<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, May 31, 2010

Q11 may bagong ID, kumpleto

Ito ang Buhay Q, Kumpleto. Ito ang tagline ng bagong station ID ng Q Channel 11 na nag­pa­pakita ng mas pinalawak na programming ng chan­nel na para sa lahat – mapa-lalaki man o babae, matanda o bata, mayaman o mahirap.

“Nagdagdag kami ng mga show mula sa iba’t ibang genre na siguradong mapupusuan ng lahat ng viewers. ‘Yan ang Buhay Q – kumpleto kasi lahat, may magugustuhan at mapupulot na kaa­la­man dito,” kuwento ni Ma. Lourdes Topacio, ang AVP/Creative Director for Creative Services ng Q Channel 11.

Mapapanood sa bagong station ID ang stars ng Q Channel 11 na sina Lucy Torres-Gomez, Wilma Doesnt, Christine Jacob-Sandejas, Suzi Entrata-Abrera, Zoren Legaspi, Issa Litton, Chef Sau del Rosario, Chef Rosebud Benitez, Sam Oh, Tim Yap, Mr. Fu, Sam YG, Paolo Paraiso, Archie Alemania, Jana Dominguez, Gee Canlas, Jan Manual, Alfred Marquez, Sexbomb Jolan, at German Moreno.

Kasama rin nila ang personalities at hosts ng news and public affairs programs ng channel na sina Jessica Soho, Arnold Clavio, Susan Enriquez, Carmina Villaroel, Mike “Pekto” Nacua, Drew Arellano, Ryan Eigenmann, Rovilson Fernandez, Raffy Tima, Pia Arcangel, Mariz Umali, Jun Veneracion, Ivan Mayrina, Connie Sison, Steph Henares, at Gino dela Peña.

Kabilang sa mas pinasayang programming lineup ng Q Chan­nel 11 ang I Laugh Sabado, ang pinaka-bagong comedy va­riety show sa telebisyon. Mas pinasarap din ang kainan dahil sa Kitchen Battles, ang bagong dagdag sa listahan ng mga cooking show ng channel na kinabibilangan ng True Confections, Quick Fire, Sarap at Home, at My Favorite Recipes.

Hindi rin mawawala ang kuwentuhan dahil nan­diyan ang shows na The Sweet Life, Full Time Moms, at TweetBiz.

Sigurado ring may mapupulot na saya at aral ang mga chikiting dahil sa programang Tropang Potchi at Q Lets & Co. kung saan sila ang bida.

Sa Q Channel 11 din napapanood ang American Idol.

Para naman sa mga movie fanatics, nandiyan ang Pinoy Silver Screen at Pinoy Cine Klasika (na pinangungunahan ni German Moreno).

Samantala, ang public affairs block ng channel ay pinangu­ngunahan na ngayon ng tatlo sa mga pina­karespetadong pangalan sa broadcast jour­nalism – ang GMA News and Public Affairs pillars na sina Jessica Soho (Reunions), Arnold Clavio (Tonight with Arnold Clavio), at Vicky Morales (True Stories). Napapanood na rin sa Q Channel 11 si Susan Enriquez, host ng public ser­vice program na Sus Naman.

Ang mga Q News and Public Affairs programs na Ang Pinaka, Day Off, Misteryo, The Beat, Tara Let’s Eat, Balik-Bayan, News On Q, Balitanghali na madaragdagan pa ng bagong show na X-Life kung saan hosts ang Survivor winner at actor na si JC Tiu­seco, at TV personalities at models na sina Steph Henares at Gino dela Peña.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites