<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, January 10, 2010

Panday Part 2 sisimulan na!

SISIMULAN na ang part 2 ng Panday, ang obra ni Komiks King at 2009 National Artist Carlo J. Caparas.

Ito ang napag-alaman ng Tonight mula sa “showbiz buzz” matapos maitanghal na certified at undisputed top grosser ng Metro Manila Film Festival ang action-fantasy-adventure film na tinampukan ni Sen. Bong Revilla bilang Flavio.

Inalay ni Revilla ang tagumpay ng Panday kay legendary King of Philippine Movies Fernando Poe Jr. Sinabi din ng senador na saludo siya kay Carlo J at kinikilala niya ito bilang 2009 national artist.

Mas pinalaki at pinaganda ang Panday Part 2 na sisimulan ngayong 2010.

Ang Panday ay namayagpag dahil ito ay pinagkagastusan ng higit sa P70 milyon, state-of-the-art effects nito, global competitiveness at technical quality lalo na ang Dolby “surround sound” nito na ginawa pa sa Bangkok.

Malaki din ang appeal sa manonood ni Revilla, Phillip Salvador at Buboy Villar. Best actor si Revilla, best supporting actor si Salvador at best child performer si Villar.

Nagtapos noong Enero 7 ang MMFF, at batay sa opisyal na resulta sa gross receipts ng mga 7 MMFF entries ay Panday pa rin ang nanguna sa sa takilya. Ang kita nito ay umabot ng P99.4 milyon.

Naging crucial ang kita ng Panday noong Dec. 25, 30, 31 at Enero 1 at 2, kung saan umabot ito ng hanggang P8 milyon isang araw.

Natamo naman ng MMFF ang overall na gross receipts na P437 million.

Hindi man nakamit ang P.5 bilyon na kita ng MMFF ay masaya at kontento na rin ang mga organizers ng festival. Ito ay dahil sa gitna ng mga sumalanta sa bansa lalo na sa Luzon dulot ng tropical storms na Ondoy at Pepeng ay nakalikom pa ito ng malakas na kita sa takilya.

Nakuha din ang naturang P437-million gross receipts na kita kahit na pito lamang ang entries.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites