<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, July 01, 2010

Raymart at Claudine, ’di nagkakausap

NILINAW sa amin ni Raymart Santiago na wala silang proplema ng asawang si Claudine Barretto.

Ang paglilinaw ay bunsod nang kumakalat na balita na nagkakalabuan sila at ang dahilan ay ang dating ka-loveteam ni Claudine na si Mark Anthony Fernandez.

Ang isyu: Dinalaw ni Claudine sa taping si Mark Anthony.

“Totoo ’yun, nagpunta si Claudine sa taping pero hindi si Mark ang dinalaw ni Claudine kundi ang kaibigang director na si Dominic,” ang natatawang bungad ni Raymart.

“Bago pa man nagpunta ru’n si Claudine, alam ko na dahil nagsabi siya sa akin. Kaya tinatawanan ko lang ang isyung ’yan. At saka nandu’n din si Randy (kapatid ni Raymart) dahil guest siya sa taping,” patuloy pa niya.

Naibalita tuloy sa amin ni Raymart na si Randy ay nagge-guest na rin sa mga programa ng GMA.

’Di ba taga-ABS-CBN si Randy? Tanong namin.

“Di ko alam ang estado ng kanyang pagiging Kapamilya,” aniya.

Baka sumama na rin sa inyo ni Claudine ang utol mo? Pabirong tanong namin sa kanya.

Natawa si Raymart.

’Di naman imposible. E, kung si Claudine, nakuha mo mula ABS-CBN, si Randy pa kaya ang hindi.

Natawa siyang muli. Di na nag-comment.

Binalikan namin ang paksa tungkol sa kanilang ni Claudine.

Inamin niyang may mga pagkakataon na halos ’di sila nagkakausap ni Claudine sa loob ng 24 oras. Kasi nga, nagkakasalisi ang sked nila ng taping.

Dumarating nga raw ’yung mga sandali na darating siya sa bahay, tulog na si Claudine at aalis si Claudine na tulog pa siya.

Baka naman ’yan ang dahilan kung bakit nagkakaroon kayo ng problema.?

“A, hindi mangyayari sa amin ’yun,” paniniyak niya. “’Pag wala si Claudine, ako ang yaya ng mga bata. ’Pag ako naman ang wala, siya lahat ang bahala.”

Linggo ng gabi nang kausap namin si Raymart.

“E, kahapon lang, magkakasama kami ng pamilya ni Claudine at pamilya ko. Every Saturday, nagsasama-sama kami ng aming mga pamilya.

“Ewan ko nga kung bakit may mga taong parang gustong guluhin ang mga nananahimik na pamilya? “Noon nga lang mag-shooting sa abroad si Claudine, marami nang nagtatanong kung may hidwaan daw ba kami.

“Tanong ko, bakit? E, kasi raw, ba’t hindi ako kasama?

“Asus, ano ba ’yon. E, trabaho ’yon. Pero ang totoo, isasama sana namin ang mga bata. Tutal, limang araw lang ’yon, kaso, naisip namin, mapapagod lang ang mga ’yun,” paliwanag pa ni Raymart.

“At saka meron din naman akong taping. Apat na araw sa isang lingo, nagte-taping ako. Sayang din daw ’yung abala kung sasama pa kami ng mga bata sa abroad.

* * *

Nagpahayag din si Raymart ng pasasalamat sa management ng GMA dahil sa magandang trato sa kanilang mag-asawa.

’Di kaya pati si utol mong Rowell ay lumipat na rin sa Kapuso network?

“’Di ko alam. Nasa Hong Kong siya (Rowell) ngayon, nagbabakasyon,” aniya pa. “Si Randy naman ay nasa Europe,” aniya pa.

Inamin din ni Raymart na isa siya sa naging dahilan kumbakit nasa GMA na ang kanyang asawa, kung sa anong paraan, ’di na siya nagdetalye.

Magugunitang medyo natengga si Claudine sa Kapamilya channel kung kaya ’di nagtaka ang marami nng lumipat ang kanyang asawa sa GMA-7.

Pero iba ang hinala ni Raymart.

“Na-mimis n’ya lang siguro ako. Ha-ha-ha!”

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites