<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, September 30, 2009

how Richard Gutierrez saved Cristine

Because she was the first celebrity victim to be featured on the front pages and newscast perched precariously with her mom and two little pamangkin on the roof of their house in Provident Village in Marikina City, one of the hardest-hit areas, Cristine Reyes unwittingly put a face to the devastation wrought by the killer typhoon Ondoy.

As the whole world must have known by now (thanks to CNN, Fox News and even The New York Times), it was Richard Gutierrez who came to Cristine’s rescue using a borrowed speedboat more than 12 hours after she and company climbed to the roof through the water tank after they slipped through a window.

For sure, Richard’s training for his GMA starrers (Captain Barbell, Mulawin, Lupin and Asero, among them) and hosting environment-friendly GMA docus Full Force Nature and Planet: Philippines prepared him for that kind of emergency.

“It was pitch dark when I went to Provident Village,” related Richard who refused to let one of his brothers accompany him because the speedboat could accommodate only four more people. “To locate Cristine and company, I told her to blink a small flashlight.”

It was a risky rescue. Richard said he took extra care in navigating the flooded area to avoid hitting people and he sometimes had to stop the motor to clear the debris that got entangled in it.

“I saw for myself how difficult it was to rescue people,” added Richard, “that’s why I feel for rescuers from the government and private sector. Sa dami ng dapat i-rescue, hindi mo malaman kung sino ang uunahin.”

The whole time that she was on the roof, Cristine texted as many people as she could for help, turning her celfon off after sending each message to save power.

“She was hysterical when she texted me,” said Richard. “The raging floodwaters continued to rush at nadadala na daw sila ng agos. At one point, she became so hopeless at parang nagpapaalam na siya. Since I couldn’t get to her in my car, I called all the friends I know who own a speedboat and luckily, he had one na hindi niya ginagamit. At first, I wanted to borrow a helicopter but we decided against it because it would be risky to use one.”

To make a long, nightmarish story short, Richard did save Cristine but her mom decided to stay with the two kids to wait for the guys on a jetski dispatched by Cristine’s sister Ara Mina’s non-showbiz boyfriend upon Ara’s request.

Richard and Cristine are starring in the movie Patient X which Richard himself is co-producing with GMA Films, directed by Yam Laranas (also the director of The Echo, the Hollywood remake of Regal Films’ Sigaw).

This noon, Richard and Cristine will host a thanksgiving lunch for the media.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, September 29, 2009

Richard Gutierrez dedma sa isyung gumigimik lang

Ini-report sa Showbiz Central last Sunday ang mga artistang naapektuhan ng bagyong Ondoy at kabilang dito ang mag-inang Jean at Jenica Garcia na binaha ang bahay.

Kuwento sa amin ng manager nilang si Manny Valera, lumusong ang mag-ina kahit hanggang dibdib pa ang tubig sa first floor ng bahay nila sa takot na lumaki pa ang tubig at umabot hanggang sa second floor ng bahay nila.

Sa bahay ni Jennylyn Mercado pumunta ang mag-ina, pinakain at binigyan sila ng pampalit na damit hanggang sunduin ng mom ni Jean kung saan sila nakatira ngayon.

Apektado rin sa baha sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel na sa Pasig nakatira. Naalala naming gandang-ganda kami sa bahay nila nang ma-feature ito sa Yes!.

Na-feature rin sa show ang pagliligtas ni Richard Gutierrez kay Cristine Reyes sa bubong ng bahay nito sa Provident Village, Marikina City. Deadma ang actor sa akusasyong gumimik siya para sa nalalapit na showing ng Patient X, ang importante, nasagip niya ang kapareha sa nabanggit na pelikula.

Hindi kami sure kung na-report, pero binaha rin daw ang bahay ni Bearwin Meily sa isang subdivision sa Cainta. Marami pa sa mga celebrities ang binaha at sana, nasa maayos na lagay na sila ngayon.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Monday, September 28, 2009

Richard Gutierrez saves Cristine

“I’m safe na dito sa house ni ate (Ara Mina) ko. Na-rescue ng mga brothers ko ang mga pamangkin ko with jetski. Hindi ako nakasakay coz hindi na kaya. Good thing Richard (Gutierrez) came to rescue rin with speedboat naman. 1:00 p.m-1:30 a.m intense! Thank you sa lahat ng prayer. Thank you po Lord hindi mo kami pinabayaan!” sabi ni Cristine sa kanyang Facebook kahapon ng tanghali matapos ang ilang oras na takot dahil sa grabeng baha sa kanilang bahay sa Provident Village in Marikina.

Kinailangan nilang umakyat sa bubungan dahil sa sobrang taas ng tubig sa kanilang tinitirhan kasama ang kanyang kapatid at mga pamangkin.

Ang medyo sama nga ng loob ni Cristine, nasaan si Bayani Fernando?

“Bayani anung ginawa mo? Mabuti pa mga kapatid ko at si Richard na-rescue kami. Sila pa nga ang unang sumugod sa Provident,” sabi ni Cristine na ilang oras ngang trapped sa bubungan ng bahay nila.

Buti na lang din at malakas ang loob ni Richard na nanghiram ng speedboat sa isa niyang kaibigan para sakluluhan si Cristine.

Ayon sa kuwento ni Richard sa GMA 7 kahapon, sinugod nila ang malakas na ulan at mataas na baha para ma-rescue si Cristine na leading lady niya sa pelikulang Patient X.

Bukod sa sobrang taas ng baha, sobrang dilim din noong Sabado ng gabi kaya nahirapan silang hanapin ang bahay ng aktres na nasa bandang dulo pala ng village.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, September 27, 2009

Aljur Abrenica, very apologetic

Very apologetic pa rin si Aljur Abrenica kina Iza Calzado at Ms. Sharon Cuneta dahil sa diumano’y “pagnanakaw” nila ng eksena ni Kris Bernal sa premiere night ng The Echo.

Sa kanila napunta ang atensyon ng tao at ang tutok ng mga camera nang lumuhod siya sa harap ng ka-loveteam sabay bigay ng flowers dahil hindi niya ito nasundo sa bahay para sabay silang pumunta sa premiere night.

“Gusto ko sanang tawagan si Ms. Sharon para personal na mag-sorry, pero ‘di ko pa nakukuha ang number niya. Kay Ms. Iza pa lang ako nakapag-apologize at sana, napatawad niya ako. Hindi ko intention na magnakaw ng eksena, gusto ko lang mag-sorry kay Kris dahil ‘di kami nagkasabay pumunta sa premiere night. Natagalan ang check-up ko at pagdating ko sa house nila, wala na siya. Hindi ko siya matawagan sa celfone dahil namatay ang cell ko.

“Sorry talaga sa mga na-offend ko,” ani Aljur.

Samantala, biniro ng press si Aljur na cast at garter lang ang suot niya nang rumampa sa launching nila ni Kris as Bench latest endorsers sa Trinoma last Friday. T-shirts at Raw Overhauled Jeans ang kanilang ini-endorse at dahil two months pa bago alisin ang cast, mamaya sa premiere night ng Nandito Ako… Nagmamahal Sa ‘Yo, aalalayan pa rin ni Kris ang ka-loveteam para ‘di mabangga ang kamay.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, September 26, 2009

Miriam Quiambao annulled na

Masayang humarap sa press na dumalo sa wrap up party/presscon ng Patient X si Miriam Quiambao dahil divorced na siya sa kanyang ex-husband at single na uli ang status niya.

Ang gaan-gaan daw nang pakiramdam niya plus, hindi na siya mapapagod sa pag-a-attend ng hearing sa Hongkong pa.

“Annulment na lang ng wedding namin dito ang aasikasuhin ko at wala na akong problema. More than one year din ang hearing, naka­kapagod. Ngayon, puwede ko nang harapin ng husto ang career ko,” sabi ni Miriam.

Nag-uusap pa raw sila ng ex-husband niya at binati niya ito noong birthday nito, pero hanggang ‘dun na lang ‘yun at wala nang balikang mangyayari pa. Ang maganda kay Miriam, hindi siya takot mag-asawa uli.

“Hindi ako naging bitter about love, but I must admit, may trauma ng konti dahil ang feeling ko, may mga dreams akong hindi natupad. Nagsi­simula uli ako at magandang busy ako sa acting career ko. Ha-ha-ha!”

After Kimmy Dora, ginawa ni Miriam ang Patient X bilang nurse na nagbantay kay Cristine Reyes sa hospital. First horror movie niya ito, na-stress siya sa mga makatotohanang eksena at nagka-nightmare pa.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Jennylyn Mercado, hindi pa rin ipinakikita ang anak kay Patrick

Hindi pa nakikita ng personal ni Patrick Garcia ang anak nila ni Jennylyn Mercado. Hindi pa nagbabago ang desisyon ni Jennylyn na huwag ipakita kay Patrick si Alex Jazz.

Nakita lang ni Patrick ang bagets sa TV at siyempre, nakaramdam siya ng lukso ng dugo.

Hoping si Patrick na darating ang araw na ipa­pakilala sa kanya ni Jennylyn ang kanilang anak.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, September 24, 2009

Kissing scene kay Kris iniyakan ng nanay ni Aljur

Ikinagulat ni Kris Bernal nang makarating sa kanya na umiyak ang mother ni Aljur Abrenica nang mapanood ang kissing scene nila sa Nandito Ako... Nagmamahal Sa ‘Yo na idinirek ni Maryo J. delos Reyes under Regal Films.

Baligtad kasi ang nangyari. Sa halip na mother ni Kris ang mapaiyak sa naturang kissing scene ay ‘yung mother pa ng lalaki ang napaiyak. Nasabi tuloy ni Kris na bunso si Aljur at mahal na mahal ng kanyang parents at baka raw nag-aalala ang mga ito na tulu-yan nang mabaling ang attention ng pinakamamahal na anak sa kanya.

Anyway, sa presscon ng movie na showing na sa Sept. 30 ay inamin ni Kris na tumagal nang 10 minutes ang kissing scene nila ni Aljur.

“Kung napaiyak ang mother ni Aljur sa halikan namin ni Aljur. Ano pa kaya kung mapapanood nila ang iba pang halikan namin ng anak nila,” bungad ni Kris. “May kissing scene kami na tumagal na sampung minuto. Iba’t ibang anggulo ang shot ni Direk Maryo J pero nakadikit pa rin ang aming mga labi.”

Hindi ba naman sila nag-init habang kinukunan ang kanilang halikan?

Tawa ang sagot ang Kris at walang malisya sinabi na nag-init daw siya at ganoon din daw si Aljur.

Aminado rin si Kris na mahal niya si Aljur pero natatakot pa rin daw siyang sagutin na ito dahil baka maulit ang dinanas sa na-ging non-showbiz BF.

“Natatakot na akong magmahal. Kasi sobra ta-laga akong magmahal. Nakakalimutan ko ang lahat kapag ako ay nagmahal. Sa kanya na lang ako nakasentro at napapabayaan ko na ang iba ko pang dapat gawin,” ani Kris.

Aminado rin si Kris na selosa siya at natatakot siya na masyadong lapitan ng mga babae si Aljur at ito ang maging dahilan ng kanilang pag-aaway.

Inamin naman ni Aljur sa harap ni Kris: “Yan ang akala mo. Seloso rin ako pero ‘di ko lang ipinakikita. Kung darating ang panahon na may makitang lalaki si Kris na siyang magpapaligaya talaga sa kanya ay ipauubaya ko na lang ang aking pagmamahal.”

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, September 23, 2009

Marian Rivera has no Facebook account

Balik-Regal Entertainment si Eugene Do­min­go after magkatampuhan ang manager niyang si Ricky Gallardo at si Mother Lily Monteverde. Ka­­sa­ma na ang komedyana sa Nieves, her next movie after Kimmy Dora (Kambal sa Kiyeme) at tiyak na isa na namang nakakatawang per­formance ang kanyang ibibigay sa mga moviegoers.

Sa storycon last Saturday dumating ang buong cast sa pangunguna ni Marian Rivera, Carla Abellana, Jake Cuenca, Ryan Eigenmann, AJ Dee, BJ Forbes na pumalit kay Buboy Villar as Ma­rian’s sidekick, at Keempee de Leon. Present din si direk Mike Tuviera at co-producer na si Tony Tuviera. Sa Sept. 26 na ang first shooting day nila sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Gusto palang ipaalam ni Popoy Caritativo, manager ni Marian na walang Facebook account ang actress at fake lahat ang makikitang site. Pinakamatindi sa fake Facebook account ni Marian yung may mga behind-the-scene pictures sa taping ng Darna at kompleto sa schedule ng actress dahil ibig sabihin, laging na­kasunod ang taong ito kay Marian.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Monday, September 21, 2009

Panday mas magastos sa Exodus

Hindi pa matukoy ni Sen. Bong Revilla kung magkano aabutin ang Panday, ang pelikulang entry ng Imus Films at GMA Films sa Metro Manila Film Festival dahil kahit tapos na ang shooting, lalagyan pa ng special effects ang movie at may promo factor pa. Ang alam lang nito’y mas malaki ito kesa Exodus na to date, his biggest movie ever.

“Aabutin siguro kami ng P80 million sa Panday dahil marami itong visual effects, ang daming location (Laoag, Tanay, Quezon). Mas preparado kami ngayon at marami ang nagtutulung-tulong para mapaganda ng husto ang pelikula.”

Nabanggit ni Bong na February pa sila nag-start ng shooting at masaya dahil una sila sa mga entries na matatapos. Si Mac Alejandre ang director nito, si Rico Gutierrez ang visual effects director, si Richard Somes ang production designer at si Ogie Salvador ang editor na editor din ng Panday series ni FPJ.

Prequel ng Panday ni FPJ ang ginagawa ni Bong, may dagdag na characters at may dragon pang kasama, pero galing pa rin kay Carlo J. Caparas ang idea. Kaya nasa title ang pangalan ni direk Carlo. Kuwento ni Bong, noong buhay pa si FPJ, ipinagkatiwala nito sa kanya ang Panday na siya niyang ginagawa.

“Sabi ni ninong Ronnie, take care of Panday, regalo at tribute sa kanya ang pelikulang ito at kaya gusto kong gawing magandang-maganda. Hindi ako mapakali hangga’t hindi ko ito nagagawa. Bago ko ito gawin, nagpaalam muna ako kay ninang Susan (Roces).”

[via]

Labels:


Continue Reading...

Aljur Abrenica nadisgrasya sa shooting

AYON sa handler ni Aljur Abrenica, nadisgrasya ang aktor sa taping ng All My Life kaya itinakbo nila ito sa St. Lukes Hospital para gamutin kaagad ang nabaling buto sa kanang kamay niya.

Naganap ang aksidente sa fight scene ni Aljur kung saan nagkamali raw ito ng suntok at tumama ang kamay sa pader. Sa sobrang la-kas ng pagkakasuntok ay nabali ang kamay nito kaya kinailangang isugod agad sa ospital, kung saan sinabihan daw ng doctor si Aljur na kailangang operahan siya para maisaayos ang nabaling buto. Tapos na raw ang operasyon at kasaluku-yang nagpapahinga ngayon ang aktor.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, September 20, 2009

Sunshine Dizon hindi kayang tapatan ang husay ni Nora Aunor

HINDi na lang pinapansin ni Sunshine Dizon ang tsikang second choice lang siya kay Jennyly Mercado bilang bidang babae sa ba-gong Sinenovela ng GMA-7 na Tinik sa Dibdib, na pinagbidahan noon sa pelikula ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

Tsika ni Sunshine, hindi pa natatapos ang All About Eve ay sinabi na sa kanya ng management ng Kapuso Network na gagawin niya sa telebisyon ang nasabing pelikula ni Ate Guy.

Dagdag ni Sunshine, ma-tindi ang pressure sa kanya ngayon sa panibagong Nora project after Bakekang na super-hit sa mga manonood nang gawin niya sa telebisyon.

This time daw natatakot siyang baka hindi niya mapantayan ang galing ng Superstar nang pagbidahan ni-ya ito sa pelikula.

Ngayon pa lang, sinasabi na ni Sunshine na wala siyang planong higitan o pantayan man lang ang husay ni Ate Guy sa movie version ng Tinik sa Dibdib.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, September 19, 2009

Heart Evangelista is Sharon's daughter in 'Mano Po 6'

JOEL Lamangan is certainly the busiest TV and film director today. After "Adik Sa'Yo," he now megs Mark and Jen in "Ikaw Na Sana." He also directed them earlier in "Paano Ba ang Mangarap," a hit. On the big screen, he has two films in the can: the political thriller "Dukot" and the gay dance-drama, "I Luv Dream Guyz." He's now lensing two new films: "Sagrada Familia" with Lovi Poe and Snooky Serna ("3 days na lang kami") and just started "Mano Po 6" with Sharon Cuneta, Christopher de Leon, Zsa Zsa Padilla, Dennis Trillo, Boots Anson Roa, Sid Lucero and as Sharon's daughter, Heart Evangelista (so Dennis gets his wish to finally work with Heart, and in a movie at that, not just on TV.) He's also set to start shooting a new indie drama, "Burak," about the dregs of our society, written by Palanca award-winner, Eric Ramos.

He megged Pauleen and Dennis in "Adik Sa'Yo" so he saw how their relationship blossomed. Would he also know why it ended? "Ay, hindi ko rin alam," he says. "Mismo ako, nagtaka why their relationship ended when the show ended. Pero bata pa naman sila, marami pang puedeng mangyari sa buhay nila."

How about Mark and Jen? "Their wonderful chemistry remains. I directed them when they were teeners in 'Blue Moon' and, definitely, mas nag-mature at gumaling ang acting nila."

The theme of the "Ikaw Sana" presscon was obviously Christmas and they even invited a choir to sing Christmas carols live during their presentation. "The -ber months have started and gusto namin, kami ang mauna sa pagbati sa press ng Maligayang Pasko. Also, the story ends on Christmas Day at ta-lagang the show will run up to Christmas kaya bagay na bagay na mag-presscon kami na Kapaskuhan ang motif."

[via]

Labels:


Continue Reading...

Friday, September 18, 2009

Geoff meets Carla's real BF

HOW does Geoff Eigenmann feel about "Rosalinda" being moved to a later slot to give way to "Stairway to Heaven"? "It's GMA's decision, we have to trust their judgment," he says at the renewal of his contract with Hanford Briefs and Shirts. "Siguro, now that the ratings of 'Rosalinda' have gone up, mas priority naman nila ang 'Stairway'. Sana lang, we won't lose our viewers now na medyo late na kami."

How does he feel about the addition of Jomari Yllana in "Rosa-linda" as Alex, his rival over the love of Carla Abellana? "Okay naman, ‘yun talaga ang nasa original story and GMA is really faithful to the source. Mas gumanda nga ang conflict sa show kasi ako rin, ikakasal naman kay Katrina Halili as Fedra as I thought Rosa-linda is dead, just in time when she regains her memory as Paloma."

What's the status now between him and Carla off cam? "She's definitely one of my best friends now."

Has he seen her rumored BF, cager JC Intal? "Yes, nang ihatid ko siya once sa bahay nila. JC was there and he was introduced to me. Carla says friends na lang sila."

Geoff is thankful to Hanford for supporting him for the past two years. "This is my third year with them and we really have a good relationship so I'm renewing my contract."

He did a new sexy pictorial for them showing his slimmer, tighter body. "I worked out a lot, pati sa diet, I have special meals."

"Geoff really helped increase our sales," says Hanford marketing boss Pilar de Guzman. "You'll see his new sexier billboards soon. We're also happy for him for his success as Fernando Jose in 'Rosalinda'."

[via]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, September 17, 2009

Mikey: I'm happily married

Perhaps DJ Mo Twister doesn’t realize what a fix he has gotten into with his recklessness. Remember how he mentioned in Twitter that Rufa Mae Quinto is engaged to be married to Pampanga Rep. Mikey Arroyo, conveniently forgetting that Mikey is married to Angela Montenegro with whom he has two children?

When that entry was picked up by the movie press and the TV talk shows, Mo promptly deleted it. But it was too late. Reacting to an item in Jun Lalin’s column, Mo called the healthy Jun “pig” in his Twitter and then again deleted it, but only after many people had read it. In short, the damage had been done in both cases before Mo did some “damage control.”

When he apologized for dragging Mikey into showbiz gossip, Mo said that he didn’t know that he was not supposed to put it on record.

Showbiz-observers put part of the blame on Rufa Mae who started it all by claiming on national television that she has a new house in San Francisco worth P30 million given to her by her boyfriend whom she’s marrying in the near future.

The other day, Jojo Gabinete and Lolit Solis met with Mikey who denied the yarn that Mo spread via his Twitter.

“I am happily married,” Mikey told Lolit and Jojo. “I don’t know where or from whom Mo Twister got his story. Alam n’yo namang kuripot ako. Sa kakuriputan kong ito magbibigay ba ako ng bahay na halagang P30 million?”

Jojo didn’t say if Mikey and/or his wife Angela are planning to file a case (libel, maybe?) against Mo.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, September 16, 2009

Adik Sa ‘Yo ends

TAPOS na ang Adik Sa ‘Yo kung saan isa sa lead stars sina Pauleen Luna at Dennis Trillo.

Sa programang ito nagkaroon ng relasyon dalawa na napapabalitang hiwalay na.

Marami tuloy ang nagtataka kung bakit ang bilis natapos ang relasyon ng dalawa? Dahil daw ba tapos na rin ang kanilang programang pinagsamahan?

Ang akala ng iba ay mauuwi sa isang seryosong relasyon ang kina Pauleen at Dennis, kaya nagulat ang pamilya’t mga kaibigan nila nang basta na lang ito natapos.

Maraming speculations kung bakit nagbago ang pagtitinginan nina Pauleen at Dennis.

Balita kasing may nakita nang iba ang aktor kaya agad tinapos ang ugnayan kay Pauleen.

Ayon naman kay Pauleen, nagulat na lang siya at nadamay ang pangalan ng anak ni Jean Garcia na si Jennica sa relasyon kay Dennis.

Giit ni Pauleen, kaibigan niya si Jennica at hindi totoong may kaugnayan ito sa break-up nila ni Dennis.

Paliwanag pa ni Pauleen, nag-usap sila nang maayos ni Dennis at pareho nilang na-realize na hindi pa sila ng handang pumasok sa ser-yosong relasyon.

Aminado ang dalaga ni Mommy Chat na naging close sila ng young actor nu’ng ginagawa ang Adik Sa ‘Yo.

Hindi rin daw niya akalain na magkakaroon sila ng special relationship ni Dennis at basta na lang daw nangyari ‘yun.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Tuesday, September 15, 2009

Heart Evangelista di na kayang balikan si Jericho

Nakakapag-kuwento na si Heart Evangelista ng tungkol sa nangyari sa kanila ni Jericho Rosales. Kung noon, panay ang pakiusap niya na ‘wag na lang pag-usapan ang mga nangyari sa kanila, ngayon super open na siya sa pagtsika tungkol sa biglaang natapos nilang relasyon ng aktor noon.

“Mahal namin ang isa’t isa pero alam mo yun, hindi na puwede. Pag magkasama kami, magugunaw ang mundo,” sabi ng aktres na halos dalawang linggo pa lang naooperahan dahil sa appendicitis.

Kaya kahit aminado siyang mahal niya pa rin talaga ang dating boyfriend kung saan niya ipinagpalit pansamantala ang kanyang pamilya at career, ngayon kahit anong mangyari, wala na siyang planong makipag-relasyon uli sa aktor na Kapamilya.

In fact nang maopera siya, nagpasabi ang aktor kung puwedeng dumalaw. Pero hindi na siya pumayag. “What for. Ayoko na,” matigas na pahayag ni Heart sa isang tsikahan over merienda.

Yun ay kahit mahal pa niya at mahal pa siya at compatible sila. “Pero alam mo yun. It’s not meant to be, hindi talaga eh,” dagdag niya.

At kahit pagiging magkaibigan, ayaw na niya sa aktor dahil naka-move on na siya at ayaw na niyang balikan kung anuman ang nangyari sa kanila noon.

“Our world is so different. He is not the same person before,” sabi niya. Huli silang nagkausap ng aktor months ago nang magdesisyon silang mag-usap at magkaliwanagan matapos ang biglaang paghihiwalay noon na ikinagulat ng marami dahil hindi nila inasahan na sa hiwalayan mapupunta ang relasyon nila.

Ang American actress (na hindi ko maalala ang pangalan) na naka-partner ng actor sa isang project ang naging cause ng biglang pag-ayaw ni Heart kay Echo at hindi ang Malaysian actress na si Carmen Soo na itinuturong salarin noon dahil may ginawang project ang dalawa.

So, hoping against hope na ang balikang Heart at Echo. Period.

After ng nasabing hiwalayan, nakarelasyon niya ang isang guy na galing sa mayamang angkan, si FD. Pero hindi nagtagal. For the first time, kinuwento niya na arogante at walang respeto sa kanyang magulang ang nasabing nakarelasyon kaya naghiwalay sila. “I broke up with him,” matigas na sabi ni Heart tungkol sa nasabing lalaki na noong karelasyon pa niya’y pinagtsitsismisan na hindi sila bagay dahil hindi raw ito kaguwapuhan.

Maging ang pamilya niya raw ay ayaw sa nasabing guy dahil wala nga itong respeto.

Ngayon, meron siyang regular na dini-date. Si Ian Lee, first boyfriend niya na family friend nila.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Q-11 launches Premiere Nights

Starting tonight at 8:30 and tomorrow, Sept. 16, Q-11 launches its weekday movie block tagged Premiere Nights.

Watch never-before-seen television movies originally produced and released in the US. Q-11 brings each of these movies in four parts just like a mini-series — one hour each on Tuesday and Wednesday nights for two weeks.

The first offering tonight is The Last Templar, a four-hour mini-series based on the 2005 New York Times best-selling novel by Raymound Khoury. The series was produced and aired by the NBC television network early this year.

Award-winning actress Mira Sorvino and Scott Foley star in the suspense, drama and action-filled tale. The series revolves around the pursuit of Tess Chaykin (Sorvino), an archaelogist in Manhattan and Sean Daley (Foley), an FBI agent, to uncover the lost secrets of the Knights Templar — an ancient and mysterious group formed during Christianity’s early days.

Mysterious, exhilarating and riveting, The Last Templar will glue everyone to their seats. Part 2 airs same time tomorrow, Sept. 16.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Monday, September 14, 2009

Jennica Garcia, Sheena Halili ayaw tularan si Kris Bernal

AYAW sundan nina Jennica Garcia at Sheena Halili ang pinausong trend ni Kris Bernal sa soap ng GMA7, ang halikan na kung tawagin ay laplapan.

Katuwiran ng dalawang young stars na tampok ngayon sa SRO Cinema Serye Presents: Reunion na magsisimula na sa Huwebes pagkatapos ng GMA Telebabad, ‘di raw sila minahal ng kanilang fans sa ganoong eksena. Sabi nina Jennica at Sheena, hindi naman sila nakilala ng fans sa pamamagitan ng kissing scenes. Hindi pa raw sila ready sa ganoong mga eksena. Puwede raw kung padampi-dampi lang sa lips.

Panibagong episode ito ng SRO na tumatalakay sa reunion ng high school students. Comedy-drama ang takbo ng istorya nito na idi-nirek ni Soxy Topacio. Si Direk Soxy rin ang gumawa ng highly successful SRO episode na Rowena Joy na tinampukan nina Iza Calzado at Bb. Gandanghari.

Kasama rin sa cast ng Reunion sina Rainier Cas-tillo bilang love team ni Sheena. Balik-tambalan ito nina Sheena at Rainier na nagka-relasyon noong panahon ng StarStruck batch 1.

Si Mart Escudero, na mu-ling nanligaw kay Jennica, ang ka-love team ng young actress. Inamin ni Mart sa presscon ng Reunion na mag-MU na ulit sila ni Jennica.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Rhian Ramos handa nang ma-link kay Dingdong Dantes

READY na raw si Rhian Ramos sa posibilidad na ma-link sila ng kanyang bagong leadingman na si Dingdong Dantes dahil sa pagkaka-love team nila sa Stairway to Heaven na magsisimula nang mapanood sa GMA7 mama-yang gabi (Sept. 14) pagkatapos ng Darna.

“Yan ang nangyayari ‘pag pinag-love team ang isang young actor at young actress sa isang show. Tanggap ko na ‘yan,” wika ni Rhian sa isang interview namin.

Kumusta ang lovelife mo? Ready ka na bang ma-in love seriously at magkaroon ng serious boyfriend?

“Parang hindi pa. Kasi naman sinubukan ko na ‘yan, makipag-date, pero walang nangyari.”

Wala na ba kayong communication ni JC ( de Vera)?

“We’re still friends.”

Nagkikita pa ba kayo?

“Hindi na, pero may communications pa rin kami.”

Anong preparations ang ginawa mo for your role as Jodi sa Stairway to Heaven?

“We did a lot of workshops para magampanan namin nang mahusay ‘yong role namin ni Dingdong. And ayon sa feedback na narinig namin mula sa mga nanood ng premiere ng Stairway to Heaven, convincing naman daw ang pagganap namin.”

Bukod kay Dingdong at Rhian makakasama rin sa Stairway to Heaven sina Jean Garcia, Sandy Andolong, TJ Trinidad, Glaiza De Castroat marami pang iba, sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal and Andoy Ranay. Ang theme song nito ay inawit ni Regine Velasquez.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, September 13, 2009

Jennica Garcia binabalikan ni Mart Escudero

Natupad na ang wish ni Mart Escudero na magkabalikan na sila ni Jennica Garcia bilang loveteam sa SRO Cinemaserye Presents Reunion. Nawala kasi ang kanilang loveteam noon nang nagkaroon sila ng peronal na problema at itambal si Jennica kay Dennis Trillo sa Adik Sa ‘Yo.

Pero ngayong tapos na ang Adik Sa ‘Yo ay pinagtambal silang muli GMA Network.

Ayaw pa ring sabihin hanggang ngayon ni Jennica ang totoong dahilan ng break-up nila ni Mart. Pero aminado siyang masaya siya ngayon dahil madalas na silang nag-uusap ni Mart. Puspusan naman ang muling panliligaw ni Mart sa dalaga ni Jean Garcia at confident ang aktor na magkakabalikan sila.

Kasama rin sa Reunion ang ex-sweethearts na sina Rainier Castillo at Sheena Halili, pero malabo raw mag-kabalikan ang mga ito. May non-showbiz girlfriend ngayon si Rainier na commercial model at malaki ang pagkakahawig kay Sheena, take note, huh!

[via]

Labels:


Continue Reading...

DJ Mo ininsulto ang matataba

Hindi pa natatapos ang problema nila ni Rufa Mae, may bagong isyu si Mo dahil buong ningning niyang isinulat kahapon sa kanyang Twitter account na “pig” o “baboy” ang entertainment columnist-publicist na si Jun Lalin.

Hindi yata binasa ni Mo ang column item kahapon ni Jun na may pamagat na “Noynoy, Mas Gwapo Kay DJ Mo!”

Hindi nagbasa si Mo kaya hindi niya alam na si Kris Aquino at hindi si Jun ang nag-dialogue na mas guwapo si Noynoy kesa sa kanya.

Naging padalus-dalos si DJ Mo. Nilait niya ang pagkatao ni Jun. Isinulat niya sa kanyang Twitter account na “coming from a writer so fat he looks like a kilometer.”

Hindi pa nakuntento si Mo, pinersonal niya si Jun. Inilagay niya sa kanyang post na “well, cuz i used to love bacon. worship bacon. and it hurts his feelings cuz he’s a pig.”

Mabilis na nalaman ni Jun ang nakakainsultong komento ni Mo. Nagsalita si Jun na wala siyang balak na patulan ang pagtataray ni Mo hanggang mag-sink sa kanya na walang masama sa column item niya.

Napaiyak si Jun sa sobrang sama ng loob dahil nakaramdam siya ng awa sa kanyang sarili.

As usual, binura ni Mo ang kanyang Twitter entry nang malaman niya na marami ang nagalit sa kanyang isinulat. Hindi na naman niya napaninindigan ang kanyang pagtataray.

Hindi kasalanan ang maging mataba. Kung nasa Amerika si Mo, siguradong binoykot na ng mga tao ang kanyang mga programa.

Iyak nang iyak si Jun at ang balita ko, may gagawin siyang aksyon laban sa pambababoy na ginawa ni Mo sa kanyang pagkatao. Ano ang gagawin ni Mo? Mag-sorry kaya uli siya na parang walang nasaktan sa kanyang racist remark?

Tatawa-tawa uli kaya siya habang nagsasabi ng sorry na lalong ikinairita ni Rufa Mae dahil hindi nito na-feel ang sincerity ni Mo?

[via]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, September 12, 2009

Ogie Alcasid forgives dancer who 'kicked' him

OGIE Alcasid figured in a freak accident in "SOP" last Sunday when the mike he was holding was kicked by Sex Bomb dancer Danica and then it hit his mouth, damaging some of his teeth and his lips. "Umuwi na lang ako and was no longer able to perform in the show," he says. "Hindi naman ginusto 'yun ng dancer."

Danica is really thankful that Ogie didn't make a big issue out of it. "Buti't mabait siya't maunawain," she says.

Ogie will be back in "SOP" tomorrow to promote his movie with Michael V, "Yaya and Angelina, The Spoiled Brat Movie." He says it'll be his last movie where he'd appear wearing women's clothes. "Kasi ikatlong movie ko na ito na I'm in drag after 'Desperadas' and 'Oh My Girl,' kaya kailangang iba naman para hindi magsawa ang viewers."

His inamorata Regine Velasquez recently announced that she wants to have a Herminio (Ogie's real name) Alcasid, Jr. soon and some folks concluded she must be preggy. "No, she's not," says Ogie. "Kasal muna bago baby. And right now, hindi pa ayos ang annulment ko rito sa Pilipinas, whereas 'yung kay Michelle (Van Eimeren, his first wife) in Sydney, naayos na kaya she can afford to get married again this November."

Ogie and Regine are also glad that their "Celebrity Duets" maintain high ratings. Last Saturday, it got 19.2% and it's expected to rate higher tonight with the 9 contenders preparing fabulous numbers to outdo each other.

The judges say that they are all still on equal footing as of now, which means anyone can be eliminated by tonight. Voting officially began last week and you can vote on your fave singer until lunchtime today. Tonight, the lowest pointer among the celebrities will be eliminated from the show. So, find out who among actors Jomari Yllana and Gina Alajar, boxing champ Nonito Donaire, beauty queen Janina San Miguel, beauty maven Mikaela Bilbao, designer Maxie Cinco, king of scents Joel Cruz, model Akihiro Sato, and photographer Niccolo Cosme will be the first to leave "Celebrity Duets" tonight after Pinoy Records on GMA.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Friday, September 11, 2009

Carla Abellana, flirting with Aljur Abrenica?

FANS of the Aljur Abrenica-Kris Bernal love team are accusing Carla Abellana of flirting with Aljur after she chose him as the best among the ten young hunks featured in the Cosmo mag where she's on the cover.

"Bakit naman nilagyan agad ng malisya 'yun?" Carla asked on the set of "Rosalinda.” "I was just asked kung sino ang the best ma-feature sa centerfold and I said it's Aljur dahil nagkasama na kami sa acting workshops and he's really nice to me. Ano'ng masama ru’n? Di sana, iba na lang ang pinili ko kung bibigyan din lang nila ng masamang kahulugan. Para lang kaming magkapatid ni Aljur at pinu-po pa niya nga ako kasi I'm a few years older than him."

What can she say about Jomari Yllana's statement that she shows much promise as an actress? "I'm really thankful to him kasi he has a lot of experience na in the industry and coming from him, that's an honor. Masaya naman kami in our scenes sa 'Rosalinda' so far."

We heard she'll also do love scenes with Jom. "If it's for the good of the show, I'm ready to do it.. Wala naman akong choice. Basta pag sinabi ni Direk Maryo de los Reyes na kailangang gawin ko, I'll do it."

How is she preparing for her transformation as top singer Paloma? "With the help of my acting coach, Ms. Ann Villegas, I really studied the role well. Nag-experiment na rin kami sa magiging looks ko, sa hair and wardrobe ko. As Paloma, mas matapang na si Rosalinda, di na paaapi."

[via]

Labels:


Continue Reading...

Adik Sa ‘Yo, ending na

Sa pagtatapos ng Adik Sa ‘Yo ngayong gabi, asahang mas magiging nakaka­tawa at nakaka-kilig ang mga tagpo sa pagitan nina Ruben (Dennis Trillo), Karen (Jennica Garcia), Carlos (Marvin Agustin) at Joana (Jolina Magdangal) – ang apat na pangunahing tauhan sa romantic-comedy series na ito ng GMA-7.

Nagkabalikan na sa wakas sina Ruben at Karen subalit hanggang kailan? Sa pagdating ni Liza (Chynna Ortaleza) sa buhay nila, patuloy pa rin ito sa panggugulo. Ngayon, pakay naman nitong paghiwalayin sina Ruben at Karen.

Samantala, di pa rin nagkakabati sina Joana at Carlos kahit na anong gawin ng una. Padadalhan ni Joana ng singing telegram si Carlos sa pag-asang mapatawad na siya ng binata. Maging effective kaya ang plano niya?

Malalaman na rin ni Joana ang tunay na kulay ni Fatima (Eugene Domingo). Papipiliin niya ito : wag na ituloy ang kanyang paghihiganti o lumayo ang anak nito sa kanya? Magbabalik naman ang luka-lukang nanay ni Liza para maghasik ng lagim sa mansiyon. Kayanin pa kaya ito nina Luigi (Joey Marquez) at Stella (Elizabeth Oropesa)?

At di lang ‘yan! May magpapakamatay, may mang­ho-hostage, at may malaking surprise pa sa ending, na dapat talagang abangan ng mga manonood ng ASY.

Mapapanood ang huling gabi pagkatapos ng Rosalinda sa GMA Telebabad.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, September 10, 2009

Sitcom ni Pacman pinataob lahat ng kasabay na show

TODO-LAGARE si Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa showbiz commitments niya last Tuesday night.

Hinati niya ang oras niya sa taping ng Show Me Da Manny at pelikula niya sa Solar Films, ang Wapacman.

Minadaling kunan ang lahat ng mga eksena ni Manny sa Show Me Da Manny, kaya agad nakaalis agad sa set at around 7 p.m.

Kailangan ding tapusin ni Manny ang taping days niya sa naturang sitcom pumunta sa training sa Baguio City.

So far naman, nakaipon na siya ng dalawang buwang episodes.

Happy din si Manny dahil panay ang pagbati sa kanila ni Marian Rivera dahil sa sobrang taas ng ratings ng kanilang show.

Aba, last Sunday ay ina-abangan talaga ng televiewers ang sitcom ni Pacman.

At tulad nang inaasahan, of all the shows last Sunday sa GMA-7 at sa iba pang TV stations, No. 1 ang Show Me Da Manny na nakakuha ng 23.7% sa rating.

Ganyan inaabangan ang sitcom ni Wapacman, kasi naman ay guaranteed laughter ang hatid ng programa.

May hatak din ang guesting last Sunday nina Kris Bernal, Paolo Avelino at Aljur Abrenica.

This Sunday ay guest ang singer ng bandang si Ely Buendia, na first time na lalabas sa isang sitcom.

First time din na mapapanood ang jamming nina Manny at Ely.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Wednesday, September 09, 2009

Carla Abellana, may ‘K’ itapat kay DARNA

Kung hindi pa dahil sa launching ng September issue ng Cosmopolitan magazine, hindi pa namin makikita in person si Carla Abellana, bida rin sa teleseryeng Rosalinda sa GMA-7.

In fairness, may kalalagyan talaga si Marian Ri-vera kung magloloka-loka-han siya.

That is, kung beauty and kaseksihan ang pag-uusapan.

Aba, up close and personal ay talagang puwedeng-puwedeng itapat si Carla kay Darna.

Tapos, may pinag-aralan pa at magaling sumagot sa question and answer portion.

Mababasa sa September issue ng Cosmopolitan magazine ang kabuuan ng interview kay Carla na si-guradong mabibigyan ng magagandang tips ang bagets na tulad niya.

Pinangunahan naman ni Gerald Anderson ang 10 celebrity bachelors, kasama sina Ejay Falcon and Joem Bascon sa Cosmo Men Supplement. May pagka-da-ring ang pictorial dito ni Joem at tiyak gagana ang imagination ng mga kapatid dahil sa sexy pose dito ng aktor.

Kasali rin sa 69 bachelors ang bagets na sinasabing kinalolokohan daw ngayon ni Melissa Mendez.

Kung zino ziya? Itago na lang natin siya sa mga initials na RC.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Rufa Mae Quinto, galit pa rin kay DJ Mo

KAHIT nagbigay na ng public apology si Mo Twister kay Rufa Mae Quinto, mukhang hindi pa rin ito tinatanggap ng sexy comedienne.

Kahapon, sa radio program ng katotong Ogie Diaz, imbudung-imbudo (imbiyernang-imbiyerna) pa rin si Rufa Mae kay DJ Mo.

Matatandaang nagalit si Rufa Mae kay DJ Mo (for the nth time) dahil sa inilagay ng huli sa Twitter account niya na engaged na ang sexy comedienne kay Congressman Mikey Arroyo.

Dahil sa galit ni Rufa Mae, hindi ito sumipot sa Showbiz Central kung saan ay pareho silang co-hosts ni DJ Mo.

That Sunday afternoon, nag-apologize on air ang TV host-DJ saying na Internet joke lang ang kanyang ginawa.

Pero mukhang this time, galit na talaga si P-Chi (palayaw ni Rufa Mae). Ayon sa panayam ni Ogie, wala na siyang ire-react sa kaso-sorry ni Mo dahil pauli-ulit na lang ito sa paggawa ng kasalanan sa kanya.

Ayon kay Rufa Mae, lagi na lang ganito si DJ Mo sa kanya, gagawan siya ng issue pagkatapos ay magso-sorry, pero uulitin na naman after a while.

Mataray pang pahayag ng sexy comedienne, bakit hindi na lang ang anak nitong may sakit ang pagtuunan ng pansin ni Mo kesa gawan siya ng issue?

Matatandaan ding si DJ Mo ang nagpasimula ng isyung may relasyon si Rufa Mae kay Dr. Hayden Kho, na ikinagalit din noon ng sexy comedienne.

Sa tanong kung babalik pa ito sa Showbiz Central, ani P-Chi, pinag-iisipan niya pa ito at parang ayaw na raw niyang bumalik pa dahil kay DJ Mo although nilinaw naman niya na mahal niya ang iba pang kasamahan sa nasabing talk show.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Monday, September 07, 2009

Dingdong Dantes nag-iba ang tingin kay Rhian

Ginawa kagabi ang red carpet cinema premiere ng Stairway to Heaven sa SM Megamall na dinaluhan ng buong cast ng Pinoy adaptation ng K-novela. Mamaya naman ang grand press launch at sa September 13, ang TV launch sa S.O.P. at sa Sept. 14, ang premiere telecast.

Sa mga nagdududa pa rin na kakayanin ni Rhian Ramos ang role ni Jodi, si Dingdong Dantes na ang nagsasabing kayang-kaya ito ng kanyang kapareha.

“She’s very cooperative, seryoso at hindi nagsasalita sa set laging nagbabasa ng script. Masipag siya, nag-iba ang perception ko sa kanya dati,” sabi ni Dingdong.

Nagpa-piano si Cholo, ang karakter na gagampanan ni Dingdong at nagkaroon siya ng piano lesson, pero aminadong hindi niya mapi-perfect ang eksena’t kailangan ng assistance.

Mataas ang expectation ng viewers sa Stairway to Heaven at umaasa ang GMA-7, cast, staff kasama sina Direk Joyce Bernal at Andoy Ranay na hindi madi-disappoint ang viewers.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Sunday, September 06, 2009

DJ Mo links Rufa Mae to Mikey

JUST when they are almost friends again, expect Rufa Mae Quinto to be sore once more at her "Showbiz Central" co-host DJ Mo. Rufa Mae didn't talk to Mo for several weeks after he brought up her alleged sex video with Hayden Kho in the show. Now that she has talked about a mysterious lover whose identity she refuses to reveal but who she admits is a "kabalen" like her, Mo wrote on his Twitter account that he's betting that her generous boyfriend who gave her a $30 million worth of house and lot in San Francisco is no one else but presidential son Mikey Arroyo, who's also a "kabalen.”

It'll be recalled that Rufa Mae was earlier linked to the First Gentleman. Mo even stressed: "Mark my word, Rufa Mae is engaged to Mikey Arroyo. Who wants to bet I'm wrong?" As everyone knows, Mikey is very much married with two daughters.

"Ayoko na lang siyang patulan," says Rufa Mae. "I just forgave him recently for what he has done to me before as I'm in a positive mood at ayoko na ng negative thoughts, tapos binastos na naman niya ako. I don't know kung ano ang ginawa ko sa kanyang masama for him to do this to me."

Expect Rufa Mae to give Mo the cold shoulder treatment once again in "Showbiz Central" this afternoon.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Saturday, September 05, 2009

Iza Calzado naging mabusisi nang lumipat ng bagong bahay

Kakaiba ang role ni Iza Calzado sa Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie bilang isa sa mga teroristang kikidnap sa Duchess of Wellington. Dusa man dahil kainitan ng araw kinunan ang kanyang mga eksena, nag-enjoy pa rin siyang mapasama sa pelikulang magpapatawa sa moviegoers ‘pag pinanood simula September 23.

Sa Sept. 23 din ang showing ng The Echo na sabi ni Iza, una nang ipinalabas sa Korea at Russia. Umaasa na lang ang actress na parehong panonoorin ang dalawang pelikula’t magka-iba naman ang tema.

Samantala, nakalipat na sa nabiling bahay si Iza sa isang subdivision sa Quezon City na for safety reasons, hindi na niya sinasabi ang location. Sa bagong bahay na siya nag-birthday at dito na rin magpa-Pasko. First Christmas niya sa nabiling bahay, kaya tuwang-tuwa ito.

“I have a bigger place, but bigger problem din naman. Napansin ko rin na dati, hindi ako mabusisi, ngayon O.C. na ako at lahat napapansin,” kuwento ni Iza.

Si Iza rin pala ang leading lady ni Sen. Bong Revilla sa Panday na entry ng Imus Productions at GMA Films sa Metro Manila Film Festival. Malapit na rin siyang mapanood sa afternoon drama ng GMA-7, ang TV remake ng Kaya Kong Abutin Ang Langit.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Friday, September 04, 2009

Aswang Ang Nanay Ko movie, shelved

“Officially shelved” ang status ng Aswang Ang Nanay Ko, launching movie sana ni Carla Abellana sa Regal Entertainment dahil sa casting problem. Hindi raw magagawa ni Eugene Domingo ang pelikula dahil sobrang napagod sa shooting ng Kimmy Dora at magpapahinga muna for four months. Tinapos lang nito ang Adik Sa ‘Yo at ‘di muna tatanggap ng soap at ang Cool Center muna ang regular show. Si Eugene sana ang gaganap na ina ni Carla.

Na-feel yata ni Carla na ‘di matutuloy ang Aswang Ang Nanay Ko dahil tuwing nata­tanong tungkol dito, puro “wala akong alam” ang sagot. Ang alam lang niyang pelikulang gagawin ay ang Nieves na sa September 10, na ang first day shooting at kasama niya si Marian Rivera.

Dadalaw kami sa taping ng Rosalinda mamaya at pagre-reakin namin si Carla sa ‘di pagkatuloy ng kanyang launching movie.

Mamaya na rin namin mai-interview ang actor na gaganap sa role ni Alex Dorantes, ang talent agent na magbi-build-up kay Rosalinda. Kilala na namin siya, ayaw pa nga lang ipasulat ang pangalan hanggang wala pang go signal.

Samantala sa Rosalinda mamaya, palaboy na si Rosalinda at makikilala niya ang batang si Tabebeng (Sweet Ramos) na magtuturo sa kanyang magnakaw.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Thursday, September 03, 2009

Carla Abellana on Cosmo magazine cover

May pagka-sexy ang litrato ni Carla Abellana sa cover ng September issue ng Cosmo magazine at ’di na raw mauulit dahil ’di siya komportable. Ayaw din niyang magalit ang lola niyang si Lilia Dizon at amang si Rey “PJ” Abellana kung magpi-pictorial uli siya na pa-sexy.

Pasalamat pala si Carla na wala siyang taping ng Rosalinda sa Sept. 10 dahil manonood siya ng Cosmo Bachelor Bash sa NBC Tent. Matagal na niyang gustong manood sa pagrampa ng 69 Bachelors at 10 Celebrity Centerfolds ng magazine at this year lang matutuloy. Biased na kung biased, pero si Aljur Abrenica ang pinakanagustuhan niya dahil sa laki ng ipinagbago, from his looks at sa body built.

Hindi dapat magselos si Geoff Eigenmann o ang “the guy” (tawag niya sa rumored BF at basketeer JC Intal), sabi ni Carla, manood man sila ng Cosmo Bachelor Bash dahil wala siyang commitment sa dalawa. Nag-abot na rin sa bahay niya sina Geoff and “the guy” nang ihatid siya ng kapareha after ng taping ng Power of 10 at may dalhin si JC para sa lola niya at sa kanya.

“Hindi awkward ang pagkikita nila at na-appreciate ko na si ‘the guy’ pa ang lumapit kay Geoff, he introduced himself at nakipag-kamay. We still communicate ni ‘the guy,’ but there’s no commitment. I have my free time and space,” wika ni Carla.

[via]

Labels:


Continue Reading...

Rufa Mae Quinto gusto lang mag-asawa ayaw magkaanak

Rufa Mae Quinto, ayaw magbuntis kahit may asawa na? Eh bakit pa siya mag-aasawa? Di pa ba siya nagsasawa sa pagiging single? Ang pagkakaroon naman ng anak ang siyang kapupuntahan ng balak niyang pakikipag-isang dibdib.

Kung hindi pa siya mag-aanak, eh di mag-enjoy muna silang mag-dyowa at kapag nag-asawa na at handa nang magka-anak at hindi gagawa ng anumang ikapipigil ng prosesong ito.

At bakit ba sikretong-sikreto ang identity ng dyowa mo? Takot ka bang maagaw pa siya sa ‘yo ng iba? Aba kung sure ka sa kanya, wala kang dapat ikatakot.

Matakot ka kung hindi ka pa sure sa kanya.

[via]

Labels:


Continue Reading...



Technology Blogs - Blog Top Sites