<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, August 15, 2010

Claudine Barretto In Good Hands

NATUTUWA kami sa nangyayari ngayon sa career ni Claudine Barretto. Pagkatapos siyang bigyan ng GMA-7 ng Claudine series na napapanood every Saturday night, malapit na ring ipalabas ang unang pelikula niya sa Viva Films na co-produce ng GMA Films, ang In Your Eyes.

Kitang-kita sa promo ng In Your Eyes kung paano alagaan ng GMA at Viva Films si Claudine. All-out sila sa promo ng pelikula. Very cooperative din si Claudine sa pagpo-promote kaya naman very visible siya every now and then sa TV.

Kung hindi kami nagkakamali, huling linggo pa lang ng June ay nagsimula na ang promo ng In Your Eyes. First week ng July, may trailer na ito sa mga sinehan.

Inilagay din si Claudine sa Showbiz Central bilang guest cohost para rin sa promo ng In Your Eyes, pero mukhang hindi na siya tatanggalin dahil effective naman siya bilang host.

Kumbaga, everything is going on smoothly sa career ni Claudine dahil maging ang ex-boyfriend niyang si Mark Anthony Fernandez ay nakatrabaho na rin niya sa Claudine two weeks ago.

“I really cannot ask for more. I’m very, very happy sa nangayayari ngayon sa career ko. Kitang-kita ko kung paano nila ako alagaan. Ramdam ko ’yung pagmamahal sa akin ng GMA-7 at ng Viva,” masayang kuwento sa amin ni Claudine.

Thankful din si Claudine sa kanyang mga kaibigan sa showbiz na bagama’t hindi niya madalas nakakausap at nakikita ay palaging nakasuporta sa kanya.

“I’m blessed kasi marami akong mga kaibigan who stood by me kahit pa anong nangyari. I’m very thankful sa kanila. Naa-appreciate ko lahat ng pagmamahal nila sa akin,” dagdag pa niya.

We’ve known Claudine for more than a decade. Nag-start ang aming friendship nu’ng baguhan pa lang ako sa pagsusulat. Marami kaming bonding moments noon. Hindi man kami madalas magkita ngayon, alam ko at alam niya na mahal namin ang isa’t isa.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites