<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, February 26, 2010

Regine Velasequez - kinumpirma ang pagkatsugi ng ‘SOP’

Concert presscon ang nangyari sa presscon ng Diva, ang first kantaserye ng GMA-7 dahil lahat ng cast, mula kay Regine Velasequez ay kumanta. May kani-kanyang number sina Gloria Diaz, Buboy Garovillo, Randy Santiago, Mark Herras, Ynna Asistio, Jaya, Rufa Mae Quinto, TJ Trinidad, Glaiza de Cstro at Mark Anthony Fernandez.

Sayang at ’di kumanta sina direk Dominic Zapata at ang creative staff ng show at ang EP na si Camille Gomb-Montaño.

Tsika ni Regine, three hours nilalagay ang prosthetic sa mukha at katawan niya at ganu’n din katagal ’pag inaalis. Hindi siya makapagreklamo ’pag nangati ang mukha dahil idea niya ang malaki ang ilong na puro pimples at maitim ang karakter ni Sampaguita na magiging si Melody ’pag gumanda at sumikat na siyang singer. Dusa si Regine dahil five weeks sa 16 weeks run ng series siyang may prosthetics

Ni-request niyang makasama sina Mark Anthony at Glaiza dahil si Mark proven na ang chemistry nila at si Glaiza naman dahil bagay dito ang karakter ni Tiffany. Tiniyak din ng staff na bagay sa kani-kanilang role ang iba pang kasama sa cast ng kantaserye na magsisimula nang umere sa March 1.

Samantala, nagsalita na si Regine na mananatili siya sa GMA-7 at ’di lilipat sa TV5 dahil happy siya sa Ch.7 at nag-renew siya ng two years contract. Kinum-pirma nitong last airing na ng SOP sa Sunday at sa March 21, launching ng Party Pilipinas na papalit sa SOP at isa pa rin siya sa host/mainstay.

“I have to say na maganda ang production numbers ng ASAP, but there was a time rin naman na kami ang nasa taas, na-experience namin ’yun. The one thing we lost or we forget is to have fun dahil na-stress kami sa ratings and the show was getting tired. With the new show, we’ll have fun and we’ll just do our own thing. I hope our loyal fans will support and help us. We’re starting again, help us mapasaya uli kayo,” sabi ni Regine.

[via]

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites