<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, January 21, 2010

Jean Garcia on "Ina, Kasusuklaman Ba Kita?"

ISANG malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Jennica Garcia mula sa inang si Jean Garcia dahil sa pagiging rebelde nito at sa pag-aakalang ‘di siya mahal ng butihing ina. Ito ang eksena sa Ina, Kasusuklaman Ba Kita? na mapanood sa Lunes sa GMA-7.

Say ni Jean sa eksenang pananampal kay Jennica: “Naging mahirap sa isang ina na saktan mo ang sa-riling anak, Pero kaila-ngan kong gawin dahil ‘yun ang hinihingi ng eksena. Eversince na isilang ko si Jennica ay hindi ito nakatikim ng sampal o pananakit mula sa akin. Kaya hirap na hirap akong sampalin siya sa eksena namin sa Ina, Kasusuklaman Ba Kita? Para magawa ko ang eksena ay nag-emote ako na walanghiya siyang anak na dapat bigyan ng leksyon para magising. Kaya hayun, first time siyang nakatikim ng sampal sa akin.”

Malakas at ramdam pa rin daw ni Jennica ang sakit ng sampal ng ina after ng eksena pero kailangan daw niyang tanggapin ito dahil hinihingi sa istorya.

Banta pa ni Jean sa anak:“Kaya kailangan ma-ging mabuting anak ka at huwag tutularan ang role na ipu-portray mo. Dahil siguradong makatitikim ka ng sampal sa akin sa totoong buhay.”

Natawa at naunawaan naman ni Jennica sa sinabi ng ina at iginiit na hindi mangyayari sa tunay na buhay na magiging pasaway siyang anak .

* * *

SA presscon din ng Ina, Kasusuklaman Ba Kita? nakatsikahan namin si Iwa Motto, na isa sa tatlong anak ni Jean sa teleserye. Kapa-tid niya si Jennica sa ina dahil magkaiba ang kanilang ama sa istorya.

Seksi ngayon si Iwa na parang nagpa-lipo. Pero ayon sa Filipina-Japanese actress, walang niretoke sa katawan niya. Nag-reduce lang daw siya para maibalik ang dating sexy figure.

“Napansin ko these past few days na medyo lumobo ang katawan ko. Natsismis pa na buntis raw ako kaya tumaba. Kaya naman ako nag-reduce kaagad at baka iwanan ako ng boyfriend.

“Four years na kami ni Mickey Ablan. Going strong pa rin ang relationship. Katunayan, may itinayo kaming negosyo na magkasosyo. ‘Yung Fossils na maliit lang dahil nagsisimula pa lang,” tsika ni Iwa.

Inamin din niyang minsan ay natutulog sa kanilang bahay ang BF pero hindi raw sila magkasama sa kuwarto.

“Natutulog siya sa bahay namin minsan, pero katabi ko ang mommy ko at siya naman ay sa kabilang kuwarto. Bawal na bawal at magagalit si Mommy. Sa araw na lang, hahaha!” pil-yang pahayag ni Iwa.

Going back sa Ina, Kasusuklaman Ba Kita? na kung saan ay malditang kapatid siya ni Jennica, hindi ba natatakot si Iwa na ma-typecast sa kontrabida role, laging malupit at salbaheng kapatid?

“Hindi naman ako ganoon sa tunay na buhay. Saka kailangang gawin mo ang hinihingi ng istorya or else hindi ka na bibigyan ulit ng project. Masarap guma-nap na kontrabida dahil maraming projects. Alhough masarap ding maging bida sa isang teleserye,” sagot ni Iwa.

[via]

Labels:

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

napanood ko nga ang scene nila rizzi at alvina na sampalan na iyon eh...grabe sobrang lakas at sa pangalawang sampal medyo nasigaw ng konti si ate jennica....nagulat siguro at hindi nya inexpect na ganoon magiging kalakas ang sampal sa kanya ng mama nya....anyways sobrang ganda nito everyday excited akong umuwi para mapanood ito...love you both....galing nyong dalawa mag nanay nga kayo super talented....pero honestly mukha lang silang mag ate.....

7:32 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites