<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, June 08, 2010

Rhian Ramos walang galit kay Ruffa

ISA ang PLDT endorser na si Rhian Ramos sa mga nag-host ng PLDT myDSL Watchpad Crew event sa M Café, Greenbelt 4, nu’ng Biyernes ng gabi, at du’n ay pinalinaw sa kanya ng showbiz press ang lumaking issue sa pagitan niya at ng Paparazzi host na si Mo Twister.

Pinagtawanan lang ni Rhian ang issue na magkasama sila ni Mo sa Paris. Aniya, totoong bumiyahe siya pa-Europe matapos mag-ikot sa Amerika kasama sina Mark Herras at Wendell Ramos para sa GMA Pinoy TV.

Pero hindi raw si Mo ang kinatagpo niya roon kundi ang amang nasa business trip at hindi siya sa Paris nagpunta kundi sa Amsterdam.

Sey ni Rhian, matagal na silang hindi nagkikita ng tatay niya, kaya mula Amsterdam, nag-train siya para makasama ito’t makausap tungkol sa ilang bagay.

Dinenay din nito ang tsikang si Mo ang dahilan ng kanyang pag-iyak sa airport nang dumating mula sa California.

Anang aktres, something very personal ang rason ng nakunang pag-iyak niya sa airport.

“Nabalitaan ko ’yung kay Mo habang nasa California ako,” kuwento ni Rhian sa interview ni Raymond Gutierrez sa Showbiz Central nu’ng Linggo.

Nabasa raw niya sa Twitter ang tweet ng ate ni Mond na si Ruffa na tinutukso nga siya kay Mo.

Alam daw ni Rhian na nag-aasaran ang dalawa at nadamay lang ang pangalan niya.

“Well, were friends, buong pamilya n’yo naman (meaning, the Gutierrezes), okay naman tayong lahat. Siguro confused lang ako, gusto ko lang malaman kung ano ’yung pinag-uusapan bilang nabasa ko lang naman ang pangalan ko.

“Once and for all, guys, I was not in Paris, but I went to Europe, so, wala namang nagsabi na spotted in Paris, may nag-spot sa akin sa airport nu’ng 19 (May) nu’ng papunta akong Amsterdam and then I took a train to see my dad because he was there on a business trip. More than a year ko na kasing ’di nakita si Dad. The last time we saw each other, debut ko pa. So, gusto ko siyang kausapin about things.”

Pero hindi niya dinenay na “very close” sila ni Mo. Magkakilala na raw sila ever since she was 15 years old.

Nag-sorry na rin daw ito sa kanya dahil nadawit nga siya sa intriga, but she “over it.”

Paano kung mauwi rin sa ligawan ang relasyon nila?

Sagot ni Rhian, “Hindi ko naman sinasabi na tinatak-buhan ko siya or anything. But that’s all, hanggang du’n lang. D’yan na naman lumalabas ’yung mga what if, what if manligaw?

“As of now, friend ang tingin ko kay Mo. I never saw him in any other way yet. Kung sinabi ko kasing ayaw ko, tapos sa future, may mangyari, sino ’yung mukhang ewan, ’di ba? I just never saw him in that way, ’yon.”

Ang message naman niya kina Ruffa at Mo? “Obviously, wala naman tayong galit sa isa’t isa, before and after this show, nag-uusap naman din tayo or mag-uusap naman tayo.

“Trust me, the number of jokes na nagawa ko na sa buhay ko na naging isyu, marami na rin. So, sino naman ako para mapikon, ’di ba?”

Anyway, ang tinanghal nga palang PLDT myDSL Watchpad Crew Final Five ay sina Carole Monique de Leon, Jacqueline Milner, George Schulze, Yassi Pressman at Nikko Ramos.

Nag-uwi naman ng special awards sina Yassi, lifestyle press choice; Paolo Villanueva, people online choice; Nikko, entertainment press choice, bloggers’ choice at school editors’ choice.

Bukod kay Rhian, present din sa Final Five announcement sina Tessa Prieto-Valdez, Victor Aliwalas, Tim Yap, Isabel Oli, atbp.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites