<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, August 06, 2010

Raymart reminds Claudine of their marriage vows

Pati si Claudine Barretto, napapalakpak nang mapanood ang trailer ng In Your Eyes, ang movie nila nina Anne Curtis at Richard Gutierrez na showing na sa August 18.

Ang galing-galing daw ng mga kasama at nanghihinayang si Claudine na hindi mapapanood ni Chard ang movie sa premiere night nito sa Aug. 15 sa Cinema 6 ng SM Megamall dahil hindi pa ito makakabalik mula sa Survivor Philippines: Celebrity Edition shoot.

Para kay Claudine, magaling si Anne, pero revelation si Richard at gusto niyang manalo ng acting award ang actor.

“Hindi ko iniisip na makakatrabaho siya, sobrang bonus to work with somebody young. Mabusisi siya at concerned sa promo ng movie namin. Idol ko na siya, ngayon lang ako nagkaroon ng idol na bata at si Richard ’yon,” sabi ni Claudine.

Isasama ng aktres ang asawang si Raymart Santiago sa premiere night gaya ng mga nauna niyang pelikula, nasa backstage lang ito at ayaw maki-share ng limelight sa kanya at sa kanyang co-stars.

Sabi ni Claudine, matutuwa siya kung after the movie, sa teleserye ng GMA-7 sila magtatambal ni Richard na from “ate” ay “Clauds” na ang tawag sa kanya.

Samantala, kahapon and this Friday ang taping nina Claudine at Mark Anthony Fernandez ng A Love Story, ang final episode ng Claudine at mapapanood bukas.

Maganda na nakapag-usap sila ng actor bago sila nag-taping.

Si Claudine na rin ang nag-open sa hindi maitanong ng press kung ano ang reaction ni Raymart after her interview with Mark at pinanood nito ang Showbiz Central.

“Kung ako ang nasa posisyon ni Raymart, mahihirapan din ako, pero tinanong ko muna siya at ng GMA kung puwede kong interbyuhin ni Mark at thankful ako na pumayag siya.

“Sabi lang niya, we made a vow to God and you know about cheating, lying and adultery and I trust you.

“Alam ko naman na kung ako’y magloloko, mas maraming mawawala sa akin, my children, my husband, my family and my career.

“Touched ako sa asawa ko, I know he felt kinda bad, pero hindi niya pinaramdam. We prayed at happy siya na marami kaming pinasaya ni Mark.”

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites