<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, August 01, 2010

Rufa Mae Quinto cried when entertainment press told her to reveal Mr. M

KUNG noong presscon ng Kaya ng Powers ay napaiyak si Rufa Mae Quinto sa pangungulit sa kanya ng isang manunulat na i-reveal na ang Mr. M o Mystery BF ni Booba, iba na ang aura niya nang dalawin namin sa taping ng comedy show sa Studio 7 ng GMA Jamboree Building.

“Pagkatapos ng presscon ay umuwi ako sa Lola Lucing ko sa Detroit, Kyusi. Alam mo, basta may problema ako sa kanya ako tumatakbo’t umiiyak. Matapos niya akong paliwanaga’t aluin ay umokey na ang pakiramdam ko. Eto, smile na naman ako. No more tears,” sabi ni RMQ.

Lahat nga ng involved sa show ay tuwang-tuwa dahil tinalo ng pilot episode ang mga katapat na programa.

“Kaya eto, after manganay ang feeling namin, comfortable na ang lahat. Ganado, talaga. Ang saya-saya ng atmosphere,” wika naman ng program manager ng KNP na si Ali N. Dedica- toria.

Tuwang-tuwa si Rufa Mae sa Circa 60s na ayos at damit niya sa show. Hapi naman si Joey Marquez da-hil lagi lang siyang nakaupo (dahil putol na ulo lang mu-na ang papel niya rito). Para namang tunay na magkakapatid na panay ang kulitan nina Rhian Ramos, Sheena Halili at Elmo Magalona.

* * *

GOING back to Rufa Mae, binibigyan daw niya ng da-lawang taon ang karir at sa-ka niya itutuloy ang planong pagpapakasal sa kanyang secret BF na si Mr. M. ‘Pag nag-settle down na raw kasi siya, goodbye showbiz na ang drama niya.

Teka lang, naasar si Alyssa Alano nang may mag-in-terbyu na tila gusto silang pag-awayin ni Rufa Mae. Pinaaamin daw si Alyssa na ‘di sila nagkikibuan ni Rufa Mae dahil siya (Alyssa) raw ang bagong apple of the eye ni Rep. Mikey Arroyo na usap-usapa’y siyang Mr. M ni Booba.

“Matagal na pong tsismis ’yan at matagal ko na ring sinasabing ‘di ako dyo-wa ni Mikey. At ‘di ko rin po alam kung sila nga ni Ate Rufa. Sana, tigilan na ako ng mga usisera’t intrigera. Kung ‘di po kami nakikitang magkasama rito sa taping, it’s because hiwalay kami ng dressing room. Pe-ro, okey kami,” sey ni Alyssa na ang role sa KNP ay assistant ni Bearwin Meily.

[via]

Labels:

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

ganon ba. merong asawa ni mikey na pinsan nya diba.

betka baang tawag sa kanya? hehehehehe

7:20 AM  
Anonymous Anonymous said...

Sira ulo! May asawa pala eh, papaano magpapakasal? Ibig sabihin hindi s'ya!!! HE HE HE...

7:53 AM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites