<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, February 10, 2010

Richard Gutierrez at PEP, nagkaayos na

Marami ang natuwa sa magandang kinalabasan ng paghaharap kahapon ni Richard Gutierrez at ng staff ng entertainment website na PEP (Philippine Entertainment Portal) para matapos na ang isa sa pinakamalaking isyu sa showbiz na ’di matatapos hangga’t ’di nagkakaayos ang two camps.

Kahit puyat sa taping ng Full House sa Pampanga, um-appear ang aktor sa opisina ni Department of Justice Secretary Agnes Devanadera kasama ang mga magulang na sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez.

Ang balita namin, saksi rin sa pagkakaayos ng dalawang kampo sina Atty. Angelica Santiago, abogado ni Richard, Atty. Fely Arroyo, abogado ng PEP, at Annette Gozon-Abrogar, na malaki raw ang naitulong para pumayag ang mga Gutierrez na makipag-settle sa PEP.

Nandu’n din ang mag-asawang Carlo J. Caparas at Donna Villa, na malapit sa pamilya ni Richard.

Ang PEP naman, kinatawanan ng editor-in-chief na si Jo-Ann Maglipon. Kasama niya sina Karen Pagsolingan at Bong Godinez.

Bukod sa formal apology na binasa ni Jo-Ann, meron pa raw itong inihandang personal na sulat apologizing to Richard.

Si Richard naman, pumirma ng affidavit of desistance sa libel case na isinampa laban sa PEP.

Nang makausap ang aktor sa taping ng Full House kamakailan, tinanong namin ito kung late na ba para sa PEP ang mag-public apology sa kanya?

“I’ve been begging them to apologize, even before pa sa ginawa nilang pagsira sa pangalan ko. Since day one, gusto ko lang ilabas nila ang totoo dahil very offensive ang paratang nila sa akin at ayokong maging pangit ang dating ko sa tao.”

Happy si Richard na tapos at closed na ang kaso’t ayaw daw niya ng may kaaway. Sabi niya, “dati naman okey kami ng PEP, dumating lang ang isyung ito.”

Samantala, nalulungkot naman ang aktor sa pagtatapos ng Full House dahil masaya ang taping, walang pressure at relaxed siya sa set.

Na-pressure lang nang pakantahin siya ng Tatlong Bears na ilang araw niyang inaral.

Pinaaabangan niya ang eksenang aaminin na niya kay Jessie (Hear Evangelista) na mahal niya ito at sa ending, babalik sila sa Prague.

[via]

Labels:

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

kung ako sa pep tutukan nyong mabuti yang si chard at marami pa kayong madidiskubre sa tunay na pagkatao nyan.

balang araw mabubulgar din yan na rock hudson ng pinas noh....hehehehe

11:55 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites