<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, April 27, 2010

Gerald Santos birthday show

Isang birthday concert ang puspusang pinag­hahandaan ngayon ni Gerald Santos para sa kanyang mga tagahanga na gaganapin sa May 15 sa Cinema 6 ng SM North EDSA. May titulong Gerald Santos: Back on Track, espesyal na pa­nauhin ni Gerald sina Kyla at Jolina Magda­ngal ka­sama ang dance Squad Dancers, Benj, at iba pang sorpresang panauhin.

Matatandaang si Gerald ay produkto ng isang talent search sa GMA 7 at naging grand champion sa noo’y pinakamalaking singing contest ng bansa, ang Pinoy Pop Superstar. Ba­ga­ma’t may mga lumabas na balita nitong mga nakaraang araw na siya’y lilipat na ng network, nananatiling Kapuso ang bagets na singer.

Sa katunayan, nakasama na siyang muli sa Party Pilipinas nitong Linggo lang sa Cebu. Regular din siyang napapanood sa show ni German Moreno na Walang Tulugan with Master Showman. May iba pang mga proyektong inihahanda ang Kapuso channel sa pangunguna ng GMA 7 president at CEO Atty. Felipe Gozon at vice president at COO Gilberto Duavit, Jr.

Si Gerald ay magdiriwang ng kanyang 20th birthday sa May 15 o mismong araw ng concert niya. Mas pinili niyang makasama ang kanyang mga tagahanga at mga taong patuloy na nani­niwala sa kanya sa kanyang kaarawan. Ang kon­siyerto ang hudyat sa muling pagiging aktibo sa concert scene ng Kapuso singer na tinatawag na ngayong prince of ballad.

Para sa karagdagang detalye, tumawag o mag-text sa 0939-7859174. Ang Gerald Santos: Back on Track ay isang pagtatanghal ng Prinstar Music Phils.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites