<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, April 16, 2010

Trade launch ng GMA 7 mapapanood sa linggo

Bilang bahagi ng 60th anniversary celebration ng GMA 7, isang matagumpay at bonggang-bong­gang trade party ang naganap noong Huwebes ng gabi upang ipakilala ang mga bagong mga prog­ramang patuloy na pupukaw sa puso ng maraming Pinoy. Ang trade launch na ginawa sa SMX Convention Cen­ter ay pinangunahan ng pi­na­kabago, pinaka­en­grande, at pinaka-hip na party event sa telebisyon at mapapanood ngayong Linggo sa Party Pilipinas.

Ang espesyal na selebrasyon na ito ay pina­ngu­nahan ng mga top executives ng GMA 7 na sina GMA chairman, president, and CEO Feli­pe L. Go­zon, exe­cutive vice president and chief ope­rating officer Gil­berto R. Duavit, Jr., GMA Films president Annette Gozon-Abrogar, GMA Marketing and Pro­ductions, Inc. president and COO Lizelle G. Ma­ralag, senior vice president for sales Joel G. Ji­me­­nez, senior vice president for entertainment TV Wilma V. Galvante, at senior vice president for news and public affairs Marissa L. Flores.

Ang bonggang trade party ay sinimulan ng maga­gandang mga production numbers hatid ng Party Pi­lipi­nas members na sina R&B royalties Kyla and JayR, Mark Bautista, Aljur Abrenica, Frencheska Farr, Geoff Taylor, Kris Lawrence, Bad Boy of the Dance Floor Mark Herras, Sarah Lahbati, Steven Silva, Joshua Dionisio, Jake Vargas, Julie Ann San Jose, Barbie Forteza, Bea Binene, at ang pina­kabatang rapper ngayon na si Elmo Maga­lona, ang anak ng namayapang Master Rapper Francis M. Mas lalong naging makulay ang kasiyahan sa pagda­ting ng cast ng top-rating at first-ever reality sitcom na Pepito Manaloto sa pangunguna ni Michael V. kasama sina Carmina Villaroel, Manilyn Reynes, at Joshua Pineda.

Humataw din sa stage ang ace comedians na sina Allan K. at Eugene Do­mingo na mga hosts ng pina­kabagong late-night Saturday program na Comedy Bar.

Nagkaroon naman ng dating game sa trade party sa pangunguna ni JayR para sa bagong programa niyang Take Me Out. At matapos ang pama­mayag­pag ng mga primetime shows ng GMA 7 sa unang bahagi ng taon, ipina­kilala naman ang mga bagong de-kalidad na programang tututukan ng milyung-milyong mano­nood kabilang na ang Pinoy adaptation ng Korean series na Endless Love starring Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Lalo pang nagpatingkad sa trade party ang production number na ginawa ng hottest showbiz couple na sina Marian at Dingdong na bukod sa pagka­karoon ng bagong primetime show ay bida rin sa pinakabagong offering ng GMA Films, ang You To Me Are Everything.

Mas lalong nadagdagan ang saya ng mga dumalo sa nasabing trade show dahil sa mga raffle prizes kabilang na ang iPADs, PSPs, at iba pang elec­tronic gad­gets, plus ang dalawang brand new Mitsubishi Lancer cars na napanalunan nina Christina de Guzman-Lao ng Golden Arches Deve­lop­ment Corporation at Rommel Pentinio of Starcom Mediavest Group.

Huwag palagpasin ang engrandeng trade party na ito ng Kapuso sa Party Pilipinas, ngayong Linggo, April 18, 11:45 a.m. sa Channel 7.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites