<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, February 25, 2010

SOP Ends

Final na pala. Tsugi na sa ere starting next Sunday ang SOP. Mismong si Ogie Alcasid ang nag-confirm ng nasabing pamamaalam ng kanilang programa na tumagal din ng 13 taon sa ere. Pero ayaw niyang magbigay ng hint kung kai­lan sila babalik pero definitely, kasama pa rin sila ng girlfriend niyang si Regine Ve­lasquez sa papalit na programa at hindi na lang siya basta host, kundi isang consultant din sa ipapalit na programa na Party Pilipinas.

“Yes, magpapahinga muna ang aming Sunday variety show after 14 years. Abangan ninyo ang susunod na mangyayari,” sabi ni Ogie nang makausap ng ilang entertainment writers sa 10th anniversary celebration ng Yes magazine sa NBC Tent last Tuesday night.

Tanggap ni Ogie na natalo sila ng kalaban nilang programang ASAP matapos ang anim na taon naman nilang pagri-rate.

Excited siya sa pagpasok ng bago nilang programa.

Samantala, definite na rin ang sagot ni Ogie na hindi niya lalayasan ang GMA 7 contrary sa mga naglalabasang issue na tatapusin lang niya ang mga commitment niya pati na rin ng girlfriend niyang si Regine Velasquez.

Aminado siyang nakipag-usap siya sa TV5. “I wanted to hear,” pag-amin niya.

Yun ang naging issue kaya umano’y nagbigay ng counter offer ang GMA 7 na pagkataas-taas. “Hindi naman lahat pera. Walang kinalaman ang pera, hindi counter offer yun,” sabi niya.

Saka mahirap daw basta-basta iwan ng ganun na lang.

Eh si Regine, anong status sa offer ng TV5?

“I can’t speak for Regine kasi ako lang talaga ang kausap ng TV5. Wala akong alam doon. Ang nagbubuklod lang sa amin ay ang aming mga puso,” sagot ni Ogie na kinikilig-kilig pa.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites