<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, March 27, 2010

Marian Rivera Updates

INAMIN ni Marian Rivera na madalas siyang tawagan ng amang nasa Spain, pero itinanggi niyang tungkol sa pagpapakasal nila ni Dingdong Dantes ang kanilang pinag-uusapan.

“Madalas talagang tumatawag si Dad ko. But we’re not talking about ‘yung sa amin ni Dong, lalo na ‘yung planong pagpapakasal. Malayo pa ‘yun,” say ni Marian sa taping ng Show Me Da Manny sa Studio 6 ng GMA-7.

“Sana naman huwag nila kaming pangunahan, Kasi kami, we are very happy and contented sa sitwasyon namin ngayon. Never na pinag-usapan namin ang very serious matter gaya ng pagpapakasal. Hindi naman ganoon kadali ‘yun. May priorities pa kami na dapat unahin sa aming buhay,” katuwiran pa ni Darna

“Basta kapag tuma-tawag sa akin si Dad, lagi siyang may advice at tungkol sa amin ‘yung napag-uusapan namin. Tulad kung kai-lan siya magbabakasyon or kailan ako papasyal ulit doon sa kanya. Kaya natatawa na lang kami ni Dingdong kapag tungkol sa kasalan ang usapan. Kasi kahit pa we really love each other so much, hindi pa naman kami sure kung hanggang kailan tatagal ang relationship namin, di ba?

“Marami pang araw na daraan at marami pang puwedeng mangyari. Siguro, mas mabuti na maging masaya na lang kami anumang mayroon kami nga-yon. And I wish na magtagal kami, parang ‘yung bago naming show na Endless Love,” patuloy ni Marian.

Samantala, masaya at matatag pa rin ang barkada ng SMDM kahit hindi pa nakapagte-taping si Manny Pacquiao dahil magiging busy ito sa pangangampanyang congressman sa Sarangani Province.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites