<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, January 12, 2010

Fantaserye ng Kapuso tiyak aabangan ng mga bata

Ang Kapuso ay may apat na fantaserye na tiyak na aabangan at susubaybayan ng mga bata. Una ang tambalan ng “Royal Teen Couple of Philippine Television” na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal via The Last Prince na nagsimula nang umere kahapon.

Kasama sa cast ang mga respetadong artista na sina Carmina Villaroel, Eula Valdez, Emilio Garcia, Geoff Eigenmann,Carla Abellana at Princess Punzalan. Gayundin sina Angelu de Leon, Benjie Paras, Bianca King, Bubbles Paraiso, Chanda Romero, Paolo Paraiso, Chynna Ortaleza, Elvis Gutierrez, Steff Prescott, Karen delos Reyes, Joey Paras , Nicole Sanoy at Rita Iringan. Ito ay mula sa direksyon ni Mac Alejandre, ang direktor ng blockbuster na Ang Panday.

* * *

MULI ring ibabalik ang Captain Barbell ng GMA-7 at ang top-rater na Encantadia nina Iza Calzado at ang tiyak na susubaybayan ay ang version ng Panday Kids kung saan kasama sa cast ang kapapanalo lang bilang 2009 MMFF Best Child Performer na si Buboy Villar para sa pelikulang Ang Panday.

Sa limang bagong programang ilulunsad ng Kapuso ay iisa lamang ang drama at ito ay ang Diva, tampok ang triangle nina Regine Velasquez, Mark Anthony Fernandez at Glaiza de Castro.BALIK-TRABAHO si Sen. Bong Revilla matapos ang pamamayagpag ng kanyang Ang Panday sa 2009 Metro Manila Film Festival.

At kung naging abala man si Sen. Bong sa katatapos na taunang film festival ay naging doble naman ang kanyang kasiyahan nang lagdaan ni Pangulong Gloria Maca-pagal-Arroyo ang panukalang batas na kanyang inakda para maging lehitimo ang mga anak ng underage parents.

Ayon kay Sen.Bong, sa naturang batas ang anak ng menor-de-edad na mga magulang ay magkakaroon ng benepisyong katulad ng natatanggap ng isang lehi-timong anak, partikular sa usapin ng mamanahin.

“Nasasaad sa ilalim ng Family Code na maaari lang makatanggap ang illegitimate children ng kalahati na makukuha ng isang lehitimong anak. Ngayon, dahil sa ating inakdang bagong batas , ang anak ng menor-de-edad na magulang ay ituturing na legitimate kapag nagpakasal na ang kanilang mga magulang at magkakaroon ng pantay na hati sa mana,” paliwanag ng butihing senador.

“Alam naman na natin na ang underage parents ay hindi maaaring magpakasal hanggang hindi sila sumasapit sa 18 years old. Ito ay kinukunsiderang impediment sa ilalim ng kasalukuyang Family Code at taliwas sa Child and Youth Welfare Code na naggaga-rantiya na itataguyod ng gobyerno ang kapakanan at kabutihan ng bawat bata at pangangalagaan ang kanilang karapatan,dignidad at personalidad,” dagdag pa ni Sen.Bong.

Bukod dito, makakaiwas ang tinedyer na magulang sa magastos at matagal na pro-seso ng adoption.

Batay sa survey, mara-ming underage parents na ngayon, kabilang sa mundo ng showbiz at karamihan dito ay hindi pa nagsasama at tanging ina lang ang nanga-ngalaga sa kanilang anak.

Mayroon pa na ipinagkakait sa ama ang kanilang anak at hindi nabibigyan ng pagkakataon na maipadama sa bata ang pagmamahal ng isang ama.

Gayunman, dahil sa ba-gong batas na ito, nakasisi-guro ang mga anak na mag-kakaroon ng mana sa kanilang mga magulang.

Sana rin ay maisip ng magulang na bawat desisyon na kanilang ga-gawin, ang kanilang mga anak ang higit na naaa-pektuhan at sa bandang huli baka sila pa ang sisihin ng mga ito.

[via]

Labels:

4 Comments:

Anonymous Anonymous said...

halos lahat naman ng palabas nila pambata.

sobrang ang kokorny pa.

4:32 PM  
Anonymous Anonymous said...

honga, nakaka bobo.

kaya sa mga me mga anak, mag ingat sa panood neto.

4:44 PM  
Anonymous Anonymous said...

sana gandahan nila yang fantaserye na yan!! kxe bka pati production nila fantaserye dn..!!! hahahahaha walang wala tlaga ang syete sa dos gumawa ng fanaserye!! ahahahaha "L"

10:56 PM  
Anonymous Anonymous said...

mas magandang gumawa ng fantaserye ang 7 pinagkakagastusan talaga sa 2 tipid ang production design ang baduy pa ng effects. sa last prince nga nagpagawa pa ang 7 ng sariling castle

10:52 AM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites