<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, July 28, 2010

Rhian Ramos paborito ng Siyete kaya maraming shows?

After mapanood sa sitcom na Kaya ng Powers, pinaghandaan naman daw ng prime artist ng GMACC na si Rhian Ramos ang bago niyang Kapuso primetime series na Ilumina, with Aljur Abrenica and Jackie Rice.

May kabog daw sa dibdib si Rhian sa kanyang bagong soap dahil naglalakihang artista ang makakasama nito sa Ilumina, tulad nina Christopher de Leon, Jean Garcia, Ara Mina at ang balik-Kapusong si Cesar Montano.

“Masayang-masaya ako kasi nu’ng nalaman ko na makakasama ko si Ara Mina, natuwa ako. Tapos si Christopher de Leon pa then si Jean Garcia, siyempre masa-yang-masaya lalo ako.

“And to top it all, nandoon pa si Cesar Montano na sa buong career ko, hindi ko akalaing makakatrabaho ko. Akala ko kasi, strictly nasa ABS-CBN na siya, pero mali ’yung akala ko at makakatrabaho ko pala siya. Ang saya ’di ba?

“Masaya lang talaga ako dahil hindi lang top actors and actresses ang makakasama ko, nawa-widen pa ’yung range ng mga taong puwede kong makuhanan ng lessons sa pag-arte,” kuwento ni Rhian.

At dahil sa sunud-sunod na trabaho, hindi pa rin nakakaligtas sa puna si Rhian na kesyo paborito daw siya ng GMA7.

“Hindi naman, medyo matagal din akong nabakante. Bale last regular show ko pa ’yung Stairway to Heaven, after that wala pahinga na ako at ngayon lang ako ulit nag-karoon ng show.

“Pero, eversince naman, ang mga tao ang nagdesisyon kung ano ang ibibigay na label sa akin. Pero ewan ko. Siguro naman noong time na ’yun, hindi mo naman masasabi na favoritism, ’di ba?

“Hindi naman ibig sabihin na may trabaho ako ulit, huwag naman natin baliktarin ’yun. Kasi ’yun naman talaga ang mangyayari. Magpapahinga ang tao, magi-ging busy. Siguro, mawawala ulit, ganoon. Tanggapin na lang natin kung paano ang kalakaran sa showbiz,” mahabang komento ni Rhian.

[via]

Labels:

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

ambot saimu !!!

1:25 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites