<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, June 03, 2010

Manny Pacquiao tinanggihan ang WOWOWEE

Totoo pala na inoperan ng Dos si Manny Pacquiao mag-host ng Wowowee pero agad niya itong tinanggihan dahil tumatanaw siya ng utang na loob kay Willie Revillame.

Malaki raw ang naitulong sa Pambansang Kamao ni Willie sa panga-ngampanya kaya itinuring niya itong kaibigan.

Isa pa, may sitcom si Manny sa GMA7 na Show Me Da Manny, napapanood every Sunday pagkatapos ng Showbiz Central.

Ngayong nahalal na Ccngressman si Manny, balak daw niyang mag-imbita ng foreign sportswriter para sa inagurasyon niya ngayong June.

Ayon na rin sa manager ni Manny, inihahanda na ang bonggang preparasyon para sa nasabing okas-yon para ma-accommodate ang darating na foreign press na magko-cover kay Pacman. Magsisilbing advance promo na rin ito para sa nalalapit na laban niya kay Floyd Mayweather sa November, kung walang magiging aber-ya. Pangako naman ni Pacman na huling laban na niya ito para makapaglaan ng panahon bilang public servant. Babalikan din niya ang pag-aaral at uunahin ang crash course sa Public Administration and Governance.

Pero giit ni Manny, hin-ding-hindi niya iiwanan ang telebisyon at kapag libre ang kanyang schedule, magte-taping siya ng Show Me Da Manny.

Ngayon ay nasa Amerika si Manny kasama ang pamilya para magbakas-yon at tanggapin na rin ang award bilang magaling na boksingero.

* * *

Naipagtapat ni Joshua Dionisio sa pag-uusap amin sa presscon ng Pilyang Kerubin na mas gusto niya ay matanda sa kanya ang babae.

’Yung kasing edad nina Heart Evangelista at Shaina Magdayao. Sa female actress kasi ng GMA7, si Heart daw ang crush niya at sa ABS-CBN naman ay si Shaina.

Ayon pa kay Joshua, 13 years old siya ng magka-GF at schoolmate niya ang girl.

Pero ngayong 15 na siya, mas gusto niya na may edad ang babae sa kanya. Nagugulat si Joshua sa mga tanong sa kanya ng press sa presscon ng Pil-yang Kerubin pero sa halip iwa-san ay tumatawa na lang ito at nagtatanong kung kailangan ba niya ’yung sagutin. Loveteam sila ulit ni Barbie Forteza sa Pil-yang Kerubin pero out na si Jake Vargas dahil si Elmo Magalona na ang co-star nila. Nami-miss daw nina Barbie at Joshua si Jake pero natutuwa naman daw sila dahil may bago na naman silang makakasama at kaibigan sa katauhan ni Elmo.

[via]

Labels:

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

anu ba ang tama? dito tinanggihan, tapos sa kabila si manny ang my gusto at nag request pa na mag host...haaayyyyy, ang chismis nman talaga...

3:10 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites