<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, October 22, 2010

Heart Evangelista Ingrata, says Annabelle Rama

IDINAAN man ni Annabelle Rama sa blind item ang paghihimutok sa isa sa talents ng kanyang Royal Artists Management Inc., nahulaan pa rin ng press na si Heart Evangelista ang pinatutungkulan niya ng mga salitang “ingrata,” “walang utang na loob” at “hindi sisikat” sa presscon na ipinatawag kahapon ng tanghali.

Lahat daw ng alaga niya, mabait, napaka-professional at marunong sumunod sa payo niya, kaya umaasenso. Isa lang daw ang nagpapasakit ng ulo niya.

Puwera sa mga anak niyang sina Ruffa, Richard at Raymond Gutierrez at Ynna Asistio, tanging sina Heart Evangelista at TJ Trinidad ang hindi namataan sa presscon ng birthday show niya at ng Royal Artists na Spotlight (A Fashion Show and a Variety Show) na gagawin sa Oct. 28 sa Crowne Plaza Hotel.

Present sina JC de Vera, Michelle at Ehra Madrigal, Paolo Paraiso, Bubbles Paraiso, Danita Paner, John Hall at Eddie Gutierrez.

Nasa kuwadra na rin ng Royal Artists si Pops Fernandez.

Give-away na give-away naman ang sinabi ni Tita Annabelle na matapos niyang pasikatin uli ang alagang tatlong taong naburo ang career sa ABS-CBN at bigyan ng pinakamalaking kontrata, heto’t ayaw nang mag-renew sa kanya.

May kinalaman daw ang nanay nito na diumano’y nanghihinayang sa 30 percent na komisyong napupunta kay Tita Annabelle, kaya siya na lang ang magma-manage sa anak.

“Naduling yata sa sobrang laki ng nakuha kong kontrata, the next day, ayaw nang mag-renew,” sey pa ng birthday girl na si Bisaya.

May natitira pang isang taon sa tatlong taon na pinirmahan ni Heart sa Royal Artists.

Pero ngayon pa lang, pini-predict na ni Tita Annabelle na “kakarmahin ’yan sa akin” dahil “yumabang!”

“Eh, ’di good luck, good luck to you, girl!” sarcastic na one-liner pa ni Bisaya, na ikinaaliw ng reporters.

Inamin ni Tita Annabelle na sobra siyang nasaktan sa asal ni Heart at ng nanay nito dahil ginawa niya raw ang lahat mula nang mapunta ang aktres sa poder niya.

And’yang ipinareha ito kay Richard para bumongga uli ang career. Naging mas visible rin daw ito nang hawakan niya.

“Ngayon ako nag-o-open-up kasi birthday ko. Ipagdadasal ko na lang siya, Sto. Niño, bahala ka na sa kanya,” dialogue pa niya.

[via]

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

E hindi nga ba, may katapusan naman ang lahat. Bakit nanggagalaiti si Annabelle eh kumita rin naman s'ya sa mga nagawang project ni Heart. And what's up with her, tuwing mayroon s'yang hindi nagugustuhan, para s'ya parating may kakabit na sumpa o pagbabanta sa taong kabangga n'ya pag nagsasalita s'ya. Hindi maganda 'yan sa mata ng Diyos. Mag-bago ka na Annabelle. Kung gusto nilang bumitiw, karapatan nila 'yon. Hindi ka ba natutuwa at may natutulungan kang mga tao at may kabayaran pa! Be happy for them and they'll appreciate you more, and matutuwa pa ang nasa itaas.

6:09 AM  
Anonymous Anonymous said...

Amen. Mangilabot ka naman, May padasal-dasal ka pa eh, galit ka naman. Whatever the reason was, it is their right.
Heart is right, no bad words needed. Sana act like an ADULT and be professional gaya ng palagi mong sinasabi sa interview mo, "Mag paka professional ka".

6:18 AM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites