<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, October 25, 2010

Claudine Bar­retto Updates

Biglang nawala si Mark Anthony Fernandez sa presscon ng Little Star at ilang reporters pa lang ang naka­kausap nang umalis ito. Sabi babalik siya, pero hindi na bumalik at nag-babu na pala, tawanan na lang ang natakasang press.

Hindi natanong si Mark kung ano ang feeling na natupad ang dream niyang makatrabaho sina Jen­nylyn Mercado at Lovi Poe at sabay pa sa isang project.

Hindi rin naitanong sa aktor kung bakit hindi siya na­tuloy sa Rosario na first pro­ject sanang pag­sasa­mahan nila ni Jennylyn. Kay Sid Lu­cero napunta ang role niya sa Metro Manila Film Fes­tival (MMFF) entry.

Hindi rin naitanong kay Mark kung ano ang pagha­han­dang ginagawa at muk­hang matutuloy na ang peli­kula nila ni Claudine Bar­retto sa Viva Films. Hindi pa napi-present sa kanila ni Clau­dine ang script dahil may ipinaayos pa si Vic del Rosario, pero ayon sa ilang nakabasa, maganda ang script at bagay na reunion movie nina Mark at Claudine.

Anyway, mamayang hapon after Yaman ni Lola ang pilot ng Little Star na magpapakilala kay Arthur Castro, ang newest child star na magpapaiyak sa mga viewers.

* * *

Ikinatuwa ng mga fans ni Claudine ang ibinalita ni GMA 7 SVP for Entertainment Wilma Galvante na may project na ang network para sa aktres, hindi lang na­banggit sa presscon ni Ms. Wilma with the entertainment editors dahil hindi pa ready for presentation. Basta worth waiting for at baka early next year na ito.

Hinihintay din ang sagot ni Claudine sa imbitasyon sa kanyang mag-guest ng one week sa Bantatay, kung saan isa sa mga bida ay ang husband niyang si Raymart Santiago. Hindi ito agad nakasagot dahil nasa isang wedding nang itawag ang offer.

May nagwi-wish na tatanggapin ni Claudine ang guesting sa Bantatay dahil bukod sa mapapanood sila ni Raymart, makikita siya ng kanyang fans na nami-miss siyang makita dahil sa Twitter na lang siya nababasa.

Samantala, may inaaway sa kanyang Twitter si Claudine, poser ni Bea (’di sinabi kung sinong Bea) at nakiusap ng, “’wag ang anak ko dinadamay mo. Ur bastos. Get a life! Ur Evil beyond words.”

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites