Kung ano na lang ang sinabi ng kapareha, ‘yun na rin ang sasabihin niya na ibig sabihin, naniniwala siyang nagka-relasyon ang dalawa.

Iniyakan pala ni Kris ang first kissing scene nila ni Aljur sa Dapat… at sobra pa siyang nenerbyos. Nahiya rin siya’t ’di siya good kisser, pero inaming nag-init siya sa eksena. Mula noon, nako-conscious na siya ’pag tinitingnan ni Aljur. It must be love, Kris!

Samantala, birthday ni Aljur sa March 24 at isang Oakley shades ang regalo sa kanya ni Kris. Napansin ni Kris na laging tumitingin ang actor sa Oakley shades ’pag nasa mall siya, eh, kuripot ito sa sarili, kaya bibilhan na lang niya.

Kapalit ito sa worth P31,000 bracelet na gift sa kanya ni Aljur last January. Luka-luka si Kris dahil bago isuot ang Chariol bracelet, inalam muna kung magkano ang presyo at nalula siya sa nalaman.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Survivor Philippines auditions, libu-libo ang pumila

Libu-libong castaway-wannabes ang nakipila sa Survivor Philippines nationwide auditions ng GMA Network para sa second season ng international franchise sa CSI, City Mall Lucao sa Dagupan noong Pebrero 26 - 27, SM City sa Baguio noong March 3 - 4, at LCC Mall sa Naga noong Marso 9 - 10.

Matiyagang naghintay ang mga nangangarap mag-audition para maipakita ang kanilang natatanging personality upang magkaroon ng pagkakataong makuha ang nakakalulang prize money na P3 million, tax free, at ang titulong Pinoy Sole Survivor.

Si SP host Paolo Bediones at Season 1 castaway Marlon Carmen ang sumali sa screening committee sa Dagupan na pinangungunahan nina program manager Neil Gumban, executive producer Donna Medina at segment producer Alex Dionisio.

Sa Baguio City, si Season 1 runner-up Rob Sy ang nakisali sa screening committee; samantalang sa Naga, ang pambansang labanderang si Zita Ortiga ang lumahok sa paghahanap ng mga may kakayahang mapabilang sa mga castaway.

Inilarawan ni Gumban ang “it” factor na maaaring makapagpalutang sa isang aspirant at kung ano nga ba ang nakakapagpamangha sa mga screener para isama ang isang auditionee sa shortlist ng potential castaways.

Bukas ang auditions sa iba pang nagnanais ng spot sa SP Season 2. Ihanda na ang distinct persona na irarampa sa SP auditions sa SM Iloilo SM Lipa sa Batangas sa March 23 to 24; SM North EDSA sa Manila sa March 27 to 28; at SM San Lazaro sa March 29 to 30.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Francine Prieto takot mag-asawa

Inamin ni Francine Prieto nang minsang maka­kwentuhan namin sa set ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang na takot siyang mag-asawa.

“Natatakot ako na baka magaya sa aking mommy na hindi naging matagumpay ang relationship. Feeling ko ’pag nag-asawa ako, parang I’m sleeping with an enemy. Hindi ko kilala ang asawa ko. Sakali namang maghiwalay kami, mahirap din ang proseso ng annulment,” aniya.

Hindi na sumama si Francine sa cast ng Bubble Gang na nagteteyping sa Dubai. Mas pinili nito ang teyping sa ABHAT dahil gusto niya raw ang role niya dito bilang kontrabida.

“May fight scene nga kami ni Marian Rivera dito, naaawa akong saktan siya dahil ang liit ng mukha niya at manipis pa ang buhok nang sabunutan ko. Masarap silang katrabaho dahil pareho silang magaling umarte,” dagdag pa ng aktres.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Manny Pacquiao honors Solar agreement

When Bob Arum says it’s gonna be okay, it’s gonna be okay.

Manny Pacquiao, the Filipino boxing icon, yesterday ended all the anxiety when he decided to stick it out with Solar Sports and honor a valid, binding and legal contract that covers the local television rights for his May 2 fight with Ricky Hatton and all his future fights until 2011.

Solar Sports came out with a statement saying everything’s okay between them and Pacquiao who announced last Wednesday that he has rescinded their contract and that he has decided to switch back to ABS-CBN as his official media partner.

But Pacquiao had a change of heart.

“After a thorough study and weighing of things, it was proven that my contract with Solar Sports is valid and binding and was not violated by anyone,” said Pacquiao in his own statement read by his lawyer, Franklin Gacal.

“I whole-heartedly apologize for all the confusion on where my coming fight against Ricky Hatton would be shown (in the Philippines). It was a result of miscommunication between Solar Sports and MP Promotions,” added his statement that was read in Filipino.

“Solar Entertainment Corporation, Manny Pacquiao and MP Promotions, are happy to announce that in the spirit of utmost good faith, the parties have favorably resolved their unfortunate misunderstanding,” the Solar Sports statement said.

“Manny and MP Promotions have agreed to honor the television rights agreement and fully comply with the terms and conditions therein. Accordingly, MP Promotions and Manny Pacquiao have withdrawn in writing their rescission letter dated March 17th, 2009.”

Solar Sports president Wilson Tieng and chief operarting officer Peter Chanliong flew to Los Angeles the other night, and met boxing’s biggest star in his posh La Palazzo apartment Friday (LA time) to thresh our their problems.

“We are happy that now he can concentrate on preparing for his fight with Ricky Hatton on May 3 (Manila time) to be shown on GMA-7 and Solar Sports. Preparation for the fight should be his priority,” the Solar statement added.

The other day, Arum, Pacquiao’s promoter, assured that “everything’s going to be okay” and that the reigning pound-for-pound champion “has realized that he already has a deal with Solar so he can’t make another deal (with ABS-CBN).”

Arum was right. Yesterday, the Top Rank president and Harvard lawyer once again spoke to The STAR, and said Pacquiao made the “right decision” in honoring the contract with Solar Sports.

“It was his decision. It was really up to him,” said Arum over the phone.

From Los Angeles, shortly after meeting with Pacquiao, Tieng said, “now that it’s all over, we can leave everything behind.”

Tieng, who crossed the Pacific to get hold of Pacquiao, said Solar Sports “has no bitter feelings against anyone or any other network” and that they only had to “defend ourselves” in contesting Pacquiao’s move to side with ABS-CBN.

“This is for the best interest of Manny Pacquiao and the best for what the laws provide. Now it’s back to training for him, and back to business for us.”

Tieng and Chanliong were welcomed inside Pacquiao’s apartment shortly before midnight, but waited awhile, seated at the dining table, as the 30-year-old superstar had to finish a game of darts with his friends.

Aside from Gacal, Pacquiao’s Canadian adviser Mike Konkz and business manager Erik Pineda were present during the make-or-break meeting.

The other night, Pacquiao appeared on ABS-CBN saying his decision (to switch back to the giant network) “is still the same.” He also dared Solar Sports to open its financial record books for him to investigate.

But Solar Sports said it would only open their record books in court.

Pacquiao claimed that Solar Sports erred and was late in payment of what was due him for the Hatton fight. Under their contract, the boxer would receive P60 million for the TV rights to the Philippines.

For non-title fights, Pacquiao will be paid, or was paid by Solar P55 million. Their contract was forged on May 6, 2007, and is good until May 7, 2011.

Pacquiao received P15 million from Solar Sports last Monday, and will receive another 25 percent or P15 million 15 days before the fight. The remaining 50 percent comes a week before the fight with Hatton, set May 2 in Las Vegas.

Then 21 days after, Pacquiao will receive five percent of the gross from Solar Sports earnings. The five percent is also worth millions.

For the Hatton fight, Pacquiao can get as much as $20 million representing his purse, pay-per-view sales, ticket and merchandise sales.

ABS-CBN, which has aired some of the Pacquiao fights over the last few years, has yet to issue a statement.

It said in a previous statement it did not have anything to fear of, as far as legal matters are concerned, because Pacquiao approached the Lopez-owned network after he rescinded his contract with Solar Sports.

Solar Sports and its battery of lawyers from the Ponce Enrile Reyes and Manalastas Law Offices, led by Atty. Enrique dela Cruz Jr., had announced that it planned to file a case against Pacquiao and ABS-CBN for P150 million.

Dela Cruz said Pacquiao can only back out of that contract if there was any breach incapable of any remedy. And if there was one, he should have given Solar a 15-day notice.

And if a remedy is unavailable, another 30-day notice is needed before the contract is rescinded.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, March 21, 2009

Geoff Eigenmann willing maghubad sa pelikula

Ibinuking ni Sheryl Cruz sa presscon ng SRO Cinemaserye na crush siya ni Geoff when the actor was six years old at dinala ng inang si Gina Alajar sa Sunday show dati ni German Moreno. Nag-smile lang ang actor sa pambubuking ni Sheryl.

Ganadong magtrabaho si Geoff dahil matagal nabakante at natutuwang makakatulong na uli siya sa pag-aaral ng kapatid na si AJ Eigenmann na nag-aaral maging veterinarian sa States. Mahal ang kursong ito, kaya tulung-tulong sila.

Ginulat ni Geoff ang press sa sinabing kaya niyang mag-frontal nudity sa isang magandang pelikula, basta maganda ang role at mahusay ang director.

“Why not? Okey lang ang frontal nudity scene. Conservative ang family ko, pero okay lang. I have nothing to be ashamed of. Hahaha! Papatayin ako ni Perry (Lansigan, his manager) ’pag narinig niya ang mga sinabi ko. I’m also willing to do something like Brokeback Mountain at makipag-kissing scene at makipag-love scene sa same sex if I have to,” daring na sabi ni Geoff.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Ogie Alcasid at the Podium

Ogie Alcasid’s The Great Filipino Song Book album mall tour will be tomorrow, March 22, 5 p.m. at The Podium.

The gold certified album from Universal Records is now on its way to platinum.

Ogie will perform selections from The Great Filipino Song Book like Kung Sakali, Kung Tayo’y Magkakalayo, Ikaw Ang Lahat Sa Akin and Ngayon.

Autograph signing session follows the show.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Friday, March 20, 2009

Sunshine Dizon: I don't need a boyfriend

DESPITE her being loveless, Sunshine Dizon isn't complaining. At least, her showbiz career is doing well and that's enough for her. Apart from headlining the horror flick “Sundo” with Robin Padilla, she is also one of the female leads in the remake of the hit Koreanovela, “All About Eve” over at GMA-7.

"I'm happy to be back in the scene after a much-needed hiatus. Imagine my comeback projects are huge. It's like a back-to-back treat, a movie and a television show. It really feels good," she says.

She's with Robin in “Sundo.” People want to know if he courted her at the course of their shooting considering his reputation as a ladies' man.

"No. While it's true that he treated me well on the set, he also gave the same treatment to the other girls in the cast like Katrina (Halili) and (Rhian Ramos). He's basically sweet and thoughtful and has high respect for women. I look up to him as an older brother. He taught me how to stay positive all the time when you're in this kind of business."

Doing “Sundo” was a pleasant experience for Shine.

"For one, there's always laughter on the set. It's like we weren't doing a horror movie. Apart from Kuya Robin, I also made new friends out of Katrina, Rhian, Mark (Bautista) and (Hero Angeles). Add to that our director Topel Lee who's very cool," she relates.

Regarding “All About Eve” (which ratings started to climb remarkably), the award-winning actress states that this is her fourth show with Iza Calzado. Prior to this, they did “Kung Mawawala Ka,” “Encantadia” and “Impostora” which were all ratings winners.

"it's always nice to work with Iza. This time though, the challenge posed on us is to have a different attack on our respective roles. I'll make life miserable for Iza in the story.

"I'm so excited with the soap because the cast is great. Richard Gomez, Mark Anthony Fernandez, Alfred Vargas, Eula Valdez and Jean Garcia are all considered good thespians. I'm flattered to be in their company."

Because she and Jean are together in one soap tongues started wagging. It's no longer a secret that Jean is close to Jojo Manlongat, the young businessman who became her boyfriend in the past.

"Actually, there's no tension between me and Ate Jean. We're friends. She plays my mother in the soap. I just hope that people will stop talking about (the controversy)."

For Sunshine, love isn't a priority at this point in time.

"I realized I don't need a boyfriend just to be happy. I don't want to feel desperate because I know that true love will come at the right time. Anyway, at present, my family, especially my mom (former actress and producer Dorothy Laforteza) plus my friends shower me with so much love. And I appreciate it. “I would rather focus my attention to my career specially that good projects keep knocking at my door, right?" ends the talented lass.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Sa paglayas ni Pacman, Kuya Germs parang namatayan

Hindi sa TV ko nalaman kundi kay German Moreno na wala na sa poder ng GMA 7 si Manny Pacquiao. Tumawag si Kuya Germs sa akin sa cellphone para lamang sabihin na wala na sa kanila ang kampeon sa boksing.

Ayaw na nitong maging Kapuso kaya siya mismo (Pacquiao) ang gumawa ng paraan para makabalik ng ABS-CBN. Feeling ko ay parang namatayan ang Master Showman dahil napaka-lungkot ng boses nito kahit sa telepono, basag, gumagaralgal.

The news was confirmed sa programa nina Boy Abunda at Kris Aquino. Nakita rito ang isang film clip ni Pacman na nagsasabing bumalik na siya ng ABS-CBN. Siya mismo ang lumapit sa network para maging Kapamilya ulit. Kaya simula sa laban nila ni Ricky Hatton sa May 2, dito na siya mapapanood. Sinusugan ito ng isa pa ring film clip ng asawa niyang si Jinkee Pacquiao na nagsasabing matagal na ngang nasa isip ng kanyang asawa ang paglipat from GMA 7 to ABS-CBN.

Ewan ko lamang kung paano na ang mangyayari sa programa ng Siete na Totoy Bato na kung saan ay kasa­ma si Pacquiao baga­ma’t sina Robin Padilla, Regine Velasquez at Eddie Garcia ang mga tunay na bida rito.

[via]

Labels:


Continue Reading...

GMA 7's global recession special

Follow the bumpy journey of the Philippine economy this March 22 on Walang Pera?, the GMA News and Public Affairs special on the local impact of global recession.

Over 40,000 local jobs lost in manufacturing, over 5,000 OFWs sent home, more than 4,000 displaced workers in real estate the numbers indicate that the global financial crisis has started to hit home. And hit hard.

But they do not tell the entire story. In spite of the economic crunch, malls continue to expand. Ticket sales of local films are up. Several call centers are in a hiring frenzy. And certain franchises are doing better business now than they did in past years.

So how bad is the situation…really? Is the Philippine economy in recession? What caused the global crisis in the first place? And when and how is it expected to end?

GMA News and Public Affairs’ Special Walang Pera? attempts to answer these questions and more. It will utilize 2-D and 3-D animation, special effects and feature Marian Rivera in various incarnations of Juana dela Cruz, to illustrate the impact of recession in an easily understood way.

Walang Pera? is hosted and narrated by Mike Enriquez and dramatized by Marian Rivera, with the special participation of economist Winnie Monsod. The special will feature the work of independent animators Ellen Ramos, Lara Agulto and Fahrenheit Inc.

It airs Sunday, March 22, at 10:45 p.m. over GMA 7.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, March 19, 2009

GMA Network really loves Richard

It was probably the grandest TV launch undertaken by GMA Network.

Filled with the movie press, the network’s Studio 7 was transformed into a Mexican plaza circa 18th century as the venue for the launch-presscon of Zorro, the network’s new fantasy-action-adventure slated to premiere Monday night, March 23, on GMA Telebabad.

On cue, amidst gasps and oohs and aahs, Richard Gutierrez in a Zorro costume didn’t just walk into the stage — he “flew” (yes, on a harness) from the ceiling and proceeded to cross swords with a group of also-black-costumed guys.

Richard/Zorro’s entrance was preceded by a short film flashed on the huge monitor onstage, showing him riding a horse. Later, more film clips were shown, featuring three of the Hollywood actors who have played the same swashbuckling character — Douglas Fairbanks, Tyrone Power and Antonio Banderas (who was interviewed by The STAR in Hollywood for his starrer, The Legend of Zorro, in 2005).

“As for my previous TV starrers,” said Richard, referring to Captain Barbell, Mulawin, Kamandag, Sugo, Lupin and Codename: Asero (that earned him the title Local TV’s Superhero), “I also trained before we started shooting Zorro. I studied horseback-riding and fencing.”

The other members of the cast were all accounted for, likewise in costumes, led by Richard’s three leading ladies, Rhian Ramos, Bianca King and Michelle Madrigal; and also including Eddie Gutierrez, Mark Gil, Lani Mercado, TJ Trinidad, Jomari Yllana, Jaclyn Jose, Joel Torre, Sandy Andolong, Pinky Marquez, Leo Martinez, Ricky Davao, Sheena Halili, Bobby Andrews, Bubbles Paraiso, Maureen Larrazabal, Robert Villar, Antonio Aquitania, Elvis Gutierrez, Epi Quizon, Bodie Cruz, Shiela Marie, Paloma and Gloria Sevilla.

The “Filipinized” Zorro, still set in the 18th century but transplanted in a Philippine setting, chronicles the exploits of a skilled horseman/fighter who becomes the champion of the masses. It’s co-directed by Mark Reyes (Encantadia and Codename: Asero) and Dominic Zapata (Mulawin and Captain Barbell).

Wilma Galvante, GMA’s SVP for entertainment TV, sang praises for Richard, one of the network’s hottest properties.

Richard’s mom, Annabelle Rama, was also there but she and Wilma didn’t cross paths. They very beautifully avoided each other.

Moved by the bongga launch, Annabelle gushed.

“Mahal talaga si Richard ng Network!”

[via]

Labels:


Continue Reading...

Rhian Ramos happy JC still a kapuso

RHIAN Ramos admits she’s happy that rumored boyfriend JC De Vera has ironed things out with GMA-7 and is not moving to ABS-CBN. “Siyempre, we’re close friends kaya natutuwa akong he got his birthday wish, which is ma-solve na ang problem niya and he’d remain to be a Kapuso,” she says. “But I seldom see him now kasi nga I’m taping ‘Zorro’ with Richard Gutierrez and most of the time, I stay there (on location). E, ako, when I work, talagang mas focused ako sa trabaho ko, kaya no chance for us to see each other often like noong we were doing’ La Lola.’

As of now, I’m really proud to be part of a big project like ‘Zorro’ na ginastusan talaga sa costumes, sa sets, even in the Spanish types of weapons we used from swords to pistols. Daig pa nga nito ang isang malaking pelikula. Happy rin ako to be reunited with Richard after we did ‘Capt. Barbell’, ‘Lupin’ and ‘Asero’. Isa si Richard sa mga kasundo kong katrabaho kasi he’s not only a true professional kundi maalaga rin sa leading ladies niya. First leading man ko siya so I’m really very comfortable with him. I play Lolita Pulido, the daughter of rich parents Leo Martinez and Pinky Marquez, who want me to marry TJ Trinidad kahit si Richard ang mas gusto ko.”

How did she prepare doing a period show like “Zorro” that’s set in Spanish times? “Siyempre, first of all, I trained in riding horses, then pati sa fencing kasi mapapasabak din daw ako rito sa eskrimahan. Then I have to study Spanish as we have to deliver some lines in Spanish. I also have to prepare my costumes. Dapat talaga, ‘yung babagay sa’kin. Excited talaga ako with ‘Zorro’ as it’s so different from any show I’ve done before.”

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, March 18, 2009

From Dingdong to Marian with love: P1M bracelet

MARIAN Rivera came for an interview at the Old Spaghetti House looking fresh as a daisy and dressed like a mannequin pulled out straight from a display window wearing a morning dress accentuated by a diamond-studded white gold tennis bracelet worth P1 million. Well, it was a Christmas gift from boyfriend Dingdong Dantes, her leading man in “Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.”

What did she give him in return? Well, an Omega watch that cost her P700,000. Meanwhile, is Marian happy at the top? She just laughed, saying she’s working real hard.

She’s now aware that some of her fans frown at the way her character in “Ang Babaeng Hinugot” was written, but she quickly explained that GMA7 just experimented on making her character more daring. She was not surprised that it did not consistently chalk up high ratings, but now that they’re slowly taming her character down, her fans will surely become more sympathetic to Proserfina.

Meanwhile, she’s one of the busiest endorsers nowadays, and she’s busy preparing for a new movie under Regal Entertainment, a comedy which we heard will pair her with Vhong Navarro.

This Holy Week, instead of resting, she will attend to the blessing of her 12-door apartment in Bacoor, Cavite and will be busy with a lent offering from APT Entertainment, Sugal Ng Kahapon opposite Dennis Trillo to be shown on April 11 (Black Saturday), 7-9 p.m.

Moreover, Marian is thrilled about the GMA special, Walang Pera, hosted by Mike Enriquez where she will act as Juana de la Cruz, a victim of the global recession. Walang Pera is presented by GMA News and Public Affairs on March 22, 10:45 pm.

[via]

Labels: ,


Continue Reading...

Richard Gutierrez kakausapin si Wilma Galvante

Enjoy ang press sa interview kay Eddie Gutierrez sa presscon ng Zorro, kung saan ginagampanan niya ang role ni Gobernador Luis Aragon. Masaya itong napasama sa isa sa pinakamalaking project ng GMA 7 at mga anak na sina Richard Gutierrez at Elvis Gutierrez.

Kasama na siya sa cast, pero nagugulat pa rin si Eddie sa malaking effort ng network para mapaganda ng husto ang series na magpi-premiere sa March 23, at sa direksyon nina Mark Reyes at Dominic Zapata.

“I like the show, maganda. Pati location namin, ang ganda. Bagay sa akin ang role ko at naa-appreciate ko ang staff na ayaw nila akong mahirapan ng husto. Inuuna nila ang mga eksena ko para hindi ako mapuyat,” kuwento ni Eddie.

Ang ikinatuwa ng press ay nang ipa-describe kay Eddie ang misis niyang si Annabelle Rama dahil ang isinagot ay “what you see, is what you get.”

Nang pag-reaking sa “word war” nina Annabelle at SVP for entertainment TV ng Channel 7 na si Wilma Galvante ang itinanong, sabi ni Eddie, nagulat siya’t paggising niya’y may gulo na sa dala­wa, pero umaasang magkakaayos din ang dalawa.

* * *

Hindi kami magugulat kung isang araw mabalitaang nakipagkita si Richard Gutierrez kay Ms. Galvante dahil sa presscon ng Zorro, hinanap niya ito at may sasabihin daw siya sa kanyang “Tita Wilma.”

Nang tanungin ng press kung ano ang sasa­bihin niya ’pag nagkausap sila, hindi sinabi ni Richard. Pangit daw kung mauunang malaman ng press kesa kay Ms. Wilma ang gusto niyang iparating. Ang na-share lang nito sa mga reporter, nagpapasalamat siya kay Ms. Wilma dahil alam niyang ito ang nagpursigeng makuha ang rights ng Zorro para pagbidahan niya.

Malaki rin ang pasasalamat niya kay Atty. Felipe Gozon, Atty. Jimmy Duavit at sa buong mana­gement ng network na ipagkatiwala sa kanya ang isang malaki, magastos at nakalululang project. Nangako si Richard na hindi idi-disappoint ang management at ang mga viewers. Three seasons ang itatakbo ng Zorro or 39 weeks at posible pang ma-extend.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Marian Rivera ibabalik sa programang pambata

Hindi ikinakaila ni Marian Rivera na very comfortable at very close sila ng kanyang Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang co-star na si Dingdong Dantes dahil pangatlong teleserye na nila ito na pinagsasamahan.

Pero kapag tinatanong si Marian kung anong estado na ang relasyon nila ni Dingdong, sinasabi lang nito na lumalabas sila — kumakain sa labas at nanonood ng sine.

Walang pag-amin kung may commitment na sila sa isa’t isa.

Hindi naman siguro magpapalitan ng mga mamahaling Christmas gifts ang dalawa kung bilang magkaibigan lamang ang kanilang turingan.

Suut-suot ni Marian ang diamond-studded tennis bracelet na bigay sa kanya ni Dingdong.

Expensive watch naman ang regalo ni Marian kay Dingdong.

Sabagay, sila mang dalawa ang mag-sweetheart, hindi naman ito magiging problema dahil pareho silang unattached ngayon.

Hindi kasing lakas ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang kumpara sa mga past TV series nila ni Dingdong, ang Marimar at Dyesebel. Hindi ba sila affected ni Dingdong?

“Actually, expected na namin ’yan dahil nawala ang batang audience namin dahil iba ang viewership ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Mature ang audience nito. Pero gusto kasi ng GMA 7 na hindi rin kami ma-associate sa puro pang-bata lamang. Pero yung next project ko, pambata uli,” ani Marian. Hindi nga lamang niya klinaro kung si Dingdong muli ang kanyang makakapareha.

While comfortable siyang katrabaho si Dingdong, aminado si Marian na kailangan din nilang ipareha sa iba para hindi rin sila pagsawaan as a tandem. Sa pagkakaalam namin, ipapahinga muna ang tambalan nina Marian at Dingdong pagkatapos ng serye nila ngayon.

Sa kanyang gagawin, ang isa rito ay ang GMA News & Public Affairs special na Walang Pera na may kinalaman sa global economic crisis at pinagsasamahan nila ni Mike Enriquez at ang Sugat ng Kahapon, ang Lenten presentation (Black Saturday) ng APT Entertainment na mapapanood sa Abril 11 mula alas-7 hanggang alas-9 ng gabi sa GMA 7.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Carmina Villarroel as Tsoko.Nut Batirol staff on Day Off

Carmina Villarroel gamely donned the Tsoko.Nut Batirol apron in the Valentine’s Day episode of Q-11’s Day Off so regular employee and letter-sender/winner Tiffany Joy “Tiny” de Leon Serrano can enjoy a day of fun and relaxation with her family.

Carmina was up to the challenge of doing De Leon’s task at the coffee shop branch in RCBC Plaza while she and her family went to a resort in Laguna.

First, Carmina was taught by territory manager Joel Patricio how to mix the Tsokolate Ah with batirol. She also learned how to prepare the Choco Loco, the cool drink made out of tablea, a best-seller among the yuppies.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, March 17, 2009

Sandals ni Marian Rivera, worth P50,000

Guess how much ang cost ng suot na pair of sandals ni Marian Rivera when she submitted herself to a pocket interview organized by Lolit Solis, her personal publicist, sa The Old Spaghetti House, Mother Ignacia Street, Quezon City?

Well, tumataginting na P50,000. Yes, P50,000.

Ang brand kasi ng sandals ay Chanel.

“Nailalakad mo pa ’yan sa semento?” tanong tuloy kay Marian ni Chit R.

“Opo, naman,” maliksing sagot ng aktres.

Sayang, ’di namin naitanong kay Marian kung anong brand ng bag ang dala niya at kung magkano naman.

Sigurado kasing mas mahal iyon kesa sa sandals.

Ang sarap talaga ng may pera.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Rosanna Roces nailed to cross

In her desire to be considered as a serious actress, Rosanna Roces, a former “bold” star, had herself nailed to the cross for her upcoming Holy Week film, “Pasang Krus.”

Roces said she did not think twice when the independent film was first offered to her.

“May igagaling pa ako kasi bigay ng Lord ito (acting talent). Nakakahiya naman kung hindi ko ibabalik, di ba? ‘Yong talent natin, bigay sa’yo ng Diyos yan. Ibalik mo sa kanya through whatever na makakapag-move sa tao para maala-ala mo siya,” Roces said.

In the movie, Roces portrays the role of a mother who will do anything for her children. There is one scene in “Pasang Krus” that saw Roces being nailed to the cross.

Roces said it was she who told the director to make the scene real.

“’Yong mga hindi kaya ng kahit sino, ano ako, living on the edge ako. Parang lahat ng extreme, gustong-gusto ko. Naging ulap ang nakikita ko parang hindi ko ma-explain,” Roces said of her experience.

After the scene, she felt as if she was able to "unloaded" excess baggage.

“Parang may nawala sa aking bagay na mabigat… kinabukasan nga, siguro dahil nakapag-unload ka, lahat, pati yong di mo ma-forgive natanggal,” she said, adding that because of it, she is now closer to God.

Through “Pasang Krus,” Roces also hopes that this time, she will be recognized as a real actress.

“Ang ano ko nga ayaw nila akong tanggapin bilang tunay na aktres. Nandun pa rin ‘yong bold image. Parang ayaw nila akong ma-elevate although pinipilit ko ng galingan,” she said, referring to her previous film “Aurora.”

The Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) had twice given “Aurora” an “X” rating, saying that the rape scene in the film was “unfit for public viewing” and “too explicit.”

The “X” rating drew the ire of the actress as she pointed out that her other sexy movies shown on cinemas were more daring compared to what she did in "Aurora."

In her previous interview, Roces said: “Ang feeling ko kasi porke't Rosanna Roces bibigyan mo ng ‘X.’ Ayaw ka nilang tanggapin bilang artista. Ang nakikita lang nila ‘yong sexy na ginawa mo.”

After “Pasang Krus,” Roces said: “Pagtakapos nito, hmmm (sealing her lips), gan’on na sila.”

[via]

Labels:


Continue Reading...

Pagbibida ni Michelle Madrigal sa Zorro nini-nega

Isa si Michelle Madrigal sa three leading ladies ni Richard Gutierrez sa Zorro, siya si Juana na makikipag-agawan kina Kara (Bianca King) at Lolita (Rhian Ramos) sa pag-ibig ni Richard.

Biggest break ito ni Michelle, kaya tuwang-tuwa sila ni Bianca na magbida finally dahil pareho silang kontrabida ni Marian Rivera sa Dyesebel at ngayon, bida na sila.

Kuwento ni Michelle, nang unang ipaalam ni Jun Lalin na bida siya, ayaw pa niyang maniwala at kahit tinext siya nito na magpaganda ng husto sa storycon, hindi pa rin siya makapaniwalang maganda ang partisipasyon niya sa Zorro.

Alam din ni Michelle na marami ang hindi pabor na magbida siya dahil hindi siya homegrown talent ng GMA-7 at hindi siya nag-audition, pero hindi siya nasasaktan.

“Patutunayan ko na lang sa mga nagdududa na kaya ko ring magbida. I’ll do my best para hindi sila ma-disappoint sa akin at lalo na ang management ng Channel 7 sa pagtitiwala nilang ibinigay sa akin. Tinanggap ko lang ang trabahong ibinigay sa akin, sana pagbigyan n’yo ako,” pakiusap ni Michelle.

Sabagay, kahit anong negative comments ang marinig ni Michelle, hindi siya apektado at importante may show siyang malaki, maganda at magagaling ang kasama. Sa March 23, na ang premiere nito sa direksyon nina Mark Reyes at Dominic Zapata.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Monday, March 16, 2009

What is Dingdong Dantes' next project?

May tsimis na saka lang aaminin nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang relasyon nila ‘pag nagtapos na ang Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang na dahil 16 weeks itong eere, may nine weeks pang ipaghihintay ang kanilang fans.

Tinanong namin si Dingdong tungkol dito nang makakuwentuhan namin sa taping ng soap nila ni Marian sa Baras, Rizal at nagulat ito sa narinig. Wala raw silang ganu’ng plano ng kapareha at ayaw nilang pa-pressure na dapat may label na ang kanilang relasyon. Ang importante, masaya silang magkasamang nagtatrabaho at nagdi-date ‘pag may free time sila.

Dagdag pa ni Dingdong, hindi trabaho ‘pag sila’y magkasama dahil magaan at masayang katrabaho ang ka-loveteam. Nagbibigayan din sila ‘pag may sumpong ang isa sa kanila. Mula nang maging super close, wala pang matinding away sina Dingdong at Marian at wala silang pinagseselosan sa isa’t isa.

“Ang hirap mag-entertain ng thoughts na magseselos ako dahil the end of the world ‘pag nangyari ‘yun. Malayong mangyari sa amin na magkakaselosan kami lalo na sa kaso ko dahil na-control ko na ang sarili ko. Noong kabataan ko, seloso ako, pero nagbago na ako,” banggit ni Dingdong.

Kung si Marian, may nababanggit ng next project na pambata raw after Ang Babaeng…, si Dingdong ay wala pa, pero ready siya kung paghihiwalayin muna sila ng aktres. Alam niyang para rin sa kanilang career ang gagawin ng GMA-7.

Also, nilinaw ni Dingdong na wala siyang balak tumakbong konsehal sa 2010 elections at ‘di alam kung bakit nasasama ang pangalan niya sa mga kakandidato. Wala rin siyang alam sa na-report na Hollywood movie na gagawin daw niya kasama ang ilang Hollywood stars, pero kung may darating na offer at maganda naman, kanyang tatanggapin.

Samantala, sa Monday episode ng Ang Babaeng…, mababalitang patay na si Rado (Paolo Contis) at kailangang sundin ni Wangko (Jack Rodrigo) ang utos nitong iligpit ang pamilya ni Proserfina (Marian Rivera). Maghihirap na si Heleen (Angelu de Leon) dahil sa maraming loans.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Marian Rivera denies romance with Dingdong

MARIAN Rivera is on the cover of Cosmo for March and it's the first time she posed in a revealing swimsuit. What's the feedback so far?

"Positive naman," she beams. "My fans said, 'Puwede ka naman palang mag-two piece sa cover'. But where we were shooting it, I was so nervous, kasi outdoors pa ang location."

We thought she'd first pose for FHM, where she was number one in their poll of sexiest women? "I don't know sa manager ko (Popoy Caritativo). He's the one who arranged that. But I attended the FHM affair naman."

How come someone wrote that she's "mataray" again and refused to pose for photos with fans during taping? "That's not true kasi we shoot 'Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang' in private locations na walang ibang tao. Sa album signing ko nga for Universal, I posed with everyone and I didn't leave hanggang hindi tapos lahat ng autograph signing. Wala na lang sigurong ibang maisulat sa akin."

So is she and Dingdong Dantes ready to admit that they're on? "Wala naman kaming aaminin. We're close friends, lumalabas kami, we enjoy each other's company at masaya kami roon. Tama na muna ‘yun."

She's excited with two new TV specials: "Walang Pera?" and "Sugat ng Puso." "'Walang Pera' is made by GMA News and Public Affairs, hosted by Mike Enriquez and is about the impact and effects of the global financial crisis on our country with so many people jobless. I play various roles here to portray how the economic meltdown is affecting ordinary people. Shiela Ramirez is a factory worker in Taiwan who was sent back home to Manila. Darlyn Alcoriza is a call center agent who has to change her lifestyle because of the recession. Meron din akong papel na isang plain housewife at isang estudyante. Very enlightening ang show at kasama rin namin ang economist na si Winnie Monsod, told with state of the art animation nina Ellen Ramos, Lara Agulto, Rod Aguila and Fahrenheit Inc. This is will be shown on March 22, Sunday, at 10:45 p.m."

And what is "Sugat ng Puso"? "It's a special Lenten presentation to be shown on April 11, Black Saturday, 7 to 9 p.m. on GMA7. I play the battered wife of Gardo Versoza. Sa paglipat namin sa isang bagong community, nakilala ko ang isang lola, si Perla Bautista, at ang apo niyang retarded, si Dennis Trillo. Tumulong ako in taking care of Dennis na napalapit sa akin. When his lola died, dinala siya sa isang facility for retardates pero tumakas at bumalik sa akin. Nagselos naman si Gardo and accused me of having an affair with Dennis and this leads a tragic ending. This is a drama about a woman who realizes her self worth with the help of a retarded man. Nakakaiyak, written by Jun Lana and directed by Mac Alejandre."

About her current soap, "Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang", is she disappointed with its rating that's lower than those of "Marimar" and "Dyesebel"? "Kinakabahan nga ako noon pero more or less, ine-expect ko nang lower ang ratings kasi the material is more mature at hindi pambata. Tapos, late pa’ng time slot namin. Parang experiment kasi ng GMA-7 na bigyan ako ng ibang klaseng story for a change. But next time, they'll give me something na pambata raw, like 'Darna Meets Capt. Barbell'. Pero no regrets sa 'Babaeng Hinugot' kasi napatunayan ko naman na kaya ko ng ibang klase ng acting."

This week in "Babaeng Hinugot", Homer (Dingdong Dantes) and Rado (Paolo Contis) have become good friends and Rado even asked Homer to find out who's the secret man in Proserfina's (Marian) life without knowing that it's actually Homer himself. In Rado's mansion, Homer discovers that Selena (Jackielou Blanco), the supposed mother of Proserfina, is actually just an impostor. Homer takes Proserfina to escape with him and he cooperates with the NBI to bring down Rado. As for Heleen (Angelu de Leon), she becomes so poor as she has so many loans that she cannot even pay.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, March 15, 2009

Marian Rivera updates

Aligaga ako kahapon sa presscon ni Marian Rivera dahil kailangan kong humabol sa live airing ng Startalk.

Nasa gitna ako ng pagiging abala nang makatanggap ako ng tawag sa aking cellphone. Ang sey ng aking caller, bothered si DJ Mo dahil sa aking column item kahapon tungkol sa kanilang dalawa ni Arnold Clavio.

Kinumpirma ng aking caller kung true na nagagalit si Arnold kay DJ Mo. Wala akong sinabi na nagagalit si Arnold kay DJ Mo. Ang sabi ko,dapat maghinay-hinay si DJ Mo dahil mabuting tao si Arnold. Mas marami ang magagalit sa kanya kapag ipinagpatuloy niya ang pagtira kay Igan.

Mas tama na gamitin ko ang salitang nagtatampo si Arnold kay DJ Mo dahil nakarating sa kanya ang mga pinag-usapan ni DJ Mo at ng co-host nito sa radio program niya.

Desisyon na ngayon ni DJ Mo kung gagawa siya ng paraan na makausap si Arnold. Kahit pa ang kanyang co-host ang nagalit nang sabihan ito na kamukha niya si Arnold, radio show pa rin ‘yon ni DJ Mo.

* * *

Takang-taka naman si Marian sa mga balita na nag-backslide ito as in may tinarayan siya na fan na gustong magpa-picture sa kanya.

Walang matandaan si Marian na insidente na nagtaray siya. Isang mall show lang ang kanyang pinuntahan at walang tarayan portion na nangyari.

Halos araw-araw ang taping ni Marian para sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Hindi na siya nagkakaroon ng oras na makisalamuha sa fans, maliban sa production staff ng show nila ni Dingdong Dantes.

Napangiti na lang si Marian nang marinig nito ang bago pero lumang isyu tungkol sa kanya. Tanggap niya na hindi mawawala ang mga paninira sa mga artista. Basta ang importante, hindi nangyari ang mga ibinibintang sa kanya.

* * *

May pelikula na gagawin si Marian pero hindi pa niya alam kung kailan sisimulan ang shooting.

Sa pagkakaalam ni Marian, si Vhong Navarro ang makaka-partner niya sa peli­kula na ipo-produce ng Regal Films.

Malamang na umpisahan ang shooting ng pelikula kapag natapos na ang taping ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang na mapapanood hanggang May 2009.

Punumpuno ang schedule ni Marian hanggang Holy Week. May duda nga siya na magtatrabaho siya hanggang Holy Week kaya imbes na magbakasyon sa malayong lugar, uuwi na lang si Marian sa Cavite. Aasikasuhin na lang niya ang blessing ng kanyang 12-door apartment na tapos na tapos na ang cons­truction.

* * *

Mula alas-onse ng umaga hanggang ala-una lang ang presscon ko para kay Marian dahil may Startalk ako at may ribbon cutting pa siya sa Glorietta branch ng Karimadon.

Endorser si Marian ng Karimadon. Nadagdagan din ang kanyang mga product endorsement dahil dalawang bagong TV commercial niya ang lalabas bago matapos ang March.

Sa bilang ni Marian, more than twenty na ang kanyang mga product endorsement. Kayod nang kayod si Marian dahil ipinapa-renovate niya ang bagong condo unit na kanyang binili at lilipatan sa susunod na buwan.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, March 14, 2009

Ryza Cenon and Mike Tan should work harder

RYZA Cenon and Mike Tan were the top winners in StarStruck Batch 2. Unfortunately for them, they've been overtaken by stars of Batch 4 like Aljur Abrenica and Kris Bernal who now star in their own drama series, "Dapat Ka Bang Mahalin."

"Kasama pa rin naman ako sa 'SOP,' so at least may exposure pa rin ako," says Ryza. "But I really miss acting. I just keep on waiting now kung kailan uli ako mabibigyan ng isang drama show. Kaya nga I welcome working in theatre para hindi naman ako kalawangin sa pag-arte."

Mike is happy to be part of the "Dapat Ka Bang Mahalin" cast, where he plays support to Aljur and Kris. "Limang buwan din akong bakante before I got another show," he says. "Kaya naman I give my role as Kris Bernal's older brother my best para mapansin naman na kaya ko ng serious acting. At habang wala akong ginagawa, I took several workshops para mas mapaganda ko ang craft ko since acting is a continuing learning process."

[via]

Labels: ,


Continue Reading...

Friday, March 13, 2009

Geoff Eigenmann: I’m now 100 percent Kapuso

Pumirma na ng 3-year exclusive contract sa GMA network last March 11 ang mahusay na aktor na si Geoff Eigenmann.

Isang mainingning na bituin na naman ang ma-dadagdag sa Kapuso station.

Geoff revealed sa press matapos ang contract signing na matagal niyang pinaghandaan ang pagpirma ng kontratang ito para maging Kapuso star.

“Nagpaalam naman ako nang maayos sa ABS-CBN, and we didn’t have to burn bridges naman,” sagot ni Geoff nang tanungin kung ano ang magiging reaction ng Dos sa kanyang paglipat sa GMA-7.

Sa ngayon ay Kapuso na raw siya at iyon ang mahalaga.

“For me, it really doesn’t bother me kung second choice lang ako. Sa script naman, pantay-pantay kami ni Marvin.I’m one hundred percent sure na aalagaan ako ng GMA,” dagdag pang rebelasyon ni Geoff.

Nang tanungin kung ano ang mami-miss niya ngayong nasa Siyete na siya ay sinabi nitong ang friends niyang kapwa artista na nasa Dos.

Supposed to be ay may gagawing dalawang shows sa ABS-CBN si Geoff.

“Maraming offers sa akin sa ABS-CBN pero last minute ay napapalitan ako. Siguro kasi ang daming stars ng Dos,” say pa ng simpatiko at poging anak nina Gina Alajar at Michael de Mesa.

Iginiit din ni Geoff na hindi sila dapat pagsabu-ngin at ipagkumpara ni Dingdong Dantes.

“We happened to be friends,” depensa pa niya.

May sagot din si Geoff tungkol sa isyu sa kanila ni Nikki Gil.

“Never naman na naging kami ni Nikki,” paglilinaw ni Geoff.

Kaya dapat abangan kung anu-ano mga programa ang pagbibidahan ng guwapong aktor, na mula sa kilalang pamilya ng mga batikang artista.

Pagbibidahan ni Geoff, sa kanyang unang sabak sa GMA ang malapit nang ipalabas na late night drama anthology na S.R.O. Cinemaserye.

Maraming plano ang GMA network na proyekto para kay Geoff para maipakita nito ang kanyang galing sa pag-arte at hindi lang si Geoff ang nagagalak sa kanyang paglipat kungdi maging ang mga taga-GMA-7.

“I am now 100 percent Kapuso,” pagmamalaki ni niya.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Reklamo na naman against Marian Rivera

Ano na naman yan?! May mga reklamo na naman daw against Marian Rivera. Mareklamo na naman daw ito kapag may nagpapa-picture na kasama siya.

Parang lagi itong nagmamadali. Nakikitaan ng pagkainis kapag umangal ang pictorial.

Baka naman talaga kinukuha ng mga nagpapa­lit­rato ang marami niyang oras eh, sobrang bisi siya? Dapat, sandali lamang siyang abalahin. May mga nag­hihintay din sa kanya na puwede, siyang pintasan ka­pag nahuli rin siya. Intindihin na lamang n’yo siya. Katulad ng maraming artista, palagi silang on the go.

Pero, humihirit pa ang nagrereklamo, dapat daw matuwa pa si Marian na marami ang gustong makasama siya sa picture. Malungkot siya kapag wala nang gustong magpakuha na kasama siya. Kung sabagay.

Pero, totoo ba Marian na ultimo raw empleyado ng GMA eh tinatarayan mo? Sana hindi, sana paninira lamang ito dahil ako ang malulungkot kapag may katotohanan ang bintang na ito sa iyo.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Iwa Moto nag-asawa na?

Walang masyadong ginagawa si Iwa Moto after Luna Mystika kaya may time na mag-Facebook. Pero, nililito nito ang nakakabasa ng account niya sa isinusulat na “married” sa kanyang status. Tanungan ang mga nakababasa kung totoong nag-asawa na ang actress, kung kailan ikinasal at curious silang makilala ang sinasabing husband nitong si Mickey Ablan.

Sinubukan siyang tanungin ng reporter na naka­basa ng intriguing entry niya, pero hindi sumagot si Iwa na namimighati ngayon sa pagkamatay ng amang Hapones. Hindi rin napagkikita ang actress, walang chance na usisain siya kung totoong nag-asawa na o gusto lang gulatin ang mga nakababasa ng kanyang account. Real name ang ginagamit ni Iwa sa kanyang Facebook account, kaya ’di siya nakikilala ng karamihan.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, March 12, 2009

Katrina nag-volunteer maging alalay ni Sunshine

Gaya nina Rhian Ramos at Sunshine Dizon, naka­tikim din ng special treatment si Katrina Halili kay Robin Padilla sa shooting ng Sundo.

Asikaso ng actor ang pagkain niya at ‘pag ginusto niyang umupo, agad may upuang nakahanda para sa kanya.

Nakahanap din ng friend si Katrina sa katauhan ni Sunshine. “Ate” ang tawag niya sa actress na three years older sa kanya at pati respective mothers nila ay naging friends.

Kumakain sila sa labas at sabay nag-i-exercise at gumagawa ng kakikayan ng mga babae. Kung dati si Sunshine ang tinulungang pumayat ni Katrina, ngayon ay si Sunshine ang umaalalay para pumayat si Katrina dahil tumaba ito at lumaki ang balakang.

Dahil walang gagawin at tapos na ang taping ng Karibal ng Dear Friend na isa sa mga bida si Katrina, nag-volunteer itong maging P.A. ni Sunshine sa pagpunta nito sa Singapore para sa taping ng All About Eve.

Excited na sina Katrina at Sunshine sa premiere night ng Sundo sa March 17 dahil first time nilang mapapanood ng buo ang action-horror movie na naging daan para sila’y maging close. Manggagaling si Katrina sa promo ng movie sa Davao at si Sunshine ay sa Singapore.

Samantala, sa balitang nagkabalikan na sina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho, maiksing “I’m happy for them” lang ang nasabi ni Katrina at ‘di na nagsalita.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, March 11, 2009

Dennis Trillo ipo-produce ni Boy Abunda ng indie film

Habang wala pang kasunod na soap, gagawa muna ng indie film si Dennis Trillo at worth the wait ang first indie film ng actor dahil maganda ang story ng movie to be directed by GB Sampedro. Astig ang title ng movie na ipo-produce ni Boy Abunda at the best script daw na sinabmit sa Cinemalaya.

Makakasama ni Dennis sina Sid Lucero, Edgar Allan Guzman at Arnold Reyes. Si Maja Salvador ang kinonsider na leading lady ng movie, pero may problema sa schedule ng actress, kaya posibleng kay Glaiza de Castro mapunta ang role.

Matutuwa ang mga fans ni Dennis, gaya ni Angela Villanueva, na nagre-request ng project na magpapakita ng galing sa acting ng actor. Sisiguraduhin ng mga taong nasa likod ng Astig na mailalabas ni Dennis ang husay niyang artista.

Bukod sa indie film, tatlong pelikula pa ang naka-line-up gawin ni Dennis this year sa Regal Entertainment at may afternoon drama pa siyang gagawin. Hinahanapan pa yata siya ng leading lady dahil hindi pumuwede si Heart Evangelista.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Paalam, Francis!

The remains of Francis Magalona, who died last March 6, were scheduled to be cremated at 1:30 this morning at the Funeraria Paz after a Mass and eulogy last night at the Christ The King Chapels where the wake was held. His ashes will be laid beside the tombs of his parents, Tita Duran and Pancho Magalona.

As a parting shot for Francis, Funfare is asking his fans and friends to sing Kaleidoscope World, one of his enduring hits.

All together now:

So many faces, so many races

Different voices, different choices

Some are mad, while others laugh

Some live alone with no better half

Others grieve while others curse

And others mourn behind a big black hearse

Some are pure and some half-bred

Some are sober and some are wasted

Some are rich because of fate and

Some are poor with no food on their plate

Some stand out while others blend

Some are fat and stout while some are thin

Some are friends and some are foes

Some have some while some have most

Every color and every hue

Is represented by me and you­

Take a slide in the slope

Take a look in the kaleidoscope

Spinnin’ round, make it twirl

In this kaleidoscope world

Some are great and some are few

Others lie while some tell the truth

Some say poems and some do sing

Others sing through their guitar strings

Some know it all while some act dumb

Let the bassline strum to the bang of the drum

Some can swim while some will sink

And some will find their minds and think

Others walk while others run

You can’t talk peace and have a gun

Some are hurt and start to cry

Don’t ask me how don’t ask me why

Some are friends and some are foes

Some have some while some have most

Every color and every hue

Is represented by me and you

Take a slide in the slope

Take a look in the kaleidoscope

Spinnin’ round, make it twirl

In this kaleidoscope world

[via]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, March 10, 2009

Rochelle Pangilinan gustong mawalan ng gana sa pakikipagtalik

HANGGANG ngayon ay kayod-to-death pa rin si Rochelle Pangilinan dahil sa ‘obligasyon’ niya sa kanyang pamilya.

Pero, magaan naman daw sa loob niya ito. At never niyang pinagsisi-sihan na naging mahirap lang ang kanilang pamilya.

Bukod sa daily na Tarzariray niya ay rumaraket pa rin si Rochelle sa ibang shows ng GMA tulad ng Bubble Gang bilang replacement kay Rufa Mae Quinto habang nasa Amerika pa ito.

Pumanaw ang ama ni Rochelle last year at nitong nakaraang buwan lang ay naospital naman ang minamahal niyang ina.

May mga kapatid din siyang umaasa pa rin sa kanya hanggang ngayon. Dahil sa ganitong sitwasyon ay wala na ngang panahon para sa kanyang personal na buhay si Rochelle.

At nang makakuwentuhan namin siya kamakailan, halos hindi kami makapaniwala nang sabihin niya sa amin na dumaan ang Pasko at Va-lentine’s Day na wala siyang boyfriend. At dahil dito ay wala rin siyang sexlife.

Hindi namin alam kung matatawa kami nang sabihin niya na panay na lang ang kain niya nga-yon ng papaya dahil sabi raw ng matatanda ay nakaaalis ng ‘L’ o libido o hilig sa sex daw ang prutas na ito.

Bale ito raw ang sekreto niya kaya nananatili siyang celibate o sexless life hanggang ngayon.

Natutuwa naman si Rochelle na nananatiling double digit (20 pataas) ang rating ng Tarzariray na magtatagal pa sa ere hanggang April 17.

Sa susunod namang season ng Daisy Siyete ay sina Jopay at Sunshine naman ang magiging bida rito.

[via]

Labels:


Continue Reading...

The beauty pageant business is back

Another set of national beauties was crowned during the 2009 Binibining Pilipinas pageant at the Araneta Coliseum last Saturday night (telecast was on GMA 7). It turned out that it was the beauty contest’s 45th anniversary, but I only found out about that when host Iza Calzado said so toward the end of the three-hour show.

No, there was no grandness to the production, but director Al Quinn still put together a very cohesive show.

The opening number, however, was overextended — with the contestants dancing in what looked like light, but colorful overcoats that they eventually peeled off to reveal casual clothes that they wore while introducing themselves to the Araneta crowd and to the viewers at home.

I don’t know if it was my TV set or the lighting in the coliseum, but no one looked impressive in that part of the show, except maybe for Rich Asuncion, who I thought that time was a cross between Pilar Pilapil and a now very pretty Imee Marcos. And it was only then that I found out her real name was Richelle Angalot. To think I’ve known her this long — she being part of our group that graces openings of Flawless branches all over the country.

When the show got into the swimsuit competition — with the contestants doing the mandatory poses in a resort in Batangas — I thought most of the shots were unflattering. Was it the camera angles that showed most of the contestants with bulging midsections? It was either that or the contestants had too much Pizza Hut.

Then I saw the tale of the tape flashed on one side of the screen: Some of the girls had waistlines as wide as 26”. You could actually mount a flat screen on each of them. To the pageant organizers, send the winners to Gold’s Gym — pronto.

The program, of course, had other features aside from the contestants parading around the stage. This being the pageant’s 45th year, they gathered as many former Binibining Pilipinas winners as possible. Great idea, but messy and tedious in execution.

The cameras could not locate the former titlists. They were either on the wings of the stage waiting for their duties as presenters or scattered all over the coliseum. Some of the names called by host Paolo Bediones probably weren’t even in the venue — like Pilar Pilapil, for example.

In one segment of the pageant — still in line with the organization’s 45th year — handsome glass trophies were presented to the Pinay beauty queens who brought home major international beauty titles. Only three were honored in that portion of the show: Gloria Diaz, Margie Moran and Aurora Pijuan.

Of course, Gemma Cruz wasn’t there because when she won Miss International, Binibining Pilipinas was not yet the local franchise holder of the then Long Beach-based international beauty pageant (besides, didn’t she picket outside the Araneta Coliseum during an edition of the Binibining Pilipinas in the ‘70s and denounced beauty contests as a mere exploitation of women?). But baffling was the non-appearance of Melanie Marquez, while the absence of Precious Lara Quigaman only confirmed rumors that she is at odds with the Binibini organization after she and other beauty queens put up their own pageant last year.

But back to the real stars of the program: The contestants vying for the three major titles at stake. After the presentation of special awards, they were made to parade in evening gowns to the tune of a jazzed-up Hindi Kita Malimot, the arrangement of which worked well for the segment.

Then it was time to reveal the 10 semi-finalists and 2007 second runner-up Abby Cruz, who joined a second time hoping to finally bag one of the crowns, wasn’t in the list. Abby is actually even prettier now, but at 5’5” she was easily dwarfed by the taller candidates. But I have to give it to Paolo for not letting the unfortunate turn of events for his girlfriend Abby affect his job as pageant host. He went on with the show like a pro — like he didn’t have to do a lot of comforting later that night. His female co-hosts Iza and Carlene Aguilar also carried on with their duties like veteran special events emcees.

After the announcement of the 10 semi-finalists came the much-awaited question and answer portion. To the disappointment of the Araneta Coliseum hecklers (and even those at home), there was no Janina San Miguel. Playing it safe, none of the girls winged on and on and most of them kept their answers short and rushed to end their statements with their that’s-all-thank you safety net.

But while grammars were correct and their sentences were well put together and made for pleasant listening, most of the answers were lacking in substance. Very Chiz Escudero — you know, nice to listen to, but is there actually anything there?

But I did admire the contestants even more by the time they got to this round because — for all that pressure (what with the crowd waiting to boo and jeer them with one single slip of the tongue) — they got out of that alive and in one piece. And quite frankly, some of the questions that came from the judges were crappy and didn’t deserve decent answers.

As the pageant got deeper into the night, I noticed that the girls were finally getting prettier. Not just pretty, but lovely. Maybe because there were just 10 of them and that made it easier to dissect every face and figure.

Right before the names of the winners were announced, I had finally placed my bets (I was slow that night). Second runner-up was Regina Hahn, daughter of one-time TV personality Chiqui Brosas, who earlier was 1975 Binibining Pilipinas and fourth runner-up in that year’s Miss Universe pageant. Regina has great personality and maybe should have joined the contest earlier. This close to getting a title was first runner-up Richelle Angalot, who probably should join again another time (or wait for one of the winners to get into trouble and assume the crown).

The Binibining Pilipinas-International title was given to Melody Gershback, who, with her very mestiza features, is so doll-like — very much the kind of look they favor in Miss International. For Miss Universe, they are sending Pamela Bianca Manalo, sister of Binibining Pilipinas-World 2002 Kate Manalo and niece of former Binibining Pilipinas-International Nini Ramos Licaros, who was the producer of Eh, Kasi Babae in the ‘80s.

Chosen to represent the country in the Miss World contest is Marie Ann Umali, another pageant repeater, but is now a big winner — thanks to the unmatched regal bearing she displayed that night of the contest.

Also a big winner was the pageant show itself. In spite of those little rough edges along the way, it was basically smooth and entertaining. The telecast of the coronation night also scored 18.7 percent, which was high enough considering the fact that it started airing at almost 11 p.m. (Eat, Bulaga! and Startalk both went overtime because of the tribute to Francis Magalona and pushed the primetime schedule back.)

Apparently, the interest in beauty pageants is back and the Binibining Pilipinas organizers have Janina San Miguel from last year to thank for that.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Monday, March 09, 2009

Rich Asuncion bagsak sa Q&A

Sayang si Rich Asuncion, puwede niyang napanalunan ang alin man sa tatlong major titles, instead hanggang first runner-up lamang ang inabot niya. Pero, okay na ito considering na hindi siya impressive sa question and answer portion.

Hanggang ngayon, hindi ko maintindihan kung bakit ayaw magsalita ng Tagalog ang mga ipinadadala nating representatives sa mga international beauty pageants. Nahihiya ba sila? O ito ang bilin sa kanila? Para kasing mas maraming ganda points ang makukuha nila kung tatayo sila ng stage at hihingi ng interpreter. Pero never pang nangyari ito. Tuloy nagkakaroon pa ng hiyaan kapag tinatanong na sila.

Anyways, congrats kay Rich o Richell, meron naman siyang showbiz career na mababalikan. Sikat na rin naman siya at kumikita na ng malaki. And she made her point, nakita na ng bansa kung gaano siya kaganda at nagsisimula na naman siyang magpamalas ng talento sa pag-arte, ang kailangan na lamang niyang maipakita ay kung may staying power siya.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, March 08, 2009

Binibining Pandesal?

HAS the Philippines ran out of beauties that would represent our country in different countries?

As of today, we already know who goes to world, international and universe via television network GMA 7 last night. But is this group good enough?

Year after year some time ago, the Philippines is one of those countries which other countries seem to get worried about when it comes to beauty contests.

Most of these women came from Mutya ng Pilipinas pageant. There is one pullover of the last two year’s Binibining Pilipinas, Abigail Cruz, as she too joined Mutya some time ago and two more in this batch alone. It’s nice to see the stunner in Aby never quit her dreams.

But whatever happened to resigned Mutya of 2007 Zara Aldana? It was reported that she too tried to join this batch; but she didn’t make it due to “sungki daw ang ngipin.” But she was the only one whom Ms. Stella Marquez invited to take a closer look. Beat that.

Are most of the true lovely women in the country hesitant to join such beauty contests nowadays?

It’s sad to see some contestants seek enhancements to follow trends nowadays. Can’t they respect natural beauty all along?

We are observant that we see some of the candidates doing a repeat of their past feats. And some are beautiful though as we recall, are laughed at.

Of course, they also look for brainy women, but what about considering the physical attributes first which has the capability of making it in the top 10 or 12?

After all, it’s still a beauty pageant.

Indeed it may be funny, but we are not focusing on the task at hand. We are losing to countries like India and even China who are now rising to compile their beauty titlists.

But we still ask this year after year, are they going to be the real Binibining Pilipinas to make it out or just be another binibining pandesal?

[via]

Labels:


Continue Reading...

Mark Anthony Fernandez confirms Alma’s wedding

MARK Anthony Fernandez says his mom, Alma Moreno, is definitely marrying Mayor Fahad Salik of Marawi City on April 9. “As her eldest son, I’ll be the one to take her to the altar, just like when she had her wedding kay Tito Joey Marquez,” he says.

Since it’ll be a Muslim wedding, does this mean his mom has converted to the Muslim religion? “Sa pagkaalam ko, hindi naman. I don’t know the details of the wedding yet kaya wala akong mai-share sa inyo about that.”

How’s his future stepdad? “I met him noong New Year. Okay naman siya. Hindi totoong tutol ang family niya sa mom ko. He’s a few years younger than my mom at sabi nga ng mom ko, he’s tall, dark and handsome. I’m really happy na tinanggap niya ang mom ko kahit may mga anak na. I think he’s seriously in love with her and he looks very responsible. I can see namang masaya ang mom ko sa kanya and I’m also happy for her.”

A lot of people were curious when he admitted in the Don’t Lie to Me Segment of “Showbiz Central” last Sunday that he and his wife Melissa are having marital problems. Some quarters quickly concluded his wife is jealous of Sunshine Dizon, one of his leading ladies in “All About Eve”.

“No, walang kinalaman si Sunshine at hindi naman selos ang dahilan. At kung anuman ‘yun, na-solve na namin at okay na kami uli ngayon. Sinabi ko naman noon it’s just a minor issue na normal na nangyayari sa mga mag-asawa.”

After doing a telefantasya like “Luna Mystika”, Mark is glad to be doing serious drama in “All About Eve” that starts airing tomorrow. “Dito, walang special effects at mga engkanto. Realistic drama ito about relationships at maganda ang role ko as the guy na pag-aagawan nina Sunshine at Iza Calzado.”

[via]

Labels:


Continue Reading...

Bb. Pilipinas 2009 Winners

The Bb. Pilipinas World, Bb. Pilipinas Universe and Bb. Pilipinas International were announced, Saturday, during the coronation night at the Araneta Coliseum.

Bb. Pilipinas International - Melody Gersbarch

Bb. Pilipinas Universe - Pamela Bianca Manalo

Bb. Pilipinas Word - Mary Ann Umali

1st Runner-up - Richelle Angalot

2nd Runner-up - Regina Hahn

Congrats to the winners!

Labels:


Continue Reading...

Saturday, March 07, 2009

RIP: Francis Magalona is dead

Nakakalungkot ang balita kahapon. Naka­kabigla actually, dahil ang alam ng lahat, nagkaroon ng remission si Francis Magalona pagkatapos madiskubreng meron siyang leu­kemia (cancer of the blood) last August 2008.

Natatandaan kong agad na nag-organize ng blood donation drive ang mga kaibigan ni Fran­cis nang madiskubre ang sakit niya.

Sa kanyang Multiply site, January 14 ang kanyang last post, 5:50 a.m, kung saan nagha­handa na siya sa kanyang fourth cycle chemo:

“Good evening people. I am getting prepared for my 4th chemotherapy cycle, and I will be admitted tonight at The Medical City. I will be doing some tests tomorrow, wish me luck. Friday I begin my 4th cycle which is a Hi-Dose kind, as will be taking 6 grams of Cytarabin™ a day every other day for 3 days.

“I will be at the 14th floor of the TMC, as usual. I brought a lot reading materials (Bible included!) and DVDs to keep me company while I do my treatment. I will be doing my radiation treatment by February and my PBSCT (Peripheral Blood Stem Cell Transplant) will be done by March.

“I look forward to the pain as I know my journey is on full speed ahead. I will not be bold to say that without asking a favor from you all. PLEASE PRAY for me as I undergo treatment. Your prayers, as always, have sustained me. And am sure the Lord will listen to all our prayers. To His will I submit myself.

“God bless you, my friend.

“PS: I will be needing blood donors for blood and platelets. Please go to the lower ground floor of The Medical City and donate blood in my name. For platelets Apheresis you may go have yourself screened at the Phil. Nat’l Red Cross at the Pier in Manila. I am type O positive. Thank you again.”

After ng fourth chemotherapy, magkakaroon sana siya ng stem cell transplant, pero hindi na siya umabot.

Bago binawian ng buhay si Francis, pinilit niya talagang lumaban.

Nag-design siya ng T-shirts at nag-record ng kanta kasama si Ely Buendia ng Pupil band. Hindi niya rin kinalimutan ang kanyang passion sa photography.

Simula nang madiskubre ang kanyang sakit, namalagi na siya sa hospital, sa Medical City. Pero naging maligaya siya dahil nakauwi siya last Christmas.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Lovi Poe new song and video

Tomorrow, March 8, Lovi Poe will launch her new single and music video in GMA 7’s S.O.P. The new song and music video is titled Dito Sa Puso and it was the theme song of koreanovela Wanted Perfect Family. This is the second single culled from Lovi’s second album, Bloom under Sony BMG. The music video is directed by Paul Soriano and features Lovi in various retro looks with leading man Victor Aliwalas.

The song was especially written for Lovi by Vehnee Saturno. This early, the song has reached the No. 1 spot in Barangay LSFM 97.1 and is steadily climbing the charts of other radio stations.

Lovi will have a second round of mall shows to promote the album. It starts tomorrow at SM Fairview; March 22, SM Pampanga; March 28, Isetann Recto; and March 29, SM Southmall.

The mall tour is presented by Aficionado Germany Perfume, Sony BMG, Jewels, Belo Medical Group, Kolorete and Fanatext.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Sandra Inez Surravilla Seifert disqualified

No. 13, Sandra Inez Surravilla Seifert (24, 5’9”, 35-24-35) has been disqualified in Bb. Pilipinas Pageant for appearing in a men’s magazine.

A top model and a former co host of Mastershow-man Walang Tulugan, she is a registered nurse (graduated from Borough of Manhattan Community College in New York) and was adjudged Elite Model Philippines first runner-up in 1998. She competed in the Elite Model Look finals in France.

Labels:


Continue Reading...

Friday, March 06, 2009

Annabelle Rama: No retreat, no surrender

May taping ako kahapon sa SIS kaya hindi ako nakapunta sa presscon nina Annabelle Rama at JC de Vera.

Nabalitaan ko na lang mula sa ibang mga reporter ang mga nakakalokang statement ni Bisaya na “no retreat, no surrender” sa mga eskandalo na kinasasangkutan niya.

May hamon si Bisaya, ipu-pull out nito ang lahat ng kanyang alaga sa GMA 7. Hindi raw siya natatakot sa mga sulat ng abogado ng GMA 7 at lalong hindi siya umuurong sa mga demanda!

* * *

Nagpunta ako sa presscon ng GMA 7 pero hindi napag-usapan ang mga bagong programa nila dahil puro tungkol kay JC ang itinanong ng mga reporter sa GMA executive na si Wilma Galvante.

Ang sey ni Mama Wilma, hindi nakatikim ng harassment o pananakot si JC nang pumasok ito sa kanyang opisina nang magkaroon noon ng story conference ang Obra na SRO Sinema Serye na ang pamagat ngayon.

Eh pinaninindigan ni Annabelle ang kanyang version na tinakut-takot ni Mama Wilma si JC. Ginawa raw ni Mama Wilma kay JC ang ginawa niya noon kay Angel Locsin.

Ang sabi naman ni JC kung ano ang version ng kanyang manager, ganoon din ang kuwento niya.

Base sa mga statement na narinig at nabalitaan ko kahapon, malalim na ang problema nina Bisaya at Mama Wilma kaya pumasok na sa eksena ang mga abogado nila. Nakakaloka ‘huh!

* * *

Naglagare kahapon ang mga entertainment editor at writers. From GMA 7, go sila sa emergency presscon ni Annabelle Rama.

May clearance ni Atty. Felipe Gozon ang presscon kahapon ni Mama Wilma & company. May approval niya ang ginanap na presscon.

Nagsalita kasi si Bisaya na isusumbong niya si Mama Wilma kay Papa Gozon dahil ginamit niya ang resources ng GMA 7 para sa kanyang sariling presscon.

* * *

Kinumpirma ni Mama Wilma na ang baguhang si Carla Abellana ang gaganap na Rosalinda, hindi si Marian Rivera.

The who si Carla? Siya ang anak ng dating matinee idol na si Rey Abellana kay Rhea Reyes na anak ng dating LVN star na si Delia Razon.

May pinagmanahan si Carla dahil galing siya sa angkan ng mga artista. Masuwerte si Carla dahil bida agad siya sa kanyang unang TV show.

* * *

May emote si Bisaya tungkol kay Carla. Ibang Carla ang tinutukoy ko, si Carla Humphries na kahalikan ni Raymond Gutierrez.

Nag-audition pala si Carla para sa Zorro pero hindi siya kasama sa cast. Ang sey ni Bisaya, naitsa-pwera raw si Carla nang malaman ng production staff na siya ang manager.

Wondering si Bisaya sa pagkatsugi ng kanyang alaga sa Zorro. Ano ba raw ang problema kung siya ang manager ng dating Star Magic talent?

[via]

Labels:


Continue Reading...



Technology Blogs - Blog Top Sites