<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, April 15, 2010

Dingdong Dantes sa mga naninira kay Marian: ‘Mahiya naman sila!’

Hindi siguro na-realize nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na nag-profess sila ng love nila sa isa’t isa sa presscon ng You to Me Are Everything.

Sa tanong kung ano ang ibin sabihin ng title sa kanila, ang sagot ni Dingdong, parang equation ang title, you and me equals everything. Sinagot naman ito ni Marian ng “siya ang lahat para sa akin. Kulang pa ang salitang ‘everything.’”

Napa-“awww” pa ang press sa cheesy, pero from the heart na sabi ni Dingdong na nahihirapan siyang ’di makita si Marian.

Sabi nito, “It was very difficult not to see her for seven days, I can sacrifice not to see her, pero mahirap” at nag-agree si Marian.

Si Dingdong din ang sumagot sa tanong kung kailan sila magbi-break?

“Iyan ang isang bagay na ayaw kong mangyari, ang maghiwalay ng landas.”

Sa nakita ng press, hindi man sabihin, mukhang very much in love ang dalawa sa isa’t isa at kapansin-pansin din ang pagiging open ni Dingdong to show his love and care.

Inulit nito ang pagsasabing sana maglabas ng enough evidence ang nag-i-spread ng tsismis sa pagkakaroon diumano ng anak ni Marian dahil kung wala, “mahiya naman sila.”

Kay Marian din in-attribute ni Dingdong ang pagiging mas relaxed niya ngayon, pag-iiba ng pananaw niya sa buhay at maging mas totoo.

Sa May 5 na pala ang opening ng movie at hindi na sa May 4 dahil mas maraming theaters kung sa May 5 ito magbubukas.

Sa May 2 naman ang premiere night sa SM Megamall at ’katuwa ang press dahil aabangan daw ang pet pig ni Marian na si Snowy.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites