<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, April 30, 2009

Janno Gibbs pina-pirate ng ABS-CBN?

Wala akong maisagot sa nagtatanong sa akin kung totoo na pina-pirate si Janno Gibbs ng ABS CBN.

May bagong game show si Janno sa GMA at siguradong sasagutin niya ang isyu kapag humarap na siya sa mga reporter.

Secret pa yata ang title ng bagong game show ni Janno pero mapapanood ito tuwing Linggo. Ang game show ang ipapalit sa mamamaalam na Sunday show ni Paolo Contis, ang My Dad Is Better Than Your Dad!

[via]

Labels:


Continue Reading...

Manny Pacquiao dinumog ng Pinoy sa 60th floor ng The Hotel sa Las Vegas

NAG-TRAVEL by land lang si Manny Pacquiao, kasama ang asawang si Jinkee, trainer na na si Buboy Fernandez, dating boxer na si Onyok Velasco at ang asawa ni Buboy na si Claire.

Sumakay ang entourage ng Pambansang Kamao sa Lincoln Navigator ni Manny at nag-travel sila ng 300 miles.

Matiwasay namang nakarating ang grupo sa Las Vegas at agad tumuloy sa The Hotel ng Mandalay Bay.

Nang dumating si Manny sa Las Vegas, sinabi nitong 100% na nasa kondisyona ng kanyang katawan para sa fight sa Linggo.

Naka-check-in si Manny ngayon sa 60th floor ng The Hotel. As usual, sabi ng aming source na taga-GMA, paboritong tirahan ni Manny ang The Hotel ng Mandalay kapag may boxing match siya.

Suwerte daw ito sa kanya.

Dahil popular si Manny sa mga Pinoy sa America, dinudumog ang 60th floor ng well-wishers.

Mabait si Manny at pinagbibigyan niya kaya lang kahit sino ka pang ka-importanteng tao sa Pilipinas, hindi ka agad makakapasok sa kuwarto ni Manny para bumati at makipagtsika-han.

Ang guard na naka-assign kay Manny ay isang Amerikano na super-higpit.

Walang pakialam kung sino ka pa.

Ang ginagawa na lang ni Manny ay binibigyan ng ilang minuto ang well-wishers kaya dapat ay grupo-grupo kayo para makaharap niya.

Kahit ang mga taga-GMA-7 na nagku-cover ng event ay hirap ding makausap si Manny.

Kapag malapit na ang laban ni Manny ay hindi na siya humahawak ng telepono.

At ang lalaki niyang secretary ang mahigpit ding tumanggap ng call kaya hindi rin basta-basta makakausap ni Manny.

Kaya mismong ang staff ng GMA-7 ang pumipili para makahingi ng audience kay Manny.

Kung may ilang problemang dapat sagutin ni Manny, ang staff mismo ang aakyat sa 60th floor.

Last year, nakita ng source naming staff ng GMA-7 na pumila rin ang magdyowanoong sina Dr,. Vicky Bello at Dr. Hayden Kho.

Maski matagalan ay pumila rin sila para makausap si Manny.

Sinabi lang sa pila na sila ay sikat na mga cosmetic surgeon sa Pilipinas kaya pinatuloy sila ni Manny at kinausap.

Ibig pagbigyan ni Manny ang lahat ng well-wishers, kaya lang kung sobrang dami na at maaapektuhan ang kanyang pamamahinga at training, at nata-turn down na rin ang ibang mga bisita o kaya ay sinasabihang bumalik na lang.

* * *

SAMANTALA, ang show ni Manny Pacquiao na Pinoy Records ay patuloy na maghahandog sa Sabado ng mga kakaibang kagalingan ng mga Pinoy.

Tampok ang mga beauty title holder na sina Carlene Aguilar at Jennifer Barrientos, gustong maka-iskor ng bagong titulo sa Pinoy Records !

Sino kaya sa kanila ang kokoronahan bilang Ice Queen?

Alamin sa Celebrity Face Off!

Sa larangan ng speedcubing, isang Pinoy ang kilalang-kilala at siya ay si JB Canares, ang ating Bidang Pinoy!

Mga produktong yari sa buhok ang tampok naman sa Gawang Pinoy!

Survivor Philippines cast-off Kiko Rustia, kaka-labanin ang isang unggoy?

Ang kanilang enkuwentro, mapapanood n'yo sa Pinoy Versus Wild Celebrity Edition!

Dalawang babae naman ang maglalaban para maging Ampalaya Queen!

Ilang hilaw na ampalaya kaya ang kaya nilang kainin?

Abangan kung sino ang magwawagi sa Pinoy Extreme!

At sa bisperas ng kanyang laban, alamin ang pinakahuling balita kay Pacman at sa pinakaabangang enkuwentro sa British boxer na si Ricky Hatton!

Walang makapipigil sa pagpapakitang-gilas ng Pinoy!

’Yan ang dapat abangan sa Pinoy Records ngayong Sabado pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA.

* * *

BALITA namin sa GMA- 7, ang carrying station ng Solar Sports para sa local television, na in full forcce ang mga executive ng production deparment na pupunta sa Las Vegas para sa fight ni Manny.

Sabi ng aming source noong Sunday pa umalis ang senior program manager na si Ms. Redgie Magno para asikasun ang fight ni Manny para sa coverage.

Last night, nakatakdang umalis din sina Ms. Mari-vin Arayata, VP for Entertainment Comedy, at program managers Bang Arespacochaga at Ali Nokom-Dedicatoria.

Balitang aalis din papuntang Las Vegas ang SVP for Entertainment ng GMA na si Ms. Wilma Galvante.

Talagang alagang-alaga ng network si Manny kaya full-support ng production department sa alinmang laban ni Manny.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, April 29, 2009

Giyerang Annabelle-Wilma abot hanggang sa text

Gaano kaya katutoo ang nasagap naming balita nitong nakaraang Sabado na maraming entertainment writers, na “gaka” o hindi imbitado sa launching ng bagong pabango na ineendorso ni Richard Gutierrez sa Bench, ang nagulat dahil buong puso silang tinanggap sa presscon diumano na pinatawag ni Tita Annabelle Rama.

May umugong na balita raw kasi na may nag-text brigade na nagsasabing iboykot ng mga entertainment writers ang naturang okasyon at ang itinuturong may pakana umano nito ay walang iba kundi si Ms. Wilma Galvante ng GMA-7.

Hindi kami makapaniwala na aabot sa ganito ang hidwaan ng dalawa kung totoo man ito.

Pero sa parte naman ng mga kasamahan naming writers na kabilang sa tinuturing “gaka” ay napabuti dahil sa ngayon ay welcome na sila at hindi itinaboy na pangkaraniwang ginagawa ng PRO o manager na nag-aasikaso sa mga presscon.

Saludo kami kay Tita Annabel dahil sa tapang nito sa paglaban sa mga taong sa tingin niya ay hindi na tama ang ginagawa at sa pakikipaglaban nito para sa karapatan ng kanyang talents at kapamilya.

Ang move na ginawa niya ay maganda rin para nga naman makita niya kung sino talaga ang kanyang kakampi sa hanay ng mga manunulat at magbibigay sa kanya ng suporta.

Hindi naman kaila sa atin na maraming publicists ang GMA-7 lalo’t top executive si Ms. Galvante, kaya marami ang maaaring sumulat ng laban sa mga alaga ni Tita Annabel.

Suwerte nga lang dahil sikat at may hatak sa rating ang mga alaga ni Bisaya kaya siguradong mapo-frozen delights sila.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Ariel Rivera doesn't watch his own movies

DO you know that Ariel Rivera doesn’t watch his own films? “Parang nahihiya kasi ako,” he says.

Not even the first movie he did, “Bakit Labis Kitang Mahal,” with Lea Salonga and Aga Muhlach, for which he won a best supporting actor award? “Ang pinapanood ko lang, movies ni Sharon Cuneta,” he adds.

At the premiere night of his title-roler, “Padre de Pamilya,” he left before the film started. He was with wife Gelli de Belen and their two sons. “Magdi-dinner muna kami,” he says. “We’ll return kapag tapos na ang movie.”

Ariel was based in Canada when he came to Manila in 1990 to be a singer. It turns out an acting career was also waiting for him. “Bale 19 years na ako rito,” he says. “And I love it here.”

He’s glad to be a part of a meaningful film like “Padre de Pamilya.” “It shows how corruption is so rooted in our country that even God-fearing people get corrupted against their better judgment.”

He plays a municipal employee in a small town who’s in charge of health and sanitation permits. He doesn’t like to be corrupt like their mayor (Tessie Tomas) but his family is so poor and his eldest child (Cedric Jose) needs a new computer so he finally gives in to a factory owner who bribes him, but this is uncovered by the media. Ariel’s acting is superb. “Padre de Pamilya” is directed by Cesar Buendia and opens in SM Cinemas today.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, April 28, 2009

Jolina Magdangal: Juday deserves to be happy

Sina Drew Barrymore sa 51st Date at Riding Car with the Boys at si Julia Roberts sa Nottinghill at Dying Young, ang peg ni Jolina Magdangal sa character niyang si Joanna Maglipot sa rom-com series ng GMA-7 na Adik sa ’Yo.

Excited ito sa bagong show at kahit sa May 5 pa ang first taping, pinag-aaralan na nito ang makapal na script.

Samantala, happy si Jolina sa malapit na wedding nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo at deserving daw maging masaya ang actress.

“Genuine ang pagka-happy ko for her at wala akong nararamdamang kahit katiting na inggit.

“She deserves to be happy at feeling ko, kumpleto na ang buhay niya at nakita na niya ang kanyang destiny.

“Ako naman, happy in search of my destiny at sure akong makikita ko rin ang destiny ko (nalungkot kami habang sinasabi niya ito).

“Akala ko noong una, mauuna pa ako sa kanyang pakasal. Ang maganda, walang naging bitter at lahat happy para sa kanya,” sabi pa ni Jolina.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Monday, April 27, 2009

Marian: Ikamamatay ko ’pag nagkahiwalay kami ni Dingdong

INAMIN on national television sa programang SOP ng GMA-7 ni Marian Rivera na “mahal na mahal” niya si Dingdong Dantes.

“Hindi siya nanghihinayang na nakilala niya ako . Ikamamatay ko kung magkahiwalay kami,”nakakikilig na tinuran ni Marian.

Very emotional sa pagsasabi ang dalawang bida ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tad-yang sa kanilang feelings sa isa’t isa.

Tuloy sa pagtatapat ni Marian na mahal niya si Dingdong, nagpatawa ang host na si Ogie Alcasid at sinabing nakakainggit silang dalawa dahil talagang nagmamahalan sila.

Bale farewell presentation sa SOP ng Ang Babaeng Hinugot sa A-king Tadyang.

Naroon ang buong cast at lahat sila’y malungkot dahil magkakahiwalay-hiwalay na ang nabuong barkada-han nila sa set.

[via]

Labels:


Continue Reading...

TV monitor sa set binabato ni Sunshine

Mark Fernandez, Alfred Vargas, nag-upakan! Siyempre, hindi ito sa totoong buhay kundi bahagi ng isang eksena sa isang teleserye na kanilang pinag­sasamahan, ang All About Eve, na personal kong napanood ang taping nung Sabado.

It was also one of the rare times na naimbita akong mag-guest sa TV para gampanan ang role na role ko talaga sa totoong buhay, ang pagiging isang entertainment writer. Pero sabi ko nga sa mga kapatid ko sa hanapbuhay na nakasama ko sa taping (Linda Rapadas, Ron Romulo, Glen Sibonga at Butch Roldan), buti na lang hindi ako pretty, ‘di ako puwedeng mag-artista, ‘di ko carry ang maghintay ng matagal para makunan ng eksena sa isang taping o shooting. Pinaka-matagal ko na ang tatlong oras para makagawa ng dalawang column sa isang araw, which I do conveniently in the wee hours of the morning dahil insomniac ako.

Ang encouraging, parang ilang minuto lang tapos na ang dalawang eksena namin, ‘yung una kasama si Sunshine Dizon, ‘yung pangalawa, with Jean Garcia naman. Paano ang gagaling ng dalawang aktres, madaling kumabisa ng script. Si Sunshine, ni walang dialogue, puro facial expressions lang, tapos na. Si Jen tatlong pasada lang sa script, okay na.

Early in the morning, maaga ako sa set kaya na-witness ko ‘yung bakbakan scene nina Alfred Vargas at Mark Anthony Fernandez. Bayolente ang eksena, bukod sa suntukan may sakalan, tadyakan, may natutumba, sumasadsad sa sahig pero, nakatutuwang walang nasasaktan, walang suntok o sipa na tumatama, pero ang lalapit ng mga kamay at paa sa mukha at katawan ng nag-aaway. Gahibla lamang at tatamaan ng bawa’t isa ang kalaban nila. Ang galing! Lalo na ang dalawang fight instructor na umaalalay sa dalawang aktor.

Ewan ko pero hindi ko na nakita si Alfred makatapos ang eksena nila ni Mark, pero si Mark hanggang sa makaalis ako ng gabing ‘yun ay nasa set. Nagawa pa nitong magpa-interview sa amin at madalas nakikita ko itong masayang nakikipag-tsikahan sa mga tao behind the cameras.

Si Sunshine, super galing na talaga. Talagang ini-effort niya na mapagaling ang pagganap niya bilang Erika. At hindi siya worried sa sobrang pagiging masama ng character niya.

“Alam na ng audience what is real and what is not.

“Ang dami ngang nagsabi sa akin na hindi nila alam kung iiyak sila o magagalit sa kanya. Besides, nakakarinig ako ng maraming good comments about my portrayal of Erika, happy na ako sa aking performance,” ani Sunshine na kahit mortal enemies sila ni Iza Calzado sa series ay never naapektuhan ng kanilang mga roles ang friendship nila.

“Sabi ko sa mga fans ‘wag nilang dibdibin ang pag-aaway namin, what’s important, we give our best, hindi kami nagsasapawan. Pero alam n’yo ba, minsan naiinis din ako kay Erika, kapag nakakatapos ako ng scene, binabato ko ng tissue ang TV monitor sa set,” pagtatapat ni Sunshine.

Maraming linggo pang tatakbo ang series. Kung ang mga artista at crew ang tatanungin mo, gusto nilang ma-extend pa ang series dahil ang ganda-ganda ng samahan nila, para talaga silang isang pamilya. Napakabait din ng tumatayong ama nila sa set, ang direktor ng series na si Gil Tejada na siyang kumokol madalas ng shot bagaman at may co-director ito, si Mac Alejandre na abala rin naman sa Totoy Bato.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Lovi Poe scores a hit

Sony BMG Recording artist Lovi recently scored a hit with her new single Dito sa Puso, culled from the album Bloom.

The music video of the song, which was directed by Paul Soriano, features Lovi with Victor Aliwalas. “It’s a beautiful music video because it’s a love story with scenic spots, set in ‘50s,” says Lovi. “And I had a great time shooting the video with Victor,” she adds. “He’s a gentleman,” replies Lovi when asked about the model-turned-actor.

Lovi is happy that her song is climbing up the radio charts. It has reached the No. 1 spot on 97.1 LS FM.

She is currently doing the rounds to promote Bloom. Today, Lovi goes to Robinsons Angeles in Pampanga. On May 17, she is off to Robinsons Novaliches. All shows at Robinsons start at 4 p.m.

Meanwhile, Lovi will be busy with out-of-town shows. Lovi will be in Rizal, Palawan on April 28; Sta. Rosa, Laguna, April 30; Plaridel, Bulacan, May 1 (with Chris Cayzer); Bataan, May 2; and Sta. Rosa, Laguna, May 3.

Lovi will also stage a concert in Lucena City on May 30 with Jan Nieto and Chris.

On the other hand, Lovi’s current soap Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang ends its run this week.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, April 26, 2009

Yasmien Kurdi magandang halimbawa sa mga kabataan

AFTER matapos ang afternoon soap ni Yasmien Kurdi with Dion Ignacio ay wala nang naging kasunod na show ang young star kaya naman mas tinututukan na lang niya ang pag-aaral.

Kumuha ng summer class si Yasmien bilang preparasyon niya sa ba-lak na pag-aaral sa International Studies. Tsika nga ni Yasmien gusto ta-laga niyang magtapos ng pag-aaral at makapagtra-baho sa consulate natin sa ibang bansa. Plano rin niyang magkaroon ng masteral degree.

Pero, hindi naman daw tuluyang tatalikuran ni Yasmien ang pag-aartista. Naghihintay lang daw siya ng bagong proyektong ibibigay sa kanya ng GMA7. At habang naghihintay, ang pag-aa-ral muna ang kanyang pi-nagtutuunan ng pansin.

Loveless daw ngayon si Yasmien. Ang nakakasama raw niyang lumabas-labas ay purely friends lang niya, kaya naman daw ‘yong natsi-tsismis sa kanyang guwapong guy na sinasabing kasama niya sa Boracay ay isa lang daw sa malalapit na mga kaibigan ni Yasmien.

Dahil sa pagsisikap ni Yasmien na makapagtapos ng pag-aaral at makakuha pa ng masteral degree sa kabila ng kanyang matagumpay na showbiz career, maituturing siyang isang magandang halimbawa sa mga kaba-taan, lalung-lalo na sa mga nasa daigdig ng showbiz.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, April 25, 2009

Confirmed: Marian Rivera is Darna!

MARIAN Rivera had her last taping for "Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang" last Monday. It was memorable for her as she was hanged upside down from a tall building during her torture scene. "It's very difficult but I was the one who suggested to Direk Joyce Bernal na ako na mismo ang ibiting patiwarik nang hindi na dayain with a double. Tutal naman, patapos na ang show so I'm willing to do anything sa ikagaganda nito."

It is now sure that she'll do "Darna", after she received official notice from GMA management about it last Thursday. She is also sure that she'll do a new horror movie with Regal, "Tarot", to be directed by Jun Lana who scored a hit last year with "Kulam". Roselle Monteverde says they're trying to negotiate to get a new leading man for her, someone who she hasn't worked with before. But Marian has no inkling yet who it could be.

Is it true that GMA newcomer Carla Abellana, also a Regal contract star, will be cast with her in "Nieves", the full length version of her "Encanto Slayer" episode in 'Shake, Rattle & Roll X' last Christmas? "I don't know. Wala pa namang sinasabi sa'kin. But if ever, I don't see anything wrong with that. We already met each other at the trade show of GMA and she even asked me to have her picture taken with me. Sinabi pa niyang lagi niya ako noong pinapanood sa 'Marimar'. May mga nang-iintriga nga na parang gusto kaming pag-awayin pero ayokong pumatol sa ganyan."

This week, the wedding of Marian as Proserfina to Dingdong Dantes as Homer is aborted when Marian gets kidnapped. This will lead to a suspenseful series of events that will make the show more and more exciting until it reaches its explosive climax.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Marian, Dennis, Iwa at Rich, sinuportahan si Wilma

GMA Network Inc. senior vice president for entertainment Wilma Galvante yesterday asked the Quezon City Regional Trial Court to issue an injunction against talent manager Annabelle Rama in order to prevent the latter from publicly harassing her.

Galvante, assisted by her legal counsel, Alfredo Villamor Jr., sought for the injunction when she testified during the hearing on the P7-million damage suit with application for writ of preliminary injunction before the sala of QCRTC Branch 226 Presiding Judge Leah Regala.

During the hearing, which was closed to the media, Villamor said that Galvante testified on what the defendant (Rama) did before the filing of the case and what the defendant has been doing after the filing of the case.

“The nature of the injunction is to prevent the defendant from doing what she’s doing, ’yung publicly harassing, maligning and embarrassing my client,” Villamor explained.

Originally, Galvante sought for the issuance of a temporary restraining order (TRO) to prohibit Rama from approaching and getting near her at a distance of not less than 50 meters and from harassing, intimidating and embarrassing her through granting interviews, organizing or attending press conferences, circulating text messages and communicating with her.

But Villamor said that they already waived the issuance of the TRO for practical reasons.

“If you sought for a TRO, maghe-hearing ka na naman, tapos kukuha ka na naman ng injunction, maghe-hearing ka na naman. Eh, ’yung TRO, good for 20 days only. And we were not expecting naman that this case will be reset on June 26 pa,” Villamor added.

Villamor further disclosed that Galvante would be testifying again on the next hearing since the direct examination and the cross examination were not yet finished.

“Medyo nagahol ang oras ng hearing that’s why Ms. Galvante will be back testifying again,” Villamor said.

He also disclosed that aside from Galvante, members of media who wrote about the controversy between Galvante and Rama would be called on the witness stand in the next hearings.

Rama, on the other hand, did not attend the hearing but was represented by her legal counsel, Agnes Maranan.

Atty. Maranan said that there’s no need for Rama to attend the hearing since it was only an injunction hearing.

Meanwhile, several GMA Artists Center talents, including Marian Rivera, Dennis Trillo, Iwa Moto and Rich Asuncion, also went to the QC Hall of Justice to show support to Galvante.

Galvante filed the damage suit against Rama for uttering various derogatory and spiteful remarks intentionally directed to undermine or even destroy her good standing and reputation.

Galvante asked the court to order Rama to pay the amount of P5 million for moral damages; P1.5 million for exemplary damages and P500,000 for attorney’s fees and cost of suit.

The plaintiff claimed that Rama started the series of tirades against her when she talked to the latter’s talent, actor JC de Vera, after a story conference of the TV series, Obra, last February 16.

Several weeks after filing the damage suit against her, Rama filed charges of grave slander before the QC Prosecutor’s Office against Galvante for allegedly maligning her reputation in front of de Vera.

Galvante, on the other hand, refused to comment on the charges filed against her saying they will answer it once they receive the subpoena from the prosecutor’s office.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Friday, April 24, 2009

Jennylyn Mercado sings again

Babalikan ni Jennylyn Mercado ang pagkanta sa kanyang birthday concert na handog din niya sa kanyang fans. Pinamagatang I Am Woman, ito ay gaganapin sa May 14 and 16 sa Music Museum.

Excited si Jennylyn sa kanyang concert dahil bukod sa acting, hilig niya ang singing. Ito nga ang first love niya eh. Pero this time, susubukan din niyang sumayaw na mala-Beyoncé at Britney Spears.

Special guests ni Jennylyn sina Ogie Alcasid at Janno Gibbs, Christian Bautista at Richard Poon, Prince of R&B Jay-R, and fast-rising singers Nico Antonio, Gemma at Jasmine Fitzgerald. Pero ang isa pa sa aabangan ng lahat ay ang partisipasyon ni Mark Herras na may gagawing kakaibang dance number at duet with Jennylyn.

Ayaw munang pag-usapan ni Jennylyn ang mga gagawin niya sa show dahil gusto niyang ma-surprise ang mga manonood nito. Sey pa ng director ng show na si Calvin Neria, “The show is going to be interesting, exciting, and memorable.”

Para kay Jen naman, ito ang deklarasyon niya ng kanyang independence. Alam ng publiko ang lahat nang pinagdadaanan niya.

“That’s why I’m really excited to do this show. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakakanta at nakakapag-perform onstage, so in a way it’s also a challenge for me,” sabi ng aktres.

Ngunit bago mag-concert si Jennylyn, nakatak­dang ilunsad ang kanyang coffeetable book kung saan tampok ang never-before-published photos niya habang siya ay nagdadalang tao hanggang siya ay manganak. Siyempre, meron din silang picture ng kanyang baby na si Alex Jazz.

For tickets, call Music Museum at 721-0635 and 721-6726 or Ticketworld outlets at 891-9999.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Marian Rivera at Dingdong Dantes project, again?

Ayaw talagang paawat ng fans nina Marian Rivera at Dingdong Dantes dahil mula nang mapabalita na matatapos na ang TV series ng kanilang mga idol, maya’t maya at araw-araw ang pagpapadala nila ng e-mail sa mga reporter.

Umaapela sila na pagsamahin uli sina Marian at Dingdong sa isang TV project. Huwag muna raw paghiwalayin ang kanilang idols dahil malulungkot sila.

Kesyo, nasanay na raw sila na gabi-gabing napapanood sa TV sina Marian at Dingdong.

Wala pang announcement ang GMA 7 tungkol sa next project ng dalawa pero narinig ko na ang balita na walang dapat ikalungkot ang kanilang fans. Kung anuman ang ibig sabihin nito, abangan natin ang mga susunod na kabanata.

[via]

Labels: ,


Continue Reading...

Thursday, April 23, 2009

Marian Rivera: Hindi naman puwedeng lagi akong sweet

Pinasyalan ng Walang Tulugan sa Subic ang magkaparehang Marian Rivera at Dindong Dantes na kung saan ay kinukunan ang Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang ng GMA 7.

Tinanong ko ang aktres na napakaganda pala ng mga mata sa malapitan kung totoong nagsusuplada na naman siya at natawa na lang siya.

“Kuya Germs hindi naman puwedeng all the time ay sweet ako. Tao lamang ako na nagkakamali rin,” bungad ni Marian. “Alangan namang bumati ako sa isang tao na napakalayo sa akin. Baka kumaway pa ako kapag napansin ko siya pero paano kung hindi ko siya nakita? Ibig sabihin ba suplada na ako?

Noon naman at magpaghanggang ngayon, naniniwala pa rin ako na may gusto lamang manira at umintriga kay Marian. Ganito naman sa showbiz, kapag sumisikat ang isang artista, may nagsisimula nang manggulo sa kanya, gusto na agad siyang pabagsakin.

Kaya payo ko kay Marian, tatagan na lamang niya ang kanyang sarili, makuntento siya sa pangyayaring maswerte siya at sikat na.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Paninira kay Richard sa Internet walang epekto sa TV viewers

Hindi masasabing sukatan ang text messages o messages sa Internet para sabihing negative ang dating ng isang artista.

Palagay namin, hindi magandang survey ito para pagbatayan ng popularidad ng isang artista.

Maaari kasing mag-text nang paulit-ulit ang isang tao gamit ang iba’t ibang sim card, lalo na ngayong sobrang mura na ang sim card, may kasama pang libreng text.

Lalo naman ang mga comment sa blog sa Internet.

Ang isang tao ay makagagawa ng kahit ilang account at magagamit ang lahat ng iyon para makapagbigay ng comment sa isang blog.

Kaya ang opinion ng isang tao ay maaaring maging 100 o mahigit pa.

Nasasabi namin ito dahil sa tindi ng mga paninira ngayon kay Richard Gutierrez sa internet blogs gayundin ang mga pinakakalat na nakasisirang text.

In the end, hindi maikakailang malakas pa rin ang soap niyang Zorro.

Kasi ang totoo, hindi mo naman makukuha ang totoong simpatiya ng publiko sa blogs at text messages.

Paniniwalaan ng mga tao kung ano ang gusto nilang paniwalaan talaga.

Gusto nila si Richard bilang isang aktor, wala na silang pakialam kung ano man ang palagay ng iba o kung anuman ang sinasabi nilang ginawa niya.

Hanggang ngayon din naman, walang napapatunayan tungkol sa umano ay eskandalong kinasangkutan niya.

Paano mo nga naman masasabing totoo ang isyu kung pati ang umano ay nakalaban niya ay nag-deny na may ganoong pangyayari?

Sa ganitong usapan, mahalaga kung ano ang ebidensiya at kung ano ang sinasabi ng mga taong involved sa pangyayari.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, April 22, 2009

Iza Calzado payag makahalikan si Bong

Excited ang isa sa may pinakamagandang mukha sa telebisyon at GMAAC prime star na si Iza Calzado dahil isa siya sa napili ni Senator Bong Revilla na maging leading lady sa inaabangan ng pelikula na Ang Panday na entry for 2009 Metro Manila Film Festival.

Sinabi ni Iza na mala-king blessing at karangalan ang mapasama sa Ang Panday at makapareha ang isa sa inirerespetong artista at public servant ng bansa na si Sen. Bong Revilla na first time niyang makakatrabaho .

Tsika pa ni Iza na okey lang daw kung magkaroon siya ng kissing scene with Sen. Bong lalo nat kailangana sa script.

Saka hindi naman daw ito ang first time na ma-kikipaghalikan siya sa pelikula.

‘Yun nga lang daw, this time, ay isang senador ang kanyang makakahalikan.


[via]

Labels:


Continue Reading...

Hole in the Wall humataw sa rating

SINUWERTE ang bagong game show nina Ogie Alcasid at Michael V na Hole in the Wall dahil breaking the record ang pilot episode nito na nakakuha ng 27.7 percent rating.

Halos doble ito kum-para sa kalabang show na Pinoy Bingo Night ni Kris Aquino na umabot lang sa 15.8 percent.

Sinasabi pang mas mataas umano ito sa isang primetime soap ng GMA-7.

Tama lang ang pagka-kabili ng rights ng game show mula sa Fremantle dahil tiyak na magki-click sa televiewers dahil matatawa ka na sa exciting ng games dahil may laglagan sa swimming pool, puwede ka pang manalo ng libu-libo kapag nakuha ng contestant ang jackpot prize.

Last Monday episode, hindi nakuha ng grupo nina Jose Manalo, Wally Bayola at Ruby Rodriguez ang P100,000 jackpot prize at nag-uwi lang sila ng P50,000 cash.

Ayon sa isang staff ng Hole in the Wall, kahit P50,000 lang ang naging premyo nina Wally, Jose at Ruby ay click ang show sa televiewers.

Binantayan talaga para panoorin kasi gusto nilang ma-excite at matawa sa hosts ng show na sina Angelina at Yaya.

Pero, huwag kayong mabibigla kung lumalaki rin ang premyo ng Hole in the Wall.

Ayon kasi sa kausap naming staff ng game show, kapag hindi nakuha ang jackpot prize, idadagdag ito sa susunod na game na puwedeng umabot ng milyon.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, April 21, 2009

Kampo ni Annebelle Rama hinamon ang PEP

NAGBALIK sa Showbiz Central noong Linggo si Annabelle Rama para sagutin ang mga pahayag ni Atty. Sandra Olaso-Coronel, lawyer ng PEP, sa Startalk.

Nanawagan si Annabelle kina Atty. Felipe Gozon at Jimmy Duavit na imbestigahan ang show dahil one-sided daw.

’Kaaliw si Annabelle nang mag-sorry muna kay Lisa Gokongwei bago sabihing hindi na dapat i-ban sa Robinsons malls si Richard Gutierrez dahil ’di ito pumupunta at mga talent niya sa malls ng mga Gokongwei dahil walang tao at mainit.

Hindi rin niya tatanggapin ang pagkakapili as one of Yes! Most Poweful in Showbiz dahil hindi siya influential.

Kasama ni Annabelle na nag-guest ang lawyer niyang si Agnes Maranan na nagsabing kung ’di susundin ng PEP ang nakasaad sa Cease-and-Desist Letter, may posibilidad na mag-file sila ng legal o criminal case laban sa PEP.

Sabi naman ng lawyer ni Richard na si Atty. Angelica Santiago, ilabas na ng PEP ang kanilang witness dahil gusto na rin nilang makilala kung sino ito.

Mahaba pa ang tatakbuhin ng kasong lady lawyers ang magsasagutan.

Bago matapos ang show, lumabas si Raymond na may hawak na magazine ng Summit Media na cover si Isabel Daza at nag-dialogue na mahal nila ang Summit Media.

Sa Digital Don’t Lie to Me, inamin ni Maui Taylor na ipinaayos niya ang ilong, baba, tiyan at boobs, pero hindi ang puwet.

Ibinalita nitong sa May, magpapabawas siya ng boobs.

[via]

Labels:


Continue Reading...

JC kumikita kahit walang trabaho

Tamang-tama, naabutan namin ni Jerry Olea (enter­tain­ment editor of Abante Tonite) sina Rufa Mae Quinto at Tita Annabelle Rama sa wake ng mo­ther ng kasama sa pa­nu­lat na si Jun Lalin sa St. Peter last Sunday night.

Magandang tsikahin ang dalawa dahil parehong may issue.

Si Tita Annabelle, Sunday afternoon ay napanood ko sa Showbiz Central (SC) tungkol sa isinampa ng anak niyang si Richard na P25-million libel case laban sa Philippine Entertainment Portal (PEP), isang online showbiz news provider, matapos sagutin ng abo­gado ng nasabing showbiz website ang cease and desist letter ng abogado ni Richard na kung ayaw nilang ma-feature, dapat hindi na lang mag-artista si Richard.

Talagang mainit ang dugo ni Tita Annabelle sa issue na ang pinag-ugatan ay ang istorya na nabasa sa PEP kamakailan na umano’y tutukan ng baril sa party ni direk Mark Reyes sa pagitan nina Richard at Michael Flores na nauna nang itinanggi ng mga sangkot.

Pero bago pala siya sumalang sa nasabing interview ng SC, rehearsed na ni Tita Annabelle ang sagot niya sa issue tungkol kay Ms. Wilma Galvante, executive vice president for entertainment ng GMA 7, na kinasuhan siya (nagsampa siya ng kontra-demanda kelan lang). Pero nang malaman ni Raymond, isa sa mga hosts ng SC, na guest siya sa programang hino-host niya, pinag-practice agad nito ang kanyang nanay ng mga sasabihin sa bahay nila umaga pa lang.

“Mom guest ka pala sa SC. Mom, no, not in my show,” pakiusap daw ng kambal ni Raymond.

“Hindi niya talaga ako tinigilan. Panay ang pakiusap niya,” nangingiting kuwento ni Tita Annabelle kaya na­gulat si Jerry na hindi na nagsalita ang nanay nina Ruffa ng tungkol sa GMA 7 executive. Hanggang sa sumalang daw siya sa SC, nasa tabi lang si Raymond at panay ang pakiusap.

Kaya lang hindi pa rin nakontrol ni Bisaya ang magsalita ng kahit konti sa nagdemanda at idinemanda niyang ehekutibo ng Kapuso Network.

Naisingit niya kahit hindi tinatanong ng host na si Ms. Pia Guanio. Sagot ni Pia: “’Di ba tita nasa korte na yun?” Pero nagawan ng paraan ni Tita Annabelle na halatang pigil na pigil.

“Kahit si Pia hindi makapagsalita, yung staff nagsa-sign na parang okay na. Si Raymond, nasa may tabi ko,” kuwento pa ng misis ni Eddie Gutierrez.

True na kontrolado na siya sa nasabing interview at na-focus ang interview sa kaso sa PEP kasama ang kanyang dalawang abogado.

Kaya pagdating niya nga sa wake, medyo nasa fighting mood pa si Tita Annabelle.

Marami na rin daw nagtatawagan sa kanya dahil may panawagan siya sa nasabing programa sa mga kapwa niya Bisaya. “Meron akong gagawin. Pero ayoko munang sabihin kung ano,” sagot niya nang tsikahin kung ano yung sinabi niyang puwede siyang tawagan ng mga kababayan niya.

Clue? Ayaw niya pa rin. Hindi siya actually napilit. “Basta, maghintay na lang kayo,” sabi pa ni Bisaya (kilalang tawag sa kanya ng kanyang mga kaibigan).

Hmmm. Ano kaya yun?

Anyway, hindi pa natatagalan ang tsikahan portion namin, dumating si JC de Vera na witness niya sa isinampang kaso sa GMA 7 executive.

Wala pa ring show si JC, pero sabi ng manager niyang si Tita Annabelle, magsisimula na ang taping ng alagang aktor para sa Ngayon at Kailanman kasama si Heart Evangelista para sa afternoon timeslot. Next month na ang start ng dalawa niyang alaga. Pero kahit naman pala walang trabaho si JC, may kita siya sa GMA 7. Guaranteed contract pala ang aktor sa Kapuso Network. Yup, wala man siyang ginagawang show, tuloy naman ang kita niya.

Mga hanggang this year pa ang nasabing kontrata kaya naiinip man siya dahil walang pinagkakaabalahan, may dumarating pa rin naman siyang grasya.

Laglag sa affidavit ni JC ang ibang executive ng GMA 7 na kanyang mother studio. Pero hindi naman daw siya nagsinungaling sa sinabi niya sa nasabing sinumpaang salaysay para sa demanda ng kanyang manager.

Anyway, dagdag ng kanyang manager: “Tinanong ko naman sila (GMA 7 people) kung may ibibigay pa silang programa kay JC. Kasi sabi ko kung wala, ipapahiram ko muna si JC sa kabila. ’Pag meron na, saka na lang uli babalik. Sabi nila, meron na. May storyconference na,” kuwento pa ni Tita Annabelle kaharap si JC.

Asked ko rin nga pala sa nasabing tsikahan na sa dalawang magkasunod na kaso – Richard against PEP and Annabelle against Ms. Galvante (kontra-demanda), gumastos pala sila ng muntik nang umabot sa isang milyon (sa filing fee) sa dalawang kaso. Sa P25 million damages against PEP, P570,000 ang ibinayad nila, habang P300,000 sa isinampa niyang kaso.

Walang planong makipag-ayos si Tita Annabelle sa dalawang kaso dahil hindi raw siya magsasawang pumunta sa korte.

Ay bukas ko na lang ikukuwento ang tungkol sa tsikahan namin ni Rufa Mae tungkol sa kanyang pinagagawang bahay.

Pero hindi pa pala sila nagkakaayos ni DJ Mo Twister na co-host niya sa Showbiz Central. In fact, last Sunday, lahat ng mga kasama niya sa programa, binati niya except for Mo.

“Marami na kasi siyang ginawa sa akin noon. Pero hindi lang ako kumikibo. This time parang feeling ko, tama na,” sabi ng sexy actress.

Actually, kay Mo naman talaga nanggaling ang insinuation na nagkaroon din ng something between Dr. Hayden Kho and Rufa Mae na sobrang ikinainis niya (sexy actress).

At kung nakikita n’yo man silang magkasama sa isang frame sa SC, off cam ded­mahan talaga sila. Walang kibuan… as in.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Monday, April 20, 2009

Mommy Dionisia Pacquiao handa na sa laban!

Tawa ako nang tawa sa interbyu ng Showbiz Central kay Mommy Dionisia Pacquiao.

Talagang pinaghandaan niya ang paglipad sa Amerika dahil nagbaon siya ng tatlong klase ng sapatos, skinny jeans at damit na pang-simba na kanyang gagamitin pagkatapos ng laban ni Manny kay Ricky Hatton.

Karakter na karakter talaga ang mother dear ni Manny. Sure ako na mag-e-enjoy si Mommy Dionisia sa pagbabakasyon niya sa Amerika dahil marami ang magpapasyal sa kanya roon. Siguradong maraming kuwento ang nanay ni Manny sa pagbabalik nito sa Pilipinas. Aaabangan ko ang interbyu kay Mommy Dionisia tungkol sa paglalamiyerda niya sa Amerika dahil tiyak na nakakaloka ang kanyang mga experience.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Aljur Abrenica endorses Cotton Club underwear

NAPAKASUWERTE talaga ng Cotton Club underwear.

Kasi, ang kauna-unahan nilang celebrity endorser na si Aljur Abrenica ay sikat na ngayon at may sarili nang soap, ang Dapat Ka Bang Mahalin with Kris Bernal.

Masipag namang mag-mall tour si Aljur para sa Cotton Club promo events kaya naman tumaas na ng 200 percent ang sales ng bagong underwear brand.

Maghintay lang ang lahat at malapit nang lumabas ang naglalakihang billboards ni Aljur na naka-underwear lang.

Sigurado kaming aabangan na ito ng mga bading at kababaihan.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, April 19, 2009

Hole in The Wall gameshow, nakakatuwa

Dumalo kami sa taping ng Hole in The Wall hosted by Ogie Alcasid (Angelina) at Michael V. (Yaya). Sobrang nakakatuwa ang pinaka-bagong gameshow na galing pa ng Japan. Habang inaayos ang palda ni Ogie ay ‘di sinasadyang lumitaw ang brief nito.

Ang mga naglaro ay binubuo ng Blue Team na kinabibilangan nina Rochelle Pangilinan at ang magkapatid na Moymoy Palaboy at sa Red Team naman ay sina Wilma Doesnt, Tess Bomb at JC Tiuseco. Sa una at ikalawang round ay walang nalaglag sa mga celebrity players pero nabawasan ng puntos nang mapingas ang isang bahagi ng wall dahil hindi gaanong nakapasok sa butas si Tess. Pero sa third part ay nalaglag sina JC, Tess at isa sa Moymoy Palaboy.

Ang natalo ay ang Blue Team (20 pts) laban sa Red Team (922 pts) at sobrang na-excite ang lahat kahit may nalaglag at nabasa.

Magsisimula ang programa sa Lunes (April 20) mula Lunes hanggang Biyernes 6:00-6:30 ng gabi sa GMA 7.

Inamin nina Ogie at Michael na sa tagal nilang magkasama sa showbiz ay never na umiral ang inggitan sa bawat isa. Magkumpareng buo ang dalawa at hindi sila nagsasapawan.

Tinanong si Michael kung hindi ba naaasiwa ang asawa nito kapag nagdadamit at kilos-babae siya?

“My wife has no objection sa role ko bilang babae at kung ano ang pinaggagagawa ko dahil naiintindihan niya ang aking trabaho. Kung hindi dahil dito ay hindi ako makakabili ng kotse at bahay,” sabi ni Michael.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Gian Magdangal papakasalan na si Sheree

Isang Philippine Idol contestant na mas nakilala nang ma-in love at magka­anak sa seksing aktres na si Sheree, masaya si Gian Magdangal sa magandang takbo ng kanyang music career ngayon. Natupad ang matagal na niyang pangarap na magkaroon ng sariling album, dumating ang Love Tracks.

Kolaborasyon ang ginawa sa album niya para palutangin ang talento ng dating Kundirana member dahil tumulong sa kanya si Jimmy Antiporda at ang Sony Music’s A&R director na si Vic Valenciano. Proud si Gian sa team niya at sinabi na lahat ng mga kantang nakapaloob sa Love Tracks album ay “much requested from all the performances I had.”

Karamihan sa album ay mga ’70s-’80s hits tulad ng carrier single, na may music video na rin, na Everything I Own pero may sinulat na original song si Gian na How Do I Make You Love Me?

Paano naman niyang naisulat ang kanta?

“Sheree and I had a fight one time,” sagot ni Gian na ‘yun daw ang pinagsimulan ng ideya niya. “It basically asks a person how he makes a loved one feel loved and cherished?”

Aminado ang singer na mas nag-mature siya sa relasyon nang magkaroon ng anak. Mas naging conscious daw siya sa mga responsibilidad niya. Hindi nalalayo ang planong pagpapakasal kay Sheree, ayon pa kay Gian, pero sa ngayon pagsisikapan muna niyang ipakilala ang Love Tracks album niya. “I am more conscious of my responsibilities. Aside from this new family I have with Sheree, I am breadwinner to my own family. I am sending my younger sibling to school because my parents have both retires already. Sometime the pressure is just too much but they help me focus on the more important things now,” pagkukuwento ni Gian na nangumpisal din na magpapakasal sila ni Sheree in the future.

Ang Love Tracks ay produced ng Sony Music.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, April 18, 2009

Mark Herras prepares for next project

GAANO kaya katotoo ang nasagap naming balita na kaya kinakarir ni Mark Herras ang pagpapalaki ng katawan dahil naghahanda ito para sa proyektong pagsasamahan nila ng bagong GMA7-Regal star na si Carla Abellana.

Isa raw kasi si Mark sa pinagpipilian para maging kapartner ni Carla sa kauna-unahang proyekto ng aktres sa Kapuso. Kaya naman daw puspusang paghahanda ang ginagawa ni Mark lalo na ang regular na pagpunta sa gym para mag-exercise.

Kaya naman kung mapapansin ngayon ay unti-unti nang bumubukol ang muscles sa ka-tawan ni Mark na lalong nadaragdag sa kanyang sex appeal, na binagayan pa ng medyo tan na kutis niya dahil sa pagbabakasyon niya sa Boracay nitong Holy Week.

Kung matutuloy ang napipintong pagtatambal nina Mark at Carla, ano na kaya ang mang-yayari sa loveteam naman nila ni Jennylyn Mercado na consistent top-rater pa mandin ang balik tambalan nilang afternoon soap na Papano Ba ang Mangarap? Tuluyan na kayang bu-buwagin ito o magkakaroon ng triangle between Carla, Mark at Jennylyn.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Marian Rivera to renew Regal Entertainment contract

Magre-renew ng kontrata si Marian Rivera sa Regal Entertainment next week at kung gagayahin ang first contract niya, walong pelikula rin ang gagawin niya sa movie company ni Mother Lily Monteverde sa bagong kontrata.

Three movies pa ang gagawin ni Marian sa first contract niya na sunud-sunod niyang gagawin. Ang Tarot nila ni Dennis Trillo, isang comedy with Vhong Navarro at Nieves, na entry sa Metro Manila Film Festival.

Puwede nang gumawa ng movie si Marian dahil matatapos na ang taping ng Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang nila ni Dingdong Dantes.

May magre-react tiyak sa ibinalita ni Mother Lily na kasama ni Marian sa Nieves ang bagong contract star ng Regal at GMA-7 na si Carla Abellana, na sabi’y sunod na ibi-build-up ng Regal at GMA-7.

Maging Marian versus Carla nga kaya ang labanan?

[via]

Labels:


Continue Reading...

Friday, April 17, 2009

Robin Padilla the educator

ast April 4, Robin Padilla took time out from his air-tight schedule to address the 39 graduates (between three and seven years old) of Paaralan ng Liwanag ng Kapayapaan (PLNK), the school in Fairview that he founded two years ago. Christians and Muslims, the graduates are children of laundry women, maids, drivers and sari-sari-store-owners from depressed areas in Payatas, Commonwealth, Novaliches, West Fairview and North Fairview.

Said Robin. “Ang mga bata at mga magulang nila ang tunay na mukha ng tagumpay sa gitna ng kahirapan. Nakikita ko sa mga bata ang pagpupursigi na makapag-aral, that’s why I’m doing my best to help them.”

The graduates were joined by those who had completed pre-school and kindergartens 1 and 2.

PLNK shoulders the scholars’ tuition fees, the percentage of which depends on the child’s level of academic excellence. Those who have higher grades are full scholars and those with average grades are partial scholars who pay very minimal fees. The parents have the option to render service to the school as their share in keeping their children in the school.

“It’s hard to learn if you have an empty stomach,” added Robin, so PLNK offers free (hatid-sundo) bus rides, meals (breakfast and lunch), medical/dental check-ups and field trips. Robin’s daughters Queenie and Kylie have joined the field trips to the Enchanted Kingdom and Museo Pambata.

Every now and then, Robin drops by PLNK and shares with the children lessons in good manners and right conduct, always reminding them not to forget to say “po” and “opo” especially when talking to elders, to study hard and to be obedient and respectful to their parents.

“The children call him Papa Robin,” shared PLNK administrator Rodolfo “Boy” Bernardo. “You see a different Robin Padilla when he is at PLNK with the children. He’s not only a good actor, he’s also a good teacher, a good educator.”

Robin puts a premium on education. He finished elementary at Sienna College (in Del Monte, Quezon City, across the street from FPJ Studio), and the early part of high school at St. Louis University in Baguio and later at Muntinlupa while he was serving a prison term. Upon his release, Robin took a course in B.S. Criminology.

Don’t you wish that Robin’s colleagues follow his example? If only they would, showbiz will have a better image in the eyes of the public.

[via]

Labels:


Continue Reading...

TNS Nationwide TV Ratings

Here are the TNS Nationwide TV Ratings for April 13 and Arpil 15, 2009:

April 13, Monday

Non-Primetime:

Umagang Kay Ganda (ABS-CBN) 4.9%; Unang Hirit (GMA-7) 3.5%

Mr. Bean (ABS-CBN) 9.4%; Naruto (ABS-CBN) 11.5%

Reborn (ABS-CBN) 9.4%; Gadget Boy (GMA-7) 6.1%; Battle B-Daman Fire Spirits (GMA-7) 7.1%

Lastikman (ABS-CBN) 8.8%; Pokemon: Master Quest (GMA-7) 11.6%; Slamdunk (GMA-7) 13.3%

Ruffa and Ai (ABS-CBN) 8.1%; SiS (GMA-7) 7%

Pilipinas, Game KNB? (ABS-CBN) 17.7%; Lalola (GMA-7) 7.6%

Wowowee (ABS-CBN) 22.8%; Eat Bulaga! (GMA-7) 15.1%

Parekoy (ABS-CBN) 12.5%; Daisy Siete (GMA-7) 17.5%

Pieta (ABS-CBN) 13.9%; Paano Ba ang Mangarap? (GMA-7) 20.9%

La Traicion (ABS-CBN) 11.6%; Kiba (ABS-CBN) 8.8%; Dapat Ka Bang Mahalin? (GMA-7) 20.6%

Mr. Bean Live (ABS-CBN) 10.3%; Chil Princesses (GMA-7) 9.1%

Hot Shot (ABS-CBN) 12.3%; Gokusen 3 (GMA-7) 7.8%

Primetime:

Pinoy Bingo Night (ABS-CBN) 16.1%; Family Feud (GMA-7) 12.7%

TV Patrol World (ABS-CBN) 31.6%; 24 Oras (GMA-7) 22.1%

May Bukas Pa (ABS-CBN) 39.2%; Zorro (GMA-7) 24.8%

I Love Betty La Fea (ABS-CBN) 35.7%; Totoy Bato (GMA-7) 28.2%

Tayong Dalawa (ABS-CBN) 36.6%; Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang (GMA-7) 21.5%

SNN: Showbiz News Ngayon (ABS-CBN) 21%; All About Eve (GMA-7) 21.2%

Fated To Love You (GMA-7) 20.6%

Bandila (ABS-CBN) 9.9%; Ripley’s Believe It Or Not (GMA-7) 11.4%

Kalye (ABS-CBN) 5.9%; Saksi (GMA-7) 6.7%

April 15, Wednesday

Daytime:

Ruffa & Ai (ABS-CBN) 8.2% vs. SiS (GMA) 7.1%

Pilipinas, Game K N B? (ABS-CBN) 17.3% vs. La Lola Orig (GMA) 9.9%

Wowowee (ABS-CBN) 23.5% vs. Eat Bulaga (GMA) 16.1%

Parekoy (ABS-CBN) 13.4% vs. Daisy Siete (GMA) 17.8%

Pieta (ABS-CBN) 14.3% vs. Paano Ba Ang Mangarap? (GMA) 21.9%

La Traicion (ABS-CBN) 11.5% vs. Dapat Ka Bang Mahalin (GMA) 23.8%

Kiba (ABS-CBN) 9.4%, Mr. Bean (ABS-CBN) 13% vs. Chil Princesses (GMA) 8.2%

Primetime:

Pinoy Bingo Night (ABS-CBN) 16.8% vs. Family Feud (GMA) 12.1%

May Bukas Pa (ABS-CBN) 40.1% vs. Zorro (GMA) 26.5%

TV Patrol World (ABS-CBN) 31.6% vs. 24 Oras (GMA) 21.2%

I Love Betty La Fea (ABS-CBN) 37.9% vs. Totoy Bato (GMA) 28.6%

Tayong Dalawa (ABS-CBN) 35.8% vs Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang (GMA) 23.2%

SNN (ABS-CBN) 20.7% vs. All About Eve (GMA) 22%, Fated To Love You (GMA) 19.7%

[via]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, April 16, 2009

Gian Magdangal's time has come

THE boy who first got a taste of the performing stage while still in school (he was part of the Kundirana in DeLa Salle Greenhills) continues to make surefire hits aimed at the big league via his latest, a very first solo album under Sony Music.

Gian Magdangal launched his debut outing called “Love Tracks” (which he describes as “lifelong dream come true”) on GMA-7’s Sunday variety show “SOP” last March 22. The “SOP” mainstay joined the show shortly after winning the second highest honors in the coveted “Philippine Idol” in 2006 when it was first mounted by ABC-5.

Handsome and well-mannered, Gian easily emerged as the “face and the voice” to make a difference in that batch. His manager, Sandra Chavez of Artist House knows this fully well and her belief in Gian’s talent is so much that she held on to him alone.

From that batch, Gian indeed, is the one. Not only is he gifted with the looks. His voice, honed through stints in several singing groups and performances on theater, is also amazingly real. Gian’s gift also comes with this outstanding ability to conquer his audience. His stage presence and charm is undeniably strong. No doubt the stage is home to this fine artist.

The album is a product of intense collaboration between him, album producer Jimmy Antiporda and Sony Music’s A&R director Vic Valenciano. Gian expresses how proud he is of the outcome of this team effort. He said, “Love Tracks’ was made for all those people who believe in me. The songs you’ll find here are those that have been much-requested from me, collectively, from all the performances I had.”

Gian said that doing this album made him figure that songs from the 80s and 70s era are the ones that his audience loves hearing from him. “We concluded in that manner that my audience comes predominantly from the 80s and the 70s,” he said with a smile.

The tracks in Gian’s debut album were carefully selected, and the artist’s voice soars and never disappoints. Each song was given unpretentious and unique arrangements. The complete track listing: “Lovely Day,” “Everything I Own” which is the carrier single in the album, “Love Will Keep Us Alive,’ “Fallen,” “Turn Back The Clock,” “Babe,” “Sharing The Night Together,” “Harvest for the World,” “She’s Always a Woman To Me,” “The Best of Me,” “I Can Dream About You,” “It Ain’t Over (Til It’s Over),” and the only original song in the album written by Gian “How Do I Make You Love Me?”

Gian says that those who know him will easily find out that traces of his musical influences will be gleaned from the cuts in the recording. “All my interpretations will reveal those influences - Robbie Williams, John Mayer, John Legend, Eraserheads, Beatles, U2, Rivermaya, etc.”

The one thing that makes Gian truly grateful about this album is that he was given free rein by the Sony execs and producer to record his vocals the way he wants to. “It was at first because my schedule wouldn’t jibe with that of Jimmy’s. So Jimmy thought of giving me the special microphone to bring home so I can experiment on recording my tracks at my pace. And I did,” he said.

Gian is also elated over the fact that his creative inputs were taken seriously. “I am truly proud how this album turned out. It originally had a complete revivals list but after recording everything, I suggested if we could include at least one original song and they were very receptive. Timing naman that I had this song, which Jimmy helped me put together, and they said yes to it.”

He told us of how the song “How Do I Make You Love Me?” came about. “Sheree and I had a fight one time. It was that kind of emotion that propelled me to write this song. It basically asks a person how he makes a loved one feel loved and cherished?”

Gian is now a proud father to a little boy, Gian Haley who is 10 months old, by his partner, singer-actress Sheree.

He said he has matured a lot when he sired a son. “I am more conscious of my responsibilities. Aside from this new family I have with Sheree, I am breadwinner to my own family. I am sending my younger sibling to school because my parents have both retired already. Sometimes the pressure is just too much but they help me focus on the more important things now,” he bared.

Gian says he sees he and Sheree walking down the aisle in the future.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, April 15, 2009

Aljur Abrenica may ka-date na 15-anyos sa Puerto Galera

MAY mga pahabol kaming balita during our Holy Week stay in Puerto Galera.

It’s fun bumping with Aljur Abrenica in the wee hours of Easter Sunday with his small group.

He is with his father and cute younger brother and a bunch of girls na hindi namin kilala.

They are about to go to the beach area to meet Aljur’s mom.

Naloka lang kami sa outfit ni Aljur kasi he was the only one in maong pants and wearing shoes with matching professional Nikon camera.

Unlike sa mga kasamahan niya na mga naka-shorts at tsinelas lang.

Napag-alaman namin later in the day, lunch time ng Easter Sunday, na ang isa palang girl sa grupo ni Aljur ay “date” niya during the Holy Week.

May nagtsutsu pa sa amin na ang pangalan ng girl ay Michelle Saludo and she’s a commercial model.

At ang nakakalukring dito ay 15 years old lang pala si Michelle.

Naku, mahilig pala si Aljur sa mga menor de edad.

Ayaw ni Kris Bernal nang ganyan!

[via]

Labels:


Continue Reading...

PEP, tahimik na

Tahimik pa ang kampo ng PEP. Hindi pa sila nagsasalita tungkol sa worth P25 million na demanda ni Richard laban sa kanila.

Hinihintay ng PEP ang pagdating ng subpoena nila. Mahirap nga naman na mag-react sila habang hindi pa nila na­ba­basa ang kabuuan ng reklamo ni Richard.

Mga respondents ng kaso sina Jo-Ann Maglipon, ang editor-in-chief ng PEP, ang managing editor na si Karen Pagsolingan at ang writer na si Ferdinand “Bong” Godinez.

Hindi ko pa nami-meet si Bong kaya hin­di ako pamilyar sa kanyang itsura. Baka nga naka-table ko na siya sa mga presscons pero hindi ko kilala.

Matagal pa ang itatakbo ng kaso dahil sasagutin pa ng mga idinemanda ang mga akusasyon ni Richard.

Hindi pa masabi ni Annabelle kung mag­sa­sampa siya ng separate case laban sa PEP bilang manager ni Richard dahil kokonsultahin muna niya ang kanyang pamilya. Ganyan ka-close ang Gutierrez family.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, April 14, 2009

Lalaking fan ‘pinatikim’ ng katarayan ni Marian

Tapos na ang Holy Week at finish na rin ang bakasyon grande ng mga artista kaya ang lahat, back to work na.

Pero ang Chinese friend namin na may napakala-king crush kay Marian Rivera ay mukhang nawala ang pagkagusto sa rumored girlfriend ni Dingdong Dantes.

Tinarayan daw siya at tinaasan ng kilay ng dalaga.

Narito ang kuwento ng aming Chinese friend na itago natin sa pangalang Edwin.

“Bago mag-Holy Week ay nagko-coffee kami with friends sa isang building sa Morato. Tapos, nakita naming umakyat siEhra Madrigal. Nginitian na-min dahil kilala namin siya bilang artista kaya nag-hi naman siya sa amin.

“A few minutes later ay dumating naman si Ma-rian. Siyempre, dahil crush ko siya at idol na rin,eh, nakatitig ako sa kanya pero nang tumingin siya sa amin ay galit ‘yung mukha niya.

“Tapos tumaas ang kanyang kilay na parang may binubulong sa kanyang sarili. Hanggang sa umakyat siya ng hagdan ay nakataas pa rin ang kanyang kilay na parang gusto kaming balikan kaya natakot kami.

“From then on ay nawala na rin ang pagkagusto ko sa kanya,” pagko-confess pa ng Chinese friend namin.

Hay, naku!

Siguro ay umandar na naman ang katarayan ni Marian na hindi na rin bago sa kanya.

Pero teka.

Sa building na inakyatan ni Marian, hindi ba nandu’n din ang restobar na pag-aari ng kanyang rumored boyfriend na si Dong at ng ex nitong si Karylle?

Ano kaya ang ginawa ni Marian sa resto bar ni Karyle?

[via]

Labels:


Continue Reading...

Richard Gutierrez files libel suit against PEP

Isinampa na kahapon ng aktor na si Richard Gutierrez sa Makati City Prosecutor’s Office ang P25 milyong libel suit laban sa mga editor at writer ng Philippine Entertainment Portal (PEP).

Kabilang sa kinasuhan ni Richard sina Jo-Ann Maglipon, editor-in-chief ng PEP; Karen Pagsulingan, managing editor; at Ferdinand Godinez, staff writer.

Tinanggap ni 2nd Assistant City Prosecutor Christopher Garvida ang mga dokumentong inihain ni Richard kaugnay ng kanyang demanda.

Itinuloy ni Richard ang demanda kahit nagpalabas na ng public apology ang PEP.

Inireklamo ni Richard ang isang malisyosong artikulo sa PEP na nagsasaad na nakipag-away umano siya sa isa pang aktor na si Michael Flores sa Oceana Restaurant sa Roxas Boulevard, Pasay City na umabot sa tutukan ng baril na umano’y naganap sa birthday party ng GMA 7 director na si Mark Reyes.

Sinabi ni Richard sa demanda na iresponsable ang artikulo dahil may malisya at walang katotohanan ang awayan.

“Matagal kong inalagaan ang pangalan ko pati ang reputasyon ko. Hindi ako papayag na basta-basta na lang nila sirain nang ganoon,” sabi ni Richard sa isang naunang panayam.

Inilabas ng PEP noong nakaraang buwan ang artikulo na nagpapahiwatig ng mga panunutok ng baril sa naganap na birthday celebration ni direk Reyes.

Ayon sa report ng PEP, tinutukan ni Richard ng baril si Flores matapos mag-away.

Sinasabi ng PEP na meron itong dalawang testigo na nagpapatunay sa report pero pinabulaanan ito ng dalawang aktor.

Humingi ng paumanhin si Maglipon sa pagkakaposte ng artikulo sa website ng PEP pero hindi kuntento si Richard at ang kanyang pamilya dahil hindi naman nag-retract ang PEP.

Kasamang naghain ng demanda ni Richard sa Makati ang kanyang pamilya ganap na 2:30 p.m. ang mga magulang na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, kakambal na si Raymond at isa sa magiging testigo na si Bubbles Paraiso.

Ayon kay Ms. Annabelle, isa lang si Bubbles sa mga testigo nila dahil nakatakda ring mag-submit ng kanilang kanya-kanyang affidavit sina Michael Flores, direk Mark, Epi Quizon at iba pang saksi sa mga nangyari.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Angelina Jolie and Brad Pitt to Adopt a Filipino Baby?

Angelina Jolie and Brad Pitt to Adopt a Filipino Baby? Watch the video report from Saksi.


via starmometer.com

Labels:


Continue Reading...

Monday, April 13, 2009

Richard Gutierrez is back from his trip

RICHARD Gutierrez is back from his trip to New Jersey and New York.

He rested only for a day and is now back on the set of "Zorro" in Bagac, Bataan to resume the taping of his hit period-action series. He's glad to be able to have some rest in the States even if only for a few days. "There was one whole day na nagtulog lang ako sa hotel," he says. "Kaya nakabawi na ako sa lahat ng puyat sa trabaho ko. Then after that, namasyal na kami sa New York, took the dinner cruise around Manhattan and walked around Times Square kunsaan located ang hotel where we stayed."

He wants to thank his fans (members of KChardees) who went to Manhattan just to see him personally and took the dinner cruise with him which took three hours. They asked him if he already greeted KC who celebrated her birthday and he said he already texted his special message to her a day before. "I can't forget her birthday kasi pareho sila ng birthday ng youngest brother kong si Ritchie Paul," says Richard. Ritchie Paul was traveling with him that time. The fans had a grand time taking their photos with Richard in front of various New York City landmarks, including the Statue of Liberty.

While in the Big Apple, Richard and Ritchie Paul got to visit the MOMA (Museum of Modern Arts) and watched some plays on Broadway, like the musical "Wicked," and an NBA game at the Madison Square Garden with Rhian Ramos and Rufa Mae Quinto. "It's a brief but very relaxing vacation for all of us," he says.

In "Zorro" this week, Richard as Antonio has already assumed the identity of the masked avenger and champion of the oppressed. While being pursued by Ramon (TJ Trinidad), he seeks the help of their parish priest, Padre Felipe (Ricky Davao), and hides inside the church. Ramon storms into the church and searches for Zorro but only finds Antonio sleeping inside the confessional box. Because of this, Ramon schemes to have the priest arrested for helping Zorro. He seeks the help of the Chinese businessman, Shihong (Epi Quizon), to pin down the priest. The fabricated charges against Padre Felipe caused him to be arrested, imprisoned and to be punished with lashes on his back. Zorro gets back at those who tortured his priest friend, starting with Shihong who fights him with his knowledge of martial arts. Shihong is defeated and promises Zorro that he will admit that he just lied in court. Zorro then takes revenge on the judge who ordered the punishment of Padre Felipe. He undresses the judge and ties him up near an anthill. Ramon comes along and chases Zorro, but his reliable horse saves him and Zorro calls his horse Buhawi.

[via]

Labels:


Continue Reading...

GMA 2009 Summer Station ID

GMA7 releases the ‘Sabay Sabay Tayo’ Summer 2009 Station ID.



Have you seen ABS-CBN's 2009 summer ID?

Labels:


Continue Reading...

GMA-7's upcoming shows

World View Presents: Think Positive! - A special documentary about HIV and AIDS in the Philippines with Vicky Morales as host airs on April 12, Sunday at 10:30 P.M.

Hole in the Wall - The Philippine version of a popular Japanese game show to be hosted by the funny tandem of Ogie Alcasid and Michael V. in their Yaya and Angelina character. The fun begins on April 20, 2009.

The Power of 10 - The Philippine version of the US game show about surveys airs every Saturday nights after Kap’s Amazing Stories beginning May 10, 2009.

Are You the Next Big Star? - GMA’s newest reality talent competition to be hosted by Regine Velasquez. Airs every Saturday after Pinoy Records starting May 16, 2009.

Survivor Philippines - The Philippine version of the very first reality competition on tv is now on its 2nd season. Coming soon in the Telebabad block of GMA.

Adik Sa ‘Yo - Also coming soon in Telebabad is a romantic dramedy series topbilled by Jolina Magdangal, Marvin Agustin and Dennis Trillo.

Summer Sarap - A GMA News and Public Affairs Special on May 3, Sunday at 10:30 p.m.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, April 09, 2009

Marian at Dingdong, walang tampuhan

KUNG dati-rati ay tinatanggihan ni Marian Rivera ang role na Darna, ngayon ay mukhang payag na ito sakaling matuloy ang Captain Barbell meets Darna ng GMA-7.

“Kasagsagan kasi noon ng Dyesebel, ayoko namang naghihintay agad ng project at saka, hindi ko pa kayang mag-two-piece noon,” katuwiran ni Marian.

Itinanggi rin ng aktres na may tampuhan sila ng kaparehang si Dingdong Dantes kaya ’di siya pumayag sumama ritong magbakasyon sa farm ng mga Dantes sa Batangas.

“Hindi sa ayaw kong sumama. Gusto ko lang makasama ang mga mahal ko sa buhay sa Cavite at alam ’yan ni Dingdong. Nauunawaan niya,” say ni Marian.

One week lang naman daw silang ’di magkakasama’t magkikita ng rumored BF unless puntahan siya nito sa Cavite at yayaing pumunta ng Batangas.

Magkalapit lang naman ang Batangas at Cavite, ’di ba? Hindi malayong magkasama pa rin ang dalawa ngayong Semana Santa.

[via]

Labels: ,


Continue Reading...

Rufa Mae Quinto di pa rin makakaharap si DJ Mo

Hindi pa naaayos ang problema sa pagitan nina Rufa Mae Quinto at DJ Mo Twister. Hindi sila magkikita sa Linggo dahil si DJ Mo naman ang aalis papunta sa ibang bansa.

I’m sure, nakarating kay Rufa Mae ang siney ni DJ Mo kay Dolly Ann Carvajal at knowing her, masasaktan na naman siya.

Dahil wala si DJ Mo sa Showbiz Central sa Linggo, baka dedmahin muna ni Rufa Mae ang isyu tungkol sa kanilang dalawa. Iniyakan ni Rufa Mae ang interbyu noon ni DJ Mo kay Dr. Vicki Belo.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, April 08, 2009

Mark Herras isinugod sa hospital

LIGTAS na sa anumang kumplikasyon dahil sa atake sa kidney si Mark Herras.

Lumabas na siya mula sa pagka-confine sa Kidney Institute Hospital, Quezon City dahil sa sobrang pananakit ng tiyan nitong Sunday ng umaga.

Akala ng pamilya ni Mark ay atake sa appendicitis ang sanhi ng sobrang sakit ng tiyan ng young actor.

Pero nang suriin ay may hyper acidity lang pala si Mark.

Ilang oras din ang itinagal ni Mark sa hospital at pinayuhan ng doktor na magpahinga muna.

Kaya hindi nagawa ni Mark na mag-show sa SOP Live.

Dahil sa pag-aalala kay Mark, agad siyang dinalaw ng mga kaibigang sina Ranier Castillo at Mike Tan.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Andrew Wolf kulong sa pagnanakaw ng baril

Holy Week na Holy Week pero nakakulong sa Boracay si Andrew Wolf dahil sa akusasyon na ninakaw niya ang baril ng isang security guard.

Nag-deny na si Andrew at iba ang kanyang version. Hindi niya ninakaw ang baril. Tinutukan daw siya ng baril ng security guard kaya inagaw niya ang armas.

Magkaibang-magkaiba ang version pero nakalagay sa police report na robbery ang kaso ni Andrew dahil sa kanyang ginawa. Dinala siya kahapon sa Kalibo para magpiyansa at masampahan ng kaso.

Mabilis na kumalat ang nangyari kay Andrew dahil maraming reporter ang nagbabakasyon sa Boracay.

Sa dami ng mga bakasyonista sa Boracay, imposibleng hindi nila malaman ang eskandalo na kinasangkutan ni Andrew.

Nasa Boracay si Gorgy Rula at ang crew ng Startalk, Nandoon din si Lhar Santiago at ang crew ng 24 Oras. Hinding-hindi puwedeng ilihim ang kaso ni Andrew.

Kung itutuloy ng security guard ang pagsasampa ng kaso, mahihirapan si Andrew dahil mapapadalas ang pagpunta niya sa Kalibo para sa hearing ng robbery case.

Ang layu-layo ng Kalibo mula sa Metro Manila. Tiyak na gagastos si Andrew sa plane fare, hotel accommodation at sa abogado na magtatanggol sa kanya.

Puwedeng makatipid si Andrew kung taga-Kalibo ang lawyer na hihingan niya ng tulong.

Kung hihingi ng tawad si Andrew, baka sakaling lumambot ang puso ng nagdemanda at patawarin siya. Malaki ang matitipid niya kung magiging forgiving ang security guard.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, April 07, 2009

Kris Bernal magpapalaki ng boobs after Holy Week

BALAK daw magpalaki ng boobs ang young star ng GMA7 na si Kris Bernal pagkatapos ng Holy Week.

Ayon sa balita, willing daw ang star na ito ng Dapat Ka Bang Mahalin? ng Kapuso network na mag-undergo ng breast enlargement para sumeksi.

Tsika ng aming source, preparasyon ito ni Kris para sa mas mature na role na iaatang sa kanya ng GMA7 pagkatapos ng soap na Dapat Ka Bang Mahalin? kung saan papel ng mag-asa-wang teeners ang gina-gampanan nila ni Aljur Abrenica. Dito ay mapapanood ang maiinit na lovescenes nina Kris at Aljur bilang mag-asawa.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Raymond, ipit sa demandahang Wilma-Annabelle

GUEST co-host si BB Gandanghari sa Showbiz Central at tinutoo ang sinabi sa Cool Center na may three costume changes siyang puro gawa ni Rajo Laurel.

Napansin lang namin na katono na niya sina Pops Fernandez, Gretchen Barretto at Ruffa Gutierrez ’pag nagsasabi ng “Oh, my gosh!”

Siya rin ang sumalang sa Digital Don’t Lie to Me at inaming hindi 100 percent na tanggap ng kanyang pamilya ang pagbabagong-anyo niya.

Next week, babalik siya para sa hininging rematch ni John Lapus.

Naging emotional naman si Raymond Gutierrez sa pagpapahayag ng saloobin niya at ng Gutierrez family kay Jo-Ann Maglipon at sa PEP.

Pagbalik daw ni Richard Gutierrez from the States, gagawa na ito ng legal action “to end this,” sabi nito.

Tungkol naman sa kaso ng inang si Annabelle Rama at GMA-7 SVP for Entertainment na si Wilma Galvante, sabi ni Raymond, “We stand firm behind our mom, but I also have to respect my boss. Napakahirap being in this situation. I just hope and pray na matapos na ito. Sana someone can mediate.”

Umiyak si Nadia Montenegro sa interview ni Mo Twister sa Gimme Mo at ikinuwento ang usapan nila sa phone ni Gretchen.

Hindi pa healed ang left eye ni Nadia from the operation.

Pagbigyan kaya ng Eat Bulaga ang hininging second chance ni Gladys Guevarra?

Sabi nito sa Intriga Crossfire, nagsisisi siya sa pag-alis sa show at naiinggit sa mga kasama.

Professional na raw siya at kung may offer for her to return to the show, tatanggapin niya.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Monday, April 06, 2009

Marian Rivera humakot ng awards

Humakot ng awards si Marian Rivera sa Kapuso Tag Awards ng GMA-7 at thankful ito sa mga bomoto sa kanya. Suportado pa rin ng fans ang mga ginagawa ng actress, gaya nang pagsuporta sa kakaibang role niya sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang kahit may mga hindi sang-ayon.

Sa Ang Babaeng…, pinakapagod si Marian, pero wala siyang reklamo. Sa hospital scenes niya, 56 sequences ang kanyan ginawa at walang tigil ang kanyang pag-iyak. Totohanan din ang sampal sa kanya ni Carmi Martin at sabunot ni Francine Prieto.

“Pinakamatinding eksena ‘yung sampal ni Ms. Carmi at ngayon lang uli ako nasampal ng ganu’n kalakas. Minsan, napapaiyak ako, pero nagso-sorry sila pagkatapos,” tsika ni Marian.

Marami pang aabangang eksena kina Marian at Dingdong sa soap, gaya this Monday, si Proserfina (Marian) ang magpo-propose ng kasal kay Homer (Dingdong Dantes) at tinanggap ng binata. Dumating si Heleen (Angelu de Leon) sa ospital at ibinalitang buntis siya at si Homer ang ama.

Samantala, may next project na si Marian after Ang Babaeng…, pero ayaw pang banggitin kung ano, basta pambata.

“Pambata siya, pero mahirap, mabigat at sabi sa akin, ikondisyon ko na ang sarili ko. Ang katumbas ng next project ko ay Marimar, Dyesebel at Tadyang. Hindi siya madali, mabigat siya at kailangan kong ihanda ang sarili ko.”

Darna ba ito? Hindi ba tinanggihan na niya ito?

“Sino ba naman ang aayaw sa Darna? Kung ibibigay sa akin, gagawin ko. Ayoko dati dahil ayaw kong nasa kalye ako na naka-bra lang. Pero, sa dami nang pinagdaanan ko at ginawang commercial na naka-two-piece ako, bakit hindi? Sayang naman kung tatanggihan ko.”

[via]

Labels:


Continue Reading...

Rhian Ramos gustong talbugan si Marian

PARAMI nang parami ang produktong ini-endorse ngayon ni Rhian Ramos. Gusto ata niyang talbugan si Marian Rivera.

“Hindi naman. I’m just thankful na maraming nagtitiwala sa akin. Hindi lahat ay nabibigyan ng ganitong chance and for me, itong mga endorsement ko is a blessing,” pahayag ni Rhian.

Si Rhian ang kinuha ng SODA bilang first celebrity endorser nila para sa bagong line of scents and fragrances. Binigyan ng SODA ang movie press ng ilan sa mga body spray na ini-endorse ni Rhian at nagustuhan naman namin ang amoy nito.

Rhian agreed to endorse the SODA fragrance line because she believes in the power of a fragrance to enhance a woman’s look.

“I think choosing the right scent is important, because it completes a woman’s total look and gives you that confident feeling. It also sets your mood and attitude,” wika pa niya.

Natutuwa naman ang SODA family sa pagpasok ni Rhian. “We believe that Rhian can be an effective endorser because of her overall persona as an artist. She basically represents the versatility and function of SODA’s scents and fragrances,” katwiran ni Erwin Doña, ang advertising and promo manager ng SODA.

Bukod sa pagpo-promote ng SODA, busy rin si Rhian sa taping ng Zorro kung saan gumaganap siya bilang leading lady ni Richard Gutierrez. Ang Zorro ay napapanood sa primetime block ng GMA-7.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Sunshine Dizon papasok sa pulitika?

Sa Iloilo maghu-Holy Week si Sunshine Dizon at kundi Wednesday, sa Thursday sila uuwi ng kanyang ina. Gustuhin man niyang umuwi ng mas maaga, may taping pa siya ng All About Eve hanggang bukas.

May tsikang kaya siya uuwi ng Iloilo ay para makipag-usap sa governor at mayor ng Iloilo tungkol sa planong pagtakbo niyang Board Member sa 2010 elections. ‘Yun pala, nakipag-usap na siya sa isang resto sa Serendra, pero ayaw pang sabihin ni Sunshine ang napag-usapan.

Samantala, pinaabangan ni Sunshine ang mga susunod na eksena sa AAE kung saan labas na ang kasamaan ni Erika, ang karakter niya sa soap. Pagkatapos ng sexy dance number niya, may bed scene rin siya kay Alfred Vargas at may mga kissing scenes pang gagawin.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, April 05, 2009

Joey may patutsada sa nagyayabang ng kayamanan

Heto ang bahagi ng tula ni Joey de Leon para sa mga kapakanan ng hindi nakapanood sa Startalk kahapon:

Hindi kusang sasabihin

Kung hindi sila tatanungin at kukulitin

Karaniwan pa nga damit at mga nakabiting alahas

Hiram at arkila mandin

Pinamomodelo lang at walang gastusin

Pag natuwa, designer puwedeng i-give na rin



Oo nga’t datung nila gamit sa spending

Pero di ba dapat tayo’y medyo mahinhin

Bakit sino ba pinagyayabangan natin

Kung hindi ang mas maraming poor na following



May Louis Vuitton at Prada,

Chanel at Hermes

May maraming sasakyan, Ferrari at Mercedes

Meron pa ngang may yate

Alahas at houses

Sana lang you know how to spell yate sa Ingles



Ang yaman natin Oo nga’t dapat enjoyin

Meron pang mas cute

Kung ibabahagi natin

Ang yaman natin bakit kaya kailanganin ipagsigawan,

I-diyaryo at gawing news item

Pagpapakumbaba ang kailangan natin

Sa panahong marami ang walang makain

Gara’t ganda ng mga abubot mo darling

Bakit hindi mo na lang hayaang mapansin

Kahit ano’y hindi ipinangangalandakan

Kahit ano man yan at kahit kabutihan

Paghanga sa kapwa

Di nga dapat abangan

Mahalaga’y hangaan noong

Noong nasa ulunan natin.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, April 04, 2009

Katrina Halili big fan ni Thalia

Big fan ni Thalia si Katrina Halili at gagawin nito ang lahat para makita ng personal ang actress. Na-excite si Katrina sa tsika ni Lolit Solis na nagi-entertain ng mga Pinoy fans si Thalia dahil nakapunta na ito rito.

Kuwento pa ni Katrina, pinanood niya ang Marimar, Rosalinda at ibang series ni Thalia at rason para tanggapin ang kontrabida role sa Marimar at magiging dahilan din para balikan ang pagko­kontrabida. Gusto nitong gampanan ang role ni Pedra sa Rosalinda at payag uling maging bad girl ‘pag gaya sa role ni Sunshine Dizon ang ipo-portray.

Samantala, ending na ng Dear Friend bukas at sa SOP lang siya napapanood. Sa May pa siya bibigyan ng show, kaya may time siyang magpapayat at maglipat sa nabiling three-storey townhouse sa New Manila, kung saan may sauna room siya.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Aljur Abrenica parang lantang gulay sa sakit ng tiyan

Parang lantang gulay si Aljur Abrenica nang umapir ito kahapon sa presscon para sa kanila ni Kris Bernal.

Masakit na masakit daw ang kanyang tiyan kaya bukod sa na-late siya sa presscon, pinauwi ko siya kaagad para makapagpatingin siya sa doktor.

Wala na talagang plano si Aljur na umapir sa presscon pero umiral ang kanyang pagiging professional. Sinundo na lang siya ng service van ng Artist Center sa bahay nila na malapit lang sa GMA 7.

At least, nakita ng press people na talagang masama ang pakiramdam ni Aljur. Hindi siya nagdadahilan o nagdadrama.

Alam ko ang pakiramdam ng nanglalata kaya ako na ang nagsabi kay Aljur na pumunta na siya sa ospital. Mas alam ng mga doktor ang dapat gawin sa kanya ‘noh!

[via]

Labels:


Continue Reading...

Friday, April 03, 2009

Pinoy Idol di nag-click kaya hindi na ni-renew

Hindi na nga ni-renew ng GMA ang franchise ng Pinoy Idol kasi napakamahal daw nito.

Tapos hindi pa naging ganoon ka-successful ang Season 1 nito.

Nasaan na nga ba si Gretchen Espina ngayon?

Aba, una pang nagkaroon ng album ang runner-up ni-yang si Ram Chavez.

Kaya naman naisipan ng GMA na gumawa na lang ng isang original singing search, ang Are You The Next Big Star? at si Regine Velasquez ulit ang magho-host nito.

Wish lang namin na maiba naman ito nang konti sa Pinoy Pop Superstar, otherwise ay nag-PPS Season 4 na lang sila.

On-going ang auditions nito ngayon (April 3) sa SM Baliuag. Sa April 18 ay nasa SM Batangas naman sila at April 24 & 25 sa SM Marikina. Sa alas-10 n.u. ang start ng auditions. Magdala lang ng birth certificate, valid ID, 2 photos at 2 CD material na minus one.

Teka, hindi kaya ibalik naman ng TV5 ngayon ang Philippine Idol ngayong umayaw na sa franchise nito ang GMA?

[via]

Labels:


Continue Reading...

Katrina Halili sinundan si Kris sa bar

New look si Katrina Halili nang makita namin sa solo mini-presscon kahapon.
Bumata siya sa bagong hairdo.

Kasabihan nga kasi na kapag ang isang babae ay nagpagupit, ibig sabihin, may major change na nangyari sa kanyang buhay, kaya tinanong namin si Katrina kung bakit siya nagbago ng hairstyle.

“Ah, kung anuman po kasi ang nangyari, gusto kong magsimula nang bago at kalimutan na ’yung mga dating nangyari. Fresh start, new life,” say niya.

Hindi naman siguro kaila sa lahat na nanggaling si Katrina sa napakalaking kontrobersiya at ito ay nang madawit siya sa Dra. Vicki Belo-Dr. Hayden Kho breakup.

Aminado ang young actress na talagang nakaapekto ito nang husto sa buhay at career niya.

“Siyempre po, may consequences din akong dapat harapin sa nagawa ko, pero alam ko namang may prize rin naman for me,” aniya.

Actually, maraming major change sa buhay ni Katrina ngayon at isa na rito ay ang breakup nila ng singer ni Kris Lawrence.

“Pero magkaibigan po kami ngayon. ’Yung sa amin naman po dati, sinasabi ko, inspired ako, inspiration namin ang isa’t isa, may mutual understanding kami. Ganu’n po ’yung nangyari.

“And kaya naman sobrang inspired din ako kasi siyempre, ang dami-rami kong problema, tapos, nandiyan siya para suportahan ako. Kaya lang, after po ng lahat ng nangyari, na-stress ako.

“Nag-gain ako ng weight. Nag-gain ako ng 10 kilos. Na-stress-out ako sa lahat ng problema at para sa akin, ’yung mag-gain ako ng weight, du’n ako maloloka.

“So, parang stop ko muna lahat. Sandali, gusto kong ayusin ang buhay ko. Pero okay naman po kami (ni Kris) ngayon. Sinuportahan niya ako and alam naman niya na ang dami ko ring pinagdaraanan.

“Saka, aminin naman natin na naapektuhan talaga ang trabaho ko, ’yung buhay ko. So, parang gusto ko pong ayusin ang buhay ko na mag-isa. Ayoko munang mandamay ng ibang tao.

“And busy rin naman siya sa work niya, maglalabas din siya ng album niya. Ayoko kasing maging unfair. Kasi nang nag-focus ako sa kanya, siyempre, inspired, tapos, nag-gain ako ng weight.

“Ngayon, gusto ko munang mag-focus sa sarili ko. Gusto kong ayusin ng buhay ko and ayokong maging unfair dahil mawawalan ako ng time sa kanya. Ganu’n kasi ako ’pag naka-focus sa isang bagay, nawawalan ako ng time sa ibang tao.”

Paano tinanggap ni Kris ang desisyon niya?

“Okay naman po, kasi wala naman pong ibang lalaki, trabaho naman po ang dahilan. Saka nakikita niya pa rin ako. ’Yung mga pinsan ko, kasama niya. Kahapon, dineyt niya mga pinsan ko, nag-bar sila, tapos sumunod ako.”

Isa pang major change ay may bago na siyang bahay worth P9M na kabibili lang niya. Sa mga darating na araw, magiging busy siya sa paglilipat at pagpapapayat.

Sa ngayon, “single and hot” daw siya tulad ng tagline ng Bench endorsement.

Gusto raw niyang magsimula ulit dahil ayaw daw niyang mawala sa showbiz na hindi magandang impresyon ang maiiwan sa mga tao. This time, she wants to do it right.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wilma Galvante vs Annabelle Rama, updates

Parehong nagpahayag sina SVP for Entertainment TV ng GMA-7 Wilma Galvante at Annabelle Rama na labas ang network sa kanilang away na umabot na sa demandahan.

Hindi raw maaapektuhan ang mga talent ni Annabelle na naka-kontrata sa Siyete, pero ang latest, pag-aaralan ni Annabelle kung mananatili sa istasyon ang mga talent niya.

Ikinatuwa ng huli na hindi makikialam ang network, pero lalaban siya at ’di uurungan si Wilma.

Handa siyang harapin sa korte ang kaso na isinampa laban sa kanya at iginiit na si Wilma ang nagsimula ng away.

Ang tanging kasalanan daw niya ay ipinangtanggol ang mga talent niyang sina JC de Vera at Heart Evangelista.

Kahapon bumalik si Annabelle sa Quezon City Regional Trial Court Branch 95 para magsampa ng counter-affidavit laban kay Wilma.

Nauna na siyang pumunta sa QC RTC noong Martes para sa hearing ng Damages suit na isinampa ni Wilma.

Una nang sinabi ni GMA Network president/CEO Felipe Gozon na hindi niya mapipigilan si Wilma kung gugustuhing idemanda si Annabelle.

Balitang demandahan pa rin, magdedemanda rin si Annabelle sa PEP at sa reporter na nagsulat ng article tungkol sa “banggaan” nina Richard Gutierrez at Michael Flores.

Pati si Richard, magdedemanda rin dahil nakasisira sa image niya ang balita at puwedeng makaapekto sa trabaho niya bilang actor at endorser.

Hindi na lang sina Annabelle, Richard at Jo-Ann Maglipon ang wanted ng press, pati na ang nagsulat ng article at ang two witnesses ng PEP. Sino sila?


[via]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, April 02, 2009

Are You the Next Big Star?

GMA is looking for the next BIG STAR! If you think you have the whole package who has the potential to be the next singing superstar, the pre-screenings are starting today! The search is open to all amateur and even professional singers, male or female, and within the age of 16 to 24 years old.

The first batch of audition schedules are as follows:

April 2 and 3 - SM Baliwag @ 10:00 a.m.

April 18 - SM Batangas @ 10 a.m.

April 24 and 25 - SM Marikina @ 10 a.m.

Other audition schedules to be announced.

Here are the requirements for audition:

1. Original and a photocopy of birth certificate
2. A valid ID, 2 photos (1 full body and 1 close-up)
3. Audition materials (2 CDs in minus 1 format)

Regine Velasquez will return to talent search hosting in GMA’s “Are You the Next Big Star?” The show is set to premiere in mid-May this year.



[via]

Labels:


Continue Reading...

Annabelle ’di uurong kay Wilma!

AKALA namin ay tapos na ang sigalot na namagitan kina Wilma Galvante (GMA-7 SVP for Entertainment) at Annabelle Rama. Hindi pa pala.

Tahimik na sinampahan ng P7-million libel suit ni Wilma si Annabelle kamakailan dahil umano sa masasakit na salitang pinagsasabi nito laban sa kanya nu’ng kasagsagan ng isyu ng pagre-renew ng kontrata ni JC de Vera sa GMA-7.

Ayon sa nasagap namin, last March 17 pa isinampa ang kaso sa Quezon City Regional Trial Court, pero nu’ng Lunes lang ito nalaman ni Annabelle.

Nakasaad sa charge sheet ang hinihinging P5 million moral damages, P1.5 million exemplary damages at P500,000 na legal fees.

Sa totoo lang, matagal nang hinihintay ni Annabelle ang pagsasampa ng kaso ni Wilma. Late man niyang nalaman ang pagkakatuloy nito’y matagal na niyang inasahan na kakasuhan nga siya ni Wilma.

Gaya nga ng sabi niya, hindi siya uurong sa anumang laban. Paulit-ulit nang dialogue ni Annabelle nu’ng kasagsagan ng kontrobersiya na sanay siya sa demanda’t hindi siya natatakot kay Wilma.

* * *

NAALIW kami kay Wilma Doesnt nang tumawag ito at magpanggap na mamasukang katulong sa isang segment ng The Sweet Life ng QTV 11, Monday to Friday, 5 p.m.

Tinarayan kasi siya ng kausap sa phone at sinabihang ayaw makipag-usap sa taong hindi kakilala.

Nabigla at natawa rin ang co-host na si Lucy Torres habang nakikipag-usap sa phone si Wilma.

Mamaya sa TSL, ang mag-amang Ricardo Cepeda at Saachi ang magge-guest at magkukuwento ng tungkol sa kanilang bonding activities at secrets.

Magsasalita naman si Lovi kung bakit siya nananatiling Daddy’s Girl. Ikukuwento niya ang magagandang araw with late father, Fernando Poe Jr.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Rufa Mae Quinto hindi kayang patawarin si Mo Twister

TAMA si Rufa Mae Quinto.

Mas mabuti nang aminin niya na hindi niya basta matatanggap ang sorry ni DJ Mo, kesa naman magpaka-plastic siyang kunwari ay okey na sa kanya ang lahat, pero masama pa rin ang loob ni-ya.

Hindi masisisi si Rufa Mae kung magkimkim man ng sama loob, at isipin niyang ipinahamak siya sa isang show na kasali pa naman siya, dahil nang okrayin ni Mo si Rufa Mae sa Showbiz Central ay wala ang aktres/komedyante para maidepensa ang kanyang sarili.

Ibang usapan nga siguro kung naroroon din si Rufa Mae nang mangyari ang bagay na iyon.

Kaso, nasa abroad siya para sa ilang shows at saka naman ipinasok ang interview na iyon ni Mo kay Vicki Belo.

Sinabihan naman pala ni John Lapus si Mo na ‘wag nang babanggitin ang pangalan ni Rufa Mae sa interview na iyon dahil kasamahan nga nila, at wala nga iyon para mai-depensa ang sarili, pero pinairal ni Mo ang katiga-san ng kanyang ulo.

Ano kaya ang mararamdaman ni Mo kung mga baho naman niya ang pag-usapan sa show kung saan co-host siya at ‘di rin niya maipagtanggol ang sarili dahil absent siya nang panahong ‘yun?

Mahilig magpakontrobersiyal itong si Mo maging sa programa niya noon sa radyo. Hindi ba ang dami ring nagalit diyan dahil sa style niya na kung anu-anong tsismis ang ipinalalabas, tapos nagso-sorry din naman siya.

Nagsabi raw si Mo na magre-resign na lang siya sa Showbiz Central kapag hindi siya pinatawad ni Rufa Mae.

Eh, mag-resign siya.

Hindi naman siya kawalan sa show.

Hindi ba sa isang show sa ABS-CBN, nawala siya roon nang hindi naramdaman ng network?

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, April 01, 2009

Kapuso stars bawal magpa-interview sa ABS-CBN

Ini-reveal sa amin ni Aljur Abrenica nang mainterbyu namin sa blessing ng bagong office ng Travelpros sa SM Megamall na pinagbabawalan na raw silang mga taga-GMA na magpa-interview sa TV crew na taga-ABS-CBN.

Kaya naman, umalis na lang ang TV crew ng ABS-CBN sa naturang event dahil tumanggi siyang magpa-interview sa mga ito.

Hindi namin maiwa-sang isipin na baka may kinalaman ang nangyari kay Manny Pacquiao recently kaya umiiwas na ang GMA na ma-interbyu ang kanilang network talents sa kalabang istas-yon.

Or ‘yung insidenteng pagpapa-interbyu ni Ru-fa Mae Quinto sa kalabang The Buzz ng Showbiz Central kung saan isa pa naman si Peachy na regular hosts ng SC.

Anyway, para sa amin ay magiging case-to-case basis lang ito.

Kasi hindi naman puwedeng magkaroon ng total news blackout ang GMA artists sa mga shows ng ABS-CBN lalo pa’t news-worthy ang mga istorya.

Halimbawa na lang si Richard Gutierrez kung saan ang kapatid niyang si Ruffa Gutierrez ay co-host sa The Buzz.

Siyempre pagbibigyan ni Richard ang Ate Ruffa niya kung sakaling iinterbyuhin siya nito.

At any rate, para sa amin ay pabor sa GMA kung napi-feature man o naiinterbyu ang Kapuso stars sa mga programa ng Dos dahil additional exposure ‘yun sa kanilang talents.

Huwag lang siyempre na negative ang ibabalita ng ABS sa Kapuso stars dahil magkakaroon na ng dahilan na pagbawalan ng GMA ang kanilang mga artista na magpa-interview sa TV crew ng ABS.

But otherwise, it’s really best kung mag-co-exist ang lahat harmoniously!

[via]

Labels:


Continue Reading...

Demanda sa writer ng PEP itutuloy ni Annabelle Rama

Invited ako sa presscon kahapon ng PEP at pu­mun­ta ako para malaman ko ang puno’t dulo ng galit sa kanila ng Gutierrez family.

Nag-apologize ang PEP editor-in-chief na si Jo-Ann Maglipon para kay Richard Gutierrez, Michael Flores at Jeffrey Quizon dahil ang mga pangalan nila ang nabanggit sa article na lumabas sa PEP pero na-pull out kaagaad.

Nag-apologize si Mama Jo-ann dahil na-upload kaagad ang article nang hindi pa kumpleto ang kanilang imbestigasyon.

Nag-apologize siya at inamin niya na may mga loopholes sa kuwento pero hindi satisfied si Annabelle Rama.

Hindi natutuwa si Bisaya sa apology at sa press­con na ipinatawag ni Jo-Ann dahil hindi raw nito inabswelto si Richard.

Hindi raw sinabi ni Jo-Ann na hindi totoong nangyari ang insidente na tinutukan ng baril ni Richard si Michael.

Gusto ni Bisaya na linisin ni Mama Jo-Ann ang name ni Richard pero hindi binawi ni Mama Jo-Ann ang kuwento na inilabas ng PEP noong linggo dahil wala raw siyang alam sa nangyari. Bakit daw niya babawiin ang kuwento na hindi naman niya na-witness?

Imbes na matapos ang isyu, lalo pa itong lumaki. Ang dinig ko, itutuloy ni Bisaya ang planong pagdede­manda sa writer ng PEP para magkaalaman kung saan nanggaling ang kuwento na tinutukan ni Richard ng baril si Michael.

[via]

Labels:


Continue Reading...



Technology Blogs - Blog Top Sites