<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, May 02, 2010

Regine dahilan ng paglayas ni Direk Louie sa Party Pilipinas?

MARIING pinabulaanan ni Direk Louie Ignacio ang kumakalat na balitang si Regine Velasquez ang rason kung bakit siya nag-resign sa Party Pilipinas.

Si Regine daw kasi ang tinutukoy ni Direk Louie na hindi nagre-rehearse nu’ng lumabas ang balitang isa sa mga reason kaya tuluyan nang nilayasan ni Direk ang GMA7 Sunday show dahil sa mga artistang very unprofessional at hindi nagre-rehearse bago mag-perform sa Party Pilipinas.

Pero ayon kay Direk nang makausap namin sa taping ng Tropang Potchi, hindi raw si Regine ang tinutukoy niya dahil napaka-professional daw na ka-trabaho ang Asia’s Songbird at laging maaga ito sa set para mag-ensayo muna bago mag-perform.

Pahaging niya kung sino pa nga raw ang mga hindi kasikatang mga artista ay siya pang feeling big stars at dumarating na lang sa set nang hindi man lang nag-rehearse.

“Iba naman ’yung intriga kay Jaya na umano ay sinabi niya. Sabi raw ni Jaya, powerful daw talaga ang Songbird at ma-impluwensya sa mga big boss ng GMA7. At siya raw ang nag-udyok na ipasipa ako sa Party Pilipinas.

“In the first place, hindi po ako sinipa sa GMA Network. Nag-resign lang ako sa Party Pilipinas, pero I still do Mel and Joey and Tropang Potchi,” mariing pahayag ni Direk Louie.
Nang lumabas ang issue na ‘yun, nag-usap na ba kayo ni Regine, tanong ulit namin kay Direk Louie?

“Hindi pa kami nag-uusap ni Regine. Ang nakausap ko lang ay ang kapatid niyang si Cacai at si Ogie Alcasid.”

Samantala, tsikang ma-lakas ang loob ni Direk Louie na mag-resign dahil lilipat na siya ng ibang network.

May offer na ba?

“Mahal ko pa rin ang GMA7. Dito ako lumaki at very supportive sa akin ang mga bosing dito.”

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites