<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, April 18, 2010

Regine Velasquez gustong paglihihan sina Kim, Heart at Andi

Birthday ni Regine Velasquez sa April 22 at 40 years old na siya sa nasabing petsa. Isang ma­mahaling bag ang advance birthday gift sa kanya ni Ogie Alcasid, pero hindi binanggit ang brand. Birthday gift naman ng staff ng Diva ang one week vacation kay Songbird dahil hindi muna siya magti-taping sa darating na linggo.

Sa Bohol magbi-birthday si Regine with Ogie, her family and Ogie’s family. Sa taping ng Diva last Friday, binigyan siya ng birthday party ng staff ng show sa pangunguna ni direk Dominic Za­pata at ang EP na si Camille Montaño at Regine Velasquez Friends, her fans.

Birthday gift din kay Regine ang positive feed­back at mataas na ratings ng Diva at ang naba­litaang extended for one month ang kan­taserye. Tuwang-tuwa rin ito na maraming singers at artista ang gustong mag-guest sa show at nabanggit sina Dra. Vicki Belo, Andrew E, April Boy Regino at posibleng Parokya ni Edgar at baka matuloy si Richard Gutierrez.

“I’ll be turning 40 and I’m glad people still find me interesting. I’m glad people still buy my album, watch my TV shows and movies. I’m thankful na patuloy akong sinusuportahan. I can’t really ask for anything dahil lahat ng gusto kong gawin, ibinibigay sa akin.”

Dahil marami ang buntis sa showbiz, nagbiro si Regine na marami na siyang naka-line-up na pag­lilihihan ‘pag siya ang nagbuntis at binanggit niya sina Heart Evangelista, Andi Eigenmann at Kim Chiu.

Samantala, may treat ang Diva sa loyal viewers nito at simula bukas, may text promo ang show at ang makakasagot ng tama ay bibigyan ng free tickets at free cottage sa 8 Waves. Abangan din ang pagsayaw ni Regine ng buong song number sa kantaserye.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites