<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, July 18, 2010

Cesar Montano posibleng ipa-ban ng PAMI

Hayan at nag-react na ang manager ni Cesar Montano nu’ng pumirma ng kontrata sa GMA7 ang aktor na wala ito. Ang grabe pa, hindi raw alam ng manager niyaang ginawang pagpirma ng kontrata ng alaga.

Maging ang inyong lingkod ay nagulat sa natanggap naming email na contract signing ni Buboy at wala sa picture ang mana-ger ng aktor na si Norma Japitana.

Lumalabas na ang business manager ni Cesar ang parang tumayong manager nu’ng pumirma ng kontrata ang aktor.

Nagtatanong lang po, kai-lan pa nagkaroon ng karapatan ang isang business manager para makapirma ng kontrata ang isang artista?

Ang alam namin, kung hindi kami nagkakamali, kailangan kasama ng isang artista ang kanyang manager sa pagpirma ng kontrata.

Pero may nakarating sa aming tsika na matapos ang contract signing ni Cesar sa Kapuso, sinabi raw nito sa press na alam umano ng kanyang manager ang ginawang pagpirma.

Kaya nakakagulat ang na-sagap din naming balita na wala raw kaalam-alam si Norma J na pipirma ng kontrata ang alagang si Buboy (tawag kay Cesar Montano).

Kaya naman humingi ng tulong si Norma J sa PAMI, ang organisasyon ng mga manager, kung ano ang ga-gawin sa ginawang pagpirma ng kontrata ng alaga na hindi ipinaalam sa kanya.

May ibang miyembro ng PAMI na gustong ipa-ban si Cesar at mayroon din naman na gusto munang marinig ang dahilan ng aktor kung bakit hindi nagpaalam sa manager.

Kapag nagkataon at nagkaisa ang PAMI na ipa-ban si Cesar, hindi puwedeng makasama ng aktor ang mga alagang artista ng miyembro ng naturang samahan.

Ang magiging problema lang ng PAMI, sasang-ayon kaya sa kanila si Lolit Solis, na member din ng PAMI?

Baka kasi hindi pumayag si Manay Lolit sa gustong mangyari ng mga kasama-han sa PAMI na pagbabawalan ang kani-kanilang alaga na isama sa anumang magiging project ni Cesar.

Anyway, humingi na ng appointment ang PAMI kay Cesar para makausap ito at malaman ang dahilan ng aktor sa pagbalewala sa manager.

* * *

Kay Cesar pa rin.

Wala kaming masasabi sa kabaitan ng aktor na laging itong open sa press kapag kinailangan ng tulong. Kaya naniniwala kami na may dahilan si Cesar kung totoo nga na hindi niya ipinaalam sa manager ang ginawang pagpirma ng kontrata.

Sa tsikang ipinarating sa amin nang ma-interview si Buboy, inamin daw nitong wala siyang offer na natatanggap sa Dos para gawin siyang permanenteng host ng Wowowee.

Nilinaw din ng actor ang naging kontrobersiyal ni-yang pahayag na ikina-react ng fans ni Willie Revillame na hindi niya kailangan na humingi ng permiso sa TV host para tanggapin ang hosting job sa noontime show ng Dos.

Say daw ni Cesar, hindi dapat magalit sa kanya ang fans ni Willie dahil hindi daw niya responsibility na magpaalam kay Willie dahil hindi naman niya manager ang controversial TV host.

May nakarating daw kasing mag balita kay Buboy na parang kailangang magpaalam muna kay Willie ang sinumang artistang tatanggap para mag-host ng Wo-wowee.

Lumalabas tuloy na parang pag-aari na ni Willie ang ABS-CBN, na hindi naman.

Inamin din ni Buboy na puwede siyang magpaalam kay Willie dahil kaibigan niya ito at alam niyang maiintindihan siya ni Willie.

[via]

Labels:

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

hindi maganda ang dating sa sinabi ni Cesar na" bakit pa ako kailangan magpaalam kay Willie hindi naman siya ang may-ari ng ABS-CBN." wala siyang courtesy at interesadong-interesado siyang maging permanent host ng Wowowee.Parang tinapakan niya ang karapatan ni Willie na nagsimula at nagpasikat sa Wowowee. Akala ko pa naman kaibigan niya si Willie parang back-stubber siya! Bakit yong mga previous guest hosts tulad nina Robin at Rico nagbigay-alam kay Willie before they hosted the show? Akala yata ni Cesar he's already somebody!

5:31 AM  
Anonymous Anonymous said...

A manager is a decent term for a fixer.

10:52 AM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites