<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, October 07, 2010

Kris Bernal sinita ng sekyu sa casino

Hindi lamang ang pangyayaring nagsosolo na siya sa bagong serye ng GMA 7, ang Koreana, at simula na ito ng kanyang pagtahak na mag-isa, wala ang ka-loveteam niyang si Aljur Abrenica ang nagbibigay ng malaking nerbiyos kay Kris Bernal, kundi ibang kultura ang kailangan niyang pag-aralan at dalawang baguhan ang kanyang mga leading men, sina Steven Silva at Rocco Nacino.

“Katulad din nung nagsisimula ako, kailangan nila ang suporta na manggagaling sa akin, kahit ako rin ay nangangailangan ng suporta dahil wala nga si Aljur. Pero mas kailangan nila ang tulong kaya sasamahan ko sila sa kanilang journey to stardom. Comfortable naman ako sa kanila. Sana makatulong ako sa kanila,” panimula ni Kris na nahiyang sa kanyang tatlong buwang pamamahinga. Ang isang buwan nito ay ginugol niya sa bakasyon sa Amerika kasama ang kanyang ina. Wala silang ginawa kundi mamasyal at mag-shopping to death.

“Marami akong pinamili na magagamit ko sa trabaho ko pero mostly mga kapatid ko ang ipinang-shopping ko. Namasyal kami ng mom ko sa Universal Studio, pumunta sa isang casino na kung saan ay dinala ako sa office ng security dahil ayaw nilang maniwalang 21 na ako. I had to show them my IDs, kasama na ang driver’s license ko,” natatawang kuwento ng aktres na ni kaunting bakas ng lungkot sa paghihiwalay nila ni Aljur ay wala kang makikita.

Dulot ba ito ng isang bagong pag-ibig? Hindi na niya itinatanggi ang pagkakaroon nila ng MU ng singer na si Jay Perillo.

“Palagi niyang ipinararamdam na ispesyal ako,” sabi niya kasabay ng walang takot na pag-amin na crush din niya ang isa sa ka-partner niya sa Koreana na si Rocco Nacino.

“Naaaliw ako sa kanya. Mabait siya, makulit at mabilis mapalagay ang loob ko sa kanya. Sa sobrang sweet niya minsan naiisip ko kung type ba niya ako o hindi. Ngayon pa lang, marami na ang humuhula na magiging kami na after Koreana.”

Sapat na ba ito para makalimutan niya si Jay?

“Hindi, mahalaga si Jay sa akin,” walang pangi­n­gimi niyang tugon.

For the first time, kung kailan wala na sila ni Aljur ay inamin ni Kris na “Totoong nanligaw sa akin si Aljur. Hindi naging kami pero niligawan niya ako, StarStruck pa lang. Sinabi ko lang sa kanya na next time na lang, pag nai-in love kasi ako, nakakalimutan ko ang work ko. At naintindihan naman niya ako.

“Masaya ang lovelife ko ngayon, tumatanggap ako ng mga manliligaw, okay naman kay Jay, wala pa naman kaming commitment,” dagdag pa niya.

Nakakadalawang taping na sila ng Koreana na mapapanood na sa Okt. 11, sa GMA 7, pagkatapos ng Trudis Liit.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites