<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, October 18, 2010

Carla Abellana dinikitan ni Geoff sa taping

Malaki ang pasasalamat ni Carla Abellana sa takbo ng kanyang career na inalagaan ng GMA 7 sa nagdaang dalawang taon. Enjoy ngayon ang young actress sa kanyang showbiz stint.

“Opo. Tiyak po,” sabi ni Carla sa isang panayam sa location ng Shake, Rattle & Roll XII.

Isa ring entry sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre ang naturang pelikula na idinirehe ni Jerrold Tarog. Ang Punerarya episode ang lalabasan ni Carla.

“Mahirap sa una,” sabi ng young actress. “May mga oras na gusto ko nang tumigil sa pag-aartista na talaga kasi mas mahirap pala sa inaakala ko. Pero natutunan kong mahalin ang trabaho ko, so its worth it, lahat ng pagod at puyat.”

Sanay naman si Carla sa puyatan sa set matapos magbida sa tatlong malalaking teleserye (Rosalinda, The Last Prince, at Basahang Ginto), isang weekly series (SRO Presents Carinderia Queen), at isang full-length comedy, Mamarazzi, na idinirek ni Joel Lamangan.

Pero mas interesado ngayon ang mga fans ni Carla sa team-up nila ng young actor na si Geoff Eigenmann matapos silang magtambal sa SRO Presents Carinderia Queen.

Lately, usap-usapan ang umano’y masugid na panliligaw ng binatang anak nina Gina Alajar at Michael de Mesa sa dalaga na anak din ng mga artistang sina Rey “PJ” Abellana at Rhea Reyes.

“Okay naman po ako. Totoong nanliligaw siya sa akin. Ilang buwan na. Very sincere naman po siya and serious about me.

“Geoff is a good person. He only has good in­tentions for me, so okay naman po,” simpleng pa­hayag ni Carla.

Nabanggit ni Carla ang mga ito sa isang in­terview habang hindi pa dumarating sa set ang kapwa niyang Kapuso actor. Pagkaraan ng 30 min­utes, namataan na si Geoff sa tabi ng nilili­gawang aktres who was waiting for her cue sa susunod na kukunang eksena.

[via]

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites